webnovel

Bizarre Coincidence (BTS)

"Would you still call it a coincidence when the realization dawned on you that you've been meeting the same person every year at the same place, same time, and the same date to share the same moments with you? I doubt it."

hextriant · Teen
Not enough ratings
9 Chs

Chapter Two

Seven months later (July 29, 2019)

"Justmine Montrina! Pinaglihi ka ba sa itlog ng pagong? Ang bagal mo namang mag-empake!" Sherence—my bestfriend—uttered before she swiftly entered my room and insisted to help me.

I just gave her a sheepish smile and wrinkled my nose. Kaninang alas sais pa kasi siyang nandito sa bahay dahil nagprisinta silang tatlong mga tropa ko na ihatid ako sa Valievice. We're still waiting for Hendrix while Jaizer has just arrived minutes ago. Nasa living room siya habang kausap si Jether.

Quarter to seven palang ng umaga. Biglaan kasi ang pag-alis ko kaya hindi agad ako nakapag-empake. Dapat bukas pa kaso hindi raw sila available.

"Final answer na talaga, Just? Doon ka na mag-aaral?" Bakas ang lungkot sa boses ni Sherence kaya agad ko siyang niyakap. Muli rin akong nakaramdam ng lungkot dahil ayaw ko talagang mawalay sa kanila.

But I really have to leave... for the sake of my parents and my dreams. I don't want to disappoint them because I know they've sacrificed a lot to make sure I had the best, even when they were at their worst. They never pressured me, instead, they supported me despite of my failures and mistakes, and assisted me to get back on track.

I'm more than grateful and blessed to have them as my parents which I also consider as my bestfriends, and that's what they've also wanted to be treated. They never let a day pass without telling me to not hesitate on being more open to them, and to trust them wholeheartedly because they always got my back.

"Pang-anim na libong tanong mo na 'yan, ha..." biro ko. I took a deep breath and faced her with a smile. "Don't worry, araw-araw kitang susulatan. Sana'y iyong matanggap ang aking mga liham aking munting kaibigan," madrama kong sabi kaya nakatikim ako ng pagbatok mula sa kanya.

"Char! Pero ite-text kita araw-araw and tatawagan ng madalas! Oki?" dagdag ko at pinisil ang pisngi niya. Alam kong pinakaayaw niya kapag ginagawa ko 'to kaya tawang-tawa ako nang hindi maipinta ang mukha niya.

"Leave my cheeks alone, you dummy!" she complained and groaned in annoyance. Inirapan niya pa ako at ngumiwi.

Tinawanan ko lang siya bago pinagpatuloy ulit ang pag-eempake. May pagkamaldita talaga 'tong babaitang 'to but that's one of the reasons why I really love her. Kahit ano'ng pagmamaldita niya madalas, her actions show otherwise. In fact, she's really a softie. Sobrang ganda rin nito at maraming nagtatangkang manligaw kaso nire-reject niya.

Napatigil kami nang bigla kaming nakarinig ng kalabog mula sa sala. Sherence and I dashed out my room to check it. Umalingawngaw ang halakhak ni Jaizer sa buong bahay. Napakalakas naman kasi ng bunganga nitong lalaking 'to!

"Why the hell are you laughing like a lunatic? What happened?!" tanong ni Sherence at binatukan pa si Jaizer.

My brows furrowed when my eyes darted at Jeca, lying on the floor like a zombie.

"Ano'ng nangyari sa'yo?" tanong ko pero hindi siya sumagot. Nagulat pa ako nang humilik siya. Tinignan ko si Jether na nakahawak lang sa sentido niya.

"Nag-sleepwalk na naman 'yang kapatid mo, Just! Akala ko dineadma niya lang ako pero tulog pala. Nakaabot pa ng kusina at sumayaw sa harap ng lamesa, 'langya!" sambit ni Jaizer sa gitna ng pagtawa niya.

"Lumagok pa siya ng toyo ta's nilagay 'yung saging sa kaldero. Then pagbalik dito nauntog siya ng malakas sa pinto pero sumayaw-sayaw ulit sabay bagsak!" Napahiga na siya sa sofa at napahawak ng tiyan sa kakatawa.

