webnovel

Chapter 33

LOCK

Sobrang init ng ulo ko habang hinihintay si Peter sa unit ko. Ang sabi niya ay sa head office lang siya buong araw. Pero nang tumawag ako ay tanghali palang ay wala na siya. Sinubukan ko ring tawagan ang cellphone niya pero hindi ko makontak! Nakapatay! Kung magloloko lang siya, mas mabuti nang maghiwalay kami!

Mabilis akong tumayo mula sa couch at sinalubong siya nang sampal ng makapasok siya sa pintuan.

Nagulat siyang napaatras. I could smell the alcohol in his breath.

"You fucking liar! You told me you'll be in your head office but you're not! You even have the guts to switch your phone off!"i was shaking in anger.

I saw pain in his eyes then smiled at me.

"Love.. i just hanged out with Coles and Lindsey.."he said gently and tried to touch my hand.

I jerked it away from him and walked angrily inside my walk in closet.

"They're both single! Ang sabihin mo nambabae lang kayong tatlo!"Bintang ko at pinaghihila ang mga damit niyang nakahang.

"W-what are you saying love? I'll never do that to you.. please calm down." He said then held my hands tightly.

"Leave my unit right now! Ayoko ng sinungaling at manloloko! I've had enough! Leave!"sigaw ko at itinapon sa mukha niya ang mga damit niya. Napabitaw siya at pinaghihila ko ulit ang mga gamit niya at itinapon sa kanya.

Napahinto ako ng matamaan ang noo niya ng belt buckle niya. Agad akong nagsisi ng makita ang pagtulo ng dugo mula dito. Pati ang mga luha niya. Napaiyak na ako. I admit I became so difficult and a bitch to him when he refused to let me go. But I never intended to hurt him physically..

"I-I'm trying so hard to fight for u-us love.. until when will you be like t-this? When will I get my love b-back? I missed her so much."he said while wiping his tears with his arm. He looked so lost and defeated.

Nanginginig na napaupo lang ako at tumingala sa kanya. I've never seen him like this. So lost.. i made him like this. My self destruction was bringing him to self destruct too.

"I-I'm so sorry.."umiiyak kong bulong at tinakpan ang mukha ng mga kamay.

I'm no good to people like Peter.

"Please.. just.. just let me go.. I-I can't do this anymore.."i placed my forehead on my knees. And cried. I heard my front door open and shut.

He finally has given up on me..

And I should be happy..

But I couldn't find it in my heart..

Sa kada araw na nagigising ako ay agad akong nahihilo at nagsusuka. This has been my morning routine for the past four weeks now. I thought I ate something off the first week I experienced it. But it became constant that I felt like I'm scared to see my doctor.

I'm so afraid to know the truth behind my sickness. Kakagraduate ko lang last week at wala pa akong napapatunayan. Paano na lang kung may taning na pala ang buhay ko? Baka mas lalo akong mawalan ng ganang mabuhay.

I flushed the toilet and slowly got up to rinse my mouth. I looked at my ugly, miserable and pathetic self in my mirror. I lost weight and gained acne on my face, chest and back. I even got some dark circles around my eyes. I looked disgusting and revolting.

Nakakagalit na mukha akong tumanda ng halos sampong taon samantalang ang ex ko ay sobrang gwapo pa rin at parang hindi naapektuhan sa paghihiwalay namin!

My phone rang so I slowly went out of my bathroom to take the call up. It was from Megan. She was now happy with her life in America. She's a model and a chemical engineer. She just came here last summer to visit the cliff where we lost Gia. And now she was inviting me to watch her on the New York Fashion show. Sobrang bongga na talaga niya. She rose up from her downfall with class.

Nang maibaba ko ang tawag ay si Arana naman ang sumunod. She was currently in a mission. Nagcongratulate lang at nangumusta. From being a quiet and aloof girl, she was now a tough and strong woman.

Sobrang nakakaproud ang dalawa kong best friend. They grew up to be better. While I am lost and stuck.

Dumiretso na ako sa kitchen at nagluto. Nitong mga nakaraang linggo ay puro pancakes lang ang kaya ng sikmura ko. I tried to make something healthy pero isinuka ko rin.

