Sorry for the typos and grammatical errors. Enjoy reading!
••••••
Chapter 6
Mabilis kong inalalayan si Boss sa kwarto ko at dahan-dahang hiniga sa kama. Pinagmasdan ko muna siya ng ilang segundo bago hinubad ang suot niyang punit na damit. Napasinghap ako ng makita ang buong katawan niya.
Sobrang daming pasa at sugat nito. May malalalim at mag mabababaw din na sugat. Ang ibang pasa ay unti-unti ng nagiging kulay violet at black.
"What the hell? Sinong may gawa sayo nito?" bulalas kong bulong.
I wonder who did this this to him. Boss is a kind of man na hindi basta-basta magpapatalo. Unless, sinadya niyang magpatalo. And who the hell he is, was so fucking lucky. Killing people is his kind of play and to think that he has bruises and cuts is new to me. Kailanman ay hindi ko nakita si Boss na may kaonting galos o daplis man lang ng bala o kahit ano, ngayon lang.
Napabuntong hininga nalang ako at nagtungo sa sa banyo para kunin ang mga kakailanganin para magamot ang mga sugat niya. Mabuti nalang at may alam ako tungkol sa pag-gamot ng mga ganitong sugat. I have a medical experience four years ago. Dahil kung wala, mapipilitan akong dalhin siya sa hospital kahit ayaw niya.
Inunan kong tanggalin ang bala na nasa braso niya. Medyo nahihirapan ako dahil ang sa dugong patuloy na umaagos at isa pa ako lang mag-isa walang tutulong. Halos isang-oras bago ko natanggal ang bala dahil ang magaling kong Boss panay galaw. Pagkatapos kong tanggalin ay kinabitan ko siya ng dextrose. Pinunasan ko muna ang buong katawan niya bago nagsimulang gamutin ang kanyang ibang sugat.
Panay ang buntong-hininga ko sa tuwing lilipat na naman ako sa isang sugat para gamutin. Nang matapos ako ay muli ko siyang pinagmasdan.
At bigla kong napansin na ang kanyang mukha lang ang walang sugat o galos man lang. Mukhang hindi niya iyon hinayaang tamaan. Tss. Pero kahit may sugat o galos ang mukha niya ay gwapo padin namang tingnan.
Ilang oras akong nanatiling nakaupo sa tabi niya sa gilid ng kama bago tumayo para maligo. Habang nagbababad ako sa bathtub ang mga sugat at galos lang ni Boss ang nasa isip ko. I'm worried. Hindi talaga ako sanay na makitang siyang ganoon. He looks weak. Kita ko sa mga mata niya ang hirap at pagod kahit nakangiti siya.
He's really mysterious and I really want to know that side of him.
Nang matapos kong maligo at magbihid ay nagulat ako ng pagkalabas ko gising siya. Agad ko siyang nilapitan at hinawakan ang kamay niyang walang nakakabit na dextrose.
"Hey," tawag ko sa kanya.
Pagod ang kanyang mga mata pero pilit niya paring minumulat para magtagpo ang aming tingin. Bumuka ang kanyang bibig pero agad din niyang itinikom.
"Magpahinga ka na. Alam mo bang gusto kitang ihagis sa bintana? Naiinis ako sayo." sabi ko at pabirong umirap.
Mahina naman siyang natawa. "I'm sorry." paos na boses niyang sabi.
Inabot ko ang kanyang buhok at marahan iyong sinuklay. Napapikit naman siya sa ginawa ko.
"Matulog ka na."
Tinapik niya ang espasyo sa gilid niya kung saan ako nakaupo.
"Tabi tayo."
"No. Baka masagi ko ang mga sugat mo Boss. Alam mo namang ang likot kong matulog diba?" paalala ko.
"Alam ko. Pero alam mo namang may sugat ako diba? Kaya ikaw nalang ang mag-adjust. Gusto kitang makatabi eh." nakuha pa niyang kumindat sa akin.
