webnovel

Chapter 3

Mula umpisa hangang sa matapos ang speech ni Jake ay hindi niya inalis ang tingin kay Lexi. Kung matutunaw nga ito ay umpisa pa lang ng pagsasalita niya ay lusaw na ang dalaga. Hindi siya makapaniwala na muling makikita ang dalaga. Akala niya kanina ay nananaginip lang siya pero ng makita sa harapan ang dalaga ay naninawala na siya na totoo ang nakita niya.

Si Lexi naman ay hindi malaman ang gagawin. Kung yuyuko ba siya o magtatago sa likod ni Rhian. Halos lumabas ang puso niya mula sa kanyang dibdib dahil sa kaba. Halos lahat ng nasa auditorium ay tinitingnan kung saan nakatingin ang kanilang OIC. Ang akala naman ng mga nurses sa likod nila Lexi ay sa kanila nakatitig ang binata kaya kilig na kilig naman ang mga ito.

Kinikilig naman si Rhian sa nakikita sa dalawa. At nakakita siya ng pag-asa na pwedeng ang dalawa ang magkatuluyan sa huli. Natatandaan niya pa ang nangyari noong mga high-school sila. Crush na crush ni Lexi si Jake ngunit ang huli ay busy sa pakikipagligawan sa ibang mga babae na hindi naman kayang tapatan ang ganda ni Lexi.

Laging umiiyak si Lexi sa kanya sa tuwing mababalitaan nila na may bago na naman girlfriend ang binata samantalang kakabreak pa lang nito sa ex niya.

"Bakit kasi hindi mo pa sabihin kay kuya na crush mo siya?" Tanong ni Rhian sa umiiyak na kaibigan. "Tingnan mo yung mga nagiging girlfriend niya, halos sila na ang lumalapit kay kuya, sila na ang nanliligaw. Bakit hindi iyon ang gawin mo?" Naiinis na sabi ni Rhian. Pero hindi nagsalita si Lexi, patuloy lang ito sa pag-iyak.

"Kuya!?" Sigaw ni Rhian. "Bakit panget? Anong problema mo?" Sagot naman ni Jake. Halos kakadating lang nila galing school. "Ano bang napapala mo sa pabago-bago ng girlfriend ha?" Inis na tanong Rhian. "Anong magagawa ko eh lapitin tong kuya mo ng mga babae? Kasalanan ko ba yun?" Sagot ni Jake. "Bakit hindi ka manligaw ng matinong babae?" Tanong ni Rhian. "Sino? Si Lexi?" Balik tanong ni Jake. "Oo, maganda, matalino at mabait pa." Sabi ni Rhian. Natawa ng malakas si Jake.

"Nakikita mo ba ang mga nagiging girlfriend ko? Lahat sila maganda at sexy!" Sabi ni Jake. "Pangit naman ang ugali pati grades nila pangit din!" Sabi ni Rhian. "Ayoko sa mga chubby." Sabi ni Jake sabay talikod sa kapatid. Inis naman na pumasok si Rhian sa kanyang kwarto.

"Nako Ate Lexi, tigilan mo na ang paghanga mo sa kuya kong mayabang! Madaming nagkakacrush sa iyo, ibaling mo na lang sa kanila ang paghanga mo." Sabi ni Rhian. Nakaupo sila sa gazebo at nagpapahinga.

Dahil intramurals sa school, wala silang mga klase. Puro laro lang ang ginagawa ng mga estudyante gaya ng volleyball, basketball, table tennis, at iba pang ball games. Meron ding mga indoor games tulad ng chess, scrabble, at iba pang board games.

Nag-iintay lang ng kalaban si Lexi sa championship ng scrabble kaya inaya muna niya si ni Rhian na magpahangin sa labas. "Alam mo ba sabi ng kuya ko? Ayaw niya sa chubby! Nakakainis di ba?" Sabi ni Rhian. Pinilit na lang ni Lexi na ngumiti pero ang totoo, nasaktan siya. "Hayaan mo na. Magmula ngayon, susubukan kong bawasan ang paghanga ko sa kuya mo." Sabi ni Lexi. "Tama!" Sabi ni Rhian.

