webnovel
avataravatar

Chapter 2

"What brings you here cousin?" Bungad ni Krisha sa pinsan niyang pumasok na lang bigla dito.

"Can I sleep over here?" Tanong niya bigla kaya napalingon kami lahat sa kanya.

Tinignan kami ni Krisha na para bang wrong timing pa ang dating ng pinsan niya. Umirap pa ito nang palihim bago harapin ang pinsan niyang naghihintay ng sagot.

"But my friends-"

"It's okay, I will sleep in the other guest room." Sambit nito kaya naman umakyat na agad ito nang hindi man lang kami nilingon.

"Pinsan mo?" Tanong agad ni Lexord at ramdam ko namang tumabi sa akin si France.

"Sorry guys, nag-aaral pa mag tagalog yun e kaya kung kakausapin nya kayo, speak-in-english lang ang maiintindihan nya." Tumango naman si Krisha sa tanong ni Lexord kaya naman nagreklamo ang iba.

"Saan ka nga pala galing kanina?" Sumeryoso siya bigla nang mapansin ang suot ko.

"Nakipag meet." Maikling sambit ko at tumayo para umakyat at kumuha nang gamit sa itaas.

Hindi ko aakalaing susunod sya sa akin at magtatanong nang kung ano-ano. "Yung totoo, sino?"

Sa kalagitnaan nang hagdan ay hinarap ko siya. "Yung pinsan ni Krisha na umakyat dito, ok na?"

Pinagpatuloy ko ang pag akyat bago makarating sa kwarto ni Krisha dahil nandoon ang gamit ko. Kumuha ako ng oversized white t shirt at short bago pumasok sa cr.

Nang matapos ay nakita kong wala na si France sa labas at mukhang bumaba na. Nag polbo lang ako at sinuklay ang mahabang buhok ko bago lumabas.

Saktong pagsara ko ng pinto ay nakita ko siya na para bang gulat na gulat.

"I didn't notice you." Turo pa nya sa akin gamit ang hintuturo niya.

"Because you're not looking to your cousin's side." Kibit balikat na sambit ko.

Plano ko na sanang umalis pero ayoko namang maging bastos kaya nakisabay na lang ako sa kanya.

"Going down stairs too?" Tumango na lang ako at hindi na sumagot. Baka ma nose bleed na ako dito kaka english niya.

Pagkababa namin ay nagluluto na ang mag kambal habang nagsisimula nang manood ng Netflix ang tatlo na sina France, Lexord at Krisha.

"It's Tropa's Day, cousin!" Sigaw ni Krisha sa pinsan nya nang maupo ako sa tabi niya.

"So, this is my plan and don't shout at me." Pagsusungit naman ng pinsan nya.

Tatabihan sana ako ni Lucas nang mauna si France sa kaliwa ko at seryosong nakatingin sa kanya.

"Easy dude." Tumawa ito at sa tabi na lamang sya ni France naupo habang namimili ng papanoorin yung dalawang katabi ko.

"Horror movie na lang tayo mamaya pagsapit nang madaling araw, romance na muna ang panoorin natin." Sambit ni Lexord na sinang ayunan naman naming apat except kay Lucas na clueless sa sinabi ni Lexord.

Nagsimula na nga kaming manood matapos ang pagluto nang mag kambal ng popcorn. Umorder na rin kami nang Shakey's para wala na ring maghuhugas nang plato kung sakaling may magluto.

Wala akong kainte-interes sa romance nang magsimulang mag 20's ako. Except high school na naging crush ko pa si France.

Kaya panay lamang ang kain ko nang Pizza at popcorn, bagot na bagot na. Nagulat naman ang lahat nang maghalikan ang dalawang bida at ang iba ay nagtakip pa nang mata.

"Hulaan ko, mag be-break yan." Sambit ni France kaya nang kalagitnaan nang movie ay naghiwalay nga ang dalawang bida.

"Manghuhula kana pala ngayon."

Hindi ko na lang sila pinansin dahil inaantok na ako sa kanila at ayoko na lang tapusin ang Romance na movie. Sumang-ayon lang naman ako para wala na rin silang reklamo.

Inihilig ko na lamang ang ulo ko sa balikat ni France at niyakap naman ako nito bago ako umidlip saglit.

Nagising na lang ako nang magsi-ingay na sila at natapos na nga ang pinapanood nilang Romance na hindi ko inalam ang title.

"Good evening, Chloe!" Nagtawanan silang lahat except sa englishero nang magising ako.

"Bored na bored sa romance sis? Magkakaroon ka din niyan." Sambit nya sa akin sabay tingin kay France na katabi ko.

Umiling lamang ako at hindi nagsalita bago tumayo upang pumunta nang kitchen at uminom ng tubig bago tumulala.

Naramdaman ko na lang na sumunod sa akin si Lucas at ganoon din ang ginawa nya. "They are shippers with your boyfriend." Sambit nya na ikinagulat ko.

"We're not a couple." Sambit ko sa kanya at natawa naman ito na ikinanuot nang noo ko.

"Are you really sure? well. It's too sweet to sleep with him in his chest. And he hug you like there's no tomorrow." Pagdadaldal nya. "Are you sure that's you two are not a thing?"

Napabuntong hininga ako. Hindi ko maitatanggi na sweet kami ni France at mas clingy pa sa akin. Pero kahit anong mangyari, hindi kami pwede dahil kaibigan lang ang tingin nya sa akin.

"Why are you curious?" Sambit ko bigla na ikinatigil nya at napatulala pa saglit.

Akala ko hindi nya sasagutin ang tanong ko. "I remember ny first love, when I look the two of you."

Nakita kong parang nasaktan siya sa sinabi nya dahil umiwas siya nang tingin. "I'm sorry"

"It's okay, it's just.. a past." Tumango na lamang ako dahil dumating bigla si France at niyakap ako.

Ngumiti at napailing na lamang si Lucas bago umalis nang samaan siya ng tingin ni France.

Hinampas ko siya bigla kaya napabitaw sya sa akin at napasigaw sa sakit.

"Tigilan mo nga yan, kaya tayo napagkakamalan na mag jowa e."

"Ano naman, e sa ganito naman din ako manlambing sa iba." Ngumuso ito at pasiring na inalis ang tingin sa akin.

"Ako lang naman ang nilalapitan mo, may gusto kaba sakin?" Deretsong sambit ko na ikinatigil nya at sumeryoso bigla ang itsura.

"Paano kung oo, ano ang gagawin mo?"

Nagulat ako at tinitigan siya nang bigla syang tumawa nang malakas habang hawak pa ang tyan nya.

"Ewan ko sa'yo."