Chapter Seven
FUN!
[WIN]
MATAPOS NAMING magswimming kagabi ay umuwi din kami agad. Kanya-kanyang ayos din bago matulog.
Kinaumagahan, Katherin turned on her freaking speaker at nagpatugtog ng rock 'n roll kaya kaming mga tulog nagising. It's her, Katherin, a woman who loved to play us.
Manong Pete was here again, dahil may tao naman na sa mansyon ay ang mga puntod sa likod ang inaalagaan nya.
Sarah and Grace were sitting at the sofa. May sketch pad na hawak si Grace habang si Sarah ay may color pencil. Umupo ako sa tabi nila. Venice was in front of us. She was holding a mask and putting something on it and I don't think it's a makeup.
I took a peak on what's Grace was doing. It was sketches of a black colored clothes.
"What was that?"I asked her. Grace smile at me and made me look at her sketches. No doubt na anak nga talaga sya ng isanf magaling na mananahi. The sketches was so well detailed and good yet its design is something creepy.
"This will be the killer's attire, inspired sa attire ni Ghostface at medyo millenial 'to,"she said. Ghostface? Who was that? Nahalata ni Sarah ang pagkalito kaya sya ang sumagot.
"Ghostface was a fictional character in Scream movie series. He was the killer their and you see what Venice was doing? That's the mask like Ghostface pero ipapaayos natin sa kanya para may originality ang movie natin,"Sarah said smiling. Napatango ako.
The sketches of the killer's attire was a black top yet designed well. Longsleeved top with cuts behind making the killer's back seen. Killer was designed to wear ripped jeans and it means so badly dahil may mga chains na design tapos may strap kung saan ang kutsilyo ng killer.
The weapon? Grace also designed it's weapon. A knife with the 'ghostface' sticker at the holder then the blade was covered already with dried blood.
Tumayo ako matapos makita ang designs nya. She's good. Pretty good. Kay Venice naman ako nagtungo at nagawan nya ng realistic wounds yung mask. Well, it's a design.
Tinawag kami ni Katherin kaya napalabas kami. Sabi nya ay maglilibot-libot kami sa isla para naman makita namin ang ganda nito.
All of us prepare to leave and lock the mansion as we get outside. Katherin being the island owner guide us. Bumalik kami sa pangpang at lumakad pakanan. May maliit na kwenba doon kung saan nakita namin ang isang bangka.
"That's for emergency. Emergency boat,"Katherin said. Binalik na nya ang talukbong no'n. Naglakad pa kami at natunton namin ang mabatong parte ng isla. There are many rock forms here with different varieties of size.
"We could make a scene here. Like kunwari nagsasaya dito yung mga bida sa kwento,"Rina suggested and all of us agreed. Maganda talaga ang lugar tsaka asul ang dagat at malinaw kaya magandang place iyon para magsaya.
Since bukas kami magsisimula ng shooting ay nagsaya na kami doon. Kanya-kanyang pose sa bawat bato.
"Win!"napatingin ako kay Helen and I was caught off guard when she click her camera kaya ang epic ng muka ko.
"Hoy! Burahin mo 'yan!"natatawa kong sabi. Her camera just flash an annoying light kaya nalukot ang muka ko sa picture.
"Hahahaha. Ang cute mo!"I frown hearing what she said. Inaasar nya ba ako?
Nagpatuloy pa kami sa pag-ikot sa isla hanggang sa marating namin ang isang kweba uli na nasa likod ng isla. Unlike sa kweba kanina, it's more larger than what we saw earlier pero 'di ang pagpasok ang ginawa namin.
We actually reach its top and saw a beautiful scenery. Nasa taas kami ng kweba at kita namin ang mansyon mula doon pero partial lang pero kita namin ang buong isla pati ang kabuuhan ng gubat. Mahangin din dito at 'di mainit kahit sikat ang araw.
"Pwede bang tumalon mula dito at magdive?"Luis asked. Still the same, he clings his arm to his girlfriend. A sign of possession, I think?
"If you want to die early then go dive. Bato ang sasalubong sayo hindi tubig,"dahil sa sinabi ni Katherin ay napasilip ako sa ibaba. This was a cliff of cave. Tama sya, bato ang nasa ilalim, puro bato. May tubig naman at umaabot ang alon ng dagat though for sure, if I jump here I'll have a broken ribs and blown head and become a dead cold corpse.
Babalik na sana ako nang bigla akong tinulak ni Katherin. 'di naman malakas na tulak tsaka nakahawak agad sa akin si Tristan kaya 'di ako mahuhulog pero natakot pa din ako. What if their prank failed?!
Napahampas ako kay Tristan. I could hit Tristan than Katherin.
"Whoah! That was close!"Rudolf exclaimed. Nanlalaki pa rin ang mata nila Helen, Rina, Akashi, at Archi pero mabilis na sinuway agad ni Archi sila Katherin at Tristan.
