17 Chapter 17: Luigi

"Galit ako sayo kanina." sabi ni Billy.

"Eh?"

"Don't ask why, maiinis lang ako."

"Okay.."

"Good." then he kissed my forehead.

"Ayos ka na?"

"Hai, arigato."

And so we went back to the gym at nagpractice.

It was such a relief.

++++++++++++++++++

Pasko na.

Hindi ko masyadong ramdam ang Christmas ngayon. Parang may kulang sakin.

Ayaw kong aminin sa sarili ko kung ano iyon.

I took the last vitamin out and read it..

You're the only one who made me feel this way. You are more than I could ever want. You are my sunshine..

"Thanks for making me feel good and strong. Thank you.." mahina kong sabi. I let the tears fall once again.

++++++++++++++++

Isang araw ay may isang lalaking lumapit sakin. Nagulat pa ako nang tawagin niya ako sa pangalan ko.

Siya kaya si Pogi slash Mr.Yabang?

Ang bata naman, tiyak na high school pa lang ang isang ito.

"Ako si Luigi, pinsan ako ni Kuya Chester."

Oh nose…  =_____=  

Kumunot ang noo ko pagkarinig sa pangalan ni Chester. Napansin kong may looks din si Luigi.

"Okay, can I help you?"

"Magpapaturo sana ako ng sayaw sayo. Kasali kasi ako sa Mr. University sa High School Division. Second year high school palang kasi ako eh."

Halos pareho nga sila ni Chester sa mga kilos at pagsasalita.

"Bakit hindi ka sa kanya magpaturo? Nagsasayaw din naman 'yun ah."

"Mas magaling ka daw kasi sa kanya. Saka maiksi pasensya ni kuya hehe."

Kainis, hindi na yata talaga mawawala sa buhay ko ang Chester na 'yan.

"Sige na naman, turuan mo na ako. Malapit na kasi ang competition. Three days na lang at laban ko na." paawa effect pa ang bata.

"Uhmmm…"

Haay, pumayag na rin ako.   -____-  

Kinuha niya ang phone number ko, kinuha ko rin yung number niya syempre. Sinabihan ko siyang tuturuan ko siyang magsayaw every afternoon pagkatapos ng classes ko. Nag-thank you naman siya.

++++++++++++++++

Kinabukasan ay nag-practice nga kami ng sayaw ni Luigi.

Madali naman siyang turuan pero hindi masyadong magaling mag-execute ng steps. Mga 6pm na noon at nagulat na lang ako nang biglang dumating si Chester at pinanood ang pagtuturo ko kay Luigi.

Hindi man lang niya ako pinansin kaya naman deadma ko lang din siya.   >.<  

Natapos naman namin ni Luigi ang steps kaagad. One and a half minutes lang naman daw ang talent portion nila. So polishing na lang ang kailangan. Nakaupo lang si Chester sa isang tabi at nagse-cellphone, nagte-text.

Ako naman tong si gago, iniisip kung sino kaya ang ka-text niya.

Ayt, parang nagseselos ako.   >.<  

Oo nga, mahal ko pa siya. Pero wala na talaga kami. Wala na akong magagawa. Kahit na ano pang nararamdaman ko ay hindi na mahalaga ngayon.

Pinagsayaw ko si Luigi nang hindi ko sinasabayan. Para naman makita ko kung nakabisado niya yung steps na itinuro ko sa kanya.

Nagsimulang magsayaw si Luigi. Nakita ko namang nagte-text pa rin si Chester.

Nakakainis!    >.<  

Tunog nang tunog ng cellphone ng hinayupak. Mukhang maraming katext.

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung may message ba ako.

2 messages received. Ang lahat ay galing kay Pogi slash you know what.  -____-  

Unang message:        Musta po? sana ok ka ngaun.

Second message:        Momo, miss na nman kita. mgtxt ka nman oh.

Kahit na medyo naiinis ako kay Pogi ay ni-replyan ko na rin siya. Para lang makasabay ako kay Chester. Lol.

