webnovel

CHAPTER 55 : LOVE AT FIRST SIGHT;

Malungkot na tinanaw ni Jr ang lugar na dinaanan ni Prinsesa Usana.

Pakiramdam niya ay dinala nito paalis pati na ang kanyang puso. Ngayon lamang niya naramdaman ang ganitong uri ng damdamin.

Estranghero sa kanya ang ganitong pakiramdam at di niya kayang tukuyin.

Hindi mapigilang napa bungisngis si Arnie sa nakitang itsura ng kapatid, daig pa nito ang nalugi ng malaki sa pagbababa ng kaong.

Ganito nga kaya ang epekto sa tao ng LOVE AT FIRST SIGHT???

Tumatawang kinalabit ni Arnie ang kapatid bago sinabi ditong.....

ARNIE : Jr huwag ka nang malungkot, hindi ba at sinabi niya na iimbitahin niya tayo sa kanilang kaharian?

Isa pa, tingin ko ay may nararamdaman din sa iyo ang prinsesa, panay din kasi ang sulyap niya sa iyo.

ang pag aalo ni Arnie sa kapatid na nalulungkot.

JR : dagling nagliwanag na parang bumbilya ang makulimlim at malungkot na mga mata ni Jr, kasabay nang maaliwalas at matamis na ngiti sa kanyang mga labi.

Talaga ate? may nararamdaman din siya sa akin? masayang tanong ni Jr.

ARNIE : oo naman.... hindi ko nga lang sigurado kung napo pogian siya sa iyo o naalibadbaran sa itsura mo at paraan ng pagtitig mo sa kanya.....

sobrang lagkit mong tumitig eh, daig pa ang arnibal??? pabirong sagot ni Arnie dito.

laglag ang balikat at panga ni Jr sa narinig na sinabi ng kapatid, maluha luhang bumaling ito sa ama na tila ba nagpapa saklolo dito.

JR : Itay oh!!! si ate... kung ano ano sinasabi, pagsusumbong pa nito sa ama.

Maging si Prinsipe Borjo at Peter ay natawa sa narinig na sinabi ni Arnie sa kapatid.

PETER : ha ha ha totoo naman ang sinabi ng ate mo Jr, nakatulala ka nga kanina at tila ba nagpapa cute kapa,.....

dagdag na biro naman ni Peter dito habang si Borjo at Arnie ay di pa rin mapigilan ang pagtawa.....

Ang mabuti pa ay magpunta ka na muna sa banda roon, sa may ilalim ng talon upang masukat mo ang layo at lakas ng dalisdis nang tubig nang talon, pahabol pang utos ni Peter sa anak na nakayuko at tila nagta tampo na....

ARNIE : itay ipabaya ninyo na sa akin ang pag sukat at pag tantiya sa lakas ng dalisdis ng talon, para na ring training ko ito upang palakasin ang aking abilidad.....

ang pagpi prisinta ni Arnie sa ama. Bago nito itinaas ang dalawang kamay.

kasabay sa bawat galaw ng kanyang dalawang kamay ay patuloy ang metro sa pagsukat ng distansya hanggang sa makarating sa ilalim ng lumalagaslas na talon.

Pagdating sa talon ay itinapat niya ang kanyang mga palad paharap sa talon, kasabay noon ay ang unti unting pag tigil ng buhos ng tubig ng talon paibaba.

Pansamantalang tumigil ang agos ng tubig sa talon, habang si Peter at Jr ay naka ngangang nanonood sa kanyang ginagawa.

Makalipas ang ilang minuto, ibinaba na ni Arnie ang kanyang mga kamay, muling umagos ang tubig ng talon pababa sa malinaw na tubig ilog.

Maluwang ang ngiti sa labi ni Peter na nasundan niya ng tingin ang tubig na muling umaagos paibaba sa munting bilog na ilog nang siya ay may mapuna....

PETER : aba??? ano iyong kumikislap na iyon sa tubig? tanong nito na nagbaling ng tingin kay Borjo.

PRINSIPE BORJO : ginto po ang mga iyon, ang mga bato sa ilalim ng tubig ng ilog na ito ay mumunting butil ng ginto.

marahil ay hindi ito gaanong nasisikatan ng araw kanina kung kaya't hindi kapuna puna ang angkin nitong kinang.

Paliwanag ni Borjo kay Peter....

PETER : napakayaman ng inyong lupain, mabuti na lamang at walang nakakarating ditong maitim ang budhi at ganid....

Nasisiguro kong matutukso ang sinumang ganid na mapapadpad dito sa inyong kaharian.....

ARNIE : muling nilingon ang noon ay tahimik pa ring kapatid.

Jr huwag ka nang malungkot, nagbibiro lang ako kanina, malay mo?

maaari ngang nabighani din sa kakisigan mo si Prinsesa Usana, hindi ba Borjo? baling na tanong pa nito kay Borjo habang inaalo ang kapatid

PRINSIPE BORJO : tama ka Arnie, napansin ko rin na manaka naka ay palihim na sumusulyap si Prinsesa Usana sa iyo...

tingin ko ay na love at first sight din sa iyo ang diwata ng mga usa.