KATHLEEN'S POV:
Ngayon na yung araw ng camping namin, sabado ngayon pero ang nakakainis hindi natuloy.
- FLASHBACK -
"Bakit pala andun si ma'am Nellie?" Pagtatanong ko kay Andrea.
"Nagalit kasi sya dahil gumawa daw tayo ng sariling desisyon nang hindi alam ng mga teacher." Sagot sakin ni Andrea.
"Eh pano naman nalaman yun ni ma'am." Pagtatanong ko ulit kay Andrea.
"Narinig ko lang to ah, sabi nila John sinumbong daw tayo ng mga taga kabilang section." Sagot nya sakin.
Napatigil kami sa pag-uusap ng bigla naming marinig ang dirat rat na bunganga ni ma'am sumigaw na naman sya ng "out" ano yun na out sa game, sino kaya yun mapapalabas, hinihintay namin kung sinong lalabas sa pinto at si Ezekiel yun.
"May tumawag ba sayo?" Pagtatanong ni Aaron.
"Oo, hindi ko alam kung sino to, nanti-trip yata, kaninang umaga nag text to ng "ingat" at muntik na akong matalisod." Sabi ni Ezekiel.
"May nag text din samin ng ganyan." Sabi ni Aaron.
"Sino naman kaya yun?" Pagtatanong ni Andrea.
"May kutob ako na yung mga taga kabilang section yun, diba sabi mo Andrea narinig mo sila John at pinag uusapan na yung mga taga kabilang section yung nag sumbong kung bakit ngayon ay galit na galit si Ms. Nellie na parang dragon." Sabi ni Aaron.
"Oo... Ayun yung pinag uusapan nila eh." Sabi ni Andrea.
"Eh ano namang kinalaman ng mga taga kabilang section sa mga nag tetext satin?" Pagtatanong ko.
"Malay mo tinatakot nila tayo!" Sigaw ni Aaron.
"Eh bakit ka nasigaw, nagtatanong lang naman ako." Sabi ko.
"Sorry naa..." Sabi ni Aaron.
"Wait, kaya nila tayo ti-next ng ingat dahil alam nilang mapapagalitan tayo ni Ms. Nellie, tama ba ako." Sabi ko.
"Oo nga, lagot sakin yang mga yan sa lunes." Sabi ni Aaron.
- END OF FLASHBACK -
Nakakainis madadagdagan pa kami ng isang linggong pasok dahil magpa-plano ulit kami kasama yung mga taga kabilang section dahil kasama namin sila sa camping.
Na-inggit sila kaya sinumbong nila kami, ano yun may nag mamatyag samin at sino yun, o kaya naman may isa sa mga kaklase namin ang nag-kwento sa iba.
Gusto ko nang mag monday at gusto ko din ng away lagot talaga sila sakin.
*
*
ANDREA'S POV:
Dumaan na ang sabado at linggo, ngayon ay may pasok na ulit at hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari mamaya, kinakabahan ako malaking gulo tong mangyayari.
Naglalakad nako papuntang room, nasa baba palang ako ng building kita ko na agad ang mga estudyanteng nag ku-kumpulan agang aga may gulo na agad, kailangan ko ng bilisan.
Pagka akyat ko nakita ko na agad sila Aaron, Kathleen, Ezekiel, John, Alexandra, Feebie, Ethan at si Jasmine habang yung mga kaklase naming iba nanonood lang.
Sa kabilang section naman nakita ko sila Angel, Cedrick, James, Olivia, Rica, Jaira, Yesha at Lloyd kagaya ng samin yung ibang kaklase nila nanonood lang.
Naka-pwesto ako ngayon sa likod ni Ezekiel, dederetso sana ako para mas lalong makita ang nangyayari pero bigla syang nagsalita "Dyan ka lang Andrea." Sabi nya at tumingin sakin, may dugo pa sya sa labi nasuntok yata sya pero hindi ko padin sya pinansin at nag dire-diretso padin ako.
Nakita ko sila Kathleen at Jasmine na nagtutulungan na makipag away, puro sigawan ang naririnig ko ngayon, magulo narin yung buhok ni Jasmine at Kathleen nakipag-sabunutan yata.
"Ano na ha!? mga ing-getera kasi kayo mag plano kayo ng sarili nyo hindi yung nangengealam kayo sa iba." Sigaw ni Jasmine sa kabilang section.
"Grabe naman yang bunga-nga mo, mag ingat ka sa mga sinasabi mo babae ka hinding hindi kita uurungan." Sabi naman ni Jaira kay Jasmine sabay irap.
"Pa irap irap kapa muka ka namang isda." Sabi ni Kathleen kay Jaira habang natatawa kaya nakisabay sa kanya si Jasmine.
"Anong sabi mong babae ka!!!" Galit na sumigaw si Jaira kaya nagulat ako, natahimik din ang iba, akmang sasampalin na ni Jaira si Kathleen pero agad akong lumapit kay Jaira at hinawakan ang kamay nya sasali na ko sa gulo.
"Hoy babae, subukan mong saktan si Kathleen at malalagot ka sakin." Sabi ko sa kanya.
"Bitawan mo nga ako! Ang tapang mo naman para makisali dito!" Inis na sabi ni Jaira sakin.
Tinulak ako ni Jaira kaya napa-upo ako. Agad din akong tumayo at binawian sya ng tulak, kaya napatumba din sya.
"Aray!!" Pag daing nya dahil sa sakit, tumayo ulit si Jaira at sa hindi ko inaakala sinampal nya ako.
Napahawak naman ako sa pisngi ko pag katapos akong sampalin ni Jairq habang yung mga classmates nya ay masayang nagsigawan.
Nagulat din sila Jasmine at Kathleen sa ginawa ni Jaira. Agad akong humarap kay Jaira habang nakahawak ang kaliwa kong kamay sa kaliwa kong pisnge.
"Ano masakit ba?" Pataray na pagtatanong sakin ni Jaira.
"Bakit gusto mong maramdaman?" Pagtatanong ko at agad syang sinampal ng kanang kamay ko na ikinagulat nya at ng lahat dahil hindi nila inaasahan na gagantihan ko si Jaira at mas lalong silang nagulat dahil nung pag kasampal ko kay Jaira ay napaatras sya.
Humarap sya sakin habang nakahawak sya kaliwang pisnge nya, nagulat kaming lahat ng bigla syang umiyak at tumakbo papuntang room nila.
"Ano? Kayo gusto nyo rin ha?" Pagtatanong ni Jasmine sa kanila habang nag tataray.
Walang ginawa ang taga kabilang section kundi pumasok sa room nila.
"Tingnan mo sila naman pala yung talo." Sabi ni Jasmine samin.
"Hoy Kathleen at Andrea mag-ka way na ulit tayo pero walang sampalan." Sabi samin ni Jasmine at pumasok na sya sa room, pumasok nadin kami at inayos ang aming mga sarili, naalala ko si Ezekiel, may sugat nga pala sya sa labi pero pinunasan lang nya yung dugo ng panyo nya.
Alam ko hindi pa dito natatapos ang awayan gagawa sila ng paraan para makaganti, kailangan ko pang mas maghanda.
*
*
SOMEONE'S POV:
Nag aawayan na sila mas maganda kung nag patayan na lang sila, hahaha, pumatay na kaya ako?