16 Chapter 16: When a door closes, a window opens.

"Hindi siya pwedeng mawala." sabi ni Billy sakin.

Napalingon ako sa mukha niya. Namumungay na ang mga mata nito. Katulad ni Chester.

Lasing na sila.

Waaaaaah!!!!

Ano'ng sabi ni Billy?

"Hindi siya pwedeng mawala.. Remember, siya yung blowfly."

"Huh?"

Naapektohan na ng alak ang pagsasalita ni Billy. Ang bagal niya magsalita.  >.<  

"Siya yung blowfly. Ako naman ang fly swatter mo.."

Parang maiiyak si Billy habang nagsasalita. Nakatingin siya sa mga mata ko.

Wait lang, ano bang sasabihin mo? Teka, parang ayaw ko madinig.

"'P-pag nawala siya," kinuha nito yung alak, nagsalin sa sariling baso at ininom.

Inakbayan niya ako pero sapat and distance para magkatinginan pa rin kami.

"'Pag nawala siya, hindi mo na ako kailangan…"

Napaiyak ako sa narinig ko.

Hindi..   T.T  

I don't know what to say.

Billy laid his head on the table and instantly fell asleep.

Oh my gosh. Ganun pala ang iniisip ni Billy. He thinks I'm just using him.

T.T  

Napatingin ako kay Chester na ngayon ay nakatulog na din. Itinuloy ko ang pag-inom nang mag-isa. Hindi ko alam kung ano na ang mga nangyayari.

Sana panaginip lang ito.    T.T  

Naiiyak ako mag-isa habang umiinom. Nahihilo na din ako. Lumabas muna ako sa front door at nagpahangin.

Ilang minutes ang lumipas nang lumabas din si Billy. Binigyan niya ako ng coffee.

Ipinagtimpla pa niya ako.  T.T

Napangiti ako nang makita ko na may naka-draw na smiley sa foam ng coffee.

"Tikman mo muna baka hindi mo magustuhan ang timpla ko."

Humigop ako ng kape.

"Matapang sa kape at cream. Ganito din ako magtimpla."   ^.^  

Nagsmile siya sakin bago humigop din ng kape. Tapos tahimik lang kami na nakaupo sa bench doon.

Ano kaya ang iniisip niya? Galit kaya siya sakin? Mukhang hindi naman.

Maya-maya ay hinawakan niya ang kamay ko.

"I'll show you something. Come.."

Napapatulala naman ako habang ibinababa ang mug. Ang sarap ng pagkakahawak ni Billy sa kamay ko. Nakatingin lang siya sakin habang naglalakad kami.

"San ba tayo pupunta? Ang dilim dito."

"Just wait. You'll love this.."

Sa gilid ng bahay nila kami nagpunta at naglakad pa ng medyo malayo. Ang lamig sa labas pero okay lang.

Papunta kami sa isang malaking puno nang mapatulala ako.

Bumitiw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko at patakbong lumapit.

Sobrang ganda…

Napakaraming fireflies na nasa mga sanga at dahon ng puno. Para iyong maliliit na ilaw na nagbi-blink. Ang buong puno ay kumikislap.

"This is beautiful.." bulong ko.

Lumapit siya sakin at hinawakan ulit ang kamay ko. Inaya niya ako sa ilalim ng punong iyon. May malaking swing pala na nakasabit sa puno.

Nahiga siya sa swing. Pinahiga niya din ako kaya naman yakap niya ako habang nagkukuwentuhan kami.

"Merry Christmas baby.." narinig kong bulong niya sa isa kong tenga.

Napaharap ako sa kanya at nagtama ang mga ilong namin, sobrang lapit pala namin sa isa't-isa.

"M-merry Christmas.." mahina kong sabi, nakatitig ako sa mga mata niya.

I was so clueless about what's going on his mind. He just stared at me.

I gave him a confused look..

He crossed the small distance between our faces. I didn't know how to react. My heart was beating thousands of miles an hour.

I couldn't look into those dark eyes any longer. I closed my eyes.

It was such a sweet kiss..

….

….

I can't explain how I felt.

+++++++++++++++

Nagpunta ako sa gym dahil may practice kami. Hindi siguro ako nakatingin sa dinadaanan ko kaya may nabangga ako.

"Gomenosai!" sabi ko.

Nalaglag yung mga dala kong gamit at bag. Tinulungan niya ako pulutin yung mga gamit ko.

Ayt. Kahit kelan talaga clumsy ako.  >.<  

Nakuha ko na lahat ng gamit ko nang iniabot nito yung wallet size picture namin ni Chester.

"Mag-iingat ka kasi lagi.."

That voice! Napatingin ako sa mukha niya.

