webnovel

Clichè (Unexpected Love Story)

clafertine · Urban
Not enough ratings
4 Chs

2 Lost Identity?

Nagulat na lang si Maxima sa nangyaring iyon at hindi na nakagalaw. Halata sa kanyang mga mukha ang pagkagulat sa mga pangyayari.

Primo's POV

"Hay, Salamat naman at wala na sila," mahinahong sabi ni Primo. "Salamat sa tulong mo, Miss?"

Maxima's POV

"Ha?" nakatulalang sabi niya. Wala sa katinuan si Maxima dahil hanggang ngayon ay nasa isip niya lang 'yung pagkakahalik sa kanya na kung tutuusin ay first kiss pa niya.

Primo's POV

"Tinatanong ko 'yung name mo, Miss?" pangalawang ulit niya. Hindi na makapagintay pang sabihin nung babae yung pangalan niya kaya naman hinablot nalang niya ang lanyard nito at kinuha ang kanyang ID. "Kuhanin mo nalang sa akin ito mamayang hapon ha, puntahan mo ako sa room ko sa may Engineering Department," pang-titrip ni Primo.

Hanggang sa umalis na si Primo sa CR pero si Maxima ay nanatiling nakatulala at nakakagat labi na parang paiyak na sa kanyang naranasan. Hindi niya namalayan 'yung pagkawala ng ID niya. Nagtaka na sila Kayle at Pyre sa nangyari sa kanilang kaibigan na tila ang tagal-tagal namang mag-CR kaya naman pinuntahan na ni Pyre itong si Maxima.

Pyre's POV

"Nako naman kasi Maxima, ang tagal-tagal mong mag-CR gutom na gutom na ako eh," naiisip niya. Habang papunta sjya sa CR ay nakita niya si Primo na pabalik sa route papuntang canteen. "Hala bakit kaya doon galing si Primo? Eh ang hindi naman iyon 'yung route para sa Comfort Room ng lalaki ah?" pagtataka ni Pyre. "Btw, nasan na ba kasi 'yung babaeng iyon, MAXIMAAAAAA!" pasigaw na sabi niya. "Hoi, para kang nakakita ng multo diyan at 'di na makagalaw," tanong ni Pyre. "In case nga lang pala na na-notice mo, dumaan nga pala si Primo rito and hindi ko lang alam kung anong ginawa niya rito," mga tanong ni Pyre.

Maxima's POV

"Shhhhhhhssstt!!! 'Wag ka nga munang magtanong, pwede ba? Kumain nalang tayo," naiiritang sabi niya.

Kaya naman tumigil na si Pyre sa pagtatanong at nagsimula nalang maglakad pabalik sa kanilang kinakaupuan sa canteen. Nagsimula na silang magkwentuhan tungkol sa kung ano-anong ganap nila sa buhay ng biglang

Kayle's POV

"Oy, mga siszt, mamaya ha samahan niyo ako papuntang library. I need to borrow some books for my assignments and also I need to search somethings with regards to History," pakiusap niya. "And don't forget, magkita-kita nalang tayo sa bench where we use to go ha. I'll treat you both ng dinner, oks ba 'yon?" masayang sabi niya.

Pyre's POV

"Syempre naman ok na ok 'yon sa amin. Tutal wala naman na akong class ng mga 3:00 baka maaga akong makapunta sa may bench. Itong si Maxima ang tanungin mo baka hindi sumama," pagkukumpirma niya. "Baka naman unahin 'yung lovelife eh este 'yung pagde-daydream. HAHAHAHAHA!!!!" pang-iinis na sabi ni Pyre.

Kayle's POV

"Loka-loka ka Pyre, sure naman ako na hindi naman sadya ni Maxima na maging ganon 'yung nangyari sa dreams niya eh," pagtatanggol niya habang pigil sa kanyang pagtawa. "Hoi! Maxima, kanina ka pa seryoso ay. Ano bang nangyari sa'yo. Lagi ka nalang hindi makausap ng matino. May tama ka na ba talaga sa isip?" pang-aasar niya kay Maxima.

Patuloy pa rin ang pang-iinis sa kanya ng dalawa kaya naman kumain nalang siya nang kumain para mawala 'yung stress niya sa lahat ng nangyari sa araw na iyon.

