webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 37: Gift

Wala pang kalahating minuto. Nagsunod sunod na ang pumasok saking kwarto.

"Anak..." sinugod ako ni mama. Niyapos at dahan dahang niyakap. "Salamat at nagising ka na.." she cried behind me. Sinuyod ang kamay saking buhok. Pagkatapos nun. Pinunasan naman ang luha sa kanyang mata habang may ngiti sa kanyang labi.

"Nak,.." papa held my right hand. Hinaplos nya ito. I turned my gaze at him. Gaya ni mama. Puno na rin ng luha ang kanyang mga mata. His lips trembled. Wanting to speak but he didn't. Imbes. Isang ngiti lang ang ipinakita nya sakin bago nag-iwas ng tingin upang wag kong makita kung paano nya punasan ang luhang naglandas sa kanyang pisngi. His usual traits.

"Kilala mo pa ba kami anak?.." nalipat kay mama ang paningin kong naglibot agad sa mga kasamahan nilang pumasok. Andun sina Kuya Mark at ate Cindy na nakaalalay sa kanyang likod. Kasama naman ni kuya Lance si Jaden na nasa paanan ko. At si papa ang nasa kaliwa ko with kuya Alex. He's smiling at me. Widely.

"Lance, pumunta na ba ang doktor dito?.."

Tinanguan sya ni kuya.

"Yes ma.. okay na raw po sya..." nalipat sa kanya ang paningin ni mama. Bakas ang kaluwagan sa mukha nya. I heard them sighed. Letting out of worries.

"Anak, magpagaling ka ng husto ha.. yung ticket mo papuntang Korea, naghihintay na sa'yo.." hinawakan nya ang aking baba saka hinaplos. "You're going to the place where your dream land is.."

Bahagyang lumaki ang aking mata. Di makapaniwala. Seryoso?. Korea?. O my God!.. Hanbin!. I'm coming!..

"Is that a joke?.." halos bulong lamang ito dahil wala akong lakas. Nanghihina pa. Yung katawan ko. Parang latang gulay. Laylay.. Nanlalambot pa.

Humalakhak sya pero may luha pa rin sa kanyang mata. "No baby.. pupunta ka roon with your kuya and Jaden.. it's our birthday gift for you.."

Whoa!.. Birthday gift?. Kung ganun, excited na akong pumunta..Here I come Korea.

Mabilis tumango si kuya Lance sakin habang si Jaden naman ay nakangiti at kumikinang ang kanyang mata. Nagbabadya ang luha. How I miss his eyes. And him.

"Yun yung gusto kong sabihin sa'yo noon Bamblebie, alam mo ba yun?.. remember the day na tinulugan mo ako?.. haha ." kuya Mark interrupted. Pareho silang malaki ang ngiti ni ate Cindy. Still she's glowing and gorgeous.

Tanda ko nga. Di ko naman alam na iyon pala ang sasabihin nya. Suskupo!.. Kung alam ko lang, e di sana andun na kami ngayon. Tsk.

I slowly nodded.

"Sinabi kasi sakin ng kuya Lance mo na gustong gusto mo raw pumunta roon.. so, Cindy and I, bought you a ticket.." nagtanguan sila ni kuya Lance.

"Say thank you please?.." kumindat pa.

"Ano ba?.." pinalo sya ng kanyang asawa sa dibdib. He just laughed. "Hindi pa totally magaling kapatid mo.. umayos ka nga.." saway sa kanya ni ate Cindy.

Naglokohan pa ang mga ito.

Tinulungan nila akong makaupo. Inayos maging ang mga nakasabit sakin. Nagpaalam sina mama na kakausapin ang doktor. Umalis din ang mag-asawa dahil may bibilhin daw sa labas. Naiwan kaming tatlo.

"Sagutin ko lang ito.. pare bantayan mo muna sya.." paalam din ni kuya Lance. Nagmamadali. Kanina pa kasi tumutunog cellphone nya. I wonder who's on his line?.

Pagkasara ng pintuan. Dahan dahang naglakad ito papalapit habang di tinatanggal ang titig sakin. Kanina pa to eh. Maraming gustong sabihin pero di masabi dahil nahihiya. I knew him. "Kilala mo ba ako?.." una nyang tanong.

Tumingin lang ako sa mukha nyang parang malaki ang pinagbago. Pumayat ba sya?.

"Babe?.." hinaplos nya ang aking kamay.

"Pumayat ka.." iyon ang uang lumabas sa bibig ko. Bahagya syang natigilan.

Kalaunan rin. Nakabawi at nguniti.

"Pangit na ba ako?.."

Tipid akong ngumiti. Kagat ang labi. "Wag kang mag-alala. Gwapo ka pa rin sa paningin ko.." parang hindi ito makapaniwala sa nakikita. Nagulat nalang ako nang yakapin nya ako bigla. "I miss you so much.." he murmured.

"Isang buwan tayong 'di nag-usap..sinong di makakamiss?.." mas lalong humigpit ang yakap nito sakin. Miss nya ako. Sobra. Gigil ang yakap eh. Hay baby!..

Di ako makahinga. Kaya tinapik ko ang kanyang likod. "I miss you too.." bulong ko bago sya tuluyang kumalas ng yakap. He bite his lips. Damn!.

"Pagaling ka na.. para date tayo sa Korea.." kindat pa nya..

"Opo.." may sasabihin pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto at iluwa ang taong di ko inaasahan. Sina Karen at Winly.

"Gurl!.." naiiyak na nilang sabi. Mga baliw.. Tumayo si Jaden upang bigyan sila ng daan papunta sakin.

"Teka.. kilala mo ba ako?. Kami?. Sya??.." turo nya kay Jaden sa huli.

Tumango ako kay Winly.

"Gosh.. mabuti nalang.. kundi.. naku malaking problema gurl.."

"Okay ka na ba?. Wala na bang masakit sa'yo?.." Karen asked.

"Medyo namamanhid lang katawan ko pero ayos na ako.."

"Magpalakas ka na para makapaglaro na tayo sa may game zone.. boring na ako sa bahay eh.." dagdag pa nya.

"Yeah.. I will..." sa nagdaang araw. Wala na akong alam tungkol sa ginagawa nila. Malay ko ba. Mahaba rin ang isang buwan. Hindi biro ang araw na yun. Sana lang. Wala pa ring nagbago. Sana lang. Tulad pa rin ng dati. Sana lang.