Sorry for the typos and grammatical errors. Enjoy reading!
••••••
Chapter 7
"Ano 'to?" tanong ko ng may ibinigay si Mina sa akin.
Sinadya pa talaga niya ako dito sa apartment na inuupahan ko. Nasa kalagitnaan ako ng paghahanda kanina para transaksyon na pupuntahan namin ni Boss ng biglang sumulpot si Mina.
"Pinabigay lang." kibit balikat niyang sagot. "Alis na ako." sabi niya at di man lang ako binigyan ng pagkakataong magsalita.
Bumaba ang tingin ko sa isang pamilyar na envelope na hawak ko. Ito yung envelope na ipinakita ni Boss sa akin. Binuksan ko iyon pero wala namang laman.
"Anong trip nito?" kunot noo kong sabi habang nakatitig sa walang laman na envelope at nalipat sa logo nito na nasa ibabang bahagi.
Wala namang laman at nakasulat taging logo lang na nakadikit ang meron. Nilukot ko nalang iyon at itinapon sa basurahan bago nagpatuloy sa paghahanda para kailangan mamaya.
Isa-isa kong chineck ang mga baril na dadalhin.
Hindi ko alam kung anong klaseng illegal na transaksyon ang pupuntahan namin ni Boss ang sabi niya ay hindi daw mga armas. Drugs? I'm not sure. Pagkatapos kong maghabda ay hinintay ko nalang ang tawag ni Boss sa akin. Sampung minuto ang lumipas bago tumunog ang cellphone ko pero napakunot ang noo ko ng makitang hindi nakaregister ang numero sa cellphone.
Kahit labag sa loob ko ang sagutin ang tawag ay sinagot ko. Kahit may posibilidad na kalaban ito matrack kung nasaan ako.
Inilapit ko ang cellphone sa tenga ko pagkasagot ko sa tawag at hindi nagsalita. Rinig ako ang paghinga ng kung sino sa kabilang linya at maya-maya'y nagsalita na.
"Don't go. It's a trap." at namatay ang tawag.
Kumunot ang noo ko dahil wala akong naintindihan sa sinabi niya. Hindi ko din matukoy kung babae o lalaki ba ang tumatawag dahil naka-voice changer ito. Mabilis akong matungo sa nakabukas ng laptop at kinonekta ang cellphone para matrack ang number na tumawag sa akin.
Halos mapamura ako dahil hindi ko mahanap ang data no'n. Puro error ang lumabas. Mukhang agad nilang binlock ang data ng numerong iyon para walang maka-track. Padabog kong isinarado ang laptop dahil sa inis at pabagsak na sumadal sa inuupuan kong swivel chair.
Sino 'yon? At ano ang ibig niyang sabihin sa "Don't go. It's a trap."? Ilang segundo ko iyong inisip at agad napagtanto ang sinabi ng taong 'yon.
"It's a trap. Ang transakayon ba na pupuntahan namin ang ibig niyang sabihin? Pero bakit? Bakit alam niyang aalis kami? At bakit alam niya ang tungkol sa transaksyon?" naguguluhan kong tanong sa sarili ko.
Inabot ko amg cellphone ko na nasa ibabaw ng lamesa at denial ang numero ni Mina. Siya lang ang makakasagot sa tanong ko. I think may kinalaman siya sa binigay niyang envelope sa akin.
Nakailang ring pa bago niya sinagot.
"Alice, napatawag ka?" halatang gulat siyang saad sa kabilang linya.
"Sinong nagbigay sayo mg envelope na iyon, Mina?"ay diin kong sabi. Ayokong magpaliguy-ligoy pa sa mga sasabihin.
"I don't know pinabigay lang iyon." sagot niya.
"Sino nga?"
"Hindi ko nga alam. Binigay lang iyon ng bata sa akin at sinabing ibigay ko daw sayo."
Kumunot ang noo ko. "Sinong bata?"
"Yung bata na nasa labas ng apartment mo kanina."
Mas lalo akong nagtaka. Pano magkaroon ng bata sa labas ng apartment ko eh ako lang naman ang nakatira dito. Tapos yung mga kapitbahay ko ay wala namang mga bata na kasama at isa pa walang anak ang land lady. Kaya imposibleng magkarion ng bata sa labas ng apartment.
There's a possibility that Mina was lying or she's really telling the truth.
"How come na magkakaroon ng bata sa apartment ko? That's imposible Mina."
"B-basta. Pinabigay lang yan ng bata sayo." naging mailap ang sagot niya tila ba nag-iingat.
Nanliit ang mata ko. She's lying. I can feel it.
"Okay." yun nalang ang nasabi ko at pinatay ang tawag.
