webnovel

Ang Mahiwagang Mundo Ng Enderia

DreamReality · Fantasy
Not enough ratings
13 Chs

Ang Pagkilala sa Itinakda

"Sasagutin nito ang lahat ng katanungan ninyo, lalong lalo na sa'yo, Dantr." Biglang pumalibot sa kanila ang isang mahika't pinakita ang pinagmulan ng lahat sa nakaraan.

--- Dalawang Adryia ang nagdaan ---

"Arha!!" Pagtawag ni Hanah sa kaibigan. "Tara, mag-ensayo na tayo! May paligsahang magaganap sa pagdiriwang bukas. Sasali tayo!" Masiglang bungad ni Hannah kay Arha sa bukang liwayway. "Bukas na ang pagdiriwang, bubuksan na ulit ang lagusan!" Masayang sambit ni Arha. "Taon-taon mong nasisilayan ang pagbukas ng lagusan. Hindi ka ba nagsasawa?"..

"Hays, paano kaya? Ano bang klaseng mundo ang nasa kabila ng lagusan?" Pabunting hininga ni Arha. "Tara na, huwag mo ng alalahanin yan. Huwag mong sabihin may balak kang tumawid?" Tanong ni Hanah. "Sasama ka?!" Bumungad na ngiti kay Arha. "Tanga! Di tayo pahihintulutan ng mga tagapagbantay. Tama na ang ilusyon, tara mag-ensayo na tayo."

Nag-ensayo ang magkaibigan at naglibot-libot hanggang lumubog ang araw. "Bukas ha?! Papapanalunin natin ang paligsahan! Tiyak na makikilala tayo at magiging magiting na sundalong Avial." Pagpapaalam ni Hannah sa kaibigan. "Sige Hanah!" Nagpaalam na din si Arha.

"Arha.." May bulong na tumawag sa kaniya habang lumilipad pauwi. "Sino yan?!! Magpakita ka!" Sigaw ni Arha habang nasa himpapawid at lubog na ang araw. "Sshh, huwag kang matakot. Alam kong gusto mong makatawid sa lagusan." Bulong ng hangin. "Anong nalalaman mo? Ba't mo alam ang pangalan ko?!". Sigaw ni Arha ng may bumungad ng itim na mala-usok sa kaniyang harapan.

"Bibigyan kita ng lakas, lakas na di pangkaraniwan, lakas na magbibigay kakayahan sayo upang tumawid sa kabilang mundo." Patuloy na bulong ng mahika sa hangin.

Nagulat si Arha ng biglang may humawak sa balikat niya, "Arha? Sinong kausap mo?" Tanong ng isa sa mga kalapit niya. "Ahh, wala... Guni-guni ko lang siguro." Umuwi na siya sa kanilang tahanan.

Kaumagahan ay sinimulan na ang pagdiriwang at binuksan na muli ang lagusan. "Tignan mo ang mga Trinadia sa himpapawid Arha! Magiging Trinadia din tayo balang araw." Sabik na sambit ni Hanah habang si Arha ay tanaw ang lagusan habang naaalala ang sinabi ng itim na mahika.

"Arha..." Narinig muli ni Arha ang pabulong na sambit ng kaniyang pangalan na oawang siya lamang ang nakakarinig.

"Pagmasdan mo ang mga kamay mo, binigyan kita ng kapangyarihang mas malakas kaysa sa mga Avials" Dinig ni Arha habang may namumuong markang itim na salamangka sa kaniyang mga kamay. "Nag-uumpisa na ang paligsahan Arha, tara na!" Pagmamadali ni Hanah at sumunod naman si Arha. "Ngayon, ang lalaban ay si Marid ng Hilaga at si Arha ng islang Hera." Anunsiyo sa paligsahan.

"Galingan mo!" Sabay ngiti ni Hanah kay Arha.

"Babae heral, makakayanan mo ba? Mukhang napasugod ka lang rito ah." Pagmamayabang ng babaeng heral at sinugod si Arha.

"Arha!!" Sigaw ni Hannah ng tumilapon sa lakas si Arha nang biglang namuo ang itim sa mata ni Arha at pinatumba ng ganun kabilis ang isang Trinadia.