Napailing nalang ako at tahimik na nahiga sa tabi niya. Sinaway ko siyang ng pilit siyang tumagilid.
"Gusto kong makaharap ka." sabi niya pa.
Napairap ako. "Ang dami mong arte, Boss. Magkatabi na nga tayo oh!"
"I want to hug you, my Alice. I miss you. I really miss you." paglalambing niya.
Saglit akong napatitig sa kanya. He's acting weird again.
"Fine. Ako nalang ang yayakap sayo. Hindi mo pwedeng igalaw ang braso at kamay mo." sabi ko at maingat siyang niyakap.
"That's what all I need right now. Your hug, my Alice. I love you to the sabunot at sapak." bulong niya sa akin na nagpakilig sa buto ko.
"I know, at sa oras na magaling ka na masasapak at masasabunot kita dahil sa nangyari sayo ngayon. I was worried." mahinan kong sabi sa huli.
Napapikit ako ng inabot ng mga labi niya ang noo ko.
"I'm sorry, okay." tumango ako bilang sagot at pinilit ang sarili na matulog.
Alas siete na ng gabi ng magising ako. At sobrang hapdi ng tiyan ko at bigla kong naalala na hindi pala ako nakakain ng pananghalian kanina. Maingat akong bumangon at tiningnan ang katabi ko bago tumayo at lumabas ng kwarto para mag-luto.
Pagkalabas ko ng kwarto at sakto naman ang paglabas ng kapatid ko sa kanyang kwarto. Medyo nagulat pa siya ng makita ako pero agad ding ngumiti at lumapit sa akin.
"Ate, kumusta si Kuya Saber, ayos na ba siya? Pumasok kasi ako kanina sa kwarto para ipaalam sayo na nakauwi na ako, hindi mo kasi ako nireplyan. At nakakita ko ang kalagayan ni Kuya Saber." may pag-aalala niyang sabi.
"He's fine. Sa kusina lang ako ha magluluto ng hapunan." paalam ko sana pero agad niya ako ng pinigilan. "Bakit?"
"Nakapagluto na ako, Ate. Nagluto ako kanina pagdating ko." nakangiti niyang sabi.
Niyakap ko siya at hinalikan sa noo. "Thank you, Ate Yana." pabiro kong sabi sa kanya at kumalas sa pagkakayakap.
Sumimangot naman siya kaya napatawa ako. "Tara kainin nalang natin ang niluto mo." sabi ko at inakbayan siya patungo sa kusina.
Isang linggo nanantili si Boss sa condo ko para magpagaling. Kaya after one week days, nagpapasalamat ako dahil magaling na ang ilang mga sugat niya maliban sa braso niya at mga malalalim na sugat. At dahil diyan balik na naman siya sa pambubwesit sa akin.
Kagaya ngayon inaya niya ako sa rooftop ng tanghaling tapat! Sobrang init! Kahit may kubo naman doon at may hammock ay ang init parin!
"Hey, come here. Sit here." nakangising sabi ng gago habang tinatapik ang hita niya.
Nakaupo siya sa hammock at ako naman ay nakatayo sa gilid niya habang pinapatay siya ng mga matatalim kong tingin.
"Boss, bumalik na tayo sa loob ang init dito!" reklamo ko.
At isa pa baka may biglang bumaril sa amin dito. Kahit may nagbabantay na tauhan namin sa di kalayuan at dapat mag-ingat parin kami.
"Hindi naman mainit ah. Masyado ka lang OA dahil takot kang umitim." tawa niya.
Hindi ko mapigilang sipain ang binti niya kaya napa-aray siya. "Ikaw talaga kahit kailan ang sadista mo! Bakit hindi ka nalang umupo sa hita ko ng makapagsimula na tayo sa paglalandian?" inis niyang sabi pero halata ang mapaglaro niyang ngisi at tinaas-baba niya pa ang kanyang kilay.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Aba huwag mo akong idamay diyan sa landi-landi mong 'yan Boss kung ayaw mong ibalik ko yung bala diyan sa braso mo." banta ko sa kanya.
