webnovel

Chased by the Shadows (Venue Series #1)

Summer Isabelle Vasquez, got kidnapped when she was 5 years old. Years goes on, the incident still chasing her. While running away from the incident, she met the man she's searching for so many years. Will love can rid all the bad memories in their past? Will they overcome the incident that haunts them for so many years?

callingmrstupid · Teen
Not enough ratings
15 Chs

Kabanata 12

Makulimlim ang mga ulap habang pinagmamasdan ko ito. Nakaupo kami sa may bench tapat ng auditorium, inaantay na matapos si Yumi sa klase nito.

Binabalak kasi naming tumambay kina Sam ngayon, tutal naman raw ay biyernes na ngayon. Wala rin kasing iniwan na gawain ang mga Prof kaya ayos lang na magsaya.

"Do you have any plans about your upcoming birthday, Belle?" Naputol ang pagtitig ko sa kalangitan dahil sa tanong ni Sam.

Ngumuso ako bago pumangalumbaba sa lamesa. "Wala. Club?"

Parang nagliwanag ang mundo ng mga kaibigan ko dahil sa sinabi ko. Agad akong umiling. "Wag nalang pala." Humalakhak ako.

"Biyernes naman ang birthday mo 'di ba? Saan tayo? BGC?" Nagtaas baba ang kilay ni Sam sa akin. "Sa condo ko nalang tayo mag stay after non!"

Aster clapped her hands because of excitement. "Game!"

"Let's see. Baka mamaya may iwan na paper works ang mga Prof." Sambit ko.

Sinimangutan ako ni Kelly. "E 'di sa linggo gawin. Easy! Wag ka pakastress." Tinawanan ako nito.

Natigil ang paguusap namin nang makita naming naglalakad na palapit sa lamesa namin si Yumi.

"Oy!" Nagtilian kami ng makitang busangot ang mukha ni Yumi habang sa likod nito ay si Mavi na ngiting ngiti.

"Anong ginawa mo?" Natatawang tanong ni Aster sa kay Mavi ng makarating sila sa lamesa namin.

"Wala akong ginagawa jan." Aniya at tumabi kay Yumi. "Red days?"

Humalakhak kami sa sinabi ni Mavi. "Alam mo? Tangina mo talaga e. 'Di ka pa ba uuwi?!"

"Bakit ba galit na galit ka sa 'kin ha?" Natatawang sinangga ni Mavi ang mga bampas sa kaniya ni Yumi.

"Hay nako! LQ." Nangingising asar ni Sam.

"Hay nako! LQ." Yumi copied and rolled her eyes. "Ano na? 'Di ba't aalis tayo? Tara na!"

Napanguso ako habang pinagmamasdan siyang tumayo. Tumawa lang si Mavi at sinundan na rin si Yumi papuntang car park.

"'Di na ako magtataka kung magkatuluyan ang dalawang yan." Ani ko natatawa.

"Hindi rin. Si Yumi? Para na niyang kapatid si Mavi, isa raw 'yong incest kung magiging sila man." Seryosong sambit ni Aster habang pinagmamasdan ang dalawang papalayo na.

"Well, no one knows what will happen in the future right? Malay mo'y sila pala ang para sa isa't isa." Humalakhak si Kelly at isinukbit na sa balikat ang bag niya. "Let's go?"

Tumango ako at tumayo na rin. Nagunat pa ako saglit dahil ilang oras kami roong nakaupo kakaintay sa kay Yumi. Nanakit ang puwet ko!

"Si Yumi daw sasabay nalang kay Mavi." Sambit ni Aster ng makaupo kami sa backseat ng kotse ni Sam. Tumango nalang ako sa kaniya at ipinahinga ang ulo sa sandalan.

Hindi ko alam. Pero pakiramdam ko magkakalagnat ako na ewan. O maarte lang talaga ako?

Madalim ang paligid ng dumilat ako. Nakaramdam ako ng kung anong bagay ang nakatali sa may palapulsuhan ko. Luminga linga ako sa paligid. Adi is beside me, sleeping. His eyes were swollen, maybe because he cried all night? I don't know.

Umayos ako sa pagkakaupo. Naramdaman ata nito na gumalaw ako kaya dinilat nito ang mga mata niya.

"Are you okay?" Tumango lang ako sa kaniya.

"When will we go out here?" Tanong ko. Mapait na ngumiti lang ito sa akin. "I miss, Mommy."

"Makakalabas din tayo dito. Okay?" Aniya. Ngumuso ako at tumango nalang sa kaniya.

Kunot noong bumaba ang tingin ko sa may palapulsuhan ko. Walang kahit na anong bakas ng pagkakatali ang roon pero bakit pakiramdam ko ay mayroon?

