webnovel

Chapter 6

01/16/2089

{[ROUGE's POV]}

"HA?! HAAA?! anong baby?!"

Sabay naming sigaw ni Liane.

"Ah, iyong aso ko po iyon, hehe. Bine-baby ko na lang siya." at ngumiti na parang magiging asawa ko na anghel.

"Huwag kang mag-alala maging baby naman na kita," ang malumanay na banat ni Liane.

At bumanat pa si manoy. Parang ang daming nalalaman tungkol sa panliligaw to ah.

Ay oo nga, nagbabasa pala si Liane noon ng mga libro. Pero sa pagakakaalam ko mga fantasy at detectives lang ang binabasa. Balik na lang tayo mga 16 years ago.

(Flashback of a shorten long story 16 years ago)

Nasa park kami sa oras na iyon 'e, summer or fall, ewan. Niyaya ako ng mga kalaro ko na maglaro sa park kahit saglit lang dahil gusto lang namin. Grade 7 na'ko no'n.

Kasama ko si Liane noong time na iyon at doon nagbabasa pa rin siya. Iyon ang hobby ni Liane noon.

Habang naglalaro ako sa isang madamong bahagi ng parke, nakaharap siya sa kinaroroonan ko at tulala. Napatingin naman ako sa kanya at natisod sa putang'nang lubid na nakakabit sa akyatan ng slide at monkey bar. Pumikit at dumilat ang mga mata niya at napatingin siya sa kanan at sa kaliwa. Napansin niya ako na nakasubsub na sa lupa, pero ayun..

"Kaya mo na sarili mo," bulong nito at tumalikod tsaka tumingin sa kabila ang walang pakinabang ko na kaibigan.

"Ang payat mo na! Puro kasi pagbabasa ginagawa mo. Para ka nang nerd sa school. Puro books hawak mo tapos ang a-awkward pa ng mga genre. Nye nye nye." bulong ko naman.

Humarap naman ako sa aking kaliwa, kabaliktaran sa hinaharapan ni Liane.

Parang may mga nagdadabog na lumalakas ang tunog.

Humarap na ako sa aking kanan at bam! Tumunog ang noo ko. Tumayo ako agad sa pagkakatisod ko nung may sumampal sa noo ko. Pinikit ko ang aking mga mata at hinaplos-haplos ang noo ko.

"Anong sabi mo? Anong awkward? Walang awkward dun! Maganda mga plots ng mga binabasa ko kaya 'wag kang ano. Palibhasa walang alam sa mga libro," mahabang aniya sabay talikod.

Tinatalikuran mo na lang ako? Ouch. Magsisimula na ang putukan ng mga salita.

"Bakit ka naman nananampal? Kung ikaw kaya sampalin ko dyan!?"

"Edi gawin mo!" bulong nito. Pumunta talaga ako, palaban ako noon 'e. Sinapak ko yung ulo niya at nahulog yung salamin niya.

"Ay sorry, haha. Napalakas ata," asar ko tsaka tumawa ako at naglakad din sa kabaliktarang direksyon niya papunta sa mga kalaro ko.

Narinig ko ang mga yapak niya at tumigil ako sa paglalakad. Humarap ako at ayun, pangalawa na..

"Inulit mo pa rin talaga 'e 'no?" inis kong tanong sa kaniya.

Kinuha ko iyong isa sa mga hawak niyang libro at tinapak-tapakan. Nakita ko ang title at cover ng libro na iyon. Namula siya sa hiya at kinuha ang libro at tuluyan nang umuwi. Medyo natatawa talaga ako nang nakita ko iyon.

(End of flasback)

"Ha? Ano po yun? Pasensiya po maingay iyong mga aso sa loob eh."

Ouch, Liane, I feel bad for you. 'Di joke lang, buti nga sa'yo. Akin kasi yan hehe.

"Ah wala. Nandito lang kami para mag-interview, diba isa ka doon?"

"Ahh, opo, iyong sasakyan po ba? Nandito po sa loob, pasok kayo."

"Hoy, para kang nagayuma!" bulong ko sa tenga ni Liane.

"Ha?" hibang niyang tanong.

"Sabi kooo, tanungin mo na siya at para makapunta pa tayo sa iba pang mga biktima! Kapag lumabas na siya tanungin mo na agad."

"Oo na! Ako na bahala dito!" aniya tsaka binugaw ako na parang aso.

Lumabas na ang babae. Lumapit agad si Liane at tinanong ang babae,

"Anong pangalan mo?" Tanong niya.

"Alizsha po," sagot naman ng magandang dilag.

"Nice to meet you." At naglamano pa.

Wait lang, lalapit muna ako roon ng kaunti. Pero buti 'di pansin ni Alizsha mga galawan niya. Mahirap na baka madali.

"Ehem. So, doon ka na lang muna sa kotse Liane, pakitingnan iyong taas." utos ko sa kaniya.

Sumama ang tingin niya sa akin kaya napangisi ako.

"At iyong ballpen at papel mo pala, pahiram na. Nasa kotse iyong akin eh." binigay niya ito nang hindi nagsasalita at iritado ang mukha.