Maxima's POV

"Tumigil na nga kayong dalawa dyan sa pagtawa, kala niyo naman galing galing niyo magjoke, ang corny nga rh, mga walang kwenta. Sige na sasama na ako sa library, kailangan ko rin palang magtingin ng books para sa Chem Class ko bukas," sabi niya. "'Wag kang mag-alala, Pyre. Kapag ako nanaginip ulet at nandoon ka, lulunurin talaga kita. HAHAHHAHAHAHAA!!!" tawang-tawang sabi ni Maxima. Tumawa silang dalawa ni Kayle at inasar ng husto si Pyre. "Intayin niyo nalang ako ng konting time pa kasi may klase pa ako ng mga 2:30 to 3:15 eh feeling ko mag-oovertime kami kaya ang labas ko siguro mga 3:30 na," paalala niya sa dalawa.

Kayle's POV

"Sige sige, basta kita nalang tayong tatlo sa bench," sabi ni Kayle.

Natapos na sa pagkain ang tatlo kaya naman bumalik na sila sa kani-kanilang mga klase. Hanggang sa sumapit na muli ang oras ng pagtatapos ng mga klase. Si Pyre at Kayle ay naghihintay na sa benhc samantalang si Maxima naman ay nasa klase pa rin.

Maxima's POV

"Konting time nalang at pwede na akong umalis, hays salamat," iniisip niya. Inihahanda na niya ang kanyang mga gamit sa paglabas niya ng classroom hanggang sa nag-ring na ang bell. Oras na para makalabas sila pero hinarang siya ng professor niya para sabihin ang ilang mga bagay.

Professor's POV

"I have an important assignment for you. I would want you to prepare tomorrow for the orientation on freshmen with regards to the Three Prime Weapon of this University. I wanted you to present this because you are on the presidential list last year and you're a very intelligent student na perfect to have this orientation," bilin sa kanya ng prof niya.

Maxima's POV

"Sir?" pagtatanong niya pero nginitian lamang siya nito at umalis na, kaya naman wala na siyang choice para magstay pa sa room dahil iniintay na siya ng dalawa niyang bestfriend sa bench. Tumakbk na siya ng mabilis para lang makahabol sa kanilang napag-usapang oras.

Dumating na siya sa bench na kanilang waiting area pero wala roon ang dalawa. Hinanap niya ito sa paligid at nagmasid mabuti ngunit walang baka ng dalawa kaya naman tinawagan niya si Kayle kung nasan na sila. Sa pagsagot ni Kayle ng tawag napansin niya na parang malapit lang sa kanya ang tunog ng boses nito. Pagkatalikod niya ay nagulat nalang siya na nasa likod lamang pala niya ito.

Maxima's POV

"Bwisit naman kayong dalawa ay, ang dami niyong time para manggulat," gulat na sabi ni Maxima. "Tara na para marami pa tayong magawa at maging productive naman tayo kahit simula palang ng 1st sem," panunumbat niya sa dalawa.

Naglakad na sila papuntang library hanggang sa makita nila na marami palang tao kapag Monday sa library k sadyang wala lang talaga silang mapuntahan kaya rito sila pumunta.

Pyre's POV

"Tara pasok na tayo bago la maging overcrowded yung library at tuluyan na tayong hindi makahiram ng libro," punto ni Pyre.

Nagsimulang pumasok si Lyre at sinundan naman ni Kayle at huli si Maxima. Habang papasok ay chinecheck ng librarian nila ang kanilang mga ID para maconfirm kung student ba talaga sila sa university na 'yun. Pero turn na ni Maxima ng biglang

Maxima's POV

"Hoi! Hindi niyo ba napansin kung saan ko nailagay 'yung ID ko?" pagtataka ni Maxima. Wala siyang idea kung saan niya ito naiwan. Pati ang dalawa niyang kaibigan ay hindi alam dahil kanina pa raw sa canteen ay wala na sa lanyard niya 'yung ID niya. "So almost all afternoon ay suot ko lang 'yung lanyard ko ng walang ID? Kaya pala kanina pa ako pinagtatawanan ng ibang students," inis na sabi niya. "Hala saan ko kaya nailagay 'yun?" iniisip niya.

Kinaisip-isip niya kung saang lugar niya ba talaga naiwan 'yung kanyang ID ID hanggang sa naalala niya na pagkatapos nga pala ng encounter nilang dalawa ni Primo ay may hinablot ito mula sa kanya dahil may tanong siya na hindi nasagot.

Maxima's POV

"Ahhhh... Alam ko na kung saan ko naiwan 'yung ID ko," sigaw niya. "Sige na, mauna na muna kayo sa taas. Ako na bahala hahabol nalang ako sa inyo. Kailangan ko lang makuha ID ko," bilin niya sa dalawa.

Dali-dali namang pumunta si Maxima sa Engineering Department para hanapin si Primo dahil naalala niya na siya nga pala ang kumuha ng ID at sinabing kunin sa kanya ito sa kanyang department.