2 Chapter 2

Pumasok na sa canteen ng hospital ang dalawang dalaga. Dahil oras na din ng merienda ay halos mapuno ang canteen ng mga staff pati na din ng mga pasyenteng magpapacheck-up sa mga magagaling na doctor ng Skylab.

Dahil abala ang dalawa sa pagkwekwentuhan, hindi nila pansin ang mga matang humahanga sa taglay nilang ganda. Pareho silang maputi, maganda ang hubog ng katawan, ang pinagkaiba nga lang ay ang kanilang height. Matangkad si Rhian samantalang petite lang si Lexi. Madami ang nanghihinayang sa ganda ni Lexi. Kung binayayaan lang siya ng tangkad ay maaaring sumali siya sa isang beauty pageant at siguradong siya ang mananalo.

Pagkatapos mag-order ay humanap ng upuan ang dalawa ngunit puno ang bawat mesa.

"Ma'am Rhian!" Sigaw ng isang nurse sa dalaga. Ngumiti si Rhian at lumapit sa grupo ng mga nurses. "Dito po, may dalawang extra seats pa." Sabi ng nurse na si April. "Salamat. 1st batch ba kayo?" Tanong ni Rhian. "Opo." Sabay-sabay na sagot ng grupo. "By the way, siya si Lexi, bagong staff ng hospital." Pagpapakilala ni Rhian sa dalaga. "Hello po." Sabi ng mga nurses. "Hi, hindi naman siguro tayo nagkakalayo ng mga edad kaya sana wala na yung po." Nakangiting sabi ni Lexi. "Sige po." Sabay-sabay na sabi ulit ng mga nurses na naging dahilan para matawa ang lahat.

"Nga pala ate, dahil staff ka na ng hospital, attend ka ng general meeting ha?" Sabi ni Rhian. "Sure, wala naman akong lakad." Sagot ng dalaga. Masayang ngumiti si Rhian. "Good!" Sabi ni Rhian. Kumunot ang noo ni Lexi. "Parang kinabahan naman ako sa "good" mo na yan." Sabi ni Lexi. Natawa si Rhian at nagkibit balikat ito.

"Nga pala, anong position mo dito? Bakit tinanggap mo agad ako ng walang exam at interview. Baka mamaya mapagalitan ka pa dahil sa akin." Sabi ni Lexi. "Don't worry ate, may say ako dito sa hospital because I'm the Executive Assistant!" Pagmamalaki ni Rhian. Nanlaki ang mata ni Lexi. "Wow! Bigatin ka na pala!" Sabi ni Lexi. Natawa naman si Rhian.

"Eh sinong OIC? Sabi mo kasi kanina kahit siya ay tatanggapin agad ako." Takang tanong ni Lexi. "Mamaya malalaman mo kaya dapat umattend ka ng general meeting, ok?" Nakangiting sabi ni Rhian. "Ok po, Ma'am!" Sagot ni Lexi. Umikot naman ang mata ni Rhian.

"Paging all the staffs, administration, and maintenance, please proceed to the auditorium for our general meeting. "Paging all the staffs, administration, and maintenance, please proceed to the auditorium for our general meeting." Announcement galing sa information deck ng hospital.

"Ate, tara na, bilis!" Excited na sabi ni Rhian na halos madapa na si Lexi sa paghila nito sa kanya. "Wait lang baka naman bago ako maka-attend eh madapa muna ako." Natatawang sabi ni Lexi. Pero patuloy siyang hinila ng nagmamadaling si Rhian.

"Dito tayo maupo." Sabi ni Rhian na pinili ang upuan sa harapan. "Bakit pati ako? Baka mga may position lang ang pwede maupo dito." Nag-aalangang sabi ni Lexi. "Don't worry, you're with the Executive Assistant, remember?" Nakangiting sabi ni Rhian. "Yeah right, thank you, Ma'am." Sabi ni Lexi.

Lumabas na si Anthony galing sa backstage. Siya ay anak ng isa sa mga Board Of Directors ng hospital. Matalik din siyang kaibigan ni Jake. Isa siyang lawyer pero dahil hiling ng mga magulang niya na pag-aralan ang pasikot-sikot sa hospital ay napilitang siyang magstay muna kasama ni Jake para magkatulungan sila sa ikagaganda ng Skylab. Ito ay habang wala pa siyang kasong hinahawakan.