Isa lang ang pwede kong gawin para malaman ang totoo. Muli kong binuksan ang laptop ko at chineck ang mga CCTV na inilagay ko sa labas ng apartment at sa mga di kalayuang lugar.
Pinanood ko ang mga kuha sa CCTV isang oras ang nakalipas malapit sa apartment kung saan kita ang kalsada. Napakuyom ang palad ko ng may tumigil na pamilyar na sasakyan at lumabas doon si Mina pero may kasama siya pero hindi ko matukoy kung babae ba o lalaki dahil naka bullcap ito at nakasuot ng itim na hood. Saglit silang nag,-usap ng kasama niya bago umalis si Mina sa nakaparadang kotse.
Lumipat ang tingin ko sa kuha ng CCTV camera sa harap ng aking apartment kung saan biglang pumasok si Mina. Walang bata sa labas gaya ng sabi niya. Nagsinungaling siya. At sino yung kasama niya?
Nagtagis ang bagang ko sa iritasyong nararamdaman. Konektado ba si Mina at ang kasama niya sa may-ari ng envelope na 'yon?
Naputol ang pag-iisip ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot ng makita kung sino ang tumatawag.
"Boss." bungad ko.
"Nasa labas na ako." sabi niya at pinatay ang tawag.
Sinilip ko ang oras sa wrist watch ko. It's already 10:30 in the evening. Agad akong tumayo at kinuha ang bag na may lamang baril bago lumabas. Naglakad ako sa pangatlong bahay na inabandona at agad nakita ang nakaparadang kotse ni Boss. Kaagad akong pumasok sa passenger's seat.
"Boss saan tayo?" tanong ko.
Napansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa manibela habang nagsisismulang magmaneho.
"Airport."maikli niyang sagot.
Airport? Pupunta kami sa ibang bansa?
"Mangingibang bansa tayo boss? Hindi ba masyadong dilekado iyon? Wala tayong mga tauhan na kasama." nahihibang ba siya?
Saglit siyang sumulyap sa akin.
"The transaction will happen in the middle of a flying plane, Alice." may diin niyang sabi.
"What? You're kidding right? We can't escaped if something bad happen!" nahihibang na talaga siya!
Anong pumasok sa isip niya at pumayag na sa loob ng lumilipad na eroplano gagawin ang transaksiyon?! This us insane! Fucking insane!
"I'm not kidding here, Alice." bakas sa boses niya na seryoso talaga siya sa sinabi niya.
Napahilot ako sa noo ako at mariing pumikit. Alam kong may pagkabaliw 'tong Boss ko pero hindi ko akalaing ganito siya kabaliw. For fuck sake! Ano ba ang itatransaksiyon? At bakot sa himpapawid pa gaganapin? Damn hindi niya kasi sinabi sa akin. Putangina.
"We're here." anunsiyo niya.
Hindi ko napansin na nakahinto na pala ang kotse sa harap ng isang private plane, I think.
Huminga ako ng malalim bago bumaba ng sasakyan. Inayos ko ang suot kong damit dahil bahagyang nagusot.
Napatingin ako kay Boss na matiim akong tinitigan. Tinaasan ko siya ng kilay. "What?"
Umiling siya at lumapit sa sakin at hinawakan ang siko ko at hinila patungo sa hagdan ng eroplano. "Let's go." medyo kinabahan niyang saad.
Kunot noo ko siyang pinagmasdan. Kung kanina ay sobrang seryoso niya ngayon naman ay ramdam ko ang kaba nita dahil nanginginig ang kanyang kamay.
"Okay ka lang? You look nervous, Boss."
"Really?" pilit ngiti niyang sabi
He's acting weird again!
"Yeah."
"I'm okay." panigurado niya at pinauna akong umakyat.
Nilingon ko siya sa baba pagkadating ko sa entrance ng eroplano may kausal siyang dalawang stewardess. Hindi ko mapigilang mapairap dahil sa kakaibang ngiti ng dalawang babae sa kanya.
"Bitches." bulong ko at tumuloy sa loob.
Naghanap ako ng magandang upuan. Pinili ko ang pinakadulong upuan at naupo malapit sa bintana. Nagtaka naman ako dahil bakit walang tao sa loob. Dapat nandito na ang katransaksyon ni Boss. Baka nauna lang kami. Tama.
Hindi nagtagal ay pumasok na si Boss kasama ang dalawang stewardess. Nagpaalam ang dalawang babae sa kanya at pumasok sa nakasaradong kurtina. Kita ko ang paggala ng kanyang mga mata na para bang may hinahanap hanggang dumapo iyon sa akin.
Matamis niya akong nginitian bago naglakad papalapit sa akin. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa naupo siya sa tabi ko.
