webnovel

PRESENT WORLD: The Girl From Nowhere

"aaaahhhhh! huwag po!" tili niya.

Then, that girl slowly came near him kaya agad na hinampas ni Drake yung babae ng feather duster na kanina pa niya hawak. Nabali lang ito at patuloy pa rin sa paglapit yung babae.

She has this long hair na parang ilang araw nang hindi sinusuklayan. She also has this eyes staring coldly on him and nakasuot siya ng silky black suit with neon like colors sa may waistline and arm sides nito. She has this kind of jacket din na sobrang kapal and naiiba ang style, looks like in a more advanced fashion but medyo luma na ang tela pero mukhang matibay naman at kakaiba ang materials na ginamit.

"w_who are you?" halos mahimatay na tanong niya sa babaeng kanina pa nakatingin sa kanya with a blank expression.

"a_ano iyan?" mas lalong nataranta si Drake at halos yakapin na ang cabinet sa gilid nang mapansin ang dala-dala nung babae.

It looks like a gun kaya sa di inaasahan, naihi sa salawal si Drake dahil sa sobrang nerbyos.

"Aish!" he reacted.

The girl just stared on him tapos ibinaling agad sa loob ng kanyang bahay. Yung parang may hinahanap siya dito.

"Hey! Hey!" tumayo si Drake at sinundan ang babae na naglilibot na inside. She was busy looking on paintings, pictures and even yung mga bills coming from the electric company, ginagalaw niya.

"hey! stop it! this is my house so better get out! Wala kang permission na galawin ang mga gamit dito" Drake said but hindi siya nito pinansin.

"Tsk! bingi ka ba? I said get out dahil kung hindi, I'll call the police!"

When he said it, agad siyang nilapitan nung babae at tinakpan ng kamay nito ang kanyang bibig.

"hmmmm! remove your filthy hands of hmmm!!" pagpupumiglas niya pero masyadong malakas yung babae kaya nagawa nitong itali ang binata sa may upuan.

Nagpatuloy ulit sa paghahalungkat ng mga gamit nila ang babae sa loob ng mansion.

"hmm!!! hmm!!!" sinubukang gumawa ng paraan ni Drake. Inurung-urong niya ang upuan para makapwesto malapit sa may maliit na table. Nakapatong kasi doon ang gunting nila. Wala na sa living room yung babae so he managed to get the scissors at nakawala mula sa pagkakagapos.

"Aish! may baliw na nakapasok dito sa mansion" sabi ni Drake sa kanyang sarili kaya agad niyang hinanap yung babae.

Pumunta siya sa kanilang kwarto sa pagbabasakaling andoon na ito, but the girl was not there. He also checked their bathrooms but wala. Until na he heard a noise from their kitchen kaya agad siyang tumakbo pababa. Doon niya nakita yung babae and he was shocked kasi she's eating na his favorite dark chocolate cake.

"wow, at nakaspoon and fork pa ang baliw na pulubing ito. Humanda ka sa akin." he's about to go near her but may itinutok yung babae sa kanya. Parang tweezers.

(It may look like a tweezer but it is actually an advanced technology invented by some geniuses from the future world. )

Napahalakhak si Drake.

"Anong gagawin mo dyan sa tiyani? magpapabunot ka ng buhok mo sa kili-kili? tsk, nalipasan ka na nga talaga ng gutom" he continued to walk pero agad siyang tumalsik sa dingding ng dining area nila.

"a_awh" he groaned.

~~~~~~~

Dahan-dahang naglakad si Drake papuntang living room habang himas ang tila nabugbog na katawan.

"A_aray, pahelp" mangiyak-ngiyak na sabi niya.

Tapos nakita niya yung babae, sobrang dungis na nito dahil sa cake na kinain niya kanina. But hindi pa rin siya tumitigil sa paghahalughog.

"Ano ba kasi ang hinahanap mo? just go okay?" he said habang halos di pa rin makagalaw.

Ikinalat nung babae 'yung mga papel. At nang di mahanap ang kanyang gustong hanapin, nainis niyang nilapitan ang binata.

"W_wait, anong masamang binabalak mo sa akin?" tapos napaupo siya bigla sa couch.

When he was cornered,

the girl suddenly unbuttoned his long sleeve polo.

"hey! what are you doing? n_no! I'm still a virgin!" agad na pinigilan ni Drake ang ginagawa nung girl sa kanya.

"Ah! Help! the crazy girl is trying to do something bad on me!!"

Because of it, hindi niya sinasadyang matadyakan yung girl kaya natumba ito sa sahig.

"Grrr!"

"Tse!!! bad dog!!"

Nakatakbo papalabas ng mansion si Drake pero agad siyang naabutan nung babae.

"Stop!" she said.

Laking gulat ni Drake kasi nakakapagsalita pala 'yung babae. Tapos may kinuha yung girl sa kanyang bag. He tried to cover himself thinking that it was the gun kanina.

"Calm down. Do you know him?" tapos may ipinakita siyang face na nakahologram.

"May sulat siya from someone and kailangan ko iyong mahanap" the girl said.

So Drake tried to look at it and it somehow resembles his face.

"sino ka ba talaga and how did you get inside our house?" Drake asked her for fear thinking that she may be one of the assassins or kidnappers.

"Hindi mo na kailangang malaman pa ang pangalan ko. JuTaWHi..! (Just Tell Me Who He is).

Napakunot ang noo ni Drake at napaisip siyang that girl is really from nowhere. Mula sa kanyang kasuotan and her language, it makes him feel more nervous.

"Anong pinagsasabi mo, nakadrugs ka ba?" Drake said habang inaayos ang kanyang suot.

"Don't waste my time, I need to go back where I came from before its too late, so please, tell me kung kilala mo siya" the girl said.

"Wala ka bang mata para hindi mo siya makilala?" sabi ni Drake without looking at her.

"Anong ibig mong sabihin?" she curiously asked.

This time, ang binata naman ang lumapit sa kanya. Inilapit nito ang kanyang mukha sa babae kaya napaatras ito.

"Bakit ka umaatras, pagmasdan mong mabuti ang mukhang ito. Look how I was perfectly blessed by this face" nakangiting sabi ni Drake.

Napatingin ng ilang segundo ang babae sa kanyang face.

Then suddenly.....

He got a slap on his face.

"Ouch! you crazy girl! aish! bakit mo ako sinampal?!"

"A_ah, its a way of greeting people sa aming lugar. Thank you for making me realize na medyo kamukha mo ang lalaki dito sa hologram. Licuit! (alright)"

"Aish! umalis ka na kasi dito okay? Please lang kasi nilalangaw na ang bahay ko because of you" Drake said.

"Kung magpalit ka kaya? ang panghi mo na rin kasi eh, eew!" sabi nung babae sa kanya.

Dahil sa narinig, mas lalong nairita ang binata.

"Bwiset! Hindi ko papalampasin ang araw na ito" he said bago umakyat sa kanyang kwarto.

Doon lang ulit nagkaroon ng pagkakataon ang babae na tingnan ng maigi ang mga pictures na nakasabit sa wall.

"so, ikaw pala ang hinahanap ko." nasabi nung babae habang tinitingnan ang mukha ng binata sa wall. Lingid sa kaalaman niya, ang nasa wall na larawan ay hindi kay Drake, kundi sa kakambal niyang si Drayce.

~~~~~~

Nakaharap sa salamin si Drake ngayon at kinakausap ang sarili.

"that girl is crazy! ano bang dapat kong gawin para mapaalis siya dito?"

Then he got his idea.

"tama! Yayayain ko siyang kumain sa labas! Ang talino ko talaga"

Agad siyang nagbihis at excited na bumaba.

"hey, sumama ka sa akin" sabi ni Drake ng madatnan niya itong nakatingin sa malalaking pictures sa wall.

"saan mo ako dadalhin?"

"kakain tayo. Di ba gusto mo ng masasarap na food? May alam akong mamahaling restaurant dito" Drake said using his acting skills. He's acting as if he really cared about that girl.

