webnovel

Broken Trust | Completed

"I don't believe in promises but when you came into my life, I gambled. Eventually, natauhan akong mali pala na itinaya ko nang buong-buo ang tiwala ko sa iyo." -Jamilla Pagdating sa mga lalaki, may trust issues si Jamilla Mae Aravello dahil sa pag-iwan ng tatay niya sa kanilang pamilya noon. But when Oliver Ethan Lee came into her life, isinugal niya ang tiwala niya dahil sa pag-aakala niyang matinong lalaki si Oliver base sa isang sikat na istoryang binasa niya na isinulat nito, which entitled of I Catch Your Heart. Oliver is a famous mysterious author in the Philippines, at ang istoryang isinulat niya ay ang kinaadikan ni Jamilla. Isang istoryang totoong nangyari kay Oliver with his past girlfriend, named Angel. Naputol lang iyon dahil sa hindi inaasahan pangyayari na dahilan ng pagkamatay ng girlfriend niya. Masakit at nahirapan si Oliver para tanggapin iyon. However, when he met Jamilla. Ang kasiyahang hinahanap niya katulad noon sa past-girlfriend niya ay sa dalaga niya natagpuan. Pipilitin niyang magmahal muli at kalimutan si Angel. Bagong istorya ang isusulat niya kasama si Jamilla pero mabilis din natapos ito dahil sa maling nagawa niyang hindi niya ginustong mangyari. Dahil sa maling nagawa niya, puno ng pagsisisi ang dala-dala niya sa huli. - Follow me on Wattpad: Nick_Black02 Mas active po ako doon kaysa dito. Doon naka-published lahat ng stories ko po. :)))))

Nick_Black02 · Teen
Not enough ratings
71 Chs

Chapter 45

Chaptet 45: You're My 11:11 Wish

Tahimik lang ako sa loob ng kotse habang naandar ito. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nakatulala. Driver ni Claire ang nagmamaneho at 'yong mga kaibigan ko ay sumabay sa kotse ni Jess, leaving me alone here with her driver. Gosh. Yes, I know they just want me to have a space but this thing is the bad idea I guess, I still need them. I still need their presence.

Hindi pa rin matanggal sa isip ko 'yong paghihintay ko kay Oliver kanina. I checked my phone if Oliver respond to my text a while ago but suddenly I bitterly smiled when I still saw the last message I delivered. Hindi siya nag-reply. Punyeta, para akong lantay na halaman na gusto ng dilig mula sa pagmamahal ni Oliver. Gusto kong maramdam 'yong sinasabi niyang gusto niya ako. Kaso sa unang pagkakataon, parang pinapatunayan na niya agad sa akin na hindi siya marunong tumupad ng pangako. Pinaasa niya ako at umaasa naman ako. Punyeta.

"Ma'am, may bibilhin lang po ako saglit sa convenience store. Maiwan ko muna kayo rito," Paalam ni Manong Driver. I nodded without even looking at him. Nakatingin pa rin ako sa labas.

Lumipas ang ilang sandali at ramdam kong bumalik na siya, hindi pa rin ako tumitingin sa direksyon niya hanggang umandar na 'yong kotse. Gulong-gulong pa rin 'yong isipan ko at alam kong si Oliver lang ang makakaayos no'n kaso wala siya.

I accidentally take a glance to my wristwatch. It's already 11:11 PM. Alam ko 'yong tungkol sa bagay na ito, 'yong mag-wi-wish ka sa bagay na gusto mo. So, I would try it.

11:11. I know this is an imposible wish, but I still want it to happen. Please, I want to see him until the end of this night.

Oliver, you are my 11:11 wish. I hope that my wish can be sent to you and you'll sent yourself to me. I missed you.

Nang makapasok na kami sa subdivision, nakaramadam ako ng pagtataka when the car was just stopped at the front of the park. Tumingin ako kay Manong Driver but my eyes got shock. Hindi makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

"O-Oliver?"

Ito na naman 'yong puso ko, nagsisimula nang kumabog nang matindi. Hindi na pala si Manong Driver 'yong nagmamaneho, kung hindi ay si Oliver na. Dahil sa pagiging tulala ko, hindi ko namamalayan na siya na pala iyong pumasok.

Thank you, univerese. Thank you for granted my wish.

He turns around at my direction and he smiled widely. Ayan 'yong ngiti na kating-kati na akong makita, 'yong ngiti na nakakapagpabilis ng puso ko. Hindi pa rin ako makapaniwala at nakatitig pa rin ako sa mukha niya.

"Did you miss me?"

"Gag* ka! Oo naman!"

