2 Chapter One

"Ma, restroom lang po ako. I really need to pee! Ayoko namang magpigil ng two hours sa bus! Sasabog ang pantog ko," reklamo ko at napanguso. "Besides, today's the first day of my monthly period kaya hindi ko talaga kakayanin. Ngayon pa nga lang ang sakit na ng puson ko."

She nodded. "Dami pang sinabi, e'di sana nakaihi ka na agad. Bilisan mo at parating na ang bus!"

Agad akong kumilos pagkasabi na pagkasabi n'on ni Mama at pumunta sa restroom. Mahirap na 'pag napag-iwanan ng bus 'no. Although I know that my family won't leave me here, hindi ko pa rin maiwasang kabahan dahil ayoko'ng paghintayin sila ng matagal.

Today is December twenty-third and we're currently at the terminal to commute. Nasira kasi ang van namin. Every year, we celebrate our Christmas at Valievice City which is my Dad's hometown. Parang naging tradition na rin kasi buong angkan pumupunta roon.

Tuwing New Year naman, bumabalik kami dito sa Clesfrin for our mother's side. This is four hours away from Valievice. Alas tres kami laging sumasakay.

Pagdating ko sa restroom, napasimangot ako dahil sobrang haba ng pila. Mabilis akong nagtanong sa isang tindera kung may ibang cr pa ba rito. As soon as she pointed an area, I immediately thanked her and rushed towards that direction. Nasa kabilang dulo ito kaya mas binilisan ko.

Mabilis akong pumasok sa isang pinto. Pang-isahan lang ito. I sighed in relief. At last. Sabi ng napagtanungan ko, kaunti lang ang gumagamit dito. Bakit kaya? May multo kaya rito? Bigla akong kinilabutan sa naisip ko. Pero wala naman akong pake sa multo, suntukin ko pa sila, 'kita nila ha.

Pagkalabas na pagkalabas ko, napasigaw ako sa gulat dahil sa lalaking nakasandal sa pader.

Mukhang nagulat din siya dahil sa pagsigaw ko. I scanned him from head to toe. Ano kaya'ng trip nito? Naka-all black siya. Black hoodie, black pants, at naka-black mask pa. I couldn't see his face clearly dahil nahaharangan ng bangs niya. Nakakakita pa ba 'to? But I could feel that he's looking at me strangely.

I gasped when an idea suddenly popped into my mind. Hindi kaya holdaper siya?! Nagpalingon ako sa paligid. Kaya ba walang masyadong tao na pumupunta sa restroom na 'to?

Napatingin ulit ako kay kuyang holdaper. Holdaper nga ba? Parang ang bilis ko naman mang-judge, bad 'yun. Ni hindi nga siya gumagalaw sa pwesto niya. Pero ang pinagtataka ko, bakit nakatitig pa rin siya?

I just shrugged off my thoughts and dashed off.

Pagkarating ko sa pwesto nila Mama, saktong kararating lang ng bus. Hindi na kami nakipagsiksikan kasi may ticket number naman kami. Pagkaakyat namin, napahiwalay ako ng upuan sa kanila. Si Mama at Papa ang dalawang nasa harapan ko at katapat naman nila ang dalawang kapatid ko. Ayos lang naman ako rito sa likod nila, basta nasa tabi ng bintana, kems na.

I took my earphones from my bag and put it on, resting my head against the window as I slowly closed my eyes. I just picked a piano instrumental song since it gives me peace of mind. After a few minutes, nagsimula nang umandar ang bus. Dumilat ulit ako para lakasan ang aircon pero napatigil sa ere ang kamay ko nang makita kung sino ang tumabi sa'kin.

Si kuyang holdaper?

Ganoon pa rin ang get up niya at naka-mask pa rin. Mukhang nakilala niya ako dahil pati siya napatigil sa pag-aayos ng bag niya. Nagkatitigan kami. Siya, kalmado lang pero ako nanlalaki ang mga mata.