"Good afternoon sa inyong lahat. Salamat sa pag-attend ng unang general meeting ng taon. Welcome sa inyong lahat." Sabi ni Anthony. Palakpakan naman ang lahat. "Hindi ko na papatagalin ang seremonyas. Ladies and gentlemen, ang boss ko, ang boss nating lahat, our Executive Director, Mr. Jake de Castro." Sabi ni Anthony at agad nagpalakpakan ang lahat.

Natulala si Lexi. "Tama ba ang narinig ko?" Tanong niya sa sarili. Tumngin siya kay Rhiana at isang kindat ang sinagot nito sa kanya. Nang tumingin siya sa stage ay saka niya napagtanto na tama ang hinala niya, si Jake nga ang naglalakad papunta sa podium.

Jake de Castro, ang super duper over crush ni Lexi simula elementary hangang sa ngayon. Classmates sila mula kinder hanggang third year highschool lang dahil nagtransfer na ito ng ibang school. Iniyakan niya ang pag-alis nito at na mabalitaan niya na pumunta na ito sa States para doon mag-aral ay nalungkot siya ng sobra. Mula noon ay wala na siyang naging balita sa binata.

Dahil naging close sila ni Rhian, ito ang unang nakaalam na matagal na niyang hinahangaan ang kuya nito.

Magkapatid si Jake at Rhian, at alam ng dalaga ang istorya ng dalawa at gagawa siya ng paraan para matuloy ang naudlot nilang happy ending.

Gustong lumubog ni Lexi sa kinauupuan. Gusto niyang batukan si Rhian na ngayon ay nakatingin sa kanya ng may panunukso sa mga mata. Kaya pala gusto nitong sa harapan sila maupo, may sorpresang pala itong nakahanda na talagang ikinagulat niya.

"Meet our Executive Director, my kuya and your super duper crush o baka love mo na?" Tukso ni Rhian. "Humanda ka sa akin paglabas natin dito." Seryosong sabi ni Lexi. Tumawa lang si Rhian.

Nanlalamig si Lexi at hindi niya alam kung dahil sa aircon o dahil sa taong nasa stage. "Uy, nakatitig sa'yo si kuya." Tukso ni Rhian. "Heh! Tumigil ka nga dyan." Sabi ni Lexi na ikinatawa ni Rhian. "Bakit ang pula-pula mo?" Muling tukso ni Rhian. Gustong tumayo at umalis ni Lexi pero tiyak na gagawa lang siya ng palabas kaya nanahimik na lang siya at hindi pinatulan ang panunukso ng kaibigan.

"Magandang umaga sa inyong lahat. Welcome sa Skylab Hospital." Panimula ni Jake. Nagpalakpakan naman ang lahat lalo na ang mga kababaihan. "Grabe, ang gwapo talaga ni OIC! Makalaglag panty at bra!" Sabi ng isang nurse. "Oo, tama ka. Mahalikan lang niya ako, pwede na kong umakyat sa heaven." Sabi naman ng isa. Kinalabit sila ni April at sinenyasan na huwag maingay dahil ang kapatid ng OIC ay nasa harap lang ng kanilang kinauupuan. Ang dalawang nurse ay agad tinakpan ang bibig at hindi na muli nagsalita pero tahimik na pinagpapantasyahan si Jake.

Nadinig naman nila Rhian at Lexi ang mga sinabi ng mga nurses sa likod nila. "Tsk tsk tsk, kailangan mo yatang bakuran si kuya. Umpisa pa lang madami ng aaligid sa kanya." Bulong ni Rhian. "Bakit ko naman siya babakuran? Wala naman kaming relasyon." Sabi naman ni Lexi. "Gusto mo bang sa iba na naman siya mapunta?" Tanong ni Rhian ng may paghamon sa tono.

"Miss Executive Assistant, nagpunta po ako dito para magtrabaho at hindi maghanap ng sakit ng ulo." Sabi ni Lexi. "Sakit ng ulo o sakit ng puso?" Nakangiting sabi ni Rhian. "Ikaw talaga, hindi ka talaga titigil hanggang hindi ka nanalo." Sabi ni Lexi. "Ok, sige na, miss pikon. Makinig na tayo sa Mr. Crush mo." Sabi ni Rhian na ikinabuntong hininga ni Lexi.

avataravatar
Next chapter