webnovel

Chap 13: Secret

EZEKIEL'S POV:

Nailigaw ko si Jerick kanina habang hinahabol nya ko. Madilim na sa labas kaya dahan dahan akong pumasok at iniwasang makagawa ng kahit anong ingay.

Nawala sa isip ko si Andrea, nasaan na kaya sya? Sana okay lang sya. Sobrang dilim sa loob ng bahay at patay lahat ng mga ilaw hindi na ako gumamit ng flashlight, ginamit ko lang ang brightness na nagmumula sa cellphone ko para walang masyadong makakita. Agad akong tumaas at pinuntahan ang pintong katapat ng cr at muli ko itong binuksan at nakita ko wala na ang mga damit na clown pati ang mga maskara.

Naagaw ng pansin ko ang mga news paper na patong patong, agad kong tiningnan yun, tungkol sa pamilyang nakatira dito ang nasa news paper ibig sabihin mga baliw sila Brandon, Amanda, Derick at Jerick, ito ang tinatago nilang sikreto.

Pati si Jay ay kalaban namin na pwedeng pumatay samin at meron pa sa dalawa naming mga kaklase, sino kaya?

May narinig akong mga hakbang at papalapit yun sa pinto kaya kaagad ko itong ni-lock, pagkatapos nun ay napa atras ako hanggang sa makalampas ako sa kurtinang nakaharang at napasandal ako alam kong pinto ito dahil tumama sa likod ko ang door knob.

Pinihit ko ang door knob pero naka-lock ito ng biglang nakarinig ako ng isang sigaw ng babae hindi ko masyadong marinig dahil parang nasa baba ito.

Ginamit ko ulit ang hair pin para mabuksan ang pinto, pag kabukas ko nito ay sobrang dilim, pagkahakbang ko ay halos malaglag ang puso ko dahil mababa ang inapakan ko, baka hagdanan ito agad kong kinuha ang cellphone ko at binuksan ang flashlight, hagdan nga.

Nang makababa ako ay isa itong bodega ang daming mga gamit at sobrang alikabok.

Muli ko ulit narinig ang daing ng babae, may isang pinto sa dulo at dun yun nanggagaling, lumapit ako at nakaawang ng kunti ang pinto at sumilip ako dito, shit!!

*

*

KATHLEEN'S POV:

Naglakad kami papunta ni Aaron sa cr napansin namin ang isang pinto at parang may nag lock nun sa loob kaya agad kaming pumasok sa cr.

Nakakatakot sa loob ng bahay dahil patay lahat ng mga ilaw.

"Kathleen dito ka lang sa loob at wag kang lalabas, titingnan ko lang kung may tao dito." Pabulong na sabi ni Aaron at tumango na lang ako.

"Mag ingat ka." Pahabol ko at ngumiti naman sya.

*

*

ANDREA'S POV:

Nang nawala na ang pagod ko naisipan kong pumunta sa bahay dahil baka andun sila, wala akong pake kung mapahamak ako.

*

*

AARON'S POV:

Pagkalabas ko ng cr ay dahan dahan akong naglakad para di makagawa ng kahit anong ingay.

Pero bigla na lang akong nawalan ng malay at natumba, may humapas sakin.

*

*

KATHLEEN'S POV:

Parang may bumagsak sa sahig, baka si Aaron? Lumabas ako para tingnan kung anong nangyari. Laking gulat ko ng nakita ko si Aaron walang malay habang hila hila sya ng isang lalaki, hindi ko maaninag ang itsura ng lalaki dahil madilim at nakatalikod ito.

Hindi ko alam ang gagawin ko, unti unti na silang nawala sa paningin ko. Agad akong sumunod sa dinaanan nila pero natigil ako nung nakita ko sila, agad akong hinarap ni Kim-j/Jay sya pala yun.

"Hello Kathleen, masaya ba ang bakasyon?" Nakangiting tanong sakin ni Jay.

Tatakbo na ako ng biglang hablutin ni Jay ang buhok ko. Ang sakit.

"Araaaaaayyyyyy!! Bitawan mo ang buhok ko!!" Malakas na daing ko dahil ang sakit ng pagsabunot nya sa buhok ko.

Nagulat ako ng bigla bumagsak si Jay.