"Lexi, start na, pasok ka na." Tawag sa kanya ng isang schoolmate nila.

Pagpasok nila sa room ay nagulat silang pareho dahil ang nakaupo na makakalaban ni Lexi ay walang iba kundi ang topic nila kanina, si Jake.

"Anong ginagawa mo dito kuya?" Takang tanong ni Rhian. "Ako lang naman ang makakalaban niya." Turo ni Jake kay Lexi. "Yabang talaga!" Sabi ni Rhian. Tahimik na naupo si Lexi at inayos ang mga gamit ng scrabble. Dahil sa sinabi ni Rhian kanina, kahit papaano ay may namuong inis kay Lexi para kay Jake.

"Good luck!" Mayabang na sabi ni Jake. Ngumiti naman si Lexi pero hindi tinanggap ang handshake ni Jake. Natawa si Rhian dahil napahiya ang kuya niya. "Woah, pare panis ka." Kantyaw ng mga kaibigan ni Jake na sila Phil, Allen, Dave, Ron. Nagkibit balikat lang si Jake.

"Go, Lexi!" Sigaw naman ng mga bagong dating at mga hinihingal pang kaibigan ni Lexi na sina Tanya, Melanie, Heleina, at Joana. "Oh, di ba may game pa kayo?" Takang tanong ni Lexi. "Pinakiusapan namin si Sir Rey na baka pwedeng hintayin ka na. Alam mo namang ikaw ang ace namin." Nakatawang sabi ni Tanya. "Sira!" Sabi ni Lexi. Kumunot ang noo ni Jake. "Naglalaro ka din ng volleyball?" Tanong ni Jake. Natawa ang mga kaklase nila.

"Masyado ka kasing busy sa mga babae mo. Hindi lang matalino si Lexi, best player din yan sa volleyball." Sabi ni Phil na alam ng lahat na may crush kay Lexi. "Maganda na, sporty pa, at matalino pa, di gaya ng iba." Sabi ni Rhian. "Correct!" Segunda ng iba. "Tama na, magsimula na tayo ng matapos na agad." Sabi ni Lexi. "Game!" Sagot ni Jake.

"Teka, teka. Lexiiiii!" Sabi ni Tanya. "Magkaroon tayo ng bet." Patuloy ni Tanya. Kumunot ang noo ni Lexi. "Kung sino ang matatalo, aaminin kung sino ang crush nila." Sabi ni Tanya. Alam ng mga kaibigan ni Lexi na kailangan lang malaman ni Jake na may gusto sa kanya si Lexi. Baka sakali, maiba ang ihip ng hangin.

"Ok!" Mabilis na sagot ni Jake. Dahil every year ay champion naman si Lexi sa scrabble, hindi siya nagdalawang isip na pumayag sa bet. "Go!" Sagot niya. Nag-apir ang mga kaibigan ni Lexi at nagdasal na sana matalo ang dalaga.

Sa umpisa ay nangunguna si Jake kaya tuwang-tuwa ang mga kaibigan niya. Pero ng nasa kalgitnaan na ay saka rumatsada ang score ni Lexi hanggang sa matapos ang laro at si Lexi ang nanalo. Tumayo na si Lexi pero bago siya lumabas ay nag-offer siya ng handshake kay Jake. Tinanggap naman ni Jake ang handshake pero hindi agad binitawan ang kamay ng dalaga. Nagkatinginan ang mga kaibigan ni Lexi.