"Ang lakas!! Kaibigan ko 'yan!!" Sigaw ni Hannah. "Parang may mali sa isang 'to" Wika ni Marid. "Wala na, natalo ka ng isang heral Marid." Sambit ng kasama Trinadia

Natapos na ang paligsahan at patuloy na nagsisiyahan ang buong kaharian. Ang iba'y nagliliparan sa himpapawid, ang iba nama'y naglilibot sa hardin ng palasyo. Pumalibot ang ilang Trinadia sa mga Yvandri Crystalia upang buksan ang basbas nito sa buong kaharian.

"Ang lakas mo kanina ah?! Haha, di mo naman pinakita yan sa ensayo natin pero ang galing!." Sayang-saya si Hannah sa napanalunan ng kaibigan. "Saan ka pupunta?" Tanong nito habang nagmamadali si Arha. "Sa lagusan....palubog na ang araw, kailangan kung makatawid magsara." Tugon ni Arha. "Teka, Arha, anong nangyayari sayo?!" Gulat na gulat ang kaibigan habang nasisilayang unti-unting nagiging itim ang buong pakpak ni Arha. "Sabi ko na!!! May itim na mahika si Arha!!" Biglang bungad ni Marid kasama ang iilan sa mga heral.

"Hulihin niyo!!" Pasigaw na utos ng Trinadia sa ilang sundalong Avial. Kasalukuyang nagsasanggaan ang ilang sundalong Avial laban kay Arha. "Arha!!!" Umiiyak na pagtawag ni Hanah sa kaibigan. Natulala si Arha at unti-unting nawala ang itim sa kaniyang mata. Tinangkang sugudin ni Marid si Arha ng espada subali't sinangga ni Hannah upang iligtas ang kaibigan ng siya ang natamaan ng espada. "Hanah!!!!!" Isang napakalakas na itim na mahika ang lumikop sa katauhan ni Arha at pinatay ang limang heral.

"Sa ngalan ng Hari, inuutusan kitang sumuko!" Sigaw ng isang Mataas na rankong Trinadia kasama ang ilan sa mga sundalo sa himpapawid.

"A-arha, s-sige na, tumawid ka na..sa lagusan. Mag-ingat ka palagi.." Huling mensahe ni Hannah bago nalagutan ng hininga. "Ahhhh!!!" Sigaw ni Arha at lumipad pasugod patungong lagusan. Tinangka niyang patumbahin ang dalawang naglalakihang tagapagbantay na golem. "Trinadia! Isara na ang lagusan! Huwag hayaang makatawid ang traydor na yan!!"

Nag-umpisang magsalamangka ang mga Trinadia palibot sa isla ng lagusan sa himpapawid subali't napatumba ni Arha ang dalawang tagapagbantay at tuluyang nakatawid. Ito ang pagkakataong sinimulang maglakbay tungo sa mundo ng mga tao ang mga Avials. Tuwing tagsibol, binubuksan ang lagusan hindi lamang upang magdiwang kundi't magpadala ng mga Avials sa kabilang mundo upang protektahan ito mula sa kamay ng itim na encantang bumabalot sa pagkatao ni Arha. Nang makatawid na ay bigla siyang nanghina at unti-unting nawawalan ng malay. May sugat siya mula sa pagpipilit niyang pagtawid ng lagusan at hinarap ang mga tagapagbantay. Di kalaunan ay nahulog siya sa isang maliit na batis kung saan namimingwit ng isda ang isang binatang ermitanyo. *Thusss!* Nagising sa pagkakatulog ang ermitanyo habang namimingwit ng biglang may nahulog sa ilog di kalayuan sa kinaroroonan niya. Lumangoy siya papalapit sa pinangyarihan at bumungad ang isang napakagandang dalaga.

"May pakpak siya?!" Gulat na sambit nito at sinuri ang pulso. Kalauna'y dinala ang dalaga upang gamutin ang sugat nito ang hinayaang magpahinga sa kaniyang tirahan. *Doon nagsimula ang pagkakakilala ng dalawa, at kayong dalawa ni Anna ang naging bunga subali't kinailangang bumalik ng iyong ina sa Enderia* sambit ni Zyl at pinagpatuloy ang kuwento.