"What?" kunot-noo niyang tanong nang mapatagal ng isang minuto ang titigan namin.

I frowned. "Kuya, sinusundan mo po ba ako? Stalker ka ba? Kasi kung oo, hindi ako natatakot sa'yo. Kaya kong lumaban. Kita mo ha," mariing bulong ko sa kanya kasi baka marinig nila Mama. Tinapat ko pa sa mukha niya ang kamao ko.

Nagulat ako nang bigla siyang tumawa ng mahina. Bakit ang sarap sa ears ng tawa niya? Mabilis akong napailing dahil sa naisip ko. Umayos ka, Justmine! Nasa peligro ang buhay mo!

"Assuming ka pala, miss..." mahinang sambit niya at umiling-iling pa.

Napatigil ako dahil bahagya kong nakita ang mga mata niya. Gumalaw kasi ang bangs niya na tumatakip rito. Now I can clearly see them. Hindi ko mapigilang mapa-hanga.

I didn't expect that he has this sparkling eyes.

Medyo matamlay nga lang. Parang gusto ko tuloy tanggalin ang mask niya. Mata palang kasi, mukhang gwapo na.

"Miss, crush mo ba ako? Kanina mo pa kasi ako tinititigan," natatawa niyang sabi.

Halos mapanganga ako dahil sa sinabi niya. Gusto ko sana siyang hampasin kaso hindi naman kami close.

"Grabe ka kuya, ano'ng uri ng hangin ba ang nalalanghap mo? Ikaw ang assuming d'yan, e." Ngumiwi ako sa kanya.

"Tsaka hoy, ikaw kaya 'yung titig ng titig sa'kin kanina pa! Doon sa restroom, aba..." dagdag ko.

Natawa ulit siya kaya pinanliitan ko siya ng mata. To be honest, akala ko siya 'yung tipong cold or bad boy type, 'yun 'yung first impression ko sa kanya. Pero parang hindi naman. Mukha rin siyang mabait, actually.

"Yeah, I'm sorry about that. Nagulat lang ako kasi pumasok ka sa men's restroom," mahinang sabi niya at halatang nagpipigil ng tawa.

"Men's restroom?!" pabulong kong sigaw sa kanya. Anong pinagsasasabi nito?!

"Ah, sabi na. Hindi mo alam. Okay lang 'yun. Ako lang naman ang nakakita."

Napahugot ako ng hininga. "Seryoso, kuya?"

"Oo. Nasa kabilang side 'yung para sa inyong mga babae. Mukha ba akong hindi seryoso, miss?" Pinanliitan pa niya ako ng mata.

"Oo, kuya. Sorry, mukha ka kasing clown," biro ko. Gusto kong sapukin ang sarili ko kasi ang fc ko.

Napailing siya pero hindi na sumagot. Nakangangang napasandal naman ako sa upuan. Siguro dahil sa pagmamadali ko, hindi ko nakita 'yung sign?

I unconsciously hit my head against the window because of embarrassment. Buti nalang walang masyadong tao kanina doon. Kun'di, ewan ko nalang.

Nanahimik na kaming dalawa ni Kuya. Alangan namang magchikahan kami? Tsaka mukhang kanina pa siya inaantok at mukhang pagod. Feeling ko kailangan niyang matulog. Four hours pa naman ang byahe. Siguro mga seven ng gabi, makakababa na kami.

Agad din akong dinalaw ng antok. Nagpuyat kasi ako kagabi dahil hindi ako makatulog. Almost three hours lang siguro.

•°•°•°•

Nagising ako nang biglang tumigil ang bus, pero nagulat ako nang mapansin na nakahiga ako sa lap ni kuyang katabi ko. Naka-unan pa ako sa bag niya! Pero mas nanlaki ang mga mata ko nang makitang unti-unting bumababa ang mukha niya at nakapikit habang nakahalukipkip.

My body automatically reacted to headbutt him due to panic.

Bigla siyang napamulat at napadaing sa sakit. Mabilis naman akong umupo ng maayos.

