webnovel

Kabanata 2

Kung sa pamilihan ng Cardonia, masisilayan mo ng buo ang kastilyo dahil tanaw ito doon. Ngayong nandito na ako sa bungad kakailanganin ko pang iangat ang aking ulo at iikot ang aking buong katawan para lang masilayan ang buong kastilyo. Sa malayo ay hindi mo gaanong makikita ang desenyo neto pero kung malapitan, sobra akong humahanga sa ganda ng hagod sa mga pader neto. Napakataas at napakakintab pa ng buong kastilyo, wari ko ay may halong mga mamahaling bato ang pader ng buong kastilyo kaya ganun na lamang ang kintab at kinang ng mga 'to.

Bukas na bukas ang mataas, malawak at kulay ginto nilang gate kaya libreng pumapasok ang mga tiga-Cardonia para pumunta sa magandang hardin sa likod ng kastilyo. Ang iba ay lumalabas na may dalang magagandang bugkos ng mga bulaklak. Gusto ko din sanang masilayan ang hardin pero kuntento na ako dito sa bungad. Sinuway ko na nga si Inang na wag pupunta dito sa kastilyo ng mga Derbyshire, ayaw ko ng dagdagan pa. Sasabihin ko naman ito kay Inang pero sa ibang araw nalang para maisip niyang walang masamang naidulot ang pagpunta ko dito.

"Isada, hintayin mo si Eli dito. Sasamahan ka niya ulit pabalik at tutulungan ka sa pabango, salamat din dito sa pagtulong sa mga dalahin namin. Ipagluluto kita sa susunod na punta mo," nakangiting sabi sakin ni Mildred.

Tumango at ngumiti naman ako kay Mildred bago ako tumayo lamang kung saan nila ako iniwan at hihintayin ko si Eli dahil sinamahan niya rin ang kaniyang ina papasok ng kastilyo dahil sa mga dalahin nito. Tinanaw ko lamang sila at kumaway ng bahagya ng lumingon si Eli bago pumasok sa malaking pinto ng kastilyo.

Nawala na sila sa paningin ko kaya nilibang ko nalang rin ang sarili ko sa pagtingin sa paligid. Tuloy-tuloy parin ang labas ng mga tao sa kastilyo, karamihan sakanila ay mga babae na nasa kanilang magaganda at makukulay na damit samantalang ako ay suot ang luma at kupas ko ng bestida. Ayos lang naman 'yun, ito ang pinakapaborito ko sa lahat dahil iniwan pa 'to sakin ni Itang. Sabi ni Inang itinabi at pinagipunan ito ng Itang para pag nagdalaga ako may maganda akong bestida. Hindi man kasing ganda ng mga tiga-Cardonia, maganda padin 'yun para sakin.

Napalingon ako sa aking likuran ng may bahagyang humihila sa aking cloak. Nanlaki ang aking mata ng makita ang isang batang babae na nakasuot ng magandang uri ng damit. Kulay rosas ang mga 'yun at may magandang palamuti sa kaniyang ulo.

"Magandang umaga," nakangiti kong bati dito.

Hinila nitong muli ang aking cloak kaya pumantay ako sakanya upang tingnan ang kung may nais ba siyang sabihin sakin.

Ngumiti ako sa kaniya at nakita ko naman ang pagpula ng pisnge nito dahil doon kaya lalo akong ngumiti at hinawi ang kaniyang kulay gintong buhok paalis sa kaniyang mukha.

"Can you fix my hair for me?" mahinang saad neto kaya lalo akong napangiti.

English ang pananalita neto kaya alam kong nakakaangat ito sa buhay. Nagbabasa din ako ng mga librong nakasulat sa english kaya naiintindihan ko 'yun. Tanging mga nakakataas sa lipunan ang may kakayahang pumasok sa akademya para mag-aral ng etiquettes, ang mga babaeng nakatataas.

"Oo naman," malambing kong sabi at saka pumunta sa kaniyang likod upang ayusin ang buhok niya at palamuti. Nasira ata ang ayos neto dahil sa kaniyang paglalaro.

"I like your hands. It's not heavy on my hair," rinig kong sabi neto.

Nakangiti kong hinagod ang kaniyang buhok at saka ko inayos ang mabulaklak na hairband na nakadesenyo dito bago ako humarap ulit sa kaniya at inayos ang laylayan ng kaniyang kulay rosas na bestida. Nakatingin lamang siya sakin habang ginagawa ko yun. Pinasadahan ko pa ng aking kamay ang bandang balikat at saka muling ngumiti sa kaniya.

Nakatitig lamang ito sakin gamit ang kulay berde niyang mga mata. Hindi mo 'yun mapapansin agad kung hindi mo tititigan ng maayos. Maputi ito at may nakakatuwang hugis pusong mga labi.

"You'll be a great mother someday," aniya na lalong nakapagpangiti sakin.

"Talaga? Salamat kung ganun," malambing kong sabi sa kaniya.

Akala ko ay aalis na siya dahil tumalikod siya sakin ngunit humarap din ulit at mabilis akong hinalikan sa pisnge at saka tumakbo papasok sa kaharian at nakisiksik sa dami ng mga tiga-Cardonian na gustong makita ang hardin. Naiwan akong tinatanaw ang maliit na batang babae bago ako muling ngumiti dahil sa kaniyang ginawa. Napaka-sweet na bata.