"wala akong pera pambili kaya dito lang ako"

"alam ko namang wala kang pera eh, na pulubi ka, so I'm gonna treat you tonight. Baka kasi ubusin mo ang mga pagkain ko sa ref eh" Drake said.

"tss."

Nag-isip muna 'yung babae pero kumukulo na talaga ang tiyan niya kaya napilitan siyang sumama sa binata.

Masayang pinagbuksan ng binata yung babae sa Mustang niya but before pa niya pinaupo 'yung girl ay naglagay muna siya ng sapin sa upuan.

"tss. insanis (insane)" bulong nung babae bago umupo.

Nagsimula nang magdrive si Drake. Tapos nagpatugtog siya ng rock song. And because the sound was too loud, agad na pinatay nung babae ang music.

"hey, why did you do that? its my car so bakit pinapakealaman mo ito?"

"alam mo bang sa mundo namin, banned na ang ganyang klaseng music?"

"sa inyong mundo? bakit, alien ka ba?"

Hindi na sumagot pa ang babae at binuksan niya ulit ang music para makaiwas sa tanong na iyon. Wala rin kasi siyang balak na sabihin ang totoong pinagmulan niya sa binata. She was just a stranger na may mission na dapat tapusin.

Ilang minuto lang, nasa harap na sila 'nung restaurant.

"thanks to this expensive car, agad tayong nakarating sa destination natin" Drake smiled.

"tss. taxi nga lang ito sa amin eh" she murmured.

"what did you say?" Drake asked her.

"wala" tapos nauna na siyang bumaba ng kotse.

Pinagmasdan niya 'yung restaurant. CHOOSIE's ang nakalagay na name nito sa labas. And while staring at it, makikita sa mga mata niya ang pagkaamazed.

"ganito lang pala ito kaliit ngayon, I can't believe na naging number 1 restaurant ito sa future world" mahinang sabi nung babae.

Then she realized na mag-isa lang pala siyang bumaba. Napalingon siya sa binata na nasa loob pa rin ng sasakyan.

"naloko na" nasabi niya nang biglang ngumiti si Drake at nagwave ng hands.

Then, agad na minaneho ni Drake ang sasakyan at iniwan siya.

"pambihira, wala talaga siyang puso!" the girl said.

"haha! Good job Drake! Good job!" tuwang-tuwa namang sabi ni Drake nang magtagumpay siya sa kanyang mga plano.

Kaya agad na siyang umuwi pabalik sa kanilang mansion.

"At last! wala nang baliw dito" tapos masaya siyang umupo sa sofa at ipinatong ang kanyang paa sa small table.

Ipinikit niya saglit ang kanyang mga mata at medyo kumalma na ang mind niya. Tapos, napaisip ulit siya tungkol doon sa babae.

"paano kaya siya nakapasok sa bahay? saka yung mahiwagang tweezers, it seems magical. Di kaya_ di kaya ako ang nakadrugs? Why I am seeing those impossible things?" napakamot siya sa kanyang ulo.

(sound of a thunder)

Doon lang niya narealized na uulan pala. Umakyat na siya sa kaniyang kwarto para matulog na.

"hay, perfect time to sleep. Ayoko nang mag-isip ng kung anu-ano. Baka mahawa pa ako ng babaeng iyon" he said.

Then ilang saglit pa, nagsimula nang bumuhos ang ulan.

Isang napakalakas na ulan.

He tried to sleep pero bigla niyang naisip yung babaeng iniwan niya sa harap ng restaurant kanina.

Iniisip niya kung nakasilong ba ito somewhere para hindi mabasa ng ulan.

Ilang saglit pa, napaupo siya sa bed niya.

"Aish! Kainis" tapos agad siyang bumaba at kumuha ng payong. Hindi kaya ng conscience niya ang kalokohang kanyang ginawa kaya binalikan niya yung babae.

Reminder po: Sci-fi ang story na ito. So may mga part ng story na hindi talaga kapani-paniwala.

Chapter edited.

MissKc_21creators' thoughts
Next chapter