"Huy! Tulala ka jan. 'Di ka pa ba bababa?" Natatawang tanong ni Aster sa akin. I tilted my head to the side a bit. Isinukbit ko na rin sa balikat ko ang bag at lumabas na rin ng sasakyan.

"Ano bang gagawin natin dito, Sam?" Tanong ko. Pagkapasok namin ng tanggapan ay mga kasambahay nila agad ang sumalubong sa amin.

Nahihiyang iniabot ko sa kanila ang bag ko. Ganoon rin ang ginawa ng mga kaibigan ko, maliban kay Kelly, dahil binitbit nito ang bag niya patungo sa may likod ng bahay nila Sam.

"Hayaan niyo na iyon, Manang. Salamat po!" Sam smiled sweetly at their helpers. Tumango lang ang tingin ko'y mayordoma sa kay Sam.

Isang kasambahay ang nagmuwestra sa amin patungo sa garden nila. Nalaglag ang panga ko ng makita ang isang mahabang lamesang puno ng mga kung anu-anong pagkain.

"What the fuck?! Ano 'to? May fiesta ba?" Natatawa 'kong nilingon si Sam.

Ngumiwi ito sa akin at umirap. "I just really want to celebrate." She said as she sipped on her wine glass.

"Celebrate for what?" Kelly asked her cousin. May bitbit na itong plato at may laman ng kung anong pagkain roon.

"I got an e-mail!" Aniya at tumili tili. "I'm bound to go to the US next month!"

"Wait? Is that about your modeling career?" Tanong ko.

"Yes!" Aniya at tumalon talon. Lumapit ako sa kaniya at nakisaya na rin.

"What's with the commotion?" Nabaling ang tingin namin sa may pintuan. And there we saw Yumi sipping on her milk tea.

Umayos ako ng tayo at nagtaas ng kilay sa kaniya. "Where's Mavi?"

Ngumiwi ito at umirap sa akin. "Pinauwi ko na malamang."

"Why?" Tanong ni Kelly habang kumakain na.

"What do you mean 'why'? Bakit? Kasama pala siya dito?" Aniya at nagsimulang lumapit sa lamesa kung saan nakaupo si Kelly ngayon.

"Ewan ko sa 'yo, Naomi!" Natatawang sambit ni Sam at umupo na rin sa tabi nito.

"Anong meron ba? Daming pagkain ha?" Nakangiti ng sabi ni Yumi. Iginala nito ang tingin sa may lamesa kung nasaan ang mga pagkain.

"I'm celebrating! I've got an e-mail from my agency, saying that I will model some international clothing brand. Do you hear that huh? International clothing brand! Damn. The dream!"

"What about your company? Is it okay?"

"My parents agreed! It's my dream, so they can't meddle with it." Kumindat ito at itinaas ang basong tingin ko'y may alak dahil sa kulay ng likido na naroon. "Cheers?"

Ngumiti ako sa kaniya at kumuha na rin ng baso. Sinalinan ko iyon at itinaas. Ganoon rin ang ginawa nila. Pinagkumpay namin ang mga baso at sabay sabay iyong tinungga.

"So... When is your flight?" Tanong ni Kelly ng makabawi.

"Second week of next month? So basically, absent ako for about a week or two."

Tumango tango si Yumi sa kaniya. "Tamang tama lang ang pag-absent mo. Foundation week next month!"

"Totoo ba yan? Mamaya echos mo kami ha?" Natatawang sambit ni Aster sa pinsan niya.

"Sa 'kin ka pa di nag tiwala ha? Hello? Isa ako sa magdedesign ng buong school para sa foundation week." Aniya at umirap.

"Kailan ba?" Tanong ko.

"If I'm not mistaken. July 13?" Kinuha nito ang cellphone niya at chineck ang calendar. "Yup! July 13."

"Medyo malayo pa naman." Sambit ni Kelly. "'Di ba kayo kakain? Inom lang kayo jan ganon?"

Umirap ako at tumayo na din para lumapit sa lamesa kung nasaan ang mga pagkaing pinahanda ni Samantha. Natigil ako sa pagsandok nang maramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko sa bulsa.

"Hello?" Bungad ko sa kapatid ko pagkasagot ng tawag.

[Where are you?] Nanlaki ang mata ko ng marinig ang boses ni Ash sa kabilang linya.

"Kuya Sky?" Kunot noo kong tanong. Umayos ako sa pagkakatayo, inilapag ko rin ang plato ko sa mesa para hindi ko matapon.

[It's me, Ash.] Bumuntong hininga ito. [Nasa bahay niyo ako.]

Napanganga ako sa sinabi niya. "Are you kidding me?"

[Of course not. Paano ko magagamit ang phone ng kapatid mo kung hindi ko siya kasama 'di ba?]

Umirap ako sa hangin. "Na kila Sam po ako. Mamaya pa ako uuwi."