"Ang weird mo ngayon, Boss."
Hinilig niya ang kanyang ulo sa balikat ko bago nagsalita. "Matagal na."
Napairap naman ako hanggang sa may biglang naalala. "Boss nakalimutan ko ang duffel bag sa kotse mo." sabi ko.
"Hayaan mo na."
"Pero baka kung anong mangyari sa atin."
Umangat ang ulo niya at ipinatong ang kanyang baba sa balikat ko habang nakaharap sa pinsngi ko. Nilingo siya at halos magdikit na ang ilong namin.
"May mangyayari talaga sa atin. Pero sisiguraduhin kong hindj ka masasaktan." makabuluhan niyang sabi at ngumisi ng nakakaloko.
Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Maya-maya pa ay biglang nagsalita ang piloto at aninunsyo na lilipad na ang eroplano.
"Boss nasaan na ang katransaksyon mo?" tanong ko.
"Nandito na sa loob." kalmado niyang sagot. Hindi parin natatanggal ang ngisi niya.
Tumango nalang ako at tumingin sa labas ng bintana kung saan untu-unti kaming umaangat. Napahanga ako sa mga ilaw sa baba nang nasa himapapawid na kami. Ang gandang tingnan. Nakakaakit. Para silang mga nagkikislapang bituin sa ibaba.
Nataranta naman ako ng biglang may nagtakip ng kung ano sa mga mata ko.
"Shh. It's just me." biglang bulong ni Boss sa tenga ko. Ang mainit niyang hininga na tumatama sa aking leeg ay nagbigay ng kakaibang kiliti sa batok patungo sa tiyan ko.
"A-anong ginagawa mo? Bakit mo tinatakpan mata ko?" kinakabahan kong sambit.
Hinawakan niya ang kamay ko at mahinang pinisil iyon.
"Secret." muli niyang bulong bago ako inalalayan sa pagtayo.
Hinawakan niya ang beywang ko habang inalalayang maglakad sa kung saan.
"Boss ako ba ang ibebenta mo?" bigla kong tanong. "O ihuhulog mo ako palabas ng eroplano?" dagdag ko.
Tumigil kami sa paglalakad.
Mahina siya natawa bago nag-salita. "No, I won't sell you. Bakit naman kita ibebenta? Masyado kang mahal, Alice." saad niya. "Masyado kitang mahal na gusto na kitang ipagdamot sa kanila. At kung ihuhulog man kita gusto ko sa akin. I want you to fall with me, Alice. Let's fall together and catch each other." at naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang sasabog sa sobrang lakas. I can't find the worr to utter. Whay the hell is happening? Bakit ganito? Bakit siya ganito? Bakit ang sweet niya?
"S-saber," yun nalang ang lumabas sa bibig ko.
I feel his presence behind me at ang pagyakap niya sa akin. "Take off that piring." utos niya na agad ko namang ginawa.
I blinked many times para maadjust ang paningin ko sa liwanag. At halos matulala ako sa paligid. Puno iyon dekorasyon na. Nagmumukhang romantic ang paligid kung wala lang nakasabit na 'Happy Birthday' sa dingding malapit sa pangdalawahang mesa na may nakapatong na bouquet. Ang daming candle lights sa paligid at mga nagkalat na petals ng rosas sa sahig pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang mga picture naming dalawa na nakadikit sa paligid.
"Happy birthday, my Alice. And happy first monthsary." nilingon ko siya na ngayo'y nakapatong ang baba sa balikat ko habang nakatingin sa akin na may matamis na ngiti sa labi.
Ngayon ko lang naalala na birthday ko pala ngayon. Simula kasi nung namatay ang mga magulang ko ay hindi na muli akong nag-celebrate ng birthday ko. Kasi alam kong malulungkot lang ako. Hindi ko mapigilang maiyak sa saya. Hindi ko akalaing alam niya ang kaarawan ko at hindi ko akalaing isusurprise niya ako.
Pinihit ko ang katawan ko paharap sa kanya. Nakayakap parin ang kanyang dalawang braso sa beywang ko.
"T-thank you." umiiyak kong usal habang nakatitig sa kanyang mga mata na puno ng kislap ng kasiyahan at pagmamahal.
Umangat ang kanyang kamay at git ang kanyang hinlalaki pinunasan niya ang basa kong pisngi.
"I love you, my Alice. I want you to be happy. You deserve to be happy. At gusto kong masaya ka kasama ako. Gusto kong ako ang rason kung bakit masaya ka. Gusto kong ako ang rason kung bakit nakangiti ka. Selfish man pakinggan pero gusto kong akin ka lang. Ayokong makiagaw, Alice. Ayoko." ramdam ko ang takot sa kanyang boses sa huli niyang sinabi.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya agad naman niya iyon hinawakan.