Lumabas siya mula sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit na tila'y ayaw nang bumitaw. Sabi ng utak ko, kailangan kong magalit dahil sa paghihintay ko sa kanya kanina kaso nanaig pa rin ang puso ko na gustong-gusto siyang mayakap.

"Is this real? Are you real?" Mangiyak-ngiyak kong tanong. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na maging mahina sa harapan niya.

"Why did you ask?"

"Because kanina I was just saw you at my dreams, but when I awake I realized that it's just a dream. And now, totoo ngang ikaw iyan na niyayakap ako. Don't do this again, Oliver," He slowly remove my arm from his body. Tumingin siya sa akin at ningitian ako. Gosh, hulog na hulog na talaga 'yong puso ko sa ngiting niyang iyan.

"Promise, I won't."

Another promise that I've heard from him, another hope that I'm surely rely on it. Ayaw kong maniwala kaso likas na sa akin ang maniwala sa isang pangakong binitawan ng taong gusto ko.

"Please. Don't promise anything if you're going to break it."

"I am Oliver Ethan Lee, hindi ko kayang mangako kung alam kong hindi ko magagawa. But on you, lahat ng pangako ko, siguradong mapapasa 'yo."

I nodded and chuckled. "Magtitiwala ako sa iyo," I confident said. "But where have you been? One week? Asaan ka noon?"

He chuckled then patted my head. "Sasabihin ko sa iyo but just follow me first," He guided me toward on the center of this park. Madilim na ang paligid dahil patay na 'yong mga ilaw.

Hindi pa rin akong makapaniwalang nandito na 'yong lalaking gusto. Gosh, one week lang siyang nawala pero pakiramdam ko ay dekada na iyon.

He stopped so I was, too. Nagulat ako nang biglang bumukas ang mga ilaw mula sa mga poste. Inikot ko ang paningin ko sa paligid. Lahat ng ilaw ay nakatapat sa puwesto namin. Gosh, mala-wattpad experience nga itong nangyayari.

Habang inililibot ko ang paningin ko ay napansin kong biglang lumuhod si Oliver sa harapan ko. Gulat akong tumingin sa kanya but he was just smiled.

"W-what are y-you doing?"

He didn't answer my question instead he something get out from his pocket. I bit my lower lip. I got shock when I saw a lil read box again. Gosh, para akong naging yelo sa aking kinatatayuan dahil sa gulat. Napatakip ako ng bibig. Suddenly, I feel the tears from my eyes.

Dahan-dahan niyang ibinukas 'yong maliit na kahon at mas nagulat ako dahil ang nasa loob nito is exactly what I dreaming of. It was a silver white ring with a pink diamond in the center. Itong-ito talaga 'yong kanina sa panaginip ko. 

"Will you be my girl? Can I call you mine?"

"You know what? This is exactly what I dreaming of a while ago. So, this moment can't be able to sink in to my mind."

"Nice. But what's your answer, then?"

"Katulad ng sagot doon, oo naman. Papayag akong maging girl—" I didn't completed my answer because he suddenly hugged me. Nagulat ako at dahan-dahan siyang niyakap pabalik.

"Pinapatay mo agad ako." He whispered.

"W-what?"

"Pinapatay mo agad ako sa saya at kilig."

After he said that, ramdam kong namula ang mga pisngi ko. Dati, ako lang ang kinikilig sa kanya pero ngayon, siya rin pala ay kinikilig na sa akin. Gosh.

"Ako rin. Huwag mo rin akong patayin," Sabi ko. Humarap siya sa akin at tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya.

I just looked at him straight to his eyes when he hold my hand and put the ring to one of my fingers. Ngumiti ako sa kanya at naramdam kong hinalikan niya ang noo ko. Ang saya ko, sobrang saya ko.

Agad ko siyang niyakap ulit. Kung puwede lang siyang yakapin buong gabi, hindi na ako bibitaw. Mga ilan minuto kaming nagyakapan at walang kumikibo. Ramdam ko ang pagbilis ng puso ko na tila'y ayaw nang bumagal.

Bumitaw ako at hinalikan siya nang mabilis sa pisngi. He chuckled and kiss me also to my cheeks.

Niyaya ko siyang umupo sa concrete bench dahil may nais akong sabihin sa kanya na dapat niyang malaman.

"Wala ka bang napapansin sa akin?" Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa.

Kumunot ang noo niya at sumagot. "Puwera sa maganda ka ngayon ay wala na. Ano iyon?"

"You didn't notice this necklace?" Hinimas ko 'yong kuwintas para makita niya.