[I'll fetch you there. Send me the address, okay?] Napakagat labi ako dahil sa sinabi niya.

"Okay. I'll text you." Sambit ko at agad na pinatay ang tawag.

"Hoy! Ano yan ha?" Napatalon ako sa gulat at agad na napalingon sa may likuran ko. Nagtaas baba ng kilay si Yumi sa akin.

"Wala." I rolled my eyes at her. Kinuha ko na ulit ang plato kong may laman na mga pagkain at dumiretso na sa lamesa.

"Are you guys free tomorrow?" naabutan kong tanong ni Kelly. Umupo ako sa tabi nito.

"Ako, oo." Ani Aster.

"Me too." Dinig kong sambit ni Sam.

"How about you, Yumi? Belle?" Liningon kami ni Kelly. Agad akong umiling sa kaniya ng maalala na may pupuntahan nga pala kami ni Ash bukas.

"I'm free." Si Yumi ng makabalik na sa lamesa.

"You're not free, Belle? Why?" Sam asked. Pinunasan ko muna ang labi ko bago nag-angat ng tingin sa kaniya.

"May pupuntahan kami ni Ash bukas." Simpleng saad ko. Narinig ko ang pagsinghap ng mga kaibigan ko ng marinig ang pangalan ni Ash.

"Date? Sana all!" Natatawang sambit ni Yumi. Umirap ako sakaniya at umiling.

"Bakit? Saan ba kayo?" Tanong ko sa kay Kelly.

"There's a basketball tournament kasi," Kelly giggled. Hindi niya pa natutuloy ang sinasabi ay pumayag na ang mga kaibigan ko. Nasapo ko ang noo ko at umiling sa kanila.

"Game! Game! What time?" Excited na tanong ni Yumi.

"After lunch! Let's just meet in mall? Para sabay sabay na tayong pumunta sa Araneta?"

"Isang sasakyan nalang para di gastos sa gas." Suhestiyon ni Sam.

"Are you sure you're not really free for tomorrow, Belle?" Ulit na tanong ni Kelly. Ngumiti lang ako sa kaniya at umiling.

"Sorry. Bawi ako sa susunod." Sambit ko. Kelly just shrugged her shoulder at me.

"Are you tipsy, Sam?" Natatawang sambit ni Yumi. Hinampas nito ang braso ni Sam ng hindi sumagot. "Hoy!"

"What the fuck, Naomi? I'm not tipsy! I'm just a lil bit sleepy." Sam rolled her eyes. Sumimsim itong muli sa kaniyang baso.

"Ma'am may tao po sa labas, Ashton daw po ang pangalan." Halos maibuga ko ang iniinom ko ng marinig ang sinabi ng kasambahay nila Sam.

"Let him in, Manang. Boyfriend iyon ni Belle." Pinanlakihan ko ng mata si Sam dahil sa sinabi niya. "What?"

"Anong boyfriend? The fuck?" Iritang sambit ko.

"Doon rin naman papunta iyon! Wag ka ng choosy, Belle!" Natatawang sambit ni Sam.

Hindi ko na siya pinansin dahil nakita ko na si Ash na naglalakad palapit sa amin. Napaayos ako ng upo. Seryoso itong Nakatingin sa akin. I cleared my throat when he sat beside me. Narinig ko pa ang pagtikhim ng mga kaibigan ko dahil sa eksenang nasubaybayan na naman nila.

"You should eat too, Ash!" Ani Sam at inabutan ng plato si Ash. Tinaggap rin naman 'yon ng katabi ko pero nilagay niya lang ulit sa mesa.

"Kumain ka na. Sayang punta mo dito." Bulong ko at sumubo ulit ng pagkain.

"Iba gusto kong kainin e." Nabulunan ako sa bulong niya. Agad naman ako nitong inabutan ng tubig.

"Tangina?" Sambit ko ng makabawi. He just laughed at me.

"Aren't you finish?" Aniya. Nangingisi.

Umiling ako ng bahagya at pinagpatuloy ang pagkain. Dinaldal siya ng mga kaibigan ko habang ako naman ay busy sa pagkain sa tabi niya.

"Saan kayo pupunta bukas?" Usisang tanong ni Aster. Kumunot ang noo at hinintay rin ang isasagot ni Ash.

"Somewhere. Antipolo? Ewan. Kung saan ako dalhin kasama siya." Napangiwi ako sa sagot niya.

"Bakit? Magsisimba ba tayo?" Natatawang nilingon ko siya.

"Puwede rin. Pero baka kapag pumasok tayo sa loob ng simbahan ay baka pakasalan na kita agad." His voice were serious. Nag angat ako ng tingin sa kaniya, ang mga mata nito ay seryosong nakatitig sa akin.

Tumikhim ako at umiwas ng tingin.

