Hindi nga nila pinalagpas ang kahit na isang araw na pahinga. Hinanap nila ang mga taong ito. Pinuntahan isa-isa, kahit saang bahagi pa ng Voulude. Tama ka, hindi lang sa Northern Voulude nanggaling ang mga post na nakita nila. Nagkalat din ito sa iba't-iba pang parte: ang Southern, Western, at Eastern Voulude. Nakapasok din siya sa Central Voulude nang walang problema. Kung isa ka lang normal na mamamayan ay hindi ka makakapasok dito o kung walang mga mag-aaprove sa entry mo.
... ... ...
16/01/2089
{[ROUGE's POV]}
*ding *dong *di-di-ding-dong*
"PUTA! ANG AGA-AGA ANG INGAY NA!"
"ANONG MAAGA?! alas nuwebe na! Malapit na naman ang meryenda,"
"Alas sais pa lang! sigurado..."
Naririnig kong bumubukas ang pinto ko at parang may palapit na sa akin, ngunit gusto ko pang matulog eh!
*pak* "AW! Pa'no ka nakapasok? Bakit ka nandito?! Bigla na lang pumapasok nang may bahay," reklamo ko habang hinihimas ang ulo.
"Eh kung sapakin pa kita?! Bukas nga pinto mo eh, hmm!" tinaas niya ang kamay niya para takutin pa ako.
Ba't ang aga naman nito? Wala pa ngang alas nuweb.. ay oo nga pala mag na-9:30 na. Haha.
"'Di mo naman sinabi kung anong oras tayo aalis eh," pagrereklamo ko.
"HMM!" nagbadya muli siyang sasapak.
'Mas nanay ka pa sa nanay ko. Iyong mama ko 'di nananapak, ikaw! jusme! Para kang nang-aabuso ng hayop! Palagi na lang nanapak, parang di alam makipagbiruan!' sigaw ko sa kaniya sa isip ko.
"Ano pang gagawin mo? Bangon na!" nagtangka na naman ang kaniyang kamay.
"OPOO, ITOO NA POO NAAAY!"
"Anong oras na, antagal gumising tapos antagal pa gumalaw," pagpaparinig nito habang bumubulong.
"Nye nye nye nye," bulong ko rin. Kumuyom palad niya at sumama ang tingin niya sa akin. Hinawakan niya ang tsinelas sa ibaba ng aking higaan.
"Anong gagawin mo diyan?"
"Buti tinanong mo!"
"OUCH! AW?.. ah.. ha? Ba't di mo binato?" napapikit pa ako at harang sa mukha tas 'di mo binato?
"At bakit ko naman ibabato? Ganon na ba ako ka grabe sa'yo, na trauma ka na ba? HAHA," pang-iinsulto niya.
"Ah, kala ko takot ka sa ipis. Haha."
"Meron ba?" tanong niya.
"Diyan malapit sa tsine-"
"AAAAH!" sigaw niya tsaka tsinek ang tsinelas, "Gago.. wala naman."
"Taena takot ka sa ipis?! HAHA"
Tumahimik siya dahil nahiya na haha. Kumain at naligo na'ko. Handa na kaming umalis.
"Tara na!" alok ko sa kaniya habang tinitingnang maigi ang mga post.
Tumayo naman ito agad at kinuha ang mga gamit niya sa lamesa.
Wala nang paligoy-ligoy at pumunta na kami para hanapin ang mga taong nasa listahan dahil talagang napakarami nila.
Syempre, yung mas malapit ang inuna namin which is sa North Voulude. Habang nasa daan ay nakikinig kami sa mga nilagay kong music.
"Sa ilalim ng puting ilaw,
Sa dilaw na buwan,
Pakinggan mo ang aking sigaw~"
Ang tagal ding na-laos to ah, higit sa ilang decada rin. Pero koleksyon ko yan eh, wala nang pake si Liane. Pero parang nagustuhan naman niya.
Patingin-tingin lang si Liane sa bintana, bakas naman sa kanyang mukha na bored na talaga siya. Nilakasan ko na lang ang music at binilisan ko nang kaunti ang pagda-drive.
May tatlong minuto na kami sa daan at nahanap na namin ang isa sa mga ito. Nakalagay sa lahat ng post ang kanilang ang mga location kaya madali namin silang mahahanap. Nahanap namin siya dahil nakalabas mismo ang kanyang sasakyan, at talagang kitang kita ang mga bakas na iniwan ng babaeng iyon.
Medyo nabuhayan si Liane at umayos sa pagkakaupo na parang 'time to question' mood na siya.
Hindi ko na siya pinag-antay at inilagay ko kaagad ang aking sasakyan sa tabi ng sasakyang nakita namin katulad nung nasa post.
Bumaba agad si Liane. Hinanap at tinanong niya ito agad. Hawak-hawak ang mga papel, cellphone at ang ballpen niya.
"Magandang umaga po," bati ni Liane sa may-ari, siguro. Baka siya nga iyong may-ari.
"Ay, magandang umaga po. Ano hong sadya niyo?"