….

....

Si Billy pala.  T____T   

Nakita pa niya yung picture.   >:(  

OMG. Pokerface lang siya. Magpapaliwanag ba ako? Magsosorry? What?!

"Okay lang yun." sabi nito sabay talikod at lakad palayo.

+++++++++++++

Malapit na magstart yung practice pero hindi na ulit lumitaw si Billy. Biglang nawala.

Ayt, kasalanan ko!

Nagpaalam ako kay Ms. Gwen na hahanapin ko si Billy.

Nagpunta ako sa gawing likod ng gym at doon ko siya nakita na nakahiga sa isang mahabang bench.

Nakapikit siya, ginawang unan ang mga braso.

Mukhang tulog.   >.<  

Hindi ko alam ang dapat sabihin sa kanya.

"Sorry." sabi ko maya-maya.

Matagal bago siya nagsalita.

"You've changed…"

"Huh?"

"I said you've changed. Dati 'pag malungkot ka, kitang-kita 'yun sa mukha at ikinikilos mo, ganun din 'pag masaya ka. 'Pag masaya ka, hindi pwedeng walang makapansin."

"Uhm. Hindi… kita maintindihan." sagot ko.

"Pero ngayon, you are not transparent anymore. Ang hirap mo nang basahin. I still love you, and I love this version of you as well. Pero it breaks my heart imagining how you are feeling. Ayaw ko na malungkot ka. Ganyan ba talaga 'pag nasaktan nang sobra? Malaki ang ipinagbabago?" bumangon at umupo na siya sa bench.

"All this time, I wanted you to tell me how you feel. He must be your first love, and your first heartbreak. I appreciate na ayaw mo akong masaktan kaya wala kang sinasabi. Pero lagi kong wish na maging open ka sakin."

Tinitigan ko siya nang mabuti. Nahihirapan ang loob ko sa mga sinasabi niya. 

"I hate myself. 'Di ko siya makalimutan."

This is giving me much discomfort.   T.T  

At last nasasabi ko na kay Billy.

"I know, nandun ako sa rooftop nung isang araw."

?_____?

So siya pala yun. Narinig niya lahat ng emote ko sa rooftop. >:(  

"Kung pwede lang sana na makalimutan ko siya agad."

"Kung pwede lang sana hindi ko na lang siya nakilala."

"Kung pwede lang sana. Kung pwede lang sana na hindi ko na siya mahal."

"Kung pwede lang sana na naibabaling basta basta ang feelings."

"Momo. Lahat naman pwede. Pero hindi lahat dapat. Hindi dapat na umasa ka pa sa wala na."

"When a door closes, a window opens." sabi pa ni Billy.

I can feel his sadness. I feel so sorry. I'm hating myself for causing Billy this emotional load. I'm so stupid. I'm a fucking idiot. Lahat ng bad vibes sa buong situation na ito, ako ang cause. 

Paano naman kung yung door pa din ang gusto kong buksan? Hindi ba pwede 'yun?

Mali yata na sinabi ko sa kanya ang mga nararamdaman ko.

"Hindi talaga lahat ng gusto mo ay makukuha mo." bulong ko sa sarili.

"Parang ikaw.." sagot niya.

Napayuko ako at hindi ko napansin na umiiyak na pala ako.

"Stop crying. I hate it when I see you cry.." tumabi siya sakin.

Parang gusto niya na hawakan ang mukha ko na parang hindi.

Yumuko na lang ako dahil hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Niyakap niya ako.

"Whenever I see you cry, it makes me want to protect you even more. And I'm afraid I might become possessive. Ssshh, stop crying babe. I hate it.."

Lalo ako naiiyak sa sinasabi niya eh.   T.T  

"Hey, stop it.."

"Billy, thank you.." sabi ko sa pagitan ng mga hikbi.

"No problem. But for now, pwede bang tumigil ka na sa pag-iyak please. Baka isipin nila pinapaiyak kita."

Kumalas siya sa pagyakap sakin. Pinunasan niya ang mga luha ko.

"Stop okay? Hays nakakainis, hindi kita matiis."   

Kumunot ang noo ko. Hindi ko gets ang sinasabi niya.

"Galit ako sayo kanina."

"Eh?"

"Don't ask why, maiinis lang ako."

"Okay.."

"Good." then he kissed my forehead.

"Ayos ka na?"

"Hai, arigato."

And so we went back to the gym at nagpractice.

It was such a relief.

++++++++++++++++++

TO BE CONTINUED...

AUTHOR'S NOTE: Add niyo na lang ako sa facebook lol. 😂 😂 😂

Facebook Name: Momo NM

Thank you! 😘😘😘

avataravatar
Next chapter