webnovel

ASTER UNIVERSITY #1 (The Day She Said Goodbye)

“Hihintayin kita kahit gaano katagal,kahit gaano pa kasakit. Tandaan mo na kapag bumalik ka pa,sisiguraduhin kong hinding-hindi na kita papakawalan pa. Paalam Vi, mahal na mahal kita” - Theo Sage Alvarez

CTL · Teen
Not enough ratings
43 Chs

Capítulo VEINTISÉIS

Gaya nga ng sinabi ni Vi ay sumakit ang katawan niya kinaumagahan kaya naman hindi niya nagawang lumabas kasama ni Yuki. Pero laking gulat na lamang niya ng biglang pumasok sa kwartong inuukupa nya si Yuki na may dalang sopas.

"Sabi ni manang kahapon masakit daw ang buong katawan mo, kaya umuwi na lang ako. Pero dahil wala naman masyadong customer sa kainan namin ni Iñigo naisipan na kitang dalawin at kamustahin." Pagpapaliwanag ni Yuki saka ibinaba ang hawak na tray sa side table.

"Ok lang naman ako, masakit lang talaga yung katawan ko? Ikaw ba kamusta?" Sagot ni Vi saka inayos ang pagkakaupo sa kama.

"Ok lang naman, busy lang kami kahapon. Madami kasing dayo na pumunta para kumain sa kainan namin kaya ayun medjo pagod kami ni Iñigo." Ika ni Yuki saka umupo sa kama ni Vi at nilagay ang kamay sa ulo niya.

"Alam mo sakitin ako. Share ko lang naman kung gusto mo malaman" ika ni Vi saka inabot ang sopas na dala ni Yuki.

"Halata nga eh" sagot nito na medjo natawa pa. "Noong nakaraan din nahimatay ka, kaya alam ko na agad na sakitin ka" pagpapaliwanag nito na ikinakunot ng nuo ni Vi.

"Ano na lang magagawa natin kung lagi akong may sakit?" Malungkot na tanong ni Vi

"Pwede pa naman kitang turuan magluto o kaya naman samahan sa mga iba pang tourist attractions dito sa Pangasinan." Masiglang sabi ni Yuki

"Tutal bakasyon naman gusto ko sanang pumunta sa beach or kaya sa falls. Meron ba na malapit dito?"

"Meron naman pero magpagaling ka muna para mas ma enjoy natin ang bakasyon at road trip." Sabi ni Yuki saka inabot ang basong may tubig sa tray.

"Pag bumiti na ang pakiramdam ko gusto kong mag road trip tas jamming ulit tayo." Nakangiting sabi ni Vi saka muling humiga dahil sumasakit pa din ang katawan niya.

"Pagaling ka na, para mas madami pa tayong magawa." Sabi ni Yuki saka tumayo at ginulo ang buhok ni Vi. "Aalis na muna ako para tulungan si Iñigo. Babalik na lang ule ako kapag malapit na maghapunan." Pagpapaalam nito saka kinuha ang pinagkainan ni Vi.

"Ok! Ingat!" Sabi ni Vi na ikinangiti ni Yuki.

***

Ilang araw na silang magkakaibigan sa bahay nila Titus para mag aral. Puspusan kasi ang paghahanda nila sa paparating na Law School Entrance exam. Lahat sila ay umaasa na maipagpatuloy ang pag-aaral sa Aster University kaya naman nagtutulungan sila sa abot ng kanilang makakaya.

"Shawn may update na ba kung kailan ang exam?" Tanong ni Lance na abala sa cellphone.

"Sabi nila sa July 5 na daw pero wala pa namang exact date and time na nilalabas ang admin office."

"Sana sa august na lang yung exam para mas makaaral pa ako." Sabi ni Khiel habang binabasa ang libro na hawak.