"Mga pulis po kami. Nag-iimbestiga po kami tungkol sa mga marka na naiwan sa mga kotse niyo. Hindi lang po kasi ang sasakyan niyo ang nadali sa insidenteng ito. Pati na rin po ako sa katunayan at sa iba pa, 'di lang dito sa Northern Voulude." pagkumbinsi ko sa may-ari.
"Ah, sige, talagang nag-aalala lang po kasi talaga ako sa sasakyan ko kaya nagpost din ako, baka sakaling may makapansin." pagsasalaysay niya.
"Magsimula na po tayo?" tanong ni Liane.
"Sige, kahit kailan."
"Puwede ko po matingnan itong sasakyan niyo?" tumango naman ang may-ari. Si Liane ang magtatanong sa may-ari at ako naman ang mag-iimbestiga sa sasakyan.
"Magsimula na po tayo. Nasaan po kayo o ng sasakyan mo no'ng napansin mo ang mga marka?" tanong ni Liane habang masusi kong tinitingnan ang gasgas na nagmarka sa sasakyan.
"Nasa gasolinahan ako sa mga oras na iyon, siguro maaga pa iyon, 6:23 a.m. pa lang noon eh. Kaso wala talaga akong alam kung pa'no iyon nagasgas o ano, kasi no'ng nagpapa-gas pa ako ay wala namang napansin iyong gasoline boy sa sasakyan ko," aniya.
"Kailan niyo po napansin ang gasgas na iyon?" tanong pa ni Liane.
"Kahapon lamang, no'ng kinunan ko ng picture. Napansin ng asawa ko at tinanong niya ako tungkol dun."
"Matagal po ba kayo sa gasolinahan? Mga ilang minuto po kayo doon?" tanong ulit ni Liane
"Siguro mga 2-3 mins ako doon eh. Tapos naka-uwi na ako nang mga.. 6:37 a.m."
"Ay, iyon lang po maraming salamat." pasalamat niya at inabot ang kamay para makipagkamay dito.
"Sana'y makatulong." saad pa ng may-ari bago kami umalis.
Bumalik na kami sa loob ng kotse at tinanong ako ni Liane tungkol sa mga nakuha kong impormasyon.
Ipinakita ko sa kanya ang isang kumikinang na pirasong nanggaling sa sasakyan na nilagay ko sa isang maliit na supot.
"Bakit ka kumuha ng isang piraso niyan? Basta, sasabihin ko na lang sa iyo mamaya."
Nagpatuloy na lamang kami sa susunod na taong aming pupuntahan.
Sa lahat ng tao sa Northern Voulude ay hindi nila alam ang sanhi ng pagkakagasgas ng kanilang mga sasakayan o hindi nila alam kung paano ito nangyari. Sinabi nilang pagdating nila sa kanilang mga bahay ay ganon na raw itong nakita ng kanilang mga pamilya. Kumuha pa rin ako ng tig-iisang piraso para sa aking pagsusuri.
1:24 p.m., pagkatapos naming magpahinga, pumunta na kami agad sa Eastern Voulude. Maraming mga tao rito dahil nandito ang karamihang tindahan na pwedeng pagbilihan ng mga pang-araw-araw na gamit at makakain. Dito bumibili ang mga taga-Northern at Southern Voulude dahil talaga namang sariwa ang mga mabibili rito.
Bumaba si Liane pagdating namin sa isa pang may-ari ng post. Mga dating tanong sa bawat taong nagpost tungkol dito. Iba ang kaniyang sagot.
"May kutob ba kayo kung sino pong gumawa nito? Try niyo pong i-describe sila," tanong ni Liane
"Ang kutob ko, maaaring ang pasaway dito lalo na yung mga nag-aaway palagi, siguro nailagay ko roon ang sasakyan ko at nang binalikan ko ay gano'n na nga." saad naman ng may-ari.
Kumuha na ako ng isang kapiraso at nagpasalamat kami sa may-ari. Maraming mga malaking tindahan ang nandito kaya marami ring mga cctv. Halos kahit saan ka tumingin ay meron sila nito. Para kang naglalakad na napakaraming mga mata ang nakatutok sa'yo para 'di ka talaga gumawa ng mali.
Inisa-isa namin ang mga may-ari ng cctv at kumuha ng kopya sa bawat anggulo: sa harap ng kotse, sa likuran, pati na rin sa magkabilang side nito.
Iisa lang ang nagpost dito sa Eastern Voulude kaya hindi kami gaanong nagtagal. Pumunta kami agad sa Southern Voulude. Wala kaming sinayang na oras at dumiretso roon. Dala-dala ang iba't ibang mga kasagutan sa aming tanong.
Naamoy ko na ang hanging mula sa Beach of the Southern's, 'di joke lang. Umuulan pa ng niyebe ngayon, sa March pa ito titigil. Napakainit dito noon pero ngayon.. puno na ng niyebe ang dalampasigan nito.
