webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 38: Veberly

Madaling lumipas ang oras. Di ko rin namalayan na nakatulog na pala ako.

Naalimpungatan ako sa ingay ng mga dumating.

"Kuya, wag ka ngang maingay. Magising si Bamby sa'yo eh.." Dinig kong di pamilyar na boses. I don't know who own it. Hirap akong memoryahin ang boses ng mga tao. Malay ko ba.

"Sis, ikaw kaya ang maingay. Not me. duh?.." may iilang naghagikgikan sa kanyang sinabi. Now I know. Ang magkapatid. My cousins.

"Urgh!!.." mahina ngunit dinig ko dahil sa diin ng kanyang pagkakabigkas.

Muli na namang nagtawanan ang lahat.

"Kuya Mark, kailan po ba sya magigising?." Kuya Mark?. Wait. Kailan pa sya nakauwi galing Korea?. I want to ask but I refuse. Saka nalang pag talagang okay na ako.

"Mamaya siguro.. Ang sabi ni Lance, kanina lang daw natulog eh.."

"Kawawa naman ang pinsan ko. Tsk.. makita ko lang yung boyfriend nyang yan.. bugbugin ko.." she said. Naiimagine ko na ang pagngiwi ng kanyang bibig. Ang taray na ng kilay nya panigurado.

"Sis, you have no right.." saway nito sa kapatid. Base sa pagkakakilala ko kay kuya Alex. Hilig talaga nitong mang-asar. Kung madali kang kakagat sa bitag nya. Talo ka. Duon ka na nya sisimulang asarin dahil he knew that na madali kang maasar just like his sister.

"Anong wala?. Di pa ba sapat na pinabayaan nya ang taong mahal nya?. Hay.. mga lalaki nga oo.. sakit sa ulo.."

"Ahahah.." hagalpak ng kanyang kapatid. "Mali ka dyan sis.. ikaw kaya ang sakit sa ulo namin ni daddy.. not like what you have just said, us to yours?.. duh?.." see?. He's teasing her.

"Bwahahahahaha.." May iilang humagalpak ng tawa. Sino kayang mga kasama nila?. Mukhang isang grupo silang dumating.

"Kuya!.." may diin ang pagkakasabi nya. Base pa sa timbre ng kanyang boses. Mukhang naiiyak na ito. Crazy man!.

"Duh?.. that's true lil sis.. haha.." oh man!.. He loves teasing girls. Like us. Girl cousin's.

I slowly open my eyes. Madilim sa buong kwarto. Sa higaan ko lang may ilaw. Unti unti kong sinuyod ng tingin ang lugar kung saan may mga nagbubulungan. Maingay ang makina sa gilid. Maging ang inuupuan ng mga ito.

"I hate you!.." she cursed him. Sabay pa ng padyak sa sahig.

"Naa!. Ha!.. I love you sissy.." sutil pa nya sa kapatid.

"Tumigil na nga kayo.. para kayong aso't pusa.." Ani Selena. Nakaupo sya sa tabi ni kuya Mark. Pagitan nina kuya Alex. Na katabi rin ang kambal na si Zack at Zion. Pareho nang nakatingin sa gawi ko. I smiled at them nang magtama ang aming paningin. They just nodded at me silently. The silent type of cousin I have.

"Oh my God!.. she's awake.." tili bigla ni Veberly na nakapagpagulat sa kanilang lahat. Maging sakin. Damn!. Kumalabog ng isang beses ang dibdib ko. Kabog na nakakatakot. Mabuti nalang di na umulit pa.

"Can you please stop screaming V.." saway dito ni at Selena. Sinang-ayunan naman sya ng lahat.

She just rolled her eyes. Unang tumayo sina ate Selena at Kuya Mark papunta sakin. "Bamblebie.." bati sakin ni kuya habang iniaabot ang isang kumpol ng rosas na tinanggalan na ng tinik.

"Thanks.." kinuha ko ang bulaklak na bigay nya saka nilagay sa aking kandungan matapos umupo.

"Wag kang magpasalamat.. kinuha ko yan sa mga tanim mo.. hahaha.." magsasalita na sana ako nang pigilan nya ako. "Don't worry.. pinaalam ko kay mama.. sya pagalitan mo... di ako... hahahahaha.." with the evil smirk and wink. Damn boys!. Lumipad sa ere ang kamao ko subalit mabilis nya iyong sinangga. Walang kahirap hirap. Paano ba naman kasi. Wala rin naman akong lakas sumuntok. Nanghihina pa ako.