"Hindi mo ba namiss ang paglalandian natin?" umaaktong inosente niyang tanong.
"Hindi! Mag-landi ka ng mag-isa mo! Gosh, nag-iinit ang ulo ko sayong gago ka!" nakapameywang kong saad sa harap niya.
Napatili ako ng bigla niyang hinatak ang kamay ko pababa dahilan para mapaupo ako sa hita niya.
"Ayan, ang dami pang satsat eh." natatawa niyang sabi bago hinalikann ang leeg ko.
"Boos!"
"What?"
"Anong what?! Gusto kong sakalin ko yang leeg mo?"
"Wa-"
"Saber shut the fuck up!"
"Ay galit." bulong niya.
Bigla kong naramdaman ang kamay niyang gumagapang papasok sa loob ng suot kong t-shirt.
"Saber behave!" inis kong sabi sa kanya.
"Ay parang aso lang." natatawa niyang sabi at sa wakas ay tumahimik.
Huminga ako ng malalim at isinandal nalang ang likod sa dibdib niya. Hindi kasi ako makawala dahil sa braso niyang nakapulupot sa beywang ko. Dinaman ko ang paghampas ng mainit na hangin sa aking mukha at pinagmasdan ang ibang nagtatayugang building.
"Gusto kong ganito tayo palagi." bigla niyang sabi.
Pinihit ko ang aking ulo patagilid para makita ang mukha niya at muling itinuon ang atensyon sa harap.
"What do you mean?" tanong ko.
Humigpit ang pagyakap niya sa akin.
"Nothing. I love you." napangiti ako sa huli niyang sinabi. Ibinulong niya pa sa tenga ko.
"I know."
"Tss." mahina akong natawa.
Buong tanghali kami nanatili sa rooftop. Nagkwento siya ng kung anu-ano at maya-maya ay babanat na naman sa mga linya niyang sobrang korni pero nakakapula ng pisngi. Habang ako ay nakikinig sa kanya at binabara din minsan dahil ang ibang mga pinagsasabi niya ay halatang hindi totoo. Akala niya siguro maloloko niya ako.
Aksidente ko pang nahampas yung braso niya na tinamaan ng bala kasi naman yung isang kamay niya gumagapang na naman sa loob ng damit ko.
"Matigil ka nga!" saway ko ulit sa kanya.
Ngumuso naman siya at ipinatong ang baba sa isang balikat ko.
"Anong magandang gawin?" tanong niya sa akin.
"Hindi ko alam." kibit balikat kong sagot.
Ilang segundo siyang natahimik bago ngumisi sa akin na ikinakunot ng noo ko.
"Ano na naman yang kalokohan na iniisip mo?" may halong pagdududa kong tanong.
"Mag-date nalang tayo." sabi niya.
Napataas ang isa kong kilay. "Seriously? No way."
Napairap siya. "Anong no way? Wala namang masama na mag-date tayo ah."
"Magmo-movie marathon nalang tayo sa kwarto. Tinatamad akong lumabas Boss." suggest ko.
Bagsak ang kanyang balikat. "Fine. May magagawa pa ba ako? Leche ka talaga kahit kailan."
"Nileleche-leche mo na ako ngayong gago ka ah." inabot ng mga kamay ko ang buhok niya ay sinabutan siya ng pabiro. Tawa naman ng tawa ang gago.
Nang sumapit ang hapon ay doon lang namin naisipang bumaba. Pagdating namin sa condo ay agad naming inihanda ang mga snack para movie marathon naming dalawa. Inaya namin si Yanna pero tumanggi siya dahil may mag-sleep over siya sa bahay ng kaklase niya.
Pagkatapos naming maihanda lahat dinala na namin 'yon sa kwarto at inilapag sa carpeted na sahig sa paanan ng kama sa harap ng t.v dito sa kwarto.