"What was that for?!" pabulong na sigaw niya habang nakahawak sa noo na tinamaan ko.

"E-Eh, bakit kasi nakahiga ang ulo ko sa lap mo tapos lumalapit ang mukha mo? Hahalikan mo ba ako?!" pabalik kong sigaw pero pabulong din.

"Whoa. Assuming talaga," bulong niya habang hindi makapaniwalang nakatingin sa'kin. "Ikaw ang kusang humiga at hinayaan kita kasi naaawa ako sayo. Kanina pa rin pagewang-gewang ang ulo mo. Isa pa, paano kita hahalikan? Kita mong naka-mask at natutulog ako."

I narrowed my eyes at him. "So bakit mo nga nilalapit ang mukha mo sa'kin? Dahan-dahan pa! Wow lang."

Napabuntong hininga siya at parang nagtitimpi. "Tulog nga ako. Sanay lang akong matulog nang nakayuko sa byahe. Hindi ko naman namamalayang bumababa ang ulo ko. Tsaka sorry, miss, pero hinding-hindi ko gagawin 'yon. Wala akong interes sa'yo."

"So anong pinaparating mo, kuya? Na pangit ako? Kapalit-palit ako?" biro ko.

"Na hindi kita type," walang gana niyang sabi pero kalaunan tumawa rin. "Kidding aside, actually, maganda ka naman."

Inirapan ko lang siya ng pabiro.

Honestly, nakahinga ako ng maluwag. Mukhang harmless naman 'tong si kuya. Pansin ko rin na mukhang hindi nalalayo ang age namin. Besides, mukhang nagsasabi rin siya ng totoo dahil nakita ko siya kaninang ganoon ngang matulog. Nauna kasi siyang nakatulog kaysa sa'kin.

Habang ako naman, sanay akong humiga sa lap ng mga kapatid ko tuwing nagb-byahe kami. Mas comfortable kasi para sa'kin. Pero kailangan ko na rin kontrolin dahil delikado lalo na 'pag stranger ang katabi ko. Buti nalang mabait itong si Kuya at hindi mapagsamantala.

Speaking of kapatid, napalingon ako sa gawi nila. Ayun, ang hihimbing ng tulog. Nakahiga sa lap ni Jether si Jeca. Kambal sila at mas matanda ako ng isang taon sa kanila.

Nakita kaya nila 'yung kanina?

Pero usually kasi kapag nasa byahe kami, wala kaming pakialamanan sa isa't isa. May sarili kaming mga mundo. Kanya-kanyang pasak ng earphones at tulog. Bahagya akong tumayo para silipin ang magulang ko sa harapan ko. Tulog na tulog din, nakaakbay si Papa kay Mama na nakahiga naman ang ulo sa balikat niya.

Napatingin ulit ako sa katabi ko. Nakayuko na naman siya at tulog na tulog. Bumababa ang ulo niya at gumegewang din. Napaisip tuloy ako. Sinusubsob niya ba ang sarili niya sa trabaho? Or sa acads? Or sadyang nagpuyat lang talaga siya?

I took a peek at my phone to check the time. 5:37 PM. Almost one hour and a half pa.

Maya-maya, tumigil na naman ang bus. Stop over na.

"Ate, pupunta ka bang restroom?" tanong ni Jeca. Gising na rin pala sila.

"Oo mauna ka na, susunod ako." Hindi ko kasi alam kung paano ako dadaan. Medyo nakaharang kasi ang binti nitong si kuya.

Tumango naman siya at nauna nang bumaba kasama sina Mama.

Marahang tinapik ko sa balikat ang katabi ko gamit ang index finger ko. Nahihiya man akong gisingin siya, pero naiihi na kasi ako. Hindi ako sanay na nagpipigil. Gutom na rin ako. Baka pati siya.

"Kuya?" I poked him a lot of times 'til he finally opened his eyes.