Nang hindi ko na siya matanaw ay saka ako ulit lumingon sa malaking pinto ng kastilyo. Sa laki ng palasyo alam kong medyo matatagalan si Eli sa pagbalik, isa pa nasa kaniya ang basket na may lamang pabango. Alam kong hahanapin niya pa ang prinsesa ng mga Derbyshire kaya lalong madadagdagan ang tagal niya sa loob. Ayos lang naman 'yun sa akin isa pa nalilibang din ako sa mga dalagang lumalabas sa loob ng kastilyo para sa libreng bulaklak na ibinibigay ni Queen Clementine sa mga ito. Ngayon tuloy lalo akong napapaisip kung gaano ba kalawak ang kanilang hardin sa may likod ng kastilyo.

Nakatayo lamang ako doon sa gilid ng malaki nilang gate habang matiyagang nag-aantay kay Eli hanggang sa may mga nakita akong kawal ng palasyo na papunta sa aking dereksyon kaya agad akong tumabi lalo dahil narin sa pag-aakalang may gagawin sila sa daang hinaharangan ko kaya lang nangunot ang noo ko ng huminto sila sa aking harap habang ang isa sa kanilang tatlo ay may inilapag sa aking gilid na magandang klase ng upuan. Mabigat 'yun sa paningin ko dahil parang gawa pa ata sa ginto!

Bakit nila inilalabas ang ganito kamahal na bagay?! Hindi ba 'yan nanakawin diyan?! Kahit na payapa na ang lugar namin di parin maiiwasan ang nakawang nangyayari! Mahabaging Karina, hindi dapat sila naglalabas ng ganitong klase ng gamit lalo na't gawa sa ginto!

"Maaari na po kayong maupo, binibini," magalang na saad ng isa sa mga kawal kaya napatingin ako doon.

Gusto kong makasigurado kung ako ba ang sinabihan niya at nakikita kong sakin nga siya nakatingin!

Agad kong pinagsiklop ang aking mga palad at saka paulit-ulit na yumuko.

"Hindi na po. Aalis din ako maya-maya, may hinihintay lang akong importanteng tao na nagtatrabaho sa—"

"Maupo na po muna kayo habang nag-aantay. Hindi po magugustuhan ng pamilya Derbyshire ang inyong pagtanggi," aniya.

Agad akong umupo sa upuang inilapag nila sa aking gilid. Ayaw kong makalaban ang pamilya Derbyshire gayong kayang-kaya nila akong durugin sa isang kumpas lamang. Anong magagawa ng mga fairy dust na meron ako pag nangyari ang bagay na 'yun? Hindi ako maililigtas ng mga makikintab na alikabok na 'yun kaya mas mabuting sundin na lamang ang gustong mangyari ng mga ito. Isa pa, nagmamagandang loob na sila kaya hindi ko alam kung bakit tinatanggihan ko pa.

Pakiramdam ko ay napakaimportante kong tao dahil sa upuan na 'to. Malaki kasi ito at kasya pa ang isa sa tabi ko. May nakasapin ditong malambot na klase ng sapin kaya masarap upuan. Naa-out of place ang gintong upuan dahil nasa gilid lamang ito at nakahimlay sa maberdeng mga damo habang inuupuan ko. Sa laki neto napapalingon pa ang iba at tinititigan ako, siguro ay nagtataka kung ano ba ang katungkulan ko sa kastilyo at talagang ginto pa ang inuupuan ko.

Napangiti ulit ako ng makita ko ang batang babae na tumatakbo papunta sa aking pwesto habang may dalang mga bulaklak. Mas nasilayan ko pa ang mga dala niya ng huminto siya sa aking harap at masasabi kong kahit kailan ay hindi pa ako nakakakita na ganito kagandang mga bulaklak!

"I'll give you this as a thank you gift for fixing my hair," aniya at saka ipinatong sa kandungan ko ang bulaklak na dala.

Agad ko 'yung sinakop at saka pinakatitigan. Kulay puti ang mga 'yun at napakabango!

"Maraming salamat and your welcome," nakangiting saad ko sa kaniya.

Saglit siyang lumingon sa paligid at saka muling ibinalik ang tingin sa akin at saka inilabas ang bagay na nasa kanang kamay niya.

Kung maganda na ang mga bulaklak na bigay ng batang babae mas maganda ang hawak niya ngayon. Iisang piraso lamang 'yun pero iba-iba ang kulay ng bawat petals neto at sa gitna ay may kumikinang na diyamante! Kung hindi ako nagkakamali, isang beses sa 50 years kung tumubo ang isang piraso niyon!

"This is an Ambrose and my family would like to gift it to you," ani ng bata at saka inilapag muli sa aking hita ang magandang bulaklak!

Natatakot akong hawakan ang bulaklak pero natatakot din akong malaglag 'yun sa aking kandungan kaya kinuha ko 'yun at saka pinakatitigan bago nilingon ang batang nakatayo sa aking harapan na ngayon ay nakangiti na kaya mas lalo pa siyang gumanda.

"I'm Celestine of the Derbyshire Castle and welcome to our family and kingdom," aniya na ikinalundag ng puso ko!

Agad akong tumayo at saka nagbigay ng magalang na pagyuko sa batang hanggan ngayon ay nakatayo sa aking harap. Gusto kong hampasin ang aking mga kamay gayong hinawakan ko pa siya kanina ng walang paalam!

Paano na ngayon? Hindi na ako pababalikin ni Inang dito sa Cardonia pag nalaman niya ang kalapastanganang ginawa ko!

Sa aming mundo, bawal hawakan ang mga nakakataas sayo ng walang paalam dahil nilalabag namin ang kanilang katayuan bilang nakakataas at may kaukulang parusa doon na ngayon ay parang mararanasan ko na!

——————

Don’t be shy, drop some vote and review haha. But anyway, hope you enjoy!❤️

Duchess_Enticecreators' thoughts
Next chapter