"Ako ang pipili ng movie." sabi ko at binuksan ang lalagyan ngga cd na nasa ilalim ng t.v.
"Bakit ikaw?"
Nilingon ko siya at kinunotan.
"Bakit hindi ako?" mataray kong tanong pabalik.
Inirapan niya lang ako at sumandal sa paanan ng kamang at ako naman ay nagpatuloy sa paghahanap ng magandang movie.
"May nakita na ako. Ito," humarap ako sa kanya at itinaas ang hawak kong apat na lalagyan ng cd.
"Ano yan?"
"Horror." ngisi kong sagot na ikinalaki ng mga mata niya.
"H-Horror? Wala ka bang porn diyan?" inis akong napairal sa sinabi niya.
"Porn? Seriously Boss? Mukha ba akong nanonood ng porn?!" inis kong sabi.
"Oo mukha ka kasing pornstar." sabay tawa.
"Bwesit ka talaga. Ikaw mukha kang mahilig gumawa ng scandal."
"Oo tapos ikaw ang partner ko." ngisi niya.
"Huwag mo akong kausapin." ismid ko at muling humarap sa t.v at inilagay ang isang cd sa player na nasa gilid ng t.v.
Umupo ako malayo kat Boss. Nabubwesit ako sa pagmumukha niya. Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa movie. Kita ko sa gilid ng mata ko ang paggalaw niya.
Inabot ko ang isang lalagyan ng popcorn at maganang kumain. Pigil ang tawa ko sa tuwing lalabas ang multo dahil napapamura at napapatalon sa kinauupuan si Boss.
Nasa kalagitnaan na ang pinapanood namin ng bigla kong naramdaman ang pagtabi niya sa akin kaya nilingon ko siya at tinaasan ng isang kilay.
"Oh ba't ka tumabi sa akin?"
"Bakit bawal ba? Ang liit ng space eh."
"Wow Boss! Talaga? Ang liit ng space?" sarcatic kog saad at tumango naman ang gago at sumiksik sa akin.
"Oo sobrang sikip." sabi niya at muling itinuon ang atensyon sa panonood.
"Tss."
Pagkatapos ng pinanood namin ay para siyang nakahinga ng maluwag. Lumayo na din siya sa akin habang nakangising kumakain ng popcorn.
"Anong ningisi-ngisi mo diyan?"
Umiling siya. "Wala lang. Matulog nalang tayo ayaw ko ng manood." saad niya at tumayo.
Patalon siyang humiga sa kama. Narinig ko ang paghagikgik niya. Anong problema ng isang 'to? Nababaliw na naman.
"Takot ka ba Boss?" pang-aasar ko. Nanatili parin akong nakaupo sa sahig.
Bumangon siya at tiningnan ako. "No. I'm just sleepy." sagot niya.
"Sus." komento ko sa sinabi niya.
Kibit balikat siyang bumalik sa pagkakahiga.
"Hoy ligpitin mo muna 'to." tukoy ko sa pinagkainan namin.
Muli siya bumangon at bumaba sa kama. Tatayo na sana ako pero agad akong napabalik sa kinauupuan na. Bakit hindi ako makatayo?
Tiningala ko si Boss na lihim na tumataw habang papalabas ng kwarto bitbit ang pinagkainan namin. Nilingon niya ako ay kinindatan.
Damn. Sinubukan kong tumayo ulit pero parang may humihila sa damit ko kaya ako sa gilid ko.
Napapikit ako para pakalmahin ang sarili ng makitang nakatali ang damit ko sa isang paa ng kama.
"Chill, Alice. Isipin mo nalang abnormal siya kaya ka niya itinali. Kalma, Alice may sugat pa siya. Huwag mong patulan ang isio batang kuneho." kausap ko sa sarili ko.
Kaya pala pangisi-ngisi ang gagong kuneho kanina. Itinali na pala