"Crazy dude...eto cous.. sa flower shop ko yan binili.. Alam ko kasing paborito mo ang rosas eh.." dinamba ni ate Selena si kuya sa balikat upang pumagilid ito at sya ang pumalit sa mismong tabi ko

"Thanks ate.." ngiti ko. Kinuha ang binigay na isang kumpol din na rosas saka tinabi sa bigay ni kuya. Kaedad nya si kuya kaya madalas silang dalawa ang magkasundo sa amin.

"Ayun din sa amin Bamby.." turo ng kambal sakin. Nasa couch ito. Unan na mukha ni Doraemon.

Lumaki ang di pa gaanong mulat na mata. Naexcite sa nakita.

"Can I have it?.." inilahad ko pa ang kamay sa kanila.

"Ah yeah.." agarang kinuha ito ni Zion at binigay sakin.

"Ang cute.. hehe.. thank you guys.." pasalamat ko sa kanila. Nakatayo sila sa kabilang bahagi ng hinihigaan ko. Kaharap nina kuya. Habang ang isa.. Nakatayo lang sa malayo. Nakahalukipkip at masama ang timpla ng mukha. Malayo ang tingin samin.

"Hey, sis!. di mo ba ibibigay yung binili mo?.." tawag dito ni kuya Alex na kakalabas lang ng banyo. Di iniinda ang sama ng mukha ng kanyang kapatid. Loko talaga! Pareho sila ng ugali ni kuya Lance. Bully!. Nagspray sya ng kamay bago dinampot ang isang paper bag na nasa gilid ng upuan. "Here, Bamblebie.. get well soon okay?.. we miss hanging out with you.." ngumiti ako kahit na nasa kapatid nya ang aking paningin. "Ou naman.. ako pa.. salamat kuya.." ginulo nito ang buhok ko kahit na sinaway pa sya nina kuya at ate sa gilid. Nagtalo ang mga ito sa harap ko. Di ko maiwasang ngumiti sa ginagawa nila. Mga isip bata. Tsk..

"Hey!!.." tili ng isang tao. It's Veberly. Tumigil sila sa pagtatalo. I don't know kung saan na ang ugat ng pagtatalo nila. Mga abnoy!. Maliit na bagay. Pinapalaki. "Ang ingay nyo.. wala po tayo sa bar remember?.." sita nya sa kanila habang paisa isa ang hakbang papalapit sakin.

Nagtarayan pa ang mga ito. Subalit mas nanalo ang mas mataray. Lumabas sila nang may pabulong na sinasabi sa kanya.

"Hey!." nang maiwan kaming dalawa. Tinanggal muna nya ang mga bulaklak sa aking kandungan bago umayos ng upo. Dinala sa couch at bumalik ng upo.. "Cous, you okay?..."

"Okay na ako.. Salamat.."

"You sure?. Wala bang masakit sa'yo?. Ang ulo mo?.. teka, you know me?.." tumango lamang ako sa mga tanong nya. "Oh gosh!.. mabuti nalang.. sobra akong nagalit ng marinig kong may nangyari sa'yo.. ayoko pang maniwala.."

"Naniniwala ka na ngayon?.."

"Hmmm...nga pala.. dumalaw na ba dito boyfriend?..makita ko lang yun, sasapakin ko.. bat ka iniwan mag-isa?. my goodness!.. Ang dapat dyan hinihiwalayan.." dire diretso nyang sambit.

Hindi ko sya sinagot.. Tinignan ko lang sya. Ano bang dapat kong sabihin?. Baka hindi nya lang maintindihan pag magpaliwanag ako sa kanya. Kaya mabuting wag nalang magkumento.

Sa kabila ng katahimikan ko. Patuloy pa rin sya sa pagdaldal. "One more thing cous... you know what?.. ahh!.." tumili pa sya.. Hawak ang mga pisngi. "Nakita ko sya.." dugtong pa nya.

Kumunot ang noo ko. "Who?.." lito kong tanong.

"Yung crush ko..my gosh!. ang gwapo nya..."

"Saan mo naman nakita?.." ito yung kinuwento nya sakin nung reunion.

"Dito sa ospital.. paakyat kami nang matanaw ko sya sa hallway.. hahabulin ko sana kaso hila hila ako ni ate Selena. urgh.. Yun na sana eh.."

Sino kayang kinahuhumalingan nya ngayon?. Sobrang gwapo nya ata para maging baliw sya ng ganito. Tsk..