Napapansin ni Arha na unti unting nawawala ang kaniyang alaala habang lumakas ang itim na encantang bumabalot sa kaniyang pagkatao. Dumating ang panahong may nangyayaring iba sa kaniyang dalawang anak. Isang sumpa dala ng itim na encanta at ang tanging makakapigil nito ay ang yvea at ang krystal ng Yvandri. Kaya't kinailangan niyang magtungo sa kanilang kaharian kasama si Ferrir. Matagumpay nilang nakuha ang yvea at ang krystal subali't nang sila'y lalagpas na sa lagusan ay bumungad ang daan-daang Trinadia upang pigilan sila.

"Mauna ka na, Ferrir!!!" Sigaw ni Arha nang tinulak niya sa lagusan si Ferrir habang unti-unti itong nagsara. "Arha!!!", Bumungad ang malambing na titig ni Arha sa mga mata ni Ferrir, "Mahal na mahal kita, babalik ako, sa takdang panahon," tumulo ang luha niya kasabay ng napakalakas na mahikang nagmumula sa kaniya at napatay ang daan daang Trinadia. Walang humpay na labanan hanggang nilikop na ng lubusan ng itim na encanta ang pagkatao ni Arha. Nagsara na ang lagusan mula sa mundo ng Enderia. Pinilit na tanggapin ni Ferrir ang lahat at tumungo sa kinaroroonan ng kanilang mga anak.

"Halimaw na parang ligaw na aso ang mga anak mo, Ferrir!!" Binato ng mga taong bayan ang kanilang tirahan kaya't naisipan niyang maglakbay patungong Heavenspear.

"Wala siyang magagawa kundi't gumamit ng salamangka upang mapatulog ang gumigising na sumpa sa inyong dalawa. Kaya niya ginawa ang libro para sa'yo, Dantr. Kaya't palagi mong dala-dala ang librong Yvandria dahil alam mo ang mangyayari pag nilayo sa'yo ito." Wika ni Zyl.

"Pero bakit wala kaming maalala sa mga panahong yun?" Tanong ni Anna.

"Kinailangang burahin ng inyong ama ang naiwang alaala tungkol sa inyong nakaraan at magsimula muli." Pagpapaliwanag nito, "Doon kayo nagkakilala nina Greg, Aldrin at ang ilan na naging estudyante ng 'yong ama, sa dakong kanluran ng Eudrel."

"Naiintindihan ko na ang lahat, ngunit kailangan pa naming hanapin ang nakatakda. Maraming salamat, salamangkero." Wika ni Dantr.

"Hindi Dantr, hindi mo parin naiintindihan..." Biglang bungad wika ni Zyl.

*Ang bawat pahina ng librong dala-dala sa kanang kamay ng ermitanyo ay binuo mula sa mga matatandang reliko ng Adryia. Ang mga sinaunang Yvandri Crystalia. Sinakripisyo ng kaniyang ama ang sariling buhay tumawid sa kabilang mundo upang ilikha ang libro. Walang nakasulat sa mga pahina nito. Ang tanging nakatatak lang ay ang mga katagang isinulat sa lenguwahe ng Nagdaang Adryia. "Ang tanging makakapagtawag ng pangalan ng libro ay ang itinakda"* bungad sa likod ng kaniyang isipan. "Tama nga ang propeseya, itatanggi mong ikaw ang itinakda." Sabay ngiti sa labi. Ngumisi si Anna, "Matagal ko na rin napansing may kakaiba sayo, Kuya!"

"Ano?, Tara na?! Ha Ha! May dudurugin pa tayong kaharian!" Masiglang bungad ni Greg. "Ngayong alam mo na ang sagot, sasagutin mo na rin ba ako Anna?" Bungad ni Aldrin.

*Pak* "Araaay namaaan!" Napa-aray si Aldrin sa sapak ni Anna, "Huwag kang ano diyan Aldrin!"

"Kapitan!!!!" Sigawan ng mga tauhan ni Aldrin sa himpapawid ng Heavenspear.

"Anak ng???"

"Pinatawag ko na ang barko niyo, mag-ingat kayo sa paglalakbay patungong Enderia." Pamamaalam ni Zyl.

"Tara na, Prinsesa" sabay ngisi ni Dantr, hinawakan ang kamay ni Andalia at sabay na sumakay sa barko.