"Hey, I'm all yours. Wala aagaw sa akin. Sayo lang ako. I'm happy. Sobra." tumingkayad ako at dinampian siya ng marahang halik sa labi. "I didn't expect this. I was reallh surprise." nakangiti kong saad ng maghiwalay ang aming mga labi.
"Talaga lang dahil pinaghandaan ko talaga 'to. Kinabahan pa nga ako baka kasi pumalpak." mahina akong natawa. "Thank you."
"I love you too." and he winked.
Iginiya niya ako sa lamesa at ibinigay ang bouquet ng bulaklak sa akin. "I never thought you like this kind of stuff."
"This is my first time doing this. And all I can say is worth it because I made my woman happy." nakangiti niyang sabi.
Pinaghila niya ako ng upuan na ikinatawa ko. "This not you Boss." biro ko.
Naupo naman siya sa tapat kong upuan.
"I'm not your boss at this moment baby. I'm your boyfriend, well I mean husband now. By the way happy first monthsary. I love you."
"Wait. Husband?" tinaasan ko siya ng kilay. "Kelan pa kita naging asawa aber? At isa pa first monthsary? Kelan naman kita sinagot?" napairap siya sa mga sinabi ko.
"Panira ka talaga ng moment ano? Naging tayo nung gabing nagconfess ako hoy!" paalala niya.
"Aba tinanong mo ba ako ha? Ha? Diba wala!"
"Edi tatanungin kita ngayon! Problema ba 'yon? Teka," umayos siya ng upo at tumikhim. "Alice, alam mong mahal kita kahit palagi mo akong sinasabunutan at sinasapak. Mahal kita kahit ang likot mong matulog. Mahal kita kahit walang kasweetan yang katawan mo. Ikaw kasi eh kape ng kape yung pait pa talaga ang iniinom mo. Mahal kita kahit ang taray mo sa akin. Mahal kita kahit manhid ka. Mahal kita lahit hindi ka pa maligo. So baby, my Alice pwede ba kitang kamahin I mean will you be my girlfriend?" seryoso niyang tanong.
"Bilisan mo sagutin mo na ako putangina naman eh. Nag-iisip pa sakin ka naman parin bagsak." iritado niyang sabi ng makitang hindi ako nagsalita.
Kinilig ako eh. Bakit ba. Sumisink in pa sa utak ko yung pinagsasabi niya hanggang sa nahinto sa 'kamahin'.
Dinampot ko ang hawak kong bouquet at hinampas sa kanya. "Oo leche!" sigaw ko.
"Bakit ka nanghahampas?!"
"Kinikilig ako manahimik ka! At isa oa kamahain mo sarili mo gago!"
Akala ko maiinis siya pero bigla siyang tumayo at malapad na ngumiti sa akin. "So pano ba yan. Akin ka na talaga. Oh men. Ito na yata ang pinakaswerte kong transaksiyon. Come here baby. Give your handsome boyfriend a hug and kiss." masaya niyang sabi habang nakadipa ang kanyang dalawang braso.
Naiiling akong tumayo at patalon siyang niyakap. Nakapulupot ang aking binti sa kanyang beywang habang ang mga braso ko ay sa leeg niya at siniil siya ng halik sa labi.
"I love you. I love you. I love you to the sabunot and sapak, my Alice." sabi niya ng maghiwalay ang mga labi namin at pinugpog ang buong mukha ko ng halik.
"I know. I'm really happy right now."
"May surpresa pa ako sa'yo. Look down."
Gaya ng sinabi niya bumaba ang tingin ko sa sahig. Ang sahig ng eroplano ay unti-unting naging transparent.
Bumaba ako sa pagkapit ko sa kanya at pinagmasdan ang citi lights na unti-unting humuhulma ng numero at letra hanggang naging mas klaro na.
TODAY 072719
SHE'S OFFICIALLY MINE
Pumatak muli ang luha ko sa sayang naramdaman. This is too much. He's sweetness is too much. Hindi na yata alo makahinga sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa saya.
Umangat ang tingin ko sa kanya. I love you, my Saber.
"Stop crying. Ang panget mo." biro niya at niyakap ako.
"Ikaw kasi eh. Ang dami mong alam." isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya.
Hinagad niya ang likod ko. "Basta pagdating sayo marami talaga akong alam. I love you. Always, my Alice."
Hindi nagtagal ay bumalik kami sa table namin at doon pumasok ang dalawang stewardess na may dalang pagkain. We ate, laugh, joke and tease each other. And I think this is my most unforgettable and happiest moment happened in my whole life.