*

*

ANDREA'S POV:

Pag kapasok ko sa bahay dinig ko ang pag daing ni Kathleen, sinasabunutan sya ni Kim-j. Humawak ako ng isang flower base at dahan dahang umakyat at saka ko hinampas sa ulo si Kim-j kaya natumba sya at nawalan ng malay.

Kitang kita ko sa mukha ni Kathleen ang pag kagulat. Agad ko syang niyakap at niyakap din nya ako.

Nakita ko si Aaron na walang malay.

"Paano tayo makakaalis?" Tarantang tanong sakin ni Kathleen.

Hindi ko agad sya nasagot dahil hindi ko din alam ang gagawin.

*

*

KATHLEEN'S POV:

Dapat kumilos na kami ni Andrea kaagad habang wala pang malay si Jay kaso paano si Aaron hindi namin sya pwedeng iwanan.

Napatumba ako sa sakit, may bumaon sa binti ko, tiningnan ko ito at may isang kutsilyo nakabaon dito, nagising na sya at babangon na.

"Andrea tumakbo ka na!!" Sigaw ko at kita ko sa mukha ni Andrea na nagdadalawang isip kung tatakbo ba sya o hindi.

"Bilisan mo na!" Malakas na sigaw ko ulit at tumakbo na sya, natakbo syang ni lingon lingon ako. Naka tapat ako sa may hagdanan kung saan bumaba si Andrea.

"Araaaayyy!!" Malakas na daing ko ng sipain ako ni Jay sa tiyan.

"Die bitch." Nakangising sabi sakin ni Jay at sinipa ulit ang aking tiyan dahilan para mahulog ako sa hagdan.

Gumulong gulong ako pababa ng hagdan, hanggang sa marating ko ang pinaka baba nito.

Hindi naman ako nawalan ng malay pero ang sakit ng katawan ko dumudugo din ang noo ko.

Naramdaman kong pababa na ng hagdan si Jay kaya agad kong ipinikit ang mata ko.

"I'm so sorry Kathleen, HAHAHAHAHAHAHA!" Malakas na tawa nito habang lumalabas.

"Andrea magtago ka na, ikaw na ang sunod!!" Malakas ang sigaw ni Jay kaya kahit nasa labas sya dinig ko yun.

Akala nya patay na ko, nagkakamali sya.

"Kathleen?" Boses ni Andrea at may takot sa kanyang pagsasalita. Hindi pala sya lumabas nagtago lang sya.

"Okay ka lang Kathleen?" Nag aalalang pagtatanong sakin ni Andrea at tumango naman ako.

Nakirot parin ang binti ko dahil nakabaon pa rin dito ang kutsilyo.

*

*

AARON'S POV:

Nagising na ako sa pag kakawala ko ng malay kanina. Nang maimulat ko ang mata ko nagulat ako dahil nakita ko si Kathleen at Andrea, si Kathleen ay nakadapa at si Andrea ay naka upo, inaalalayan ni Andrea na tumayo si Kathleen pero hindi nya ito magawa.

Agad akong tumayo at tumakbo pababa agad akong nakita ni Andrea pero si Kathleen hindi nya agad ako napansin nung makalapit na ko sa kanya saka na nya ko napansin.

"Are you okay?" Nag aalalang tanong ko sa kanya pero hindi ko na hinintay pa ang sagot nya.

"Anong nangyari Andrea?" Kunot noo kong tanong sa kanya

"Sinaksak sya ni Kim-j sa binti at sinipa sya sa tyan kaya nahulog sya sa hagdanan." Sagot naman ni Andrea.

"Hayop sya!!" Madiin kong pagkakasabi.

"Kathleen tatanggalin ko ang kutsilyo, saglit lang to." Sabi ko kay Kathleen at agad naman syang tumango. Binuhat ko sya at inupo sa sofa.

Mabilis kong hinugot ang kutsilyo sa binti nya para di gaanong masakit at nakita ko namang napakagat sya sa labi nya at napapikit.

Agad ko syang niyakap at umiyak naman sya.

"Umalis muna tayo dito at magtago." Sabat ni Andrea. Lumbas kami at papunta kami sa mga sasakyan. Pagkalabas namin nakita namin ang mga sasakyan na flat maliban sa isang van kaya dun kami sumakay at nagtago.

Naiinis ako di ko man lang nagawang ipagtanggol si Kathleen. Ngayon ay hirap na hirap sya lagot ka sakin Jay.