"Lalandi niyo ah? Kapag kayo 'di nagkatuluyan. Ipapaalala ko talaga lahat ng paglalandian niyong dalawa." Seryosong sambit ni Yumi. Pinaningkitan pa kami nito ng mata. Tumawa lang ako sa kaniya.

"Wow ha? Pag ikaw nagkajowa, tapos naglandian din kayo, ako unang unang mangaasar sa 'yo!" Asar ko. Umirap ito sa akin kaya tumawa ako.

"Pag ako 'di nagkajowa sampung libo ha?" Tumawa ako sa sinabi ni Yumi.

"Pero pag ikaw nagkajowa, ako bibigyan mo sampung libo?" Gatong ko. Tumayo siya at pumaywang sa harapan ko. Tinaas nito ang hawak na baso.

"Deal!" Aniya at inilapit sa akin ang baso. Tumawa ako at dinikit ang baso ko sa kaniya. Sabay naming tinungga ang alak na naroon.

Tumagal pa kami ng ilang oras roon. Ash didn't leave his seat. Naroon lang siya, tuwing tatayo ako para kumuha ng pagkain ko, ay makikihati lang siya sa akin.

"Uwi na ako," Sambit ko at tumayo na sa pagkakaupo.

"Hala! Ako din, tae kayo." Nagmadaling tumayo si Yumi at inayos ang sarili.

"Parating palang yung kotse! Mamaya na." Hinila ni Aster si Yumi paupo.

Nilingon ko ang katabi ko. His eyes were already sleepy as he stared at me.

Ngumuso ako. "Umuwi ka na kaya? Kila Aster nalang ako sasabay."

Umiling ito at tumayo na. "I'll drive you home." Aniya. Pinadausdos nito ang kamay niya sa baywang ko.

"Uwi na ako, kami." Paalam ko sa kanila. Tumango ang nakapangalumbabang si Sam. Lasing na ata dahil papikit pikit na ang mga mata. "Bye!"

Hawak hawak pa rin ni Ash ang baywang ko hanggang sa makalabas kami ng bahay. Tahimik ako hanggang sa makasakay sa loob ng sasakyan.

I buckled my seatbelts. Pinagmasdan ko siyang umikot sa kabilang side. I tilt my head to the side a bit.

"It's already 9 PM, are you sure you'll drive me home?" Tanong ko pagkapasok niya ng kotse.

Tumango ito sa akin.

"Where do you live ba?" Dahil sa ilang buwan na kaming magkasama pero hindi ko parin alam kung saan ba siya nakatira.

"Dito lang din." Ngumuwi ako at pinaningkitan siya ng mata.

"Anong 'dito lang din'? Dito sa village nila Sam?" Kunot noo kong tanong.

"Yeah. I'm sorry I didn't tell you." My mouth formed an 'o'. Humarap ako sa kaniya.

"Really, where? As in dito lang talaga?" Nilibot ko ang tingin sa labas. Madilim na pero kita ko parin naman ang mga ibang bahay dahil sa ilaw na nanggagaling sa loob nito.

"Oo. I'll invite you there next time."

"Bakit mo pa ako ihahatid sa amin? I mean, sayang sa gas, Ash! Ihahatid mo ko sa amin tapos babalik ka ulit dito." Umayos ako ng upo. "Bakit ang tahimik mo?"

"Huh?" Sumulyap ito sa akin. Pero agad ring binalik sa daan ang tingin.

"Ang tahimik mo." Puna ko. Pinagmasdan ko siyang seryosong nakatingin sa daan. "Are you mad?"

"No." Aniya. Kumunot ang noo ko sa sagot niya.

"Tahimik mo." Ulit ko.

"Maingay ka lang talaga." Humalakhak ito. Ngumiwi ako at inirapan siya.

"Dadaanan kita. Mga 10 something okay?" Aniya ng makapasok na ang kotse sa loob ng village namin.

Ngumuso ako at mataman siyang tiningnan. "What should I wear?"

He glanced at me. Nakita ko pa ang pagsilay ng ngiti sa labi nito. "Anything. You're already pretty, wear whatever you want. Kasama mo naman ako e."

Kinagat ko ang pangibabang labi ko para pigilan ang nagbabadyang ngiti. Umirap ako sa kaniya. Naramdaman ko rin na tumigil na ang sasakyan. I unbuckled my seatbelt.

"Thanks for the ride!" Ngumiti ako. Lumabas na ako sa sasakyan niya. Binaba pa nito ang salamin ng passenger seat.

"See you tomorrow. I'll call you when I got home." Tumango lang ako sa kaniya.

"Bye! Take care!" I waved my hands at him. Inantay ko pang mawala ang sasakyan niya sa paningin ko bago pumasok sa loob ng bahay.

Tatalon talon akong naglakad papasok. Thinking what should I wear for our date! Fuck, date! We're going to date!