He shook his head. "You found it?"

"Oo naman. Kasi nabanggit mo last time kung wala ba akong napapansin sa panyo ko, then I checked it and I found this."

"Kaya pala sobrang ganda mo ngayon."

"So, are you saying that I was ugly whenever I didn't wear this thing?"

"Hindi sa ganoon iyon."

"Biro lang. Haha," Matawa-tawa kong sabi. "So, bakit wala ka ng one week at hindi ka ng-rereply sa mga text ko?"

"Kinuha ko mula sa Singapore 'yong singsing na suot mo. Then, hindi kita ni-rereplyan dahil gusto kitang sorpresahin at ito na iyon. Actually, sa Lola ko iyan singsing na suot mo," Ramdam kong pinisil niya ang kamay ko.

"Eh?" Ibinaling ko ang tingin ko sa singsing.

"Bakit parang hindi ka makapaniwala?" He chuckled. "Lola ko ang mismong nagsabi na sa 'yo ko raw dapat isuot iyan."

"Ha?"

"Yes, you heard it right. Kilala ka na ng Lola ko. You know what? Gabi-gabi kaming laging nag-vi-video chat at madalas kitang ikinukwento sa kanya. Kaya gusto niyang pumunta ako doon at kunin 'yong singsing na pagmamay-ari niya mismo that which is bigay ni Lolo sa kanya, gusto niyang isuot ko iyan sa iyo," Natahimik ako nang sandali.

"Legal na pala tayo, eh," I commented.

"Huh? Hindi pa ako nakakapagpaalam sa Mama't Kuya mo. So, how did you said so?"

"Actually, naitanong ko na kila Mama kung puwede na ako magka-boyfriend at pumayag sila. Basta, ikaw lang daw 'yong tao na iyon."

"T-totoo?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

"Yes."

"So, This our relationships is not going to be secret? Ang saya ko!" I just nodded at him as my answer.

"But they have one request, they want to have a small talk with you. Are you free by tomorrow?"

"I am always free. Basta, ikaw," Ngumiti ako sa kanya.

-

Hanggang 1 AM kaming nag-usap habang magkahawak ang aming mga kamay. Kahit gusto ko pa siyang makasama ngayon buong gabi ay hindi na maaari dahil alam kong hindi na ako papayagan nila Mama kapag ganoon.

Inihatid ako ni Oliver sa tapat ng bahay namin.

"Bye," Paalam ko sa kanya.

"Gusto pa kitang makasama. Na-miss kita ng sobra, eh."

"Ako rin naman."

"Pupunta ako rito bukas ng umaga. Gagala tayo. Then, habang kinakausap ako ng Mama't Kuya mo ay nag-aayos ka ng sarili mo. Okay lang?"

"Oo," Binitawan ko na 'yong kamay niya at nagsimula nang maglakad papunta sa gate namin.

"Bye! I love you!" I got shock when I heard the last 3 words he has said. Napatigil ako sa kinatatayuan ko. First time ko lang marinig iyon mula sa kanya at napakasarap pakinggan sa tainga. Ito na naman 'yong puso ko, kumakabog na naman.

I turned around and smiled at him widely. "I love you, too."

He smiled. "Pumasok ka na nga, baka mamaya ay may burol na rito sa tapat ng bahay niyo dahil pinatay mo na ako sa kilig," Banat niya. Gosh. Kinikilig ako.

"Corny mo, Oliver," Tumalikod na muli ako at bahagyang bubuksan na 'yong gate namin nang maramdam kong lumapit siya sa akin.

"Saglit lang. May nakalimutan ako."

"Ha? Ano iyon?" Dinampi niya ang labi niya sa pisngi ko nang panandalian. Gosh. Dito pa talaga sa tapat ng bahay namin. "Baka makita ka ni Mama."

"Pero legal na tayo, 'di ba?"

"Oliver!" Suway ko sa kanya.

"Biro lang," Tumawa siya nang bahagya. "Sige na. Good night. Sleep well."

Ngiti na lang ibinigay ang ibinigay ko sa kanya at pumasok na sa loob ng bahay namin.

Pagkarating ko sa kuwarto ko ay agad kong inihagis ng sarili sa kama. Inaalala kung ano-ano ang mga nangyari kanina. Gosh. Kinikilig pa rin ako. Hindi niya ako binigo.

Hindi pa rin ako makapaniwala na boyfriend ko na si Oliver. 'Yong isang author ng istorya na paborito ko. 'Yong isang sikat na author mula sa wattpad ngayon ay boyfriend ko na. My first boyfriend. Hays. Ang hirap paniwalaan.