Hindi man lang kasi niya ako tinatapunan ng tingin at apura lang ang text sa cellphone niya.  >.<  

Sinigurado kong hindi na naka-silent ang phone ko para marinig din ng Chester na 'yun na may katext din ako. Lol. Gantihan lang yan.

Si Luigi naman ay tuloy lang ang sayaw sa harap namin. Para bang nawala na siya sa pakialam namin ni Chester. Biglang tumunog na naman ang message alert ni Chester.

"Aherm!" sabi pa ng lintek!   >.<  

Papansin! Kainis!!

Syempre hindi naman makakalampas sa pandinig ko ang tunog ng cellphone niya no! Hindi ako bingi! Dafuq!

Nang-iinis lang talaga.

Ang cellphone ko naman ang tumunog. Dalawang message na magkasunod. Turn ko na para mang-inis din.

"Aherm-herm!" syempre dalawa yung nareceive ko, kaya aherm-herm. LMAO.  XD  

Napansin ko namang nakatitig sakin si Chester kaya naman todo ang ngiti ako habang binubuksan ang mga messages ko.

Sinigurado kong makikita niya na masaya ako para lalo siyang mainis.   :P  

Ang unang message ay galing kay Pogi.

Nagdinner knb? Wag kang mgpa2gutom ha.

Natuwa naman ako talaga sa message ni Pogi kaya naman hindi na natanggal ang ngiti ko habang nagta-type ng sagot ko sa kanyang message.

Sinabi ko kay Pogi na hindi pa ako kumakain pero busog pa naman ako. Nagpasalamat na din ako sa kanya dahil lagi siyang nagpapakita ng concern sakin.

Narinig ko na namang tumunog ang cellphone ni Chester. Naasar na naman ako.

Pero syempre, hindi ko iyon ipinahalata. Nakangiti pa rin ako habang binubuksan ang pangalawang message na natanggap ko.

Pinilit ko pa ring hindi tanggalin ang ngiti ko sa mukha kahit na ang nabasa ko sa message na na-receive ko ay..

Natigil na ang iyong.... Chu chu ek ek keverlu keverlu and all that!..

Waaaah! Ngayon pa nakisabay ang expiration ng unli ko! 'Pag naman talagang tinamaan ka ng malas.   >.<  

Buti na lang at may extra load pa ako kaya lang ay hindi na yun sapat para makapag-unli ulit ako. Hinayaan ko na lang, uubusin ko na lang ang natitira kong load.

Nagpatuloy ang pagte-text at pagtunog ng mga cellphone namin. Ayaw talagang magpatalo ng isa't-isa. Para bang kung sino ang unang bibitiw sa cellphone ang siyang matatalo. Naging contest pa ngayon ang pakikipagtext. Lol.   xD

Talagang itinuon ko ang attention ko sa pagtetext kay Pogi. Hanggang sa napansin kong nakaupo na pala sa harap ko si Luigi at nakangiti.

"Tapos na." sabi pa ng bata habang hindi pa rin nawawala ang ngiting para bang napakapilyo. Namula naman ako pagkasabi niya nun.

"Very good. Uh, kaunting practice na lang." sabi ko na lang para mawala ang pagkapahiya ko.

Ang totoo niyan ay hindi ko naman napanood ang pagsasayaw niya.

Maya-maya ay si Chester na ang nagtuturo kay Luigi. Ako naman ay nakatingin na lang sa magpinsan. Sinasabihan ni Chester si Luigi na ayusin ang pagsasayaw. Itinuturo nito ang tamang galaw tuwing makikita nitong hindi maganda ang pagkakasayaw ni Luigi.

Natuwa naman ako sa pinapanood ko. Natapos din kami nang bandang 8pm. Nag-prisinta silang dalawa na ihatid ako sa bus terminal.

Wala na kasing jeep nang mga oras na yun kaya magba-bus na lang ako. Hindi na ako tumanggi sa paghatid nila sakin.

+++++++++++++++

TO BE CONTINUED...

avataravatar
Next chapter