I mentally slapped my forehead because I'm not surprised anymore. Ganyan na talaga si Jeca mula bata palang kami. Tapos pagkagising niya, ikukwento namin pero hindi siya maniniwala.

Napailing nalang ako bago inakay si Jeca papasok sa kwarto niya.

Pagbalik ko sa sala, nakahanda na 'yung mga gamit ko. Si Sherence na pala ang nagpatuloy. I poked her as I winked and beamed. I even showed her a finger heart which made her grimace in disgust. Tinawanan ko lang siya.

Lumabas na kami dahil nakapagpaalam na rin ako kina Mama.

"Nasaan na raw si Hendrix?" tanong ko.

"Kanina niya pa sinasabing malapit na siya. Malapit ko na rin tugisin ang gunggong na 'yun," sagot ni Jaizer at yamot na napakamot ng ulo.

Nakita kong napairap si Sherence. "Duh, what's new? Lagi namang late ang bwisit na 'yun."

Magsasalita pa sana ako kaso natanaw na namin si Hendrix sa 'di kalayuan na kabababa ng kotse.

He grinned at us the moment he spotted us and waved his hands frantically. Nagpa-cute pa siya habang lumalapit sa'min. Gawain niya 'yan kapag guilty dahil laging late.

"Wazzup! Napaghintay ko ba kayo nang matagal? Pasensya na, dinumog kasi ako ng fangirls. Alam niyo naman ang charisma ko..." He shrugged with a smug look. He even showed us different poses exaggeratedly.

"You're so full of yourself. Dumugin kita d'yan nang mabangasan kang bwisit ka," iritang sabi ni Sherence at binatukan si Hendrix.

Tinawanan ko nalang sila habang si Jaizer, nakipag-payabangan pa kay Hendrix. Napailing nalang ako dahil sanay na ako sa ganito.

"Masayang roadtrip na naman 'to!" masiglang sabi ni Hendrix bago kami pumasok sa kotse niya. Napagkasunduan kasi namin na 'yung kotse niya ang gagamitin namin. Siya rin ang nagprisintang mag-drive. Magkatabi kami ni Sherence sa likod habang 'yung dalawang boys, nasa harap.

"Saang school ka nga ulit lilipat, Just?" biglang tanong ni Jaizer nang makaandar na 'yung kotse.

My forehead creased. "Nakalimutan mo na agad? Nakadalawang mention na nga 'yata ako. 'Kaw talaga kahit kalian, ulyanin!"

"Sorry na. Gwapo lang, nagkakamali rin," sagot niya kaya nakatikim siya ng pagbatok mula sa'min ni Sherence.

"Sa Stravin University nga!"

"Sa Valievice 'diba?"

Napahawak ako sa sentido dahil sa dinagdag niyang tanong.

"Malamang! Doon nga tayo pupunta 'diba?!" Si Sherence na ang sumagot.

Tinapik-tapik ko ang balikat ni Jaizer. "Sana okay ka lang," mapang-asar kong sabi.

"Sorry na raw ulit. Bobo lang, nagkakamali rin," singit naman ni Hendrix.

Nagtawanan kami dahil hindi maipinta ang mukha ni Jaizer. Nilingon niya ako.

"Naninigurado lang. May tropa kasi kami ni Hendrix na taga do'n," sabi niya.

Napakunot-noo ako. "Sino?"

"Nakilala namin sa dance class, two years ago. Mabait 'yun, baka pwede ka naming ipabantay. Kaso baka magka-developan kayo," sagot ni Hendrix bago humalakhak.

"Baliw! Hindi ako madaling ma-fall, 'no."

"Luh. Di mo sure," biro ni Sherence kaya pinisil ko ulit ang pisngi niya para mainis siya.

"Kapag nakita mo na 'yun, baka lunukin mo lang 'yang sinabi mo," gatong pa ni Jaizer.