"Hmm?" Tiningnan niya ako na halatang inaantok pa. Ang pupungay ng mga mata niya.

"A-Ano... pwedeng makidaan? Sorry kung naistorbo ko ang tulog mo. Kailangan ko kasing bumaba."

"Huh? Ah, sure. Sorry, nakaharang pala ako." Tumayo pa siya para mas malaya akong makadaan.

"Oki lang, kuya. Thanks!" sabi ko bago tuluyang bumaba.

•°•°•°•

Pagbalik namin sa bus, ang lalim na naman ng tulog ni kuya. Buti nalang may space na kaya nakadaan na ako. Kaso nagising ko ata siya.

"Gusto mo?" alok ko sa kanya ng kimbap, mandu, at tteokbokki. Naalala ko tuloy 'yung inalok ko dati sa bus na babae, tuwang tuwa siya kasi favorite niya rin 'to.

Mahilig kasi ako sa Korean street foods. 'Yun lagi 'yung binibili ko tuwing dumadaan kami dito. Ang dami ko ngang nabili kaya medyo nasita ako ni Mama na baka sumakit daw ang tiyan ko.

"Busog pa ako, e..." tanggi niya. I also noticed that he smiled behind his mask based from the corner of his eyes. "Thanks for offering, though. I appreciate it."

Nginitian ko siya pabalik. "No worries, kuya," sagot ko bago sumubo ng tteokbokki.

Napansin kong bigla siyang napatigil at napatitig sa'kin. Kumunot ang noo ko.

"Bakit kuya? May dumi ba ako sa mukha?" Napahawak ako sa bibig ko pero parang wala namang nagkalat na sauce sa gilid ng labi ko.

Umiling siya at umiwas ng tingin. "W-Wala."

Bigla akong may naisip.

"Ah, natatakam ka ba sa tteokbokki? Pabebe ka pa kasi kuya, gusto mo rin naman pala," biro ko. "Oh, eto. Hindi pa nagagalaw 'yan." Inabot ko sa kanya 'yung isang cup na nakatakip pa. Madami kasi talaga akong binili para me'ron pa mamaya pagkauwi.

Natawa siya bago umiling ulit. "Nah, I'm good. It's not what you think."

"So ba't ka pala nakatitig kanina?" usisa ko.

"Nagandahan kasi ako sa ngiti mo," mabilis niyang sagot.

Napatulala ako dahil sa sinabi niya. Nang maka-recover, tumawa ako at siniko siya. "Ikaw talaga kuya, nambola pa. Hindi naman kailangan kasi ino-offer ko na nga sayo 'to." Inabot ko ulit sa kanya 'yung isang cup. "Inuuto mo pa ako, e."

Natawa ulit siya. "Hindi kita binobola. Seryoso ako. Tsaka busog pa talaga ako. Salamat ulit."

Tumango nalang ako bago kumain ulit.

After an hour, biglang huminto ulit ang bus. Nagulat ako nang kuwitin ako ng katabi ko. I looked at him with curious eyes.

"U-Uh..." Mukhang nahihiya pa siya dahil nakayuko lang siya at napakamot ng batok.

"Bakit kuya? Natatae ka ba?" biro ko.

Natawa siya at napailing. "You really know how to lighten up the mood, huh?"

"Pabebe ka kasi kuya," biro ko ulit at sabay kaming natawa.

"Gusto ko lang magpaalam. Wala lang, ang bait mo kasi kahit may pagka-assuming," biro niya. "Bababa na kasi ako sa next stop."

Napangiwi ako. "Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano sa una mong sinabi." Inirapan ko siya nang pabiro na ikinatawa niya. "Pero kami rin naman. Doon din kami bababa."

"Talaga?"

"Bakit? Gusto mo ba'ng sabihin ko'ng izza prank? Grabe 'tong si kuya. Gusto akong i-recruit bilang clown."

Narinig ko ulit ang pagtawa niya bago umarteng humawak sa sentido niya na parang nawawalan ng pasensya. "I'm done with this kid," pabiro niyang sabi.