"Saan mo nakita--" napatigil ako, "Lumakas na naman ang hangin tapos may kasama pang mga niyebe. Pwede ko bang ipasok muna iyong sasakyan ko?" tanong ko kay Alizsha.

"Sige po, maluwag pa naman dito sa garahe namin."

"Sige, ipasok ko muna." tumakbo ako papunta sa sasakyan at pinaandar agad ang sasakyan. Ipinasok ko ang kotse ko na puno na ng niyebe sa itaas. Tinabi ko na lang iyong sasakyan ko sa kanyang kotse.

Lumabas na ako at itinuloy ang pag-iinterview, "Nagbiyahe ka pa ba noong may gasgas na iyong kotse mo?"

"Ah, hindi na po. Mag-three three days na ngayon."

"Kailan niyo pa napansin yan? Date at time please kung naaalala mo pa," tanong ko.

"Ang naaalala ko is noong.. Thursday, January 13. Nandoon ako sa mall no'n, nagshopping ako sa mga gamit na gagamitin ko sa projects ko."

"Pero ba't ngayon ka lang nag-post? Dahil ba marami na ring nag-post?" tanong ko pa.

"Exactly. Hinintay ko talaga na maraming mag-post dahil.." natigilan siya, "Wala." pag-iwas niya.

"Dahil..?" tinaas ko ang aking mga kilay sa kagustuhan ko talagang malaman ang rason.

"Wala lang iyon.. haha." pambabaliwala niya sa sinabi niya kanina.

"Sige sabi mo eh.. haha." ani ko at binaling ang tingin ko kay Liane at tinanong, "Tapos ka na diyan Liane?"

"Patapos na!" sigaw naman nito.

"Ba't aalis talaga tayo? Baka lubog iyang sasakyan mo sa kapal ng niyebe mamaya."

"Nako po, bilisan mo diya-" bigla pang lumakas ang hangin putek. 'Di sumasabay ang panahon sa amin ah.

"Parang matutulog tayo sa kotse ah, haha. Baka titigil din ito, alas sinco pa lang naman." parinig ko sa pamilya.

"Walang matutulog sa kotse! Dito na lang kayo sa loob. Malawak pa ang espasyo sa sala kung sakali mang magtagal pa iyong ulan. Pwede kayo doon." paanyayang ngiti pa ng lola. Hays buti na lang talaga.

"Ho?!" parang ayaw ni Alizsha, tapos pumasok na siya sa loob

Habang nag-uusap kami ng lola ni Alizsha ay sumulpot naman si Liane dahil tapos na siya sa kanyang ginagawa.

"Tapos ka na ata iho.. Liane, tama?" tanong ng lola.

"Ah, opo kakatapos ko lang." sagot naman ni Liane at ngumiti ng mala-anghel ang dating.

Yinaya kami ni lola sa loob para magkape at pinakita ang aming tutulugan kung sakali mang hindi tumigil ang pag-ulan ng niyebe.

Humakbang muna kami sa tatlong mabababang mga hagdan at matatanaw ang magandang nakaukit sa kanilang pinto — isang dragon na tila totoo.

"Ang ganda po ng pinto ninyo lola!" hindi ko talaga naiwasan ang sarili ko at nasabi ko nga.

"Oo, matagal nang gawa ng anak ko iyan higit limang taon na rin.. kaso –"

Nag-iba ang hangin sa loob nang binangit niya iyon. Natahimik ang lahat at bigla na lang pumasok si Alizsha.

"Bakit, Alizsha?" nagatataka talaga ako. Parang may mali palagi kung ako ang nagsasalita sa pamilyang ito.

"Hayaan mo na lang muna siya, hijo." nakangiting saad ni lola.

"Sige po." sabi ko naman at nanahimik.

"Ganito kasi iyon, iyong anak ko ay ang kanyang ama at hindi pa rin niya matanggap ang pagkamatay ng kaniyang ama." paliwanag ni lola. Nanahimik lamang kami at humihigop lamang ng kape habang nakikinig sa kuwento ni lola.

"Isang doktor ang kanyang ama. Namatay raw siya dahil sa isang likido na naihalo sa dugo niya. Ngunit ang kanyang katawan ay nahanapan naman ng mga pasa.. sa kanyang likuran, sa mukha, at sa kanang balikat nito kaya hindi tanggap ni Alizsha ang pagkamatay ng kanyang ama. Sa taon ng pagkamatay ng kanyang ama ay taon din kung kailan gagraduate si Alizsha, ngunit hindi niya ipinakita ang mahinang Alizsha at tinapos ang kurso para sa kanyang ama — para malaman ang totoong nangyari sa kaniyang ama."

Kaya pala ganoon na lamang ang reaksiyon niya na halos maiyak na.

"Pasensiya na po sa pagtatanong ko."

Naguiguilty talaga ako sa sinabi ko.

"'Wag mong dibdibbin, hays. Mabuti pa't maghanda muna ako ng panghapunan natin. Dito na kayo kumain at matulog kung 'di pa rin titigil ang pag-ulan ng niyebe sa labas.

... ... ...

Tnx for reading...

See u agin on next chapter😉

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Bell_Cranel_1529creators' thoughts