Pinagpapalo ko sila isa-isa. "Kayo ang ipalulunok ko ng buhay sa buwaya 'pag 'di pa kayo tumigil! Tsaka hindi ko kailangan ng bantay 'no."

"Gusto mo siyang makita? May picture ako rito."

Umiling ako at sumandal. "No thanks, Jaizer. Not interested."

I was taken aback when he leaned forward and showed his phone screen in front of my face. His lips curved into a smirk. "Kahit ganito kagwapo? Pero syempre mas gwapo pa rin ako."

Wala sa sariling napatitig ako sa phone niya. Picture niya kasama ang isa pang lalaki. It was captured from a low angle kaya kitang-kita ang katangusan ng ilong nila lalo na ng lalaking kasama niya. I don't know why but I feel like I've seen that guy somewhere. Medyo familiar ang mata niya.

"Hala ang gwapo nga! Pero mas gwapo siya sa'yo Jaizer, tanga," komento ni Sherence.

Jaizer shot her a glare. "Epal ka?"

Hindi ko pinansin ang asaran nila. Iniisip ko kung saan ko ba nakita 'tong lalaking 'to.

"Ano'ng name niya?" tanong ko.

Nagulat ako nang nagtawanan sila.

"Ayan marupok! Hindi pala interesado ah," asar ni Hendrix. Nakita ko pa ang pagngisi niya.

Jaizer gazed at me teasingly, wiggling his brows. "Picture palang 'to. Paano pa kaya kapag personal na?"

Agad akong napasimangot. "Mga sira! Tinanong ko lang 'yung name kasi parang familiar siya! And look at that! Puro ilong niyo ang sumalubong. Wala bang mas maayos na angle?"

Narinig ko ang pagtawa ng malakas ni Sherence at sumang-ayon. "Pero gwapo pa rin," sambit niya.

"Uy, naghahanap ng iba pang picture! Pakita mo na nga lahat Jaizer. Hindi pa ata nakuntento d'yan sa isa," mapanglokong asar na naman ni Hendrix.

Humalakhak naman si Jaizer at umiling. "Next time na 'yung iba para may thrill."

Hindi ko nalang sila pinansin. I pretended to be busy with my phone. Tinigil na rin nila ang pang-aasar. Napansin na ata nilang hindi na ako natutuwa.

Nag-iba na ang topic namin at nagtagal ang kwentuhan at asaran ng dalawang oras. Of course, may halong kantahan din, hindi mawawala 'yon dahil kasama na talaga ito palagi sa bonding namin.

If we were to talk about Jaizer's vocals, I won't deny the fact that he has an angelic voice. People love his enchanting tone and he can even reach those high notes effortlessly. He's also a great dancer with full of charisma same with Hendrix. But I could say... Hendrix has a high level of dancing skills with his own technique, sharp style, and facial expressions. He's also good at rapping.

Kilala ang dalawang 'to hindi lang sa university namin, kun'di sa buong Cresflin City. Parehas silang member ng isang sikat na dance group at pinapanglaban sa national competition. Nagagamit din nila ang skill nila sa pagkanta at pag-rap dahil nai-invite sila para mag-perform sa schools and other events. I couldn't help but feel emotional dahil alam ko ang lahat ng pinagdaanan nila bago ang lahat ng achievement na nakakamit nila. Nakakatuwa nga na kahit sikat na sila, never nila kaming kinalimutan ni Sherence.

The four of us have known each other for six years. Our shared passion has bound us together. Nagkakilala kami sa Performing Arts Club. Grade seven palang kami ni Sherence while these two guys were at their eighth grade. Ayaw ko sanang sumali ng kahit anong clubs but our teacher said it was required. I had no choice but to join the one with my interest, of course. I actually love singing and playing instruments, and sometimes dancing. As a matter of fact, I have desired to pursue music career but my father wanted me to become more practical. That's why I ended up taking Engineering.