"Pano ba 'yan Khiel di ka na nakauwi sa probinsya niyo, hindi ba magagalit ang Lola at Lolo mo niyan?" Tanong muli ni Lance sa kaibigan

"Ok lang naman daw, mas mahalaga kasi na maipasa ko itong scholarship at entrance exam para wala ng gastusing aalalahanin sina lola" sagot niya saka mas tinuon ang atensyon sa librong binabasa.

"Kung kasing yaman lang sana tayo ng mga De Chavez hindi na natin kailangan pang magaral ng ganito." Sabi naman ni Shawn saka bumuntong hininga

"Ano ba ang meron sa mga De Chavez na 'yan? May alam akong bahay ng mga De Chavez sa Pangasinan pero sabi ng nakatira malapit doon wala daw ang may-ari ng bahay." Sabi ni Khiel saka tinigil muna ang pagbabasa para makipagkwentuhan.

"Diba De Chavez yung surname ng kasama ni Vi saka yung kasama ni Khiel sa debate?" Tanong naman ni Theo saka tinignan si Titus

"Yeep. Yuki De Chavez ang pangalan niya pero mukhang simpleng tao lang naman siya." Sabi ni Titus saka tinignan si Shawn. "Magkwento ka nga tungkol sa mga De Chavez na 'yan."

"Well, ayon sa sources ko which is chismis lang. May Dalawa daw silang anak yung isa daw nasa US nagaaral habang nagmamanage ng family business pero yung isa lumayas daw." Sabi ni Shawn saka kumuha ng oreo sa center table.

"Lumayas?" Nagtatakang tanong ni Theo

"Well, according to my research. Bad boy, rebellious at pala bisyo daw yung second son and may time pa nga daw na nakidnap siya tas muntik ng gawing sex slave. Pero hindi ko lang sure if totoo 'yun tho kasi di ko pa naman siya na meet." Sabi ni Shawn saka nagpatuloy sa pagkain.

"'Yun lang ang info mo?" Tanong naman ni Titus

"Ang alam ko din maraming friends si second son, yung mapalocal at international friends eh meron siya. Pero ang alam ko ay may ginawa daw yung father nila sa ex girlfriend ni second son kaya tuluyan siyang lumayas at nagtago. May rumors pa nga na nasa Philippines daw siya. Pero rumors lang naman." Sabi ni Shawn sa mga kaibigan.

"Kanino mo naman nakukuha 'yang mga rumors na 'yan ha Shawn?" Tanong ni Lance

"Sa mga nakadate at inuman ko." Simpleng sagot nito saka muling kumain.

"Well, kung totoo man ang mga 'yon or hindi wala tayong alam paano yun ma verify." Sabi ni Khiel saka nakikain na din kasama ni Shawn.

Nagpatuloy lang silang magkakaibigan na mag aral buong maghapon . Pero may dumating na hindi imbitadong bisita sa bahay nila Titus kaya agad na nagiba ang mood ng bawat isa.

"Rylen?"

"Kian?"

"Seth?"

Ika nila Lance, Titus at Khiel ng sunod sunod.

"Hello everyone, it's a pleasure to meet y'all again!" Sabi ni Rylen ng nakangiti saka tinapik ang balikat ni Theo na agad namang umiwas.

"Sorry, to interrupt your study dates pero kailangan lang namin si Titus." Sabi ni Kian saka lumapit palapit kay Titus at may binulong.

Kita sa mata ni Titus ang gulat kaya naman agad itong napatayo at sumunod kay Seth palabas.

"Anong kailangan niyo kay Titus?" Iritadong tanong ni Theo sa bagong dating

"Remember the other guy who came her few days ago, siya ang may kailangan kay Titus hindi kami." Sabi ni Kian saka komportableng umupo sa iniwan na space ni Titus.

"Well, konting galos at pasa lang naman ang matatamo ng kaibigan niyo kaya no need to worry." Kalmadong sabi ni Rylen saka umupo sa tabi ni Theo.

"Move away from me." Sabi ni Theo pero nginitian lang siya ni Rylen.

