ZELEENAH MAGDALENE BUENAVIDEZ
Humikab siya saka kinusot ang mata bago bumangon sa kama, medyo naninibago pa siya sa paligid kaya hindi muna siya tumayo at hinayaan ang sarili na umupo muna. Alas-dose ng tanghali ng dumating sila sa Quezon at pagkatapos nilang kumain ay nagpasya silang mag-ayos muna ng mga gamit nila. Pagkatapos ay naglinis siya ng katawan at nagpasyang matulog. Kasama niya sa kwarto ang pinsan niyang si Zoiah o Aya kung tawagin na lang nilang magpipinsan.
"Gandang madaling araw cousin" napalingon siya sa may bandang kaliwa niya.
"Madaling-araw?" tumango ito saka bumaba sa kama at binuksan ang ilaw. Hindi siya kagaya ni Zoiah na madalas dito sa kanilang probinsya tuwing bakasyon. Zoiah Yelena likes animals kaya every school vacation ay nagpupunta ito dito sa Quezon.
"Tara na ate let's eat" she nods saka isinuot ang bunny slippers na binili nilang magpipinsan ng minsang mag-mall sila syempre libre ng pinsan nilang si Reckos. Ito lang kasi ang sumama sa kanila na mag-mall bago sila pumunta dito sa Quezon bayan ng Tayabas.
Pagkalabas nila ng kwarto ay kinapa muna nila ang switch ng ilaw dahil kailangan pa nilang bumaba ng hagdan. Masyadong madilim ang paligid, at dahil hindi pa siya sanay sa paligid ay kumapit siya sa nakababatang pinsan.
"Still afraid of darkness Zeleenah" napaigtad silang magpinsan ng may nagsalita sa likuran nila. Sisigaw pa sana siya ng mabuksan na sa wakas ng pinsan niya ang ilaw.
"Kuya Matteo naman ginulat kami" her cousin Zoiah said. Ngayon lang uli niya ito nakita sa malapitan yung sobrang lapit na amoy na amoy niya ang pabango niya. It smells heavenly it calms her.
"Why are you here nga pala kuya?" humigpit ang kapit niya sa kamay ng pinsan niya dahilan para mapalingon ito sa kanya. Nagkatinginan silang magpinsan saka bumaba nang hagdanan. Alam niyang nakasunod sa kanila ang lalake.
"Why are you still awake Zeleenah?" hindi nito sinagot ang tanong ng pinsan niyang si Zoiah sa halip ay kinausap siya nito nang hindi niya ito pinansin ay huminga ng malalim ang lalake.
"Aya can you leave us alone for a minute?" tumigil sa paglalakad ang pinsan niya saka nagdadalawang-isip na bitawan ang kamay niya.
"Okay, but make sure na ibabalik mo si ate kakain pa kami Kuya Matteo" tumango lang ang lalake siya naman ay tiningnan ang likod ng pinsan niyang papalayo sa kanya.
Tiningnan niya ng masama ang lalake na nakatingin lang sa kanya she felt him hold her hands, ipiniksi niya iyon dahil hindi niya gusto ang pakiramdam sa tuwing nasa malapit ito. Ngunit sadyang makulit ito dahil hinawakan ulit nito ang kanyang kanang-kamay.
Warm
"Why are you resisting me? Why do you keep on avoiding me baby?" she gulped saka tiningnan ito. She immediately blushed when she met his blue eyes. That blue eyes of him really can really make her speechless.
"I'm not avoiding you Kuya saka pwede ba why do you keep on acting like that kapag nakita ka nina Kuya Zach lagot ka" she said trying to intimidate him.
"They won't mind" kampanteng saad nito bago ito bumitaw sa kanya he smiled at her making her heart go wild. Ito ang rason niya kung bakit ayaw niya sa taong ito because this man can make her heart go wild.
"Go, baka ubusan ka ni Aya ng pagkain. By the way, I cooked your favorite don't share it to your cousins" nagulat siya ng halikan siya nito. It was just a peck on her lips pero pakiramdam niya ang para siyang kamatis.
"WHAT THE FUCK MADRIAGA!!! Sabi ko mag-intay hindi magbantay at SUMALAKAY!!" agad siyang napatakbo papuntang kusina ng marinig ang sigaw ng Kuya Zach niya. Rinig pa niya ang pagtawa ng taong humalik sa kanya.