After I made my breakfast ay kumain na ako at nagshower. I was planning to visit to my parents in Alaminos to talk about my planned holiday before working in our company. Tutal sa designs lang naman ako so baka pwede din akong magrequest na magwork sa kung saan man ako pupunta at ipapadala na lang ang mga nagawa ko through email. That if I would stay there a bit longer. I felt suffocated with the city life that my body was looking for a serene and quiet surroundings. Maybe I would go to the Caribbean or a quiet country town in Sicily.

I put my skinny jeans and off shoulder blouse on then headed out with my overnight bag in hand. Since I lost weight, halatang halata ang laki ng dibdib ko. Ewan ko ba, they were more sensitive and heavier than before.

I drove out of my building with ease. Napatingin ako sa rear view mirror ko para icheck ang nakasabayan kong heavily tinted mustang na tumigil at pinauna ako.

Then I noticed that the car was kinda following me. Bigla akong kinabahan. But decided not to think about it. Maybe it was just a coincidence.

I drove pass the orange traffic light to make him stop at the red lights. At hindi nga ako nagkamali.

I breathed in relief and drove with my music on.

When I was on the expressway ay nakita ko ulit ang mustang. I remembered his car because it has some red Arabic script on the hood.

What the hell!! Kinakabahan na tinapakan ko ang accelerator ng audi ko at humarurot palayo. The driver tried to catch up on me but he failed. I made him eat my dust.

When I couldn't see the mustang anymore, I just cruised along the highway. I'm a careful driver kaya mas gusto kong mabagal pero safe na makakarating sa pupuntahan kaysa sa mabilisan na ilang minuto lang naman ang na-gain mo. Tapos hindi pa sure kung makakarating ka.

Nang makarating ako sa tarlac ay nagstop over ako para kumain ng lunch. Bigla akong nagcrave ng chicken at shanghai. At ngalay na rin ang balakang ko kaya nagdecide na rin akong maglakad para makapagstretch.

I parked my car in front of the fastfood chain and went in to get some lunch. I left with my full stomach so I went for a short walk along the pathway. The town was quite busy, nakarating ako sa may street market at bumili ng mga pasalubong. Napabili na rin ako ng buko shake sa uhaw. It was a good day. Nang makabalik ako sa kotse ko ay nakita ko ang mustang na nakaparada sa tabi ng sasakyan ko!

Coincidence pa rin ba ito? Kinakabahang pinicturan ko ang plate number at isenend kay Kuya Ashmere. Just in case something would happen to me, they would know who followed me.

Pinicturan ko na rin ang hood niyang may script at pumasok na sa kotse ko.

I would google it to know what was the meaning of that. Maybe may converter akong mahanap.

When I was manoeuvring my car out of the parking lot, the car followed suit!

Napatapak ako sa accelerator ulit sa pagkataranta at muntik nang mabangga ang sidewalk! Buti nalang at mabilis ang reflex ko. At buti nalang walang tao nun!

Napatingin ako ng matalim sa mustang na tumigil sa likuran ko nang lumabas ako para icheck ito. At dahan dahan itong nagdrive palayo.

Bwisit siya! Muntik pa akong maaksidente dahil sa kanya!

I got back into my car and drove slower this time. I was still palpitating from my nearly accident.

Patingin tingin ako sa rear view mirror ko kung makikita ko ulit ang mustang but to my relief, he was gone.

Napabuntong hininga ako nang makita ang welcome sign sa Alaminos. Finally..

Sobrang nakakapagod talagang magdrive. My body was aching and I really wanted so bad to soak in a bubble bath with my lavender oil and scented candles..

I parked my car on our driveway and stepped out of it. Napamasahe ako sa balikat kong nangalay pati na sa balakang ko.

Then all of a sudden, the black matte mustang parked beside my car.

Napatanga lang ako habang pinapanood na lumabas si Peter sa sasakyan!

Walang hiya siya! He nearly caused my accident!

Balak ko sana siyang sugurin but I stopped on my track when I saw him so gorgeous and sexy with a dark and menacing eyes.

Ako na nga ang muntik nang madisgrasya, siya pa ang galit! It was his fault!

"You shouldn't be driving that powerful car! You'll just end up in the hospital or you'll be dead!" He said in a very low tone and clenched his jaw.

"Ikaw ang may kasalanan. You were following me!" I shot back then planted my hands on my hips. Ready to fight.

