2 Confused

"Good Morning!" sambit ng kaklase ko. "Morning." maikling tugon ko.

"Bakit ka ba laging nakasimangot? i mean, wala namang dahilan para maging malungkot." tanong niya.

"Bakit ka ba nangengeelam." tugon ko.

"Bahala ka nga jan. Kaya wala kang kaibigan eh." sabi niya sabay alis sa tabi ko. Wala naman akong pake sa inyo. Lahat naman kayo aalis lang din sa buhay ko. Tsaka ayoko rin maging parte ng buhay niyo.

Sinalpak ko na ang earphones ko at binuklat ang libro ko. Sinimulan ko na ang pagbabasa nang biglang may lumapit sa akin. Hindi ko siya pinapansin kasi hindi ko naman siya kilala.

Nagulat ako nang bigla niyang tanggalin ang isa kong earphone. "Pwesto ko itong inuupuan mo, miss." sabi niya sabay patong ng bag niya sa isang upuan.

"Walang nakalagay na pangalan mo." sabi ko sabay salpak muli ng earphone ko na tinanggal niya.

"Ano bang problema mo?" tinanggal niya muli ang earphone ko. Ano bang problema ng lalaking to? Napakagat labi na lamang ako at tumayo na ako sabay kuha ng libro at bag ko.

"KINAKAUSAP PA KI--"

Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita. Bigla niya kasing hinatak yung isa kong braso, dahilan para suntukin ko siya gamit ang isang kamay ko.

Nagulat ang mga tao sa loob ng cafeteria.

"Aalis na nga ko diba? Bakit kailangan mo pa akong hatakin?" sabi ko.

"Sa tingin mo matatakot ako sa'yo? E babae ka lang naman. Ay teka, babae ka ba talaga? Wala ka kasing dibdib. Wala ka pang kurba. Siguro kaya ang lakas mo sumuntok, kasi hindi ka talaga babae." sabi niya. Akala niya yata masasaktan ako sa sinasabi niya. Ilang beses ko na yan narinig boy.

Tinitigan ko lang siya.

"Oh bat hindi ka sumasagot? Sabagay, totoo naman diba?" dagdag pa niya. Hinahamon talaga ako nitong lalaking to. Maghanap ka ng kausap mo.

Nagulat ako nang biglang may umakbay sa akin.

"Hoy hindi pa kita tapos kausapin!" sigaw nung lalaking nakaaway ko kanina.

"Hatid na kita sa room mo." sabi nung lalaking umakbay sa akin habang nakatingin sa dinadaanan. Teka, di ko naman to kilala sino ba to.

Pero bakit ganito,

Ang bilis ng tibok ng puso ko?

Hindi ako makahinga.

Tinanggal ko ang kamay niya na nakapulupot sa akin.

Napatingin siya sa akin at tila nagulat.

"Hala!!! Sorry!" sabi niya at napatakip siya sa bunganga niya.

"Akala ko ikaw yung bestfriend ko! Teka nasaan na ba yun?" sabi niya. Medyo nakahinga na ako ng maluwag nang tanggalin ko ang kamay niya sa leeg ko.

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad at iniwan ko siya roon.

Teka,

Parang bumigat yung bag ko?

Napatingin ako sa bag ko,

May isang sobre at may nakadikit na chocolate. Binuksan ko ang sobre at ang nakalagay;

"Smile ka naman diyan. Ganda ganda mo eh."

._.

Hindi ito yung unang beses na nakatanggap ako pero alam ko na style ng mga lalaki. Tinapon ko sa basurahan ang sobre at kinain ang chocolate.

avataravatar
Next chapter