Agad siyang lumapit sa refrigerator para uminom ng tubig pagkatapos ay nagpaypay gamit ang kaliwang kamay.
Damn him that's her first kiss
"That was my freaking first kiss" she muttered pagkatapos ay uminom ulit ng tubig. Tiningnan niya ang pinsan niyang si Zoiah na nagpipigil ng ngiti pagkatapos ay tumingin sa kanya ng makahulugan.
"Narinig mo?" tumango ito pagkatapos ay sinumulan siya nitong tuksuhin. This is why she hates seeing his blue eyes hindi kaagad siya makakilos o makapagsalita.
"Si ate kinikilig kunwari pang ang gusto lang niya kay Kuya Matt is yung blue eyes niya" dumampot siya ng isang pirasong ubas saka ibinato ito sa pinsan niya. Nakaiwas ito at ang tinamaan ay ang pinsan niyang si Reckos na masama ang tingin sa kanya. Dinampot nito ang ubas saka ipinunas sa damit saka kinain.
"Ewwww!" Zoiah said.
Siya naman ay hinanap sa ref ang niluto ng lalaki at ganun na lang ang gulat niya ng makita iyon. She hides her smile saka inutusan ang pinsan niyang si Reckos na-iinit iyon. Pero inagaw iyon sa kanya ni Zoiah at ibinalik sa ref.
"Bukas mo na lang kainin iyan hindi naman masisira saka, may nakita ako doon sa isang maliit na kaldero may pangalan mo ate Zel naiinit ko na iyon kumain ka na lang" ngumuso siya saka nilapitan ang sinasabi ng pinsan. Napapalakpak siya ng makita ang paborito niyang ulam. Sunod niyang hinanap ay ang kanin.
"Magra-rice ka?" masaya siyang tumango saka kumuha ng pinggan at nang makita niyang kukuha ang pinsan niyang si Reckos ng isang pirasong hita ng manok ay pinandilatan niya ito. Her cousin tsked saka kumuha ng ibang pagkain.
"Madamot." natawa sila ni Zoiah saka sinimulang kumain.
"Palibhasa luto ni Madriaga" hindi niya pinansin ang pinsan. Napapangiti siya bawat subo niya ng pagkain and she doesn't know why dahil kapag naman ang mga magulang niya ang nagluto ay hindi siya ganito na parang bulate.
"Isusumbong kita kay Tito pinagpalit mo na ang adobong pusit na luto niya sa luto ni Madriaga" nilingon niya ang pinsan saka binigyan ng masamang tingin. Tumahimik ito saka kumuha ng sarili nitong plato pagkatapos ay kumuha ng spaghetti carbonara.
"Si Aleen ang nagluto niyan Reckos" napatigil siya sa pagkain saka tumingin sa lalaking nagluto ng kinakain niya. Pagkatapos ay nakita niyang napangiti ang pinsan niyang si Reckos.
"Walang hihingi ng carbonara" Aya grimaced saka nang-aasar na sumandok ng pasta.
"Zoiah Yelena naman! Hindi lang naman si Zel ang pwedeng magdamot pagbigyan mo na ako" umirap siya saka hinayaan na magbayangayan ang magkapatid. Hindi tuloy niya namalayan na may umupo sa may tig-kabilang side niya.
"Masarap?" tumango siya.
"Talaga? Mas masarap bas a luto ni Dad?" agad niyang nilingon ang nagtanong. Hindi naman siya natatakot sa Kuya Zach, pero pakiramdam niya para siyang isinalang sa mainit na tanungan. Nakakunot ang noo nito, halata mong naiirita sa nakikita nito kaagad niyang inihinto ang pagkain saka ngumiti ng matamis sa kapatid.
"Don't scare her Zacharius" her brother tsked pagkatapos ay kumuha ng plato at kinuha ang ulam niya. Pagkatapos ay ito mismo ang kumain nang mga ito ng akmang kukuha siya ng ulam ay inilayo ito ng kapatid niya sa kanya.
Huminga siya ng malalim saka uminom ng dalawang basong tubig pagkatapos ay tumayo siya at nagpaalam na aakyat na sa kwarto. She can't understand herself, dati-rati naman ay hindi siya nagagalit sa tuwing inaagawan siya ng pagkain ng mga Kuya niya.
"What is happening to me?" she muttered saka patakbong umakyat ng hagdanan. She was to about the door in her room when someone holds her hand and again she felt something.
But she chooses to ignore it.