"Damn it! I won't let you drive ever again with your condition Loveria!" He said sternly.

"Hindi ko yon gagawin kung walang parang tanga na bumubuntot sa akin! You should have just showed your face para hindi ako nataranta!"galit ko rin sabi

"Then what will you do? Drive faster to escape from me? Hell no!" Napaatras ako nang sumugod siya palapit sa akin nang may mabigat at mabilis na mga hakbang.

Napakapit ako sa leeg niya nang buhatin niya ako.

"Saan mo ako dadalhin Peter?!" Kinakabahan kong tanong. He just opened his shot gun seat and deposited me there without answering my question. I pushed him to get off the car but he pushed me back to my seat and locked the door.

Napahampas ako sa bintana niya nang hindi makakuha ng sagot.

Ang kapal ng mukha niyang magpakita sa akin after nyang magpakasasa sa mga babae sa America.

He took my overnight bag in my car and threw it at the backseat. And started the engine.

"Ano ba! Saan mo ko dadalhin?" Sigaw ko sa kanya nang makalabas na kami ng gate. He pulled over on the side of the road and buckled up my seatbelt. Then drove again.

"Sinasabi ko na sayo Peter! This is kidnapping!" I shouted. But I never got an answer.

"Just have a nap. You're exhausted from the long drive." He commanded and turn the aircon on a bit lower.

Suddenly my eyes became heavy with sleep. I yawned and hugged myself feeling cold.

"Sorry." He said them adjusted the aircon again.

He put the radio on and my favourite Katy Perry song made me more sleepy.

I breathed his scent and closed my eyes. The music, his scent and the cold air were making it hard for me to concentrate.

"Ipipikit ko lang ang mga mata ko." I said then I felt him moved. Napamulat ako ng maramdaman ko na may iki-nover siya sa akin.

It was his leather jacket that has his scent.. i pulled it up to my nose and sniffed. Then I turned my head to face the window and sleep took me in.

Nagising ako sa mabahong naaamoy ko. Napaupo ako agad at napahawak sa bibig ko para mapigilan ang pagsusuka. The smell was so awful.

Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang bag ko sa may couch.

The walls were painted in beige, big sliding windows, and an open french door that leads to the balcony. Nasa beach kami..

Nang humangin ng mas malakas ay napatakbo na ako sa bathroom. I hated the smell of grilled fish!

I knelt down and threw everything up. Maiyak iyak ako napakapit sa toilet seat habang hinahawi ang buhok kong napupunta sa mukha ko.

Then I felt Peter behind me and held my hair for me. He then tied my hair and caressed my back.

Napayuko ako panghihina ko at umiyak ng parang bata. Hindi ko na alam ang gagawin ko. I really felt so miserable and in pain. Then this vomiting wouldn't help me at all. I'm so tired. Tired of everything..

"Love.. stop crying.. I'm here don't worry.."Peter's voice was coaxing me. He knelt down beside me and took me in his arms gently.

Mas lumakas ang iyak ko nang marinig ko ang sinabi nita. I clutched onto his shirt tightly and buried my face on his hard chest.

"Hush love.."he kept kissing my sweaty hair and temple.

Ilang minuto pa bago ako napakalma ni Peter. Naluluhang kumalas ako sa kanya at nagpaalalay na tumayo. He wiped my sweaty and tear stained face then handed me a bottled water. Nanghihinang kinuha ko ito at nagmumog.

He flushed the toilet and walked me to the bed.

"You should have called me even before you started feeling sick love. I should have look after you and our babies.."

Napatingala ako sa kanya nang makaupo na ako sa kama.

Ang gwapo gwapo niya talaga. At mukhang hindi man lang dinamdam ang paghihiwalay namin. Siguro ay pinagtatawanan na nya ako ngayon sa isip niya dahil nakita niyang ang pangit ko na..

"If I didn't make any move, I wouldn't even know that we're pregnant. How long will you keep your condition from me love?"malungkot na sabi niya.

Bigla akong nagising sa mga iniisip ko? Condition? So alam na niyang may sakit akong malubha?

Tumulo na naman ang mga luha ko. "I-I'm dying.. I'm sick.."Habang nakatingin sa mga mata niyang malungkot.

Biglang nagsalubong ang mga kilay niya.

"Love.. that's not what I mean! Dying? What the fuck!"he said and knelt down in front of me.

