Matamang pinagmamasdan ni Jr ang puting Usa na umiinom ng tubig sa dakong itaas ng talon ng mapuna siya ni Prinsipe Borjo
PRINSIPE BORJO : prinsesa Usana..... ang nakangiting tawag nito sa pansin at pangalan ng puting Usa.
nanlaki ang mga mata ni Jr sa narinig diyata at Prinsesa ang puting usa na iyon.
Ang usa naman ay nagtaas ng ulo mula sa pagkakayuko sa pag inom sa tubig at tumingin sa ibaba nang talon kung saan sila naroroon.
PRINSESA USANA : unti unting nagbago ang anyo nito, naging isang napaka gandang babae nito na puting puti ang suot na magarang damit.
pati ang buhok nito na alon alon at mahaba at puti din ang kulay at may suot itong kakaibang puting abuhin na korona
nakangiting tinawag nito ang pangalan ni Prinsipe Borjo .
bago tinungo ang landas taong daan pababa ng talon papunta sa kanilang kinaroroonan.
PRINSIPE BORJO : Prinsesa Usana nagagalak akong makita kang mamasyal sa aming kaharian, may maipagli lingkod ba ang aming lipi sa mahal na prinsesa?
Ganting pagbati at tanong nito sa prinsesa na nakalapit na sa kanilang tabi.
PRINSESA USANA : galing na ako sa inyong kaharian, nabalitaan ng aming lipi na naririto sa inyong kaharian ang itinakda...
Siya na ba ang babaeng itinakda? ang tanong nito kay Borjo bago bumaling kay Arnie at tumutok ang magandang mata nito na kulay abo
PRINSIPE BORJO : ngumiti kay Prinsesa Usana bago nito sinagot ang pagtatanong ng una.
Oo siya nga ang babaeng itinakda. Si Arnie ,
siya naman ang ama ni Arnie si Mang Peter at ang kanyang nakababatang kapatid na lalake si Jr.
Arnie, Mang Peter Jr .
Siya naman si Prinsesa Usana ang prinsesa at diwata ng mga usa.
ang nakangiting pakilala ni Borjo sa mag aama kay Prinsesa Usana. bago nito napuna ang naka nga nga at tulalang si Jr habang nakatitig kay Prinsesa Usana.
Si Peter naman ay nangangambang napausal sa sarili
PETER : inakupo!!!! tila yata naka tadhana akong magka manugang ng mga engkanto?
nung una ay si Borjo, ngayon naman ay tila tangang nabighani ang ka isa isa kong anak na lalake sa prinsesa at diwata ng mga usa?
ito ba ang totoong kahulugan ng salitang na Engkanto? usal nito sa sarili, bago mabilis na siniko ang anak na si Jr upang magbigay galang din sa prinsesa.
habang siya ay yumuyukod at nagbibigay galang. .....
Ikinagagalak kong makilala ka mahal na prinsesa wika ni Peter pagkatapos sikuhin ang tulalang si Jr.
Si Jr naman na tila naalimpungatan sa pagkakatulog ng mahimbing ay agad na yumukod at nagbigay galang din.
ma ...ma... magandang a...a... araw ma..... mahal na Pri.... Prinsesa.
napangiti si Arnie na tumingin sa kapatid, tila yata na inlove ito sa Diwata.
PRINSESA USANA : ikinagagalak kong makilala kayo, at nahihiya itong sumulyap sa gwapong mukha ni Jr. bago muling bumaling kay Arnie...
Mahal na itinakda, natutuwa akong nakarating ka na sa aming kaharian, ngunit hindi ba magiging peligro para sa aming mga engkanto at sa iyong mga ama na sila man ay nakarating din at nalaman ang sikreto naming mga engkantadong nilalang?
PRINSIPE BORJO : wala kang dapat alalahanin Prinsesa Usana, ipanatag mo ang iyong kalooban ....
maipa pangako ko sa iyo na hindi ibubunyag ng pamilya ni Arnie ang tungkol sa ating mundo sa kanilang kapwa tao.
isa pa mas malaki ang magiging epekto noon sa kanilang pamilya at higit lalo kay Arnie na ngayon ay mananatili dito sa aming kaharian.
ang agaw nito sa pagsagot sa tanong ni Prinsesa Usana.
ngumiti si Prinsesa Usana at muling ibinaling ang paningin kay Arnie bilang paghingi ng kumpirmasyon sa sinabi ni Borjo.
ARNIE : tawagin mo na lamang akong Arnie, masyadong pormal at mahaba ang nauna mong itinawag sa akin...
tama si Prinsipe Borjo, hindi gagawin ng aking mga magulang at kapatid ang iyong kinatatakutan....
ang nakangiting pahayag ni Arnie...
PRINSESA USANA : Kung ganoon, ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na ako sa inyo.
Isa sa mga araw na ito ay magpapadala ako ng imbitasyon sa inyo upang makapamasyal kayo sa aming kaharian.
ang nakangiting sagot ni Usana bago muling sumulyap kay Jr na matamang naka titig sa kanyang mukha bago nag paalam sa kanilang lahat....
Pagkatapos noon ay tumalikod na ito at umalis at unti unting nawala sa abot ng kanilang natatanaw
habang si Jr naman ay nanatiling nakatingin sa lugar na kanyang tinungo na tila ba nanghi hinayang.....