webnovel

CHAPTER 58 ; SA KAHARIAN NG ENKANTADONG USA 4;

Mabilis na lumapit ang hari at prinsesa kay Arnie at Jr agad silang yumukod upang magbigay galang

HARING USARIN : Maligayang pagdating sa lupain ng mga enkantadong usa mahal na itinakda.... ikinalulugod kong kayo ay nakarating sa aming abang kaharian.

Ang pagbati at pagbibigay galang ng hari habang si prinsesa Usana ay nanatiling nakayukod

ARNIE : maraming salamat sa inyong inbitasyon mahal na hari, napaka ganda ng inyong kaharian lalo na ang mga halaman sa hardin. ang sagot naman ni Arnie habang naka tingin sa mga halamang namumulaklak sa paligid.

Prinsesa Usana??? tumayo ka na mula sa iyong pagkaka yukod, hindi ninyo kailangang yumukod sa akin ,ituring ninyo akong isang kaibigan sampu ng aking mga pamilya ang dagdag na sinabi ni Arnie ng mapuna si Prinsesa Usana na nanatiling naka yukod.....

PRINSESA USANA : maraming salamat mahal na itinakda, nagagalak kaming ikaw ay maging aming kaibigan,

ang nahihiya namang tugon ng prinsesa bago palihim na sumulyap at ngumiti sa kinikilig na si Jr.

Si Jr naman ay nagulat ng biglang pitikin ni Arnie sa tenga at sinenyasan na magbigay galang sa hari at prinsesa.....

JR : ARAY!!! ate naman!!! ang sakit non ah!?! ang nagrereklamong nasabi ni Jr, bago yumukod at nag bigay galang sa hari at prinsesa.

Ikinagagalak kong makarating sa inyong kaharian ,Mahal na Hari. Mahal na Prinsesa

ang ngiting ngiting sabi nito na ang paningin ay nagtagal at tumuon sa mukha ng prinsesa matapos tapunan ng ilang saglit na sulyap ang hari.

Maraming salamat sa inyong inbitasyon, ang aking ama at sila Prinsipe Borjo ay kasunod na namin at marahil ay parating na rin, dagdag pa nito.

HARING USARIN : ah!!! oo naihatid na sa amin ng tagapag balita ang tungkol sa bagay na iyan, ang sang ayon ng hari sa sinabi ni Jr.

Mahal na itinakda, halina kayo sa loob ng palasyo upang makapag pahinga ang dagdag na pag anyaya sa kanila ng hari.

ARNIE : ah???? hmmmm ang sabi ni Arnie na nakataas pa ang isang kilay

lubhang nag alala ang hari at prinsesa sa pag aakalang nagalit si Arnie

HARING USARIN : ano kaya ang dahilan? tila nagalit yata ang mahal na itinakda? ang bulong sa isip ng hari... 😅😅😅

PRINSESA USANA : 😕😕😕

JR : ate bakit??? ang nagtatakang tanong naman ni Jr sa inasal ng kanyang ate...

ARNIE : ah wala naman.... naisip ko lang...

pwede bang Arnie na lamang ang itawag ninyo sa akin bilang kaibigan? masyadong nakaka ilang ang itinatawag ninyo sa akin ,

ang pa - bitïn pang sabi ni Arnie.

HARING USARIN : aaahhh ganoon ba? ikaw ang masusunod mahal na.....

ah!!! ang ibig kong sabihin ay ikaw ang masusunod Arnie? ang sagot ng hari na tila ba nag aalangan pa sa pag bigkas ng kanyang pangalan.....

PRINSESA USANA : 😂😂😂😂

JR : 😬😬😬😬 ate naman!!! akala ko ay kung ano na? yun lang pala???

pumasok na sa loob ng malaking palasyo si Arnie at Jr kasabay ng hari at prinsesa.

Sa loob namalas nila ang mga tagapag lingkod ng palasyo, na anyong tao. Abalang abala ang lahat sa paghahanda ng pagkain sa malaking hapag kainan sa may bulwagan ng palasyo.

Mapapansing napaka ganda rin ng Palasyo ng mga enkantadong usa, sagana din dito sa mga mamahaling batong hiyas kagaya ng palasyo nila Prinsipe Borjo.

Ang ipinag kaiba na lang sa kasalukuyan ng dalawang kaharian ay mayroon ng kuryente at supply ng tubig pati na ang mga makabagong appliances sa kaharian nila Borjo.

habang sa kaharian ng mga enkantadong usa ay de - langis na ilaw pa rin ang gamit, sa ibang panig ng palasyo ay kakaibang nag liliwanag na bola naman ang nag bibigay liwanag...

ilang sandali pa ay may lumapit na tagapag lingkod at nagdala ng kakaibang pam palamig na inumin.