Umiling iling ako. "T-totoo! E-Every day.. every morning.. I throw up..then I feel tired all the time. And my body aches.."sumbong ko sa kanya.

Napabuga siya ng hangin at hinawakan ang pisngi kong basa ng luha.

"Love.. you haven't been to your doctor?"

Napailing ako. "Lagi akong pagod at walang energy! I can't even eat a proper meal dahil lagi ko lang sinusuka! I'm so tired! I wanna die!"umiyak ako ng malakas at pumadyak padyak pa.

"Okay..okay.. hush.. we'll go together. Don't worry. From now on I'll be with you in every step of your pregnancy."

Natigilan ako nang marinig ko siya. P-pregnancy?

"Teka.. I'm dying. Not pregnant! I googled my condition. It said I probably have brain tumour! I'm always dizzy, and nauseous."humihikbing sagot ko.

"Love.. you missed your period last month and this month, right?" He looked so sure. Napaisip ako agad.

He just wiped my tears and smiled lovingly at me.

"I know.. here check my calendar."he then pulled out his phone from his pocket and handed it to me.

"P-paano mo nalaman na nagmissed ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Easy.. I asked the housekeeping department to let me know if they've found sanitary pads in your trash. And there's none."

Napabuka ako nang mga labi at muli itong isinara. Napayuko ulit ako at binilang ang days na namiss ko ang regla ko.

It would be nine weeks now.. Am I really pregnant? Then it dawned on me. He was just here to get back to me because I became pregnant?

Napaiyak ulit ako at humawak na sa tyan ko. Andito lang siya dahil sa pinagbubuntis ko. Hindi dahil mahal niya ako at gusto niyang makipagbalikan.

"What the fuck? You should be happy not crying!"Rinig ko ang galit sa boses ni Peter.

Umiling iling lang ako. Ayokong magsalita dahil baka may masabi pa akong masama at umalis na naman siya. Iwan na naman niya ako..

"So you really didn't want me again that's why you're regretting my babies inside you huh? If you don't want them I'll raise them alone!" Napatayo na si Peter at naglakad nang pabalik balik.

"Just don't get an abortion. Please."naluluhang sabi ni Peter at tumingin sa akin ng nakikiusap.

Napakunot ang noo ko. Ano bang pinagsasabi niya? Anong abortion? Anong raise them alone?

Nagpatuloy siya sa paglalakad nang pabalik balik sa harapan ko at halos mahilo na ako sa bilis niya. Halata ang pagkaaburido. At pag iisip ng malalim.

"I'll raise them up then maybe we'll just visit you everyday until you'll learn to love us like how I love you."napanganga na ako. Mahal pa rin niya ako?

"I bet they'll look as wonderful as you. I want my boy to look like me. And a carbon copy of you with my daughter-"

"T-teka nga! Kung makapagsalita ka ng kambal wagas! Ni hindi pa nga ako nakakapagpacheck up. At tumigil ka nga kakalakad mo dyan. Hinihilo mo ako."angal ko at napahawak sa ulo ko.

Bigla siyang tumigil at tumakbo palapit sa akin. At lumuhod sa harap ko. His eyes sparkled in hope. Para siyang bata. Magiging tatay na pero kung kumilos parang mas baby pa..

Pinagsalubong ko ang mga kilay ko at pinigil ang pagngiti nang magpout siya. Ang sarap halikan ang mga mapupula niyang labi.

"So.. you're not really regretting my babies?"punom puno na nang pag asa ang mukha nya.

Napairap ako. Kailangan pa ba niyang tanungin yon?

"Oo!"angil ko at itinulak siya nang bahagya.

Nangingiting tumayo siya at nagpipindot sa cellphone. Maya maya ay sunod sunod na tumunog ang message alert tone niya.

"May time ka pang makipagtextmate?! Bilhan mo na ako ng pregnancy test kit para malaman na natin kung buntis talaga ako!"inis kong sabi at tumingin sa cellphone niya nang matalim.

"Love we're far from the city."he said then handed me his phone suddenly.

"Nasaan tayo?"taka kong tanong na hindi kinuha ang cellphone niya. Naupo siya sa tabi ko at pinakita ang lahat ng mga messages niya.

Binasa niya isa isa ang mga ito at napakunot ang noo ko sa mga naririnig.