"That's not funny!"sigaw ni Archi sa kanila dahil tumatawa pa rin sila. Me? I wanna punch them hard in their throats or choke them for pranking me while peaking at the cliff.
Nang makaupo ako ay ininom ko ang tumbler na iniabot ni Helen. I was dead nervous! Nakakatakot kaya 'yun! I almost cursed when Katherin pushed me. Let's say it was not a hard push but what if bad things happened? That hard below us would hit me!
"'di 'yon magandang biro Kath,"suway ni Helen kay Katherin na nagpipigil ng tawa.
Nagpatuloy pa rin kami sa pag-iikot hanggang sa makabalik na kami sa mansyon nang mga ala-una. Nang makarating kami ay kakatapos lang ni Anica magluto. Kaya pala bumalik sila ni Katherin ng maaga.
Manong Pete was at the door reading the newspaper at nang makita nya kami ay ngumiti sya sa amin kaya ngumiti ako. Pumasok kami sa mansyon at kumain ng tanghalian.
Bago kami nakapasok ay napasulyap ako sa dyaryong binabasa nya. The masscre news days ago was still at the headline. It's really controversial for the country to knew that a barangay–the whole barangay are both drug users and dealers. Pero syempre ang mas nakakabahala ay yung pumatay dito.
Pagpasok namin ay naupo agad kami sa bawat upuan. Tulad kagabi ay sila Rina at Helen pa rin ang katabi ko at kaharap ko sila Archi habang kasama si Akashi.
Nang matapos kaming kumain ay nagkaroon kami ng usapan sa salas. Nakaupo kami habang inaayos nila Rina at Paulo ang scripts habang ang customes ay inaayos na nila Grace, Sarah, Amelia, Agnes, at Venice.
Kami namang natira ay nag-uusap. Wala kaming choice kun' 'di ang magsama-sama para malibang at 'di mabagot. Internet? None, medyo tanga si Tristan at ang iba para magpadala ng pocket wifi gayong wala naman talagang signal. Seriously? Ang yayaman nila sa pera pero sa utak ni singkong duling wala yatang alam ang utak nila.
"Hey guys! Bisitahin natin yung cemetery sa likod!"napatingin kami sa sinabi ni Selene. Sa lahat ng babae, sya lang yata ang may tapang na pumunta doon.
"No way!"
"Ayoko!"
"Are you crazy?!"
"Still want to sleep good!"
As expected umapila kaming mga babae. Kasama ako sa umapila. Nakakatakot daw 'di ba? So basically, nakakatakot talaga 'yon. 'di naman siguro mukang matatakot si Akashi kung 'di talaga nakakatakot 'no? Or maybe he's pulling a prank on us.
"Ano ba girls, it will be fun! Tsaka nandito naman kaming mga lalaki eh. Isa pa, si Akashi lang naman ang natakot nung nagpunta kami!"saad ni Luis dahilan para mapatawa kami at para mamula ang muka ni Akashi.
"Nagawa pa ngang magsigarilyo ni Gino do'n eh,"paalala naman ni Rudolf. Ano pa bang aasahan namin? Gino like-ay mali, Gino lived his life to smoke every minute.
"Still natatakot kami, babae kasi kami at lalaki kasi kayo!"sigaw ni Venice habang hawak-hawak ang maskara na hanggang ngayon ay dinedesenyuhan nya pa din.
"'wag nga kayong killjoy girls. Bukas, shooting na para sa last project ang gagawin natin. Mapapagod na tayo no'n at gugugulin ang mga araw para magshoot ng magshoot. Atleast kung pupunta tayo do'n ay makakapagsaya tayo."
Magsasaya? I want to roll my eyes on what Tristan said. Seriously? Magsasaya kami o matatakot sa mga makikita namin?
"Tsk. Nonsense Tristan. 'di kami matutuwa do'n sa mga makikita namin,"Sarah said. Napacross arms si Selene.
"Gan'yan ba kayo kahina girls? Let's make these boys look how strong we are!"Selene exclaimed us sigh. Seriously? Again, seriously? Bahala sila.
Tatayo na sana kami nila Helen nang magsalita si James. James words made us frightened more.
"People who left here will be locked for three hours dahil gugugulin namin ang tatlong oras sa cemetery. Also, no lights and electricity,"ayaw ko mang maniwala na gagawin nya iyon pero looking at them sa tingin ko ay gagawin nila talaga.
Napaikot ang mata ko. I sighed. Nagsimula ng sabihin ng girls ang pagsang-ayon nila. The all looked at me nang ako na lang ang 'di sumasagot.
Alam kong pagsisisihan ko ang kung ano mang isasagot ko ay kailangan kong mamili. Being locked here at the mansion for hours without electricity or going out with the squad in they what so called 'creepy cemetery'.
"Fine. I'll be going,"labas sa ilong kong sagot.
[CHAPTER 7]