"Congrats! Ang galing mo." Sabi ni Jake. Ngumiti si Lexi. "Salamat. Baka pwede mo ng bitawan ang kamay ko. May volleyball game pa kami." Pagtataray ni Lexi pero deep inside, sobrang kilig niya. "Good luck sa game, manonood kami." Sabi ni Jake

"Uy! Hinawakan ang kamay niya." Tukso ng mga kaibigan ni Lexi. "Eto na yata ang matagal nating iniintay." Sabi ni Rhian. Naging malapit na ding kaibigan ni Rhian ang mga kaklase ni Lexi at ng kuya niya. "Oo nga, nakita mo ba yun titig ni Jake sa iyo? Ang lagkit!" Sabi ni Melanie. "Oo nga! Tapos ayaw pang bitawan ang kamay niya." Sabi naman ni Joana. "Ha'ay nako, magsitigil na nga kayo. Parang hinawakan lang ang kamay!" Sabi ni Lexi na nauna ng lumakad sa kanila. "Eh bakit ang pula-pula ng mukha mo?" Habol sa kanya ni Heleina. Para itago ang pamumula ay tumakbo na si Lexi papunta sa court. Kailangan pa kasi niyang magpalit ng uniform para sa volleyball.

"Ano yun pare?" Kunot noong tanong ni Phil. "Ang alin? Inosenteng tanong naman ni Jake. "Yung hawak-kamay?" Sabi ni Allen. "Don't tell me, may crush ka na din kay Lexi." Tukso ni Dave. "Hindi ah, ang galing lang niya." Sagot ni Jake pero tinatanong na din niya ang sarili niya.

Kanina habang naglalaro sila ay hindi niya maiwasang titigan si Lexi dahil seryoso ito sa paglalaro. Sa una ay hindi mo makikita ang ganda ng mata niya, ang tangos ng ilong niya, ang mapupulang labi niya. Pero habang tumatagal na nakatingin ka sa kanya, doon mo makikita na may taglay siyang ganda na pang second turner. "Bakit hindi ko siya napansin noon?" Tanong ni Jake sa sarili.

"Tara na, tara na. Baka di natin maumpisahan yung laro." Sabi ni Ron. "Oo nga!" Sabi ni Jake. "Umiiwas ka lang eh." Tukso sa kanya ni Phil at natawa sila.

Nang dumating nga ang grupo nila Jake ay nakaayos na sila Lexi sa court. Nagsisigawan na ang bawat team. Kanya-kanyang cheer na ang mga teammates nila Lexi. Nang makita ni Jake si Lexi ay napatitig muli siya sa dalaga.

Ayaw niya sa chubby pero bakit parang napako na ang tingin niya sa dalaga. "Ano bang nangyayari sa akin?" Tanong ni Jake sa sarili. "Baby!" Nagulat si Jake ng may biglang yumakap sa kanya. Si Kathleen, ang present girlfriend niya.

"Kath, akala ko may practice kayo para sa Mr. and Ms. Intramurals?" Takang tanong ni Jake. "Break muna kami. Kakapagod din maglakad ng maglakad. Saka gusto ko din manood ng game." Sagot ni Kathleen.

Pumito na ang referee at nagsimula na ang game. Tama ang sinabi ni Phil, best player nga si Lexi. Kahit anong position niya sa loob ng court ay magaling niyang nagagampanan. At kahit chubby at petite siya ay ang taas niyang tumalon. Hindi halos maalis ni Jake ang tingin kay Lexi at napansin iyon ni Kathleen.

"Hoy, Jake! Jake!?" Inis na sigaw ni Kathleen. "Bakit ba?" Tanong naman ni Jake na halatang nainis dahil sa pang-iistorbo ni Kathleen. "Aba! Ikaw pa talaga itong galit?" Sabi ni Kathleen. "Kung sino-sino tinitingnan mo, kulang na lang tumulo yang laway mo!" Inis na sabi ni Kathleen pero hindi siya nakadinig ng sagot mula sa boyfriend dahil nakatitig na naman ito kay Lexi. Padabog na umalis si Kathleen at hindi man lang siya sinundan ni Jake.