They were from his friends and our parents..answering his invitation for our engagement party tonight..

Teka bakit parang hindi ako nainvite sa sarili kong engagement?

"Anong engagement natin? Ininvite mo na sila samantalang hindi mo pa nga ako tinatanong!"

"Love.. whether you like it or not.. you'll marry me. I don't want our kids to be born out of wedlock. My family is old fashion." He said smugly. Parang nasisiguro na niyang napapasagot niya ako.

"Pero hindi kapa nagpopropose!" Inis kong sabi.

Kahit naman buntis na ako, deserve ko pa rin iyon noh! I wouldn't lower my standards just because he made me pregnant. I deserve everything and more!

Tumingin siya nang seryoso sa akin at biglang napailing nang makita ang galit kong mukha.

"Come with me then.." he said then pulled me up and guided me out of the door.

Napatingin ako sa buong bahay. Nasa second floor kami. Ang kwartong pinanggalingan namin ay nasa gitna habang may tig dalawa pang pintuan sa kanan at kaliwa. Sa harapan ay ang malaking hagdan na marmol. May chandelier at sa pagbaba namin ay ang mga paintings ko ang nakasabit sa mga wall. Sa gitna nang living area ay ang malaki kong portrait kasama siya. Pareho ang kulay ng walls sa kwarto. Beige. Ang pinakamain colour ng buong bahay at furnitures ay grey and beige..

"This is my graduation gift to you love.." he said huskily. Napalingon ako sa kanya sa gulat.

"I-ito? Bakit pa? I have plenty properties already!"tanggi ko.

Napangisi siya at hinila ako palabas.

Naamoy ko agad ang inihaw na isda. I gagged and covered my mouth. Bigla siyang naalerto at hinila ako pabalik sa bahay. Lumabas siya saglit at may kinausap bago bumalik na humihingi ng sorry.

Ulo ni Kuya Coles ang sumilip sa amin at tumango bago nawala ulit pagkatapos ng ilang sandali.

"Anong kalokohan ito Peter!"galit kong sabi. Basta kapag si Kuya Coles ang sangkot, alam ko nang hindi ito matino.

"Love.. j-just trust me." He said then pulled me out of the house. Pakiramdam ko ay bigla siyang hindi mapakali na ewan. Mas lalo akong naghinalang may kabulastugan silang ginagawa.

Nang makatapak ako sa buhangin ay wala na akong naamoy na mabaho. Ang simoy nalang ng dagat. Iginala ko ang paningin sa buong paligid. Hinahanap sila. Pero ni anino ay wala akong makita.

Nang mapagtuunan ko nang pansin ang lugar ay biglang kumabog ang puso ko.

Ang sabi niya binili niya ito para sa akin.. Nagmadali akong lumapit sa rock formations at napakagat labi.

Ito iyong isla na ayaw ipagbili dati..

Paano?

"Don't tell me you bought this-"sabi ko at lumingon sa pinag iwanan ko sa kanya. Mas dumoble ang tibok ng puso ko nang makita siyang nakaluhod na at may hawak ng kahita sa palad. Sa likuran niya ay ang tatlo ko pang kuya na nakaformal suit and tie. Out of place na out of place sa lugar.

So idinamay niya pa ang kuya ko dito..

I looked at him with my blank expression.

He smiled at me nervously. He looked so adorable and funny.. akala ko ba wala na akong choice kundi pakasalan siya? Bakit ngayon ay para siyang natatae na ewan sa kaba?

Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Mga proposal niya talaga puro sablay. Ako pa ang papalapitin eh.

Nakita kong siniko ni Kuya Ash si Peter kaya napalingon siya at nag usap sila saglit. Then Peter stood up and walked towards me while scratching his eyebrow.

Nang makalapit ako sa kanya ay lumuhod ulit siya at tumingala habang nanginginig ang mga kamay na binuksan ang box.

"Love.. please marry me. I can't live my life without you anymore.."nakikiusap na sabi niya.

Iniabot ko ang kaliwa kong kamay at tumango nang nakangiti.

Napabuntong hininga siya at ngumiti nang namumula na ang mga mata.

"I promise that I'll give everything you want. I'll make you happy and I'll love you forever." Peter said then pulled me to seal his promise with a deep searing kiss. I obliged..