Nanatili ang tensyon sa pagitan ni Rylen at Theo hanggang sa makarinig sila ng malakas na kalabog mula sa pintuan. At nakita nilang putok ang labi, dumudugo ang ilong at may sugat sa kilay si Titus na paika ikang maglakad na inaalalayan pa ni Seth.

"Titus!" Sigaw ng apat na agad itong nilapitan, maliban kay Kian at Rylen na komportable lang na nakaupo.

Inalalayan nilang apat na makaupo ang kaibigan hanggang sa naginit ang ulo ni Theo saka akmang aatakihin ng suntok si Rylen pero agad niya itong nasalag at tinulak si Theo dahilan para mapaupo ito at makabasag ng vase display.

"P-pleas-please leave" nanghihinang sabi at pagmamakaawa ni Titus kin Rylen at Kian.

"Kung hindi ka lang kapatid ni Vi, mas malala pa ang matatamo mo diyan." Sabi ni Kian saka tumayo at naunang naglakad palabas ng bahay.

"Taste your own karma, Titus Perez" sabi ni Rylen saka umalis kasama si Seth.

Nang masigurong nakaalis na ang lahat ay umakyat muna si Titus sa kanyang kwarto upang mapag isa at makapagpahinga na din.

***

"Iñigo ikaw na ang bahala dito ah pupunta muna ako kay Vi, ipagluluto ko lang siya ng hapunan." Paalam ni Yuki sa kaibigan na abala pa ding nagluluto.

"Sige! Boss basta ikaw!" Pagbibiro ng kanyang kaibigan saka nagpatuloy sa pagluluto.

"Ingat ka, byee!" Sigaw ni Yuki saka naglakad na palabas ng kusina at pumasok sa garahe ng bahay nila.

Habang nasa daan ay iniisip na niya ang mga ulam na balak lutuin para kay Vi pero limid sa kaalaman niya ay nagluluto din si Vi ng pagkain para sa kanya.

Nang makita ni Vi na 4:00 pm na ay agad siyang bumangon at nagtungo ng kusina. Sinabihan niya ang isang kasambahay kanina na ipagluluto niya si Yuki kaya naman ay naihanda na nila ang mga cookware na pwede nyang gamitin.

"Maam ano po pala ang lulutuin niyo para kay Sir?" Tanong ng kusinera.

"Hindi ko din po alam eh, gusto ko sana yung kakaiba para naman sabihin niyang magaling ako magluto." Pabirong sabi ni Vi saka naglakad papuntang refrigerator upang tingnan ang pwedeng lutuin.

Una niyang tinignan ang freezer at nakitang may hotdog, liempo, bangus, at tilapia doon kaya naman kinuha niya ang kaya niyang lutuin at 'yun ay ang hotdog.

"Ma'am akala ko po ba kakaiba yung lulutuin niyo eh bakit hotdog ang kinuha niyo?" Natatawang tanong ng kusinera.

"Gagawin ko po itong sweet and sour hotdog or kaya adobong hotdog." Masayang sabi ni Vi saka kumuha ng kutsilyo at chopping board. At saka naman siya iniwang magisa ng kusinera.

Nang maihanda ni Vi ang nahiwang sibuyas,bawang at hotdog ay agad siyang kumuha ng isang frying pan at mantika. Matapos niyang painitin ang frying pan sa stove ay ginisa muna niya ang sibuyas at bawang sabay hinalo ang hotdog. Nang makitang medyo luto na ang horsog ay kinuha ni Vi ang nakitang sweet and sour sauce sa cupboard ng kusina at hinalo doon. Nasa kalagitnaan si Vi ng paglalagay ng sauce ng may magsalita sa likuran niya.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Yuki na kakapasok ng kusina.

Lumingon si Vi at nauutal na nagsalita "ipinagluto kita ng sweet and sour hotdog." Sabi nito saka muling ibinalik ang atensyon sa niluluto.

"Grabe naman sobrang kakaiba naman ng niluto mo para sa akin" sabi ni Yuki saka naglakad papunta sa tabi niya at tiningnan ang niluluto ni Vi.

