webnovel

Chap 4: Unknown Number

AARON'S POV:

Araw na ng biyernes ngayon, pwede na nga kaming hindi pumasok ngayon eh, pero papasok parin para makita si ayy may nag text pala.

Agad kong binasa yung text. Nakalagay dito na "ingat" sino kaya ito? Na nanakot ba to o ano? Kaninong number to? Baka na wrong send ng text.

Naglalakad na ako ngayon papuntang school habang nakikinig ng music, naka ear phone kasi ako.

Habang hinahanap ko sa list yung number nung nag text sakin bigla na lang akong napatingin sa harap ko at laking gulat ko na lang na may truck ang papalapit saking direksyon. Naistatwa ako saking kinatatayuan at hindi alam ang gagawin. Habang papalapit yung truck sa direksyon ko ay lumalakas ang busina nito. Nawalan yata yun ng preno shit. Katapusan ko na ba to?

Pinikit ko ang aking mga mata at hinintay na bumangga sakin ang truck. Bago ako pumikit ay may sumigaw pa ng pangalan ko, pero hindi ko alam kung sino yun.

Nagulat na lang ako ng biglang may humawak sa kamay ko at hinila ako at agad kaming napaupo sa gilid.

Agad kong iminulat yung mga mata ko at laking gulat ko nang makita ko si Kathleen.

"Bobo ka ba? Gusto mo bang mamatay?" Pagtatanong ni Kathleen sa akin.

Ang bilis ng pangyayari kaya natigil ako, pero nakita ko yung kamay ko na may dugo pero wala naman akong kahit anong sugat.

Tumingin ako sa mga kamay ni Kathleen at nakita kong dumudugo yung daliri nya.

"Hoy Aaron! Ayos ka lang ba?" Pagtatanong ni Kathleen.

Agad akong tumayo at lumapit kay Kathleen.

Bumangga naman yung truck sa may poste at nagdatingan ang ambulansya at mga pulis at umalis na kami ni Kathleen.

Alam kong late na kami pero wala namang klaseng magaganap kaya okay lang kahit na malate kami.

"Anong nangyari dyan?" Pagtatanong ko kay Kathleen.

"Ah ito bang daliri ko? Nasugatan yan kanina habang naggagayat ako, may nag text kasi kaya nagulat ako at nahiwa, akala ko kasi kung sino, na wrong send yata yun ng text, ingat daw ako eh." Sagot nya.

"Teka ayos ka lang ba?" Pagtatanong ulit nya.

"Oo, nagulat lang ako, salamat... bumili muna tayo ng bandaid." Sabi ko at niyaya ko syang bumili.

"Ah wag na, maliit lang na sugat to." Pagtanggi nya.

"Tsk.." Ako at sinamaan sya ng tingin.

"Oo na... sungit sungit." Sabi nya.

Nakabili na kami ng band aid.

"Akin na yang kamay mo." Sabi ko at hinawakan yung kamay nya, nilagyan ko naman nang band aid yung sugat nya.

Naglakad na ulit kami at nagtanong naman sakin si Kathleen.

"Bakit hindi mo alam na may truck sa unahan mo? Eh ang lakas na ng busina non." Pagtatanong nya.

Agad naman akong sumagot.

"Nakikinig kasi ako ng music, naka earphones ako kaya hindi ko narinig yung busina ng truck, tsaka gaya ng sabi mo, may nag text din sakin ng ingat at hinahanap ko naman kung kaninong number yun, kaya pagtingin ko sa harap ko nagulat ako sa truck." Sabi ko.

"Pasalamat ka nahila agad kita, teka patingin nga ako ng number nung nag text sayo, baka kasi parehas, malay mo." Sabi ni Kathleen.

Lumapit ako sa kanya at sinisilip yung phone nya, kaso hindi ko masyadong makita kaya nilapit ko yung mukha ko sa kanya, kaya parang nakapatong ang ulo ko sa balikat nya, dinikit ko naman yung phone ko sa phone nya.

*

*

KATHLEEN'S POV:

Naiilang ako sa ginagawa ni Aaron, nakakainis lalo akong ma fa-fall sa kanya kung tuloy tuloy nya pa akong papakiligin, o ako lang talaga tong kinikilig.

"Ah oo nga, parehas nga... hmm sino kaya yon? Kaninong number kaya to." Sabi ko at medyo lumayo kay Aaron, nagsalita naman na sya.

"Malalaman natin yan kung may nag text rin sa mga classmate natin ng ganito." Sabi ni Aaron kaya binilisan na namin ang paglalakad papuntang school.

Nakadating na kami sa school at tumatakbo na kami papuntang room. Habang nasa hallway kami, wala kaming naririnig na kahit anong ingay. Kinakabahan ako.

Agad pumasok si Aaron at sumunod naman ako sa kanya. Nagulat si Aaron at mas doble yung gulat ko dahil andito pala si Ms. Nellie isa sa mga subject teacher namin, napakasungit pa nito. Tumingin sya samin at biglang sumigaw. Akala ko ba walang klase? Omg.

"Out! Mga bastos, lumabas kayo!" Sigaw ni Ms. Nellie.

Nakakatakot sya, nagtinginan naman yung mga kaklase namin at nakita ko si Ryza na tumingin sakin at inirapan pa ako. Bwiset na yun pasalamat sya... hay nako.

Bago kami lumabas ni Aaron ay may tumunog na phone. May tumatawag yata.

"Kaninong phone yon?!" Sigaw ni Ms. Nellie.

Tumayo naman si Andrea.

"A-akin po Ma'am." Sagot ni Andrea, tumingin sa kanya si Ms. Nellie at sumigaw ito ng "Labas!" Kaya lumabas na agad kami ni Aaron bago pa masigawan ulit ni Ma'am. Nasa labas na kami at lumabas na rin si Andrea, agad ko naman syang kinausap.

"Andrea sino yang tumawag sayo?" Pagtatanong ko.

"Hindi ko nga alam kung kaninong number to eh, nag text din sya ng ingat kaninang umaga." Sagot ni Andrea.

"Samin din ni Aaron may nag text ng ingat." Sabi ko.

"Sino naman kaya yun? Nangaasar ba sya?" Pagtatanong ni Andrea.

Bigla namang tumunog yung phone ni Andrea at may tumatawag.

"Tumatawag na naman sya." Sabi ni Andrea.

"Andrea akin na, ako ang kakausap." Sabi naman ni Aaron.

Binigay ni Andrea yung phone nya kay Aaron at sinagot agad yun ni Aaron, ni loud speaker nya kaya naririnig namin na nagsalita yun ng "hi" pero iba yung boses nya, nakakatakot.

"Sino to? Tangina mo tigil tigilan mo kami." Sabi ni Aaron. Hindi naman kami rinig dito ni Ma'am Nellie.

Pinatay naman ng nasa kabilang linya ang tawag, kita sa mga mata ni Aaron ang pagkagalit. Ano bang nangyayari?

*

*

SOMEONE'S POV:

Sige mag isip lang kayo ng mag isip hahaha...