Nangingiti akong patingin tingin sa apat na singsing sa mga daliri ko. Three engagement rings and one wedding ring. We got married right after I said yes to him. Natatakot siyang umatras ulit ako kaya bago pa man kami magpunta dito ay tinawagan na raw niya ang mga parents ko at sina Tita na may kaibigang judge.. talagang pinaghandaan nya na ang pamimikot sa akin.

Tapos nagpasama pa siya kina Kuya Ashmere ko. Para daw may moral support siya.

Well, kahit naman wala sila ay oo pa rin ang sagot ko. Ngayon pa na ang pangit ko na, magiging choosy paba ako? Ang gwapo gwapo kaya ng mapapangasawa ko.

I was sitting beside Peter, and my two mommies after dinner. They were both excited and kept giving advises about my pregnancy. And it was funny to see Peter listening well to what they were talking about instead of mixing with his friends and our dads. Halatang supportive husband.

Even before the night ended, Peter kept asking me to leave them and wanted to be with me upstairs. At gusto na daw niyang simulang binyagan ang mga kama sa second floor!

Kahit natutukso na ako ay hindi ako pumayag dahil nakakahiya sa mga parents namin. Baka kung anong isipin nila!

So parang batang nagmamaktol sa tabi ko at uminom nalang.

When our moms called it a night, I offered them our rooms. We have seven bedrooms here so we can take them in. We all went to bed. Kuya Ash, Coles, Lindsey and the judge occupied the bedrooms upstairs while our parents in the ground floor.

Peter was quiet and annoyed when we got to our bedroom. He was sulking!

"What's the problem now love?" I asked. Parang nagkapalitan na kami ng situation. Siya na ang tinatanong ko dahil hindi ko siya maintindihan. Ang lagay ay parang siya pa ang buntis at may mood swings.

"None." He said then unbuttoned his long sleeves.

Lumapit ako sa kanya at tinulungan na siyang magtanggal. Alam kong kanina pa siya atat na atat sa akin kaya pagbibigyan ko na..

Pero matapos kong matanggal ang mga butones niya ay tinalikuran na ako at pumasok sa banyo at ibinagsak ang pinto.

Napanganga lang ako sa kasupladuhan niya. Huminga ako ng malalim at Ikinibit balikat ko na lang ang mood swing niya.

Nagtanggal na rin ako ng white dress ko at pinihit ang doorknob. I raised my brow up when I found it lock from inside. I knocked hard. I was starting to get annoyed now.

I took a deep breath to calm my nerves. Anong kaartehan ito?

Nang ilang minuto ay bumukas na ito at iniluwa ang magaling at maarte kong asawa na matampuhin. Mabilis akong lumapit sa kanya at binato sa kanya ang dress ko bago pumasok sa bathroom at naglock din ng pinto.

Naririnig ko siyang kumakatok pero hindi ko rin pinagbuksan!

Nang matapos ako ay wala siya sa loob ng kwarto kaya nagpatuyo na lang ako ng buhok at nahiga na. Sinubukan ko siyang hintayin pero namimigat na ang mga talukap ng mata ko kaya ipinikit ko na ang mga ito. Bahala na bukas kung maging para siyang menopausal sa pagtatampo sa akin.

Bigla akong nagising nang may humila ng comforter ko at kasunod ang paa ko. Madilim ang kwarto pero alam kong ang asawa ko ang gumagapang palapit sa akin.

Nang magpantay ang mukha namin ay agad niyang hinuli ang mga labi ko.

Nalalasahan ko ang alak sa bibig niya kaya tinulak ko siya. Halata ang sobrang pagkalasing niya kaya natumba siya sa tabi ko at umungol.

"Love.. i wanna make love to you."protesta niya. Binuksan ko ang ilaw at nakita ang itsura niyang pulang pula at nakaboxers na lang. Pawis na pawis pa.

Napapailing na nagpunta ako sa banyo at kumuha ng towelette para mapunasan ang lasing kong asawa sa unang gabi namin.

Ang ganda ng timing..

END OF SHANELLE'S POV

Done! Are you ready for EPILOGUE??

-greighxx

P.S.

Hope you’ll support my Book 4 of THE MAN WHO CAN’T BE MOVED.

Burning Red.

greighxxcreators' thoughts
Next chapter