webnovel

Cheese In The Trap!

dark_pen · General
Not enough ratings
3 Chs

Thoughts

Angelo's POV

Naglalakad ako noon sa hallway at naubos na ang kinakain kong bengbeng. Lumapit ako sa basurahan para itapon ito ngunit nagulat ako nang makakita ako ng isang letter. Teka, ito yung binigay ko kay Cherish ah? Ang tigas talaga ng babaeng yon. Pero sabagay, atleast kinain niya yung chocolate.

"Gelo, ano ayos ba acting ko kanina?" tanong nung kaibigan kong si Ralph. Nakipagapir ako sa kanya at hinagisan siya ng coke.

"Ano ba nagustuhan mo doon? Lagi ngang magisa yon e. Walang kaibigan tapos ang sungit rin." tanong niya.

"Tumahimik ka na lang diyan. Tara na kanina pa nagbell." sabi ko. Habang naglalakad, napatingin ako sa bulletin board. Mayroong announcement.

ANNOUNCEMENT!

Naghahanap po kami ng mga estudyanteng mahilig sa pagsusulat ng lathalain, balita, editoryal, balitang isports at pagkuha ng mga litrato.

Kung kayo po ay interesado, pakikontak na lang po ang cellphone number sa ibaba:

"09xxxxxxxxx"

"Oy pare huwag mo sabihing sasali ka jan?" tanong ni Ralph. Siraulo ba to. Kahit mukha akong basagulero marunong naman ako magsulat ng mga pangdiyaryo.

"Siraulo ka ba! Kahit ganto mukha ko, kayang kaya ko magsulat ng balita!" sabi ko habang kinokopya ang number na nakalagay.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad at tinext ko na ang number:

to: 09xxxxxxxxx

Hi po interesado ako. Mahilig po ako sa pagsulat ng balita at isports.

Sending....

Sent!

Pumasok na ako sa loob ng room namin at nakinig sa mga lecture. Ilang oras ang lumipas, At naguwian na. Ewan ko ba kung bakit parang ang bilis ng oras kapag nakikinig ka sa klase.

Napatingin ako sa cellphone ko at may nareceive akong 1 message.

From: 09xxxxxxxx

ok

Grabe ang ikli lang ng reply! Pero anyways hayaan ko na nga ito. Teka... Si cherish ito ah? Nakatingin siya sa may bulletin board. Nilapitan ko siya at tinitigan ang tinitignan niya.

"Sasali ka rin jan?" tanong ko. Hindi niya ako sinagot. Bagkus, umalis siya sa kinatatayuan niya at naglakad na palayo. Minsan naiisip ko kung mabaho ba ako o ganoon ba ako kapangit para iwasan ni cherish. Dahil ba hindi ako katulad ng mga lalaki sa Wattpad na nababasa niya?

Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.

1 new message

From: 09xxxxxxxxx

Hi Future Journalists! Pakisagutan po ang mga tanong sa ibaba

What is your Name?

How old are you?

What are your interests in the field of Journalism?

By the way, My name is Cherish Salamanca, your Editor In Chief. Have a good day!