Sherence is a versatile dancer and also skilled with playing violin. Parehas pa kami ni Sherence na mahiyain noon kaya kaming dalawa ang naging magkasama palagi. However, itong dalawang lalaki naman, nakakaloka ang kataasan ng confidence. I mean, not in a bad way. To be honest, sa harap lang namin ni Sherence nagpapayabangan ang dalawang 'to bilang lokohan lang, pero 'pag sa harap ng mga tao, may pagka-humble naman sila.

Silang dalawa lang 'yung lumapit sa'min ni Sherence noon at nakipagkaibigan dahil lagi lang kaming nasa sulok. At first, I thought they were like those arrogant dudes who crave for attention but turns out, they just really wanted to befriend us wholeheartedly.

I honestly didn't expect na tatagal ang samahan naming apat. We really get along well despite of our different personalities and perspectives in life.

•°•°•°•

Kumagat na ang dilim at ngayon, nasa tapat na kami ng bahay namin dito sa Valievice. Syempre sinulit na namin ang buong araw dahil ito na ang huling pagkikita namin bago magsimula ulit ang school year sa August. We still have one week before the first day of classes.

First year college kami ni Sherence while second year na 'yung dalawa. Doon parin silang tatlo sa Garleigh University sa Clesfrin. Bigla ulit akong nakaramdam ng lungkot.

"Subukan mong hindi mag-reply, magpapadala ako ng ibon dito para maging spy," banta ni Sherence pero halatang pinipigilan niya ang pag-iyak niya.

Hindi ko na napigilan ang luha kong bumagsak. I reached for her arms and pulled her for a tight hug. "Mamimiss ko ang mga ganyang banta mo."

"Sali naman kami, mga ma'am."

Lumapit 'yung dalawa at nakiyakap na rin. Napasigaw kami ni Sherence nang higpitan nila hanggang sa hindi na kami halos makahinga. Nang maghiwalay kami, kinaltukan namin ni Sherence silang dalawa.

"Hoy, 'wag mo kaming kakalimutan. Baka naman ipagpalit mo kami sa malapit at tuluyang iwanan," madramang sabi ni Hendrix at humawak pa sa puso na parang nasasaktan.

Agad namang sumakay sa trip itong si Jaizer. "Tandaan mo ang mga masasaya nating alaala. Ang anim na taon nating pagsasama. Ganoon na lang ba kadali itong itapon? Sinasayang mo lang ang matatamis nating kahapon."

Nagkatinginan kami ni Sherence at napangiwi.

"Bakit ba kayo tumutula? At ang dadrama niyo, nagmumukha kayong tuta," komento ko.

"O'nga. Sarap ingudngod ng mga pagmumukha sa lupa," singit ni Sherence.

"O' ba't kayo rin tumutula?" Humalakhak si Hendrix at napailing. "O'siya lumalalim na ang gabi. May dadaanan pa nga pala kami rito."

"Sino?" sabay naming tanong ni Sherence.

"'Yung kinwento nga namin sayo kanina na taga rito rin," sagot ni Jaizer.

"JK ang initials niya. O' 'yan na pwede mo nang i-stalk," ngisi ni Hendrix.

"Baliw, paano ko mas-stalk kung JK lang?" I scoffed.

"Ay may balak!"

Nagtawanan sila sa sinabi ni Jaizer habang si Sherence, nakangising napailing lang sa kanilang dalawa.

I frowned at them. "Tigil-tigilan niyo nga ang pang-aasar sa'kin. Wala nga akong interes sa tao."

"Sayang, talented pa naman 'to. Full package kumbaga." Hendrix shrugged.

"Songerist and dancerist din 'yan. Saan ka pa?" dagdag naman ni Jaizer at tinapik-tapik pa ang balikat ko.

I narrowed my eyes at them. "Bakit feeling ko binubugaw niyo ko?"

"Feeling mo lang."

"Katakot. Feelingera ka na niyan?"

"Letche kayo. Uwi na nga!"

Nagtawanan sila bago kami nagpaalam ulit sa isa't isa. Nakailang asaran pa bago tuluyan silang nakaalis.

For some reason, loneliness kinda crept up on me.

Did I choose the right decision to move here?