2 1 Uncomfortable Room

Maxima's POV

'Matataas na damo ang nasa paligid habang sumisibol ang mga pulang rosas sa kapatagan. Walang panama ang sikat ng araw sa lilim nang matatayog na puno at tila bang may isang prinsipeng nagniningning ang papalapit sa akin, hindi ko matanaw ang kanyang mukha sapagkat malayo pa siya kaya naman inintay ko ang pagkakataon na lalapit na siya sa akin at hanggang sa... '

"MAXIMA!!! BUMANGON KA NA DYAN AT MALELATE KA NA SA PAGPASOK MO SA ESKWELAHAN," ang tinig ng kanyang Mama na bumungad sa kanyang umaaga at gumising sa kanya mula sa panaginip na lagi siyang sabik. Yes, you heard it right. Siya si Maxima Dela Fuente na nakatira sa isang munting palasyo este bahay kasama ang kanyang Mama Grace at Papa Jose. Kasalukuyan siyang third year college at kumukuha ng BS Chemistry. Hilig niya ang magbasa ng libro at mag-aral para madagdagan pa ang kanyang kaalaman at magaling din siyang gumuhit ng mga portraits at magpinta ng mga abstract paintings.

"Mama naman!!! Lagi kang wrong timing eh. Dati rin ginising mo ako habang nananaginip ako na nasa spaceship ako," angal niya sa kanyang ina. Bumangon na siya at nagsimulang magligpit ng pinaghigaan. Bumaba na siya ng kanyang kwarto at nagsimulang mag-almusal hanggang sa makita niya na kanina pa pala nagchachat sa kanya ang kanyang bestfriend na si Kayle Castro na nag-iwan lamang ng message na nagsasabing 'Guys tignan niyo 'yung nasa forum ng school, dapat niyong makita 'yun.' Hindi naman ito pinansin ni Maxima kaya naghanda na siya patungong school dala ang baon at kanyang bag.

"'Wag na 'wag mong kakalimutan na mag-aral na mabuti tsaka 'yung baon mo uubusin mo ha! Sinarapan ko 'yan, iyan 'yung favorite mong dish ni Mama," tugon ng kanyang Mama Grace. "FISH FILLET!!!" sigaw naming dalawa. "O siya, sige na baka maiwanan ka pa ng bus." Kaya naman dali-dali siyang nagsapatos at humalik sa kanyang mama para magpaalam at pumasok sa paaralan.

Sa kanyang pagdaan, lagi niyang kasabay si Smite, isang itim na pusang gala, sa paglalakad at sabay sa mga huni ng ibon ang kanilang paglalakad at mga lagaslas ng hangin sa dahon na nagsisilbing magandang musika kay Maxima at kay Smite. Hindi na sumasa sa kanya si Smite kapag nasa gate na siya ng school.

Sa hinaba-haba ng lakaran ay nakadating na rin si Maxima sa kanilang university ng biglang napansin niya 'yung malaking tumpok ng mga babae sa harap ng kanilang Admin Building. "Bakit kaya ang daming tao roon? Ano na naman ang ganap?" sa isip-isil niya. "Hoi! Maxima! Kanina ka pa namin hinihintay dito sa bench," sigaw mula sa malayo ni Pyre Gallardo, isa rin sa mga loko-lokong bestfriend ni Maxima pero caring and kind. "Ano na naman bang napanaginipan mo at hindi ka na naman nakagising ng maaga, ha?" tanong nito sa kanya. "Wala naman masyado pero kanina ko pa tuloy iniisip 'yung mukha..." tugon ni Maxima. "Mukha naman nino? "tugon ng kanyang mga kaibigan. "'Yung mukha ng prince sa dream ko," dugtong niya. "Ahhhh! 'Yung mukha ni Primo Clifford..." kilig na kilig na nakapalumbabang sabi ng kanyang kaibigan. "HA?! Sino 'yon? Nk hindi ko nga alam kung anong itsura nun eh?!" sigaw niya. "Ano ka ba siszt, sobrang pogi niya tapos mayaman pa. Nagsend ako ng link sa GC natin ah about sa forum. Ikaw lang 'yung hindi updated nako!" sabi sa kanya ni Kayle. "Ngayon kasi ang pagtransfer niya rito sa school natin and at the same time magiging varsity din siya rito sa basketball," dagdag ni Pyre. "AAAAHHHHHH!!! Excited na akong manood lagi ng laro nila!!" sigaw nilang dalawa. "Nako! 'Wag niyo ako idadamay kung gusto niyo man lagi manood dahil marami akong gagawin at aaralin. Third year na tayo kaya ayusin niyo na mga grades niyo," nagbabantang sabi ni Maxima sa dalawa. Walang pakialam sa kung anong ganap ang mayroon si Maxima dahil ang iniisip niya lang ay kung ano 'yung posibleng maging itsura ng kanyang prinsipe sa panaginip niya at sino kaya iyon at kailan niya kaya ito makikilala?

Nag-ring na ang bell. Hudyat na iyon ng muling pagsisimula ng klase at mga pangyayaring magaganap sa buong taon. Nagsipasukan na lahat ng mag-aaral sa kani-kanilang room at magsisimula ng magbigay ng schedule ang mga professor nila. "Ano ba naman iyan? Ayoko ng ganito ay, ang dami ko kaagad subjects," paiyak na sabi ni Kayle. "'Wag ka nga dyan, ako nga ang aga-aga ng first subject ko tapos may late pa na uwi," sunod ni Pyre. "Nagrereklamo pa kayo dyan, ang mahalaga nag-aaral tsaka meron kang itatake na subject kesa naman wala 'di ba?" ika ni Maxima. "Palibhasa kasi ikaw ang ganda ng schedule mo," huthot sa kanya ng dalawa. "Wag kayong mag-alala lagi namang tayong magkakasabay sa lunch tsaka sa uwian eh," nangangausap sa sabi ni Maxima. "Oo nga naman, tama si Maxima. At dahil dyan ay ikaw ang manglilibre sa amin Maxima," nangungulit na wika ni Kayle. "Aba, Bakit naman ako? Nako! Sige na nga pero ngayon lang ha," pagbibigay ni Maxima sa dalawa. Habang papunta sila sa Canteen ng school, may mga kumpol ng tao ang nagsisisunuran sa tatlong lalaking matitipuno, nagliliwanag, at naggagwapuhan. "Tignan niyo, si Covy, si Vien, at si Primo," sigaw ni Kayle sa dalawa. "'Wag na tayong dumagdag pa sa mga tao at mauna na tayo sa canteen siguradong wala naman tayong mapapala diyan sa tatlong 'yan," sabi niya kay Kayle at Pyre.

Si Primo Monteverde na isang anak ng CEO sa halos lahat ng kompanya at nalibot na ang halos buong mundo sa kanyang karangyaan at natatanging tagapagmana ng kanilang kompanya. Siya rin ay magaling na manlalaro ng basketball kaya naman siya ay naging varsity ng kanyang pinagtransferan na university. Ang mga kaibigan nito na sila Covy Tallorin na anak ng may-ari ng mga business establishments na kadalasang makikita sa labas ng university at teammate ni Primo sa basketball. Si Vien Ramirez na isa sa mga sikat na basketball player sa bansa at dahil doon ay nadadala siya ng kanyang skills sa basketball sa iba't ibang league sa buong mundo. Ito ang tatlong prime weapon ng West End University.

Sa pagdating nila sa canteen ng school pumila na agad sila sa kadahilanang baka mawalan pa sila ng pagkain at maabutan ng maraming tao sa pagdating ng tatlong iyon. "Ano kaya 'yung pagkain na pipiliin natin?" tanong ni Maxima sa dalawa. "Sa akin 'yung Beef Broccoli and Thai Pink Milktea tapos 'yung kay Kayle raw eh yung Crab and mushroom soup tsaka Okinawa," order nung dalawa. "Hays..." buntong hininga ni Maxima. "Bakit ba ang gastos ng mga kaibigan ko, ako tuloy 'yung nadadamay dito eh," sa isip-isip ni Maxima. Naalala ni Maxima na kinabilin-bilin sa kanya ng kanyang mama na 'wag kakalimutang ubusin ang kanyang baon na pagkain kaya naman inorder niya nalang 'yung kanyang mga kaibigan at inumin nalang para sa kanya. Natapos na ang pagkakataon niyang pumili sa menu at bumili kaya naman hinanap na niya yung dalawa kung saan sila umupo hanggang sa padami na nang padami ang dagsa ng mga tao at hindi niya alam ang gagawin hanggang sa nakita na niya ang kamay ni Kayle na nakataas sa bandang kalayuan. Dali-dali siyang pumunta sa gilid para hindi tamaan ng maraming tao. "Ano ba naman 'yung mga taong ito, hindi nalang kumain ng maayos," naiinis niyang bulong sa sarili. Ibinaba niya ang mga pagkain at nagpaalam para pumunta sa CR.

"Buti naman at tahimik lang sa lugar na ito. Wala nang gugulo pa at magsisigawan," pangamba ni Maxima.

Primo's POV

"Kanina pa tayo sinusundan ng mga ito, hindi ba sila napapagod?" batid ni Primo. Hindi na nila alam kung paano tumakas sa dami ng nakapalibot sa kanila kaya naman si Primo ay nagsimulang tumakbo ng mabilis patungo sa corridor ng Admin papunta sa may Comfort Room. At wala na siyang makitang paraan para makalabas pa ng building na iyon kaya naman nakita niya na may isang babae na papunta na sa pinto ng CR kaya naman hinablot niya ito at itinulak sa pader. "'Wag kang maingay, hayaan mo munang gawin ko ito at palipasin 'yung mga nagkakagulong estudyante," bulong ni Primo sa babae.

Maxima's POV

"At sino naman 'yung mabigat na yabag na iyon?" nadidismayang isip ni Maxima. Hanggang sa may humablot mula sa kanyang likod at isinandal siya sa pader na malapit sa CR. Nagtataka si Maxima sa kung anong meron. "Hindi ba ito 'yung isa sa tatlong kanina pa pinagkakaguluhan?" sa isip-isip ni Maxima. Hindi niya maintindihan 'yung sinasabi ni Primo dahil iniisip pa rin niya kung bakit nandoon siya sa sitwasyon na iyon. "Hoi anong ginagawa mo?! Bakit mo ako hinahawakan?! Hindi mo ba alam na pwede ki—" putol na sabi niya. Nilagay ni Primo ang kanyang kamay sa bibig ni Maxima.

Primo's POV

"'Wag ka na munang magsalita, ang kulit mo rin eh," naiiritang sabi ni Primo. "Out of all the girls na nandito sa posisyon na ito, eto lang madaldal na ito," sa isip-isip niya.

Hanggang sa kinagat ni Maxima ang kamay ni Primo pero ininda lamang ito ni Primo dahil hinahanap pa rin siya ng mga estudyanteng gustong makita siya. Hindi na siya nakapagpigil sa ingay at hindi pakikisama ni Maxima sa kanya kaya naman hinalikan na niya ito.

avataravatar
Next chapter