Tinignan ni Vi ng masama si Yuki saka pinatay ang stove at nilagay sa plato ang nilutong 'sweet and sour hotdog'.

"Huwag kang mag alala kahit, hindi gaanong kasarap ang luto mo kakainin ko pa din" natatawang sabi ni Yuki saka kumuha ng tinidor upang tikman ang niluto ni Vi.

Habang hinihintay ang feedback ni Yuki ay iniligpit muna ni Vi ang kanyang ginamit sa pagluluto.

"Masarap naman unique yung lasa sobrang kakaiba ng sweet and sour hotdog. Pwede na 'to ilagay sa menu namin ni Iñigo" sabi ni Yuki na mukhang napipilitang ubusin ang niluto ni Vi.

"Hmph, kung ayaw mo edi wag mo!" Inis na sabi ni. Vi saka naglakad pla as ng kusina pero agad siyang napigilan ni Yuki.

"Huwag magtampo, tuturuan na lang kitang magluto." Sabi ni Yuki saka pumunta sa refrigerator upang ilabas ang liempo at tilapia. "Maghiwa ka ng sibuyas,bawang,luya,kamatis at bell pepper." Utos nito na agad din namang sinunod ni Vi.

"Magluluto tayo ng liempong ihaw at sweet and sour tilapia" sabi ni Yuki habang inihahanda ang paglulutuan.

"Pagkatapos kong maghiwa anong gagawin ko?" Tanong muli ni Vi

"Ikaw na magluto ng sweet and sour tilapia tutal naman mukhang magalit ka magluto ng sweet and sour dishes eh" natatawNg sabi nito.

Mas lalo lang nainis si Vi kaya tinuon nya ang buong atensyon sa paghihiwa habang si Yuki naman ay iniihaw na ang liempo sa grilling pan.

Matapos maghiwa ni Vi ay nilapitan niya si Yuki para malaman paano ba ang tamang pagluluto ng sweet and sour tilapia.

"Hiwan mo ng 3 slice per side yung tilapia saka mo lagyan ng asin at paminta tas iprito mo na din." Sunod sunod na sabi ni Yuki habang niluluto ang mga liempo.

Matapos iprito ni Vi ang tilapia ay ginisa nanaman niya muli sa isang frying pan ang kamatis, sinuyas,bawnag at luya saka ito hinaluan ng ketchup at tomato sauce, nang maluto nya ang sauce ay nilagay na nya ang fried tilapia saka tinakpan at makalipas ang ilang minuto at pinaibabawan niya ito ng bell pepper.

"Sigurado akong masarap na ito ngayon." Sabi ni Vi saka kumuha ng spoon at sumandok ng sauce upang ipatikim kay Yuki. Nang makita niyang napangiti si Yuki ay agad na kumalma ang puso niya.

"Masarap na, pwede na tayong kumain" sabi ni Yuki saka nilagay ang nalutong liempo sa plato at sinabihan si Vi na tawagin na ang mga kasambahay para sabay sabay silang kumain.

Naging masaya naman ang hapunan nila nagkwentuhan sila kasmaa ng mga staff ng mga Valero at higit sa lahat nasarapn at nabusog sila sa mga niluto ni Yuki at Vi.

Nang matapos kumain ay nagpaalam na si Yuki para umuwi pero agad siyang pinigilan ni Vi.

"Pwede ba akong sumama? Joy Ride?" Tanong ni Vi ng nakangiti at nahihiya.

"Oo naman basta ikaw" sagot ni Yuki saka sila sabay na lumabas ng gate.

A/N: Thenkyuu for reading please continue supporting the next chapters :)) stay safe and healthy!!!

Hey again! Sorry for very super mega delay updatesss!! I just finished my senior year in high school kaya na late lahat. Please continue supporting my works. See you on next chapss :>>

Please support my twit acc 🥺👉👈 :

✨@citrinelily17✨

Disclaimer:

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner.