(sound of thunder and lightning)

Nakatayo lang ang babae sa may covered patio ng restaurant habang nakaangat ng bahagya ang kanyang kanang kamay para saluhin ang bawat patak ng ulan mula sa itaas.

Di alintana sa kanya ang ginaw kahit medyo basa na ang kanyang kasuotan at nakatingin lang sa malayo na halatang malalim ang kanyang iniisip. Bigla niya lang kasing naalala ang kanyang mga pinagdaanan bago siya mapadpad sa mundong ito.

Mundo ng Hinaharap---

--A day before siya napunta sa present world--

(emergency alarms can be heard everywhere)

Everything is in chaos after the incident. Military jets and air mobiles are everywhere. At ang lahat ng nakasurvive sa incident na iyon ay patuloy pa ring nagtatago.

Kasi some of those special units roaming around are extracting the survivors to keep them silent about what really happened.

(someone's groaning inside the building and Avyanna is trying to help the man na nadaganan ang paa ng malalaking bloke ng semento.)

Then suddenly, a girl wearing a lab coat ran towards her.

"Avyanna, kailangan mo nang tumakas. They're coming for you."

(helicopter whirling)

Napatingin si Avyanna sa malaking biak ng dingding sa gusaling pinagtataguan niya ilang oras pa lang ang nakalilipas.

Ilang araw na rin kasi siyang pinaghahanap kabilang na rin ang apat pang mga chemists niyang kaibigan upang dalhin sa Federal Investigation Unit at litisin para sa kasong terorismo sa kanilang lugar kaya hindi lang ang mga tauhan ng Lorcan Science Institution ang dapat niyang takasan sa pagkakataong ito.

"Dorcy, I don't want to die" nasabi niya.

"Here. Kunin mo, ililingat ko sila. Do what you can do basta huwag mo itong iwawala" then she gave her the LX6--yung tweezer like na kayang icontrol ang gravitational force ng isang bagay, its actually a weapon.

"But how about you? baka mapano ka"

"Don't worry, I'll be fine, just go!" tapos agad siyang lumabas sa building at nagsisigaw.

Nanginginig na dumaan si Avyanna sa exit 4 ng sira-sirang building. Nakahanap siya ng tunnel at doon nakapagtago habang nililibot na ng mga Special force ang buong paligid.

Sinubukan niyang humayo at maghanap ng madadaanan palabas. Luckily, she found her way out.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang ibang parte pa ng city na nawasak dahil sa malaking pagsabog na naganap because of that Chrysantum Project Lab. Kung noon ay halos takpan na ang langit nitong city dahil sa mga naglalakihang gusali and establishments ng lugar, ngayon, lahat ay wasak at wala ka nang makikita ni isang building na nakatayo. Ito kasi ang red zone ng Chrysantum Project Lab na itinayo ng Lorcan Science Institute kung saan siya nagtatrabaho noon.

(sound of GPS beeping)

Nang mapansin niya ito,
Agad niyang kinuha ang GPS watch nung isang lalaki na nakahandusay at sunog ang katawan. Kahit nandidiri ay pinilit niya itong kunin at agad na umalis sa lugar na iyon.

"Professor Shechem, sumagot ka" sabi niya while trying to get a signal somewhere. Halos mahilo na siya sa kakalakad na wala man lang dalang pagkain at tubig, magdadalawang araw na kasi siyang hindi nakakakain at kakaubos lang rin ng tubig na lagi niyang dala. Sobrang init pa naman sa labas dahil na rin sa greenhouse effect na resulta ng overcrowding at overpollution na nagmumula sa iba't-ibang planta ng lugar.

Then, she noticed na may mga air-mobiles na paparating kaya agad siyang nagtago somewhere. Huminto ang dalawa sa location na iyon at naglanding sa kalsadang punung-puno ng mga kalat dahil sa pagsabog.

Sumilip siya ng bahagya at mas naklaro niyang mga tauhan pala iyon ng LSI. Hindi niya pa rin talaga lubos maisip na despite sa dalawang taong pagtatrabaho niya sa LSI, ay magagawa na lang siyang pagtaksilan ng mga taong itinuri na niyang parang pamilya. Yung mga taong akala niyang tunay na nakaka-appreciate sa abilidad na meroon siya. And now, they are finding her just to kill her.

"3-0-0, location Shield City, malapit lang kami sa red zone. Everything is clear. Wala dito ang target. I repeat, wala dito ang target" sabi nung lalaki na naka-black silky suit din na kagaya ng suot niya with tasers and weapons na nakakabit sa bandang waist nito. He's wearing an oxygen helmet at papasakay na sa air-mobile niya.

But his companion tried to look around first to make sure na wala doon ang hinahanap nila.

Unexpectedly, biglang nagbeep ang GPS watch ni Avyanna kaya agad na naibaling ang attention nung lalaki at nilapitan ang lugar na pinagtataguan niya. He's bringing with him his laser gun.

"3-0-0, cover me!" agad na bumaba yung isang lalaki sa airmobile niya at sinundan ang kasama niya.

"Goodness!" agad na tumakbo si Avyanna sa opposite direction kaya hinabol siya mg mga ito.

"3-2-7, positive! the target is moving, location, Shield City! away from red zone! Heading South!"

(mas lalong lumakas ang ingay sa itaas ng magsidatingan ang helicopters)

"I'm dead!" patuloy na tumakbo si Avyanna passing all the obstacles from the ruins of the buildings.

The guy tried to shoot her but she's fast so they can barely hit her.

She was still trying to contact Professor Shechem using her holographic phone. Then at last, he answered her call.

"Professor, I need your help! I'm in trouble!" she said.

"Okay, saglit lang"

(metal clanking) They are shooting her.

Mas binilisan niya ang kanyang pagtakbo at agad na nagtago sa isang sulok para malingat sila.

"Where are you now?" the professor asked.

(tiningnan niya ang GPS watch)

"South, away from red zone. To be exact 30° S" sabi niya habang hinihingal pa.

"Nasa Shield City ka? okay, do you have a weapon right now?"

"Y_yes, I have a LX6 Professor" her habang nagmamasid sa paligid. Bigla na lang kasing nawala yung dalawang humahabol sa kanya.

"Gamitin mo iyan kapag kailangan. I'm coming" then, their convo ended.

Avyanna was in shocked when she heard the horn of a big truck. And its coming na to her.

Agad niyang kinuha ang LX6 at itinutok ito sa truck. But it doesn't actually work sa malalaking targets, nayupi lang ang bumper nito so agad na lang siyang umiwas making her roll in the ground because of the impact ng banggain ng truck ang isang poste na nakatayo doon.

"I'm dead!" she tried to run away pero napapalibutan na siya ng mga tauhan ng LSI.

Then, someone suddenly stepped down from the big truck and smiled at her. Matangkad ito at medyo malaki ang hubog ng katawan because of the muscles, may medyo makapal na kilay, manipis na labi at may bangas sa mukha. Meroon siyang matangos na ilong at mga matang emotionless. Yung tipong kahit nakangiti ay hindi makikita sa mga mata niyang masaya siya. He is Leander, ang head ng LSI special unit.

"Hi Avyanna, its nice to meet you again"

"Insanis bastard" nasabi ni Avyanna ng mamukhaan ito.

Tinawanan lang siya nung lalaki.

"Don't call me like that, ginagawa ko lang ang trabaho ko. I'm just too loyal sa LSI that's why I'm here. But as what I'm always saying, trabaho lang...walang personalan" then he winked.

"Saan mo dinala si daddy?" she asked trying to buy some time.

She's still hoping na madadatnan pa siya dito ni Professor Shechem.

"Ow! si Professor Gennady ba kamo? Don't worry, he's with your mom"

Nang marinig niya iyon, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam dahil nagkaroon siya ng hint na buhay pa ang mga magulang niya.

Inilibot niya ang kanyang paningin with everybody. And she's analyzing now what she can do para makatakas sa kanila.

"Alam mo Avyanna, mas makakabuti sa iyo kung sumama ka na lang sa amin para hindi ka na masaktan okay?" Leander said.

Avyanna tried to move her hand while holding her weapon. But Leander noticed it and smiled.

"Don't do anything stupid Avyanna. Heh! It may sound crazy but until now, gusto pa rin kita so I don't want to kill you here. So please, huwag mo nang subukang manlaban pa. Besides, kapag sumama ka sa akin, they will just ask you some questions regarding a thing and they'll set you free. Ganon lang so don't try to harm yourself"

"Tss. Stupid. Do you think na basta-basta na lang nila akong papakawalan after ng incident?" Avyanna said.

Napaisip saglit si Leander.

Then.....

May airmobile ang biglaang dumating at pinagbabaril sila with its advanced weapon kaya lahat ng LSI special units ay nagsidapaan para hindi sila matamaan ng nagwawalang armas ng sasakyan ng propesor.

"Avyanna!" Leander tried to point his gun against her.

"Shoot me....if you can Leander" sabi ng dalaga sa kanya.

Leander tried to shoot her pero agad nang nagbaba ng tali si Professor Shechem at umalis matapos makahawak ang dalaga dito.

He wanted to do his duty as a head of LSI special unit but Avyanna was his weakness. Hindi niya ito kayang saktan.

"Avyanna!!!" then ihinagis niya ang kanyang weapon dahil sa galit.

"I promise na kapag nakita kitang muli, I'll kill you without hesitation!" tapos tumayo na siya at pinagpag ang nadumihang suot dahil sa alikabok ng sasakyan kanina.

"Are you okay?" tanong ni Professor Shechem nang makasakay na sa loob ng airmobile si Avyanna.

"Actually not" then he noticed na nanginginig pa ang dalaga.

"Don't worry, everything's gonna be fine" Professor said while driving.

(Professor Shechem's little history)

He was one of the aces ng Lorcan Science Institution. Marami na siyang inventions na pumatok sa mga tao dahil sa durability and effectiveness nito when it comes to conveniency. Marami na rin siyang awards na natanggap from the National Science and Technology Board and International Patent Service Organization (IPSO) bilang promising inventor of all time. Siya ang bestfriend ng daddy ni Avyanna na si Professor Gennady na siya namang head ng Chrysantum Project Lab. Isa sila sa mga pinagkakatiwalaan ni Lorcan Sebastian--ang puno't-dulo ng lahat kung bakit maraming buhay ang nasawi.

Isa sa rason kung bakit si Professor Shechem ay pinaghahanap na rin ng mga STF (Special Task Force) and of course, ng mga LSI special unit, ay dahil paunahan ang mga ito sa paghuli para lang malinis ang lahat ng pagkakamaling ito. That's why, ang lahat ng involved sa CPL (Chrysantum Project Lab) ay kanya-kanyang sibat just to preserve their lives.

And that's what they're doing now.

"I'm giving you this" then may iniabot si Professor Shechem na isang cube sized dark-colored na bakal.

Nasa hide out sila ngayon ni Professor Shechem, malayo sa city. Ito ang dating lungga nila ng daddy ni Avyanna noong mga panahong nangangarap pa lang silang makapagtrabaho sa LSI. Doon sila nagkaroon ng friendship memories kaya ni minsan, hindi nila ito nagawang ipagiba. At ngayon, sobrang laki na ng pakinabang nito sa kanya.

"What is this?" tanong ng dalaga habang tinitingnan ang bakal.

"That is Ferrum Lanthanein o mas kilala bilang the Dark Iron." he said.

"Why are you giving this to me?" she asked.

"Iyan ang hinahanap ni Lorcan. And I'm giving it to you para mailigtas mo kaming lahat"

Nang marinig niya ang sinabi ng Professor, di niya sinasadyang mabitawan ang Dark Iron. Buti na lang at nasalo ito ng Professor.

"Dapat mo itong ingatan dahil it is only our hope to change everything"

Back to present---

Natauhan siya kaya nagsimula na siyang maglakad sa kung saan. Kailangan niya pang hanapin si Drayce Sebastian sa lalong madaling panahon.

Until.....

A car suddenly stopped in front of her. Nakatingin lang siya habang tuluyan ng nababasa ng ulan ang kanyang kasuotan.

"Hey" tapos biglang bumaba si Drake sa sasakyan.

Sa pangyayaring iyon, mistulang nagkaroon ng slow motion effect ang pagbaba ng binata sa kotse wearing his pajamas. (dramatic entrance)

Yung tipong habang binubuksan pa lang ang payong eh ang bawat patak ng ulan na bumabagsak mula sa kalangitan ay parang humihinto saglit sa mga sandaling iyon at nagmistulang light effects ang ilaw na nagmumula sa sasakyan.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga ng bigla siyang yakapin ni Drake.

"A_anong ginagawa mo?" mahinang tanong ng dalaga sa kanya.

Agad na napabitiw sa pagkakayakap ang binata sa kanya when he come into his senses.

"Ah...di ba ito 'yung ginagawa ng mga lalaki sa palabas? everytime na umuulan, they bring their umbrella with them tapos papayungan yung babae at yayakapin" he explained.

"Tss. Better to find out muna the reason why they're doing it, hindi yung basta-basta ka na lang yumayakap. Mapapagkamalan kang manyak n'yan" Avyanna said tapos agad na niyang kinuha yung payong at lumakad na papasok sa kotse ng binata.

"Hey! mababasa ako, ano ba?" sumunod naman si Drake at agad na ring pumasok sa kotse.

A moment of silence.

"You!...Aish, you must be grateful to me dahil binalikan kita dito" Drake said.

"Really? ang sabihin mo, takot ka lang talaga sa kulog at kidlat" sabi nung babae na nagsisimula nang manginig sa lamig.

Nakabukas kasi ang AC ng sasakyan. Pero hindi ito napansin ng binata.

"Hindi ah. I'm just a good man"

"Tss. magdrive ka na lang"

"Okay fine"

Nagsimula nang magmaneho ang binata hanggang sa nakabalik na sila sa mansion.

"Aish! nabasa tuloy ako. Di mo man lang ishinare ang payong na DINALA ko. Salamat huh" sabi ni Drake.

Hindi na siya pinansin ng dalaga at naupo na sa sofa.

"Hey, you're wet so don't sit on the couch. Magpalit ka na muna doon. I'll give you my shirt" tapos agad nang umakyat ang binata sa kwarto.

Doon na mas lalong nanginig ang dalaga.

"Pambihira, pati ba naman sa loob nitong bahay, may aircon pa rin? asaan na ba ang remote nito?" sabi niya habang nagsisimula na ring maghalughog. Hinanap niya ito sa kung saan hanggang sa di niya sinasadya, may nakita siyang isang larawan na nakaipit sa isang lumang passbook.

Nakita niya ang larawan ng isang babae na masayang nakaupo sa swing. Candid shot ito kaya nakasideview siya when the picture was taken. Tapos tiningnan niya ang likod ng picture.

May nakasulat: My Only Mikaela

Tapos may cursive writing sa ibaba na Drayce Sebastian.

"Mikaela is her name. Drayce' first love." she whispered.