Hinanap namin ang mga may-ari. Higit sa isang oras kaming naghahanap dahil ang hirap ng daan sa kanila, 'di ganoon kadalas ang pagtanggal sa mga naipong niyebe dahil mas madalas ang pag-uulan ng niyebe roon pero buti na lang at hindi pa umuulan sa mga oras na iyon.
Nahanap namin ang isa sa mga tao na namamalagi sa Southern Voulude. Malala ang inabot ng kanyang sasakyan. Kakaiba talaga ito, kumbaga parang galit na galit na masyado yung gumawa nito. Kaya noong una ay nagtaka ako kung 'siya' ba talaga ang gumawa nito.
May bitak na ang mga salamin, may kaunting butas sa itaas, kaya parang sinadya talaga ang paggawa dito.
Takang-taka rin si Liane at agad na tinanong ang may-ari kung talaga bang wala siyang alam sa nangyari sa sasakyan niya.
"Kailan pa po yan? parang ang tagal at parang sinadya na eh. Wala po ba kayong pinuntahan o ano? O kung sino ang gumawa?"
"Iyan nga iyong problema ko 'e! Mahanap ko lang talaga yung bwisit na yun, babalatan ko siguro yun ng buhay!" talagang parang sasabog na si kuya.
"Maraming salamat sa kooperasyon mo. Gagawin po namin ang aming makakaya at i-uupdate na lang po kayo kung meron na kaming mga balita tungkol dito." paliwanag ko sa may-ari.
"Maraming salamat po." may galak na sabi ni Liane.
Umalis kami agad. Baka kasi maabutan namin ang pagkalakas na namang mga hangin. Pinaharurot ko ang aking sasakyan patungo sa Western Voulude, kung saan ang pinakamalakas at pinakamaraming naitalang mga post.
Higit sa labing-dalawang minuto ang nakalipas at nakarating na kami sa Western Voulude. Ang haba kasi ng daan papunta doon eh, bwisit! Sayang gas, tapos 'di pa magbibigay si Liane kahit 100 Volilan lang. Volilan ang tawag sa currency ng Voulude.
Maraming mga tao ang nasa labas kahit ganoon kalamig. Naglalakad lang sila sa daan at ang iba ay naglalaro naman. Pero bakit sila nakatingin sa'min?! Parang may ninakaw kami sa kanila ah.
Binuksan ni Liane ang bintana, 'di ko alam kung ano na naman ang iniisip niya.
Lakas loob niyang tinawag ang isa sa mga tao sa daan at nagtanong, at wow nakangiti rin yung tinawag.
From beast to besty?!
"Why po?" tanong niya gamit ang pambaklang tono. Nakasuot siya ng makapal na jacket, bonet, gloves at makapal na jogging pants.
Pero walang talab kay Liane ang pang-aakit nito. Diretso lang sa tanong.
"Saan po ito? Hindi kasi ako masyado dito 'e kaya 'di ko alam kung saan hahanapin itong lugar." tanong ni Liane at ipinakita ang address.
"Nakikita mo iyon? Kumaliwa ka sa bandang doon, sa intersection. Alam mo ba ang kaliwa?!" at nagtawanan sila ng mga kasama niya.
"Ah ganon?" sabay angat at pinakita ang kanyang badge.
"Saan ulit?" tanong niya at ipinakita ni Liane ang nakakatakot niyang ngiti.
Natawa talaga ako sa ginawa niya. Pati 'di kakilala ganon pa rin ginagawa.
"D-Dun po, kumaliwa kayo tapos makakakita kayo ng bakery.." nauutal niyang turo. Mas lumawak naman ang ngiti ni Liane. "T-Tapos isa pa pong kaliwa, tas kanan kayo, katabi ng store, dun na po." nauutal niyang aniya.
Sinarado ni Liane ang bintana at bumulong, "Magsasalita rin pala 'e, pinatagal pa."
HAHAHA. Tawang-tawa talaga ako sa inasal ni Liane kanina. Mula noong sarado na ang bintana hanggang sa nakarating kami sa bahay.
*ding *dong
Pindot ko sa doorbell nila.
At wow,
Parang lumabas ang isang prinsesa sa kanyang palasyo. Nakabibighani ang kaniyang ganda. Hinatak ako ni Liane sa harapan.
"Anong pangalan mo prinsesa?" parang biglang tumunog ang isang romantikong kanta at tumigil ang mundo para lang sa kanila.
"Ehemmm," pagtikhim ko.
"Pagpasensyahan mo na at ganito ang aking partner, wala lang kasi siyang alam sa mga ganyang bagay kaya kung maaari ay-"
Nagsalita ang dalaga, "Baby? Baby?"
"Ha?!" nanatiling nakabukas ang bunganga naming dalawa dahil-
"Ayun na pala ang aking cute na baby.. achu chu chu,"
Napabuntong hininga kami ni Liane at sinabing, "Hay! Buti na lang."
"Ano nga pala ang sadya ninyo? At sino kayo?" tanong ng dalaga.
+-+-+-(+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-)
Tnx for reading...
See u on next chapters😉