"Grabe kung maka-kid? Sabagay, mukha ka nang gurang kaysa sa'kin." Syempre kabaliktaran 'yon. Feeling ko kasi, ang soft ng features niya.

"Gurang? 19 lang ako." Pinitik niya pa ang noo ko.

Napangiwi ako at hinimas ang noo ko. Grabe 'tong si kuya, feeling close. Charot.

"18 naman ako. Hindi na ako kid. Maliit lang talaga."

"Oh. Then you are now my smol bean." Tinaas-baba niya pa ang kilay niya.

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. "May tinatago ka palang kaharutan, kuya?"

Sana lang hindi kami naririnig nila Mama. Although, halos pabulong lang kaming magsalita. Baka kung ano'ng isipin na naman ng mga 'yan.

Napahalakhak siya sa sinabi ko at umiling. "Biro lang. Anyway, malapit na tayo. It was really nice talking to you, miss."

"Same to you, kuya," nakangising sagot ko.

Huminto na ang bus kaya nagsitayuan na kami.

"I gotta go. Bye, miss na may pagka-assuming," asar pa niya.

"Grabe ka kuyang mahangin." Pabiro ko siyang inirapan.

Tinawanan niya lang ako bago kinawayan. Kinawayan ko rin siya pabalik. Nauna siyang nakababa dahil nag-aayos pa kami ng gamit.

"Ate, sino 'yun? Kakilala mo?" biglang sulpot ni Jeca sa gilid ko.

"Hindi. Ngayon lang, bakit?"

Tuluyan na kaming nakababa mula sa bus. Tanaw ko pa rin hanggang dito si kuyang mahangin. Sa ibang direction siya dumaan. Ang bilis niyang maglakad, nakalayo na agad.

"Ang gwapo, ate! Ano'ng name niya?" kinikilig pang sabi ni Jeca. Bigla naman siyang binatukan ng kakambal niya. "Aray ko naman! Parang timang," reklamo niya.

Nginisian lang siya ni Jether. "May boyfriend ka, uy."

Binatukan niya ito pabalik. "Ano naman? Kinikilig lang ako kasi gusto ko siyang i-ship kay ate! Nang magka-jowa naman!"

"Hoy, ano'ng jowa-jowa? Ako'y tigil-tigilan mo Jeca, ha!" singit ko. Kinurot ko siya sa tagiliran. "Tsaka ano'ng gwapo? Ako nga hindi pa nakikita ang buong mukha niya dahil sa mask, ta's ikaw sasabihin na gwapo siya. 'Kaw talaga."

"Duh? Ang ganda kaya ng eyes niya! Halata namang gwapo ate, huwag ka nang mag-maang-maangan. Ang ganda rin ng built ng katawan. Ang tangkad pa!"

Hindi naman ako tumututol.

Nagulat ako nang bigla siyang tumili. "Bagay kayo, ate! Akala mo ba hindi ko nakita 'yung kanina? Ang sweet niyo kaya! Nakuha mo ba ang number niya?" dagdag niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nakita niya 'yun?

"Wala lang 'yun, hoy! Tsaka huwag mo nga kaming i-push, hindi ko naman siya kilala personally. Hindi ko alam ang totoong ugali niya. At inuulit ko, we literally just met hours ago!"

She grimaced. "Hindi mo nakuha kahit ang name lang? Hina mo naman 'te," biro niya.

"Baliw. Hindi naman ako jowang-jowa, 'no."

Bigla niya akong inakbayan. "Kaya NBSB ka, e. Ayaw mo pa kahit hinahanapan kita."

"Hindi ko kasi hinahanap, Jeca... hinihintay ko. I just know I will meet him someday in God's perfect time. There's no need to rush."

"Paano kung siya na nga? Nakita mo na? Paano mo masisiguro na siya?"

Inakbayan ko siya pabalik. "If he's the right one, then God will make a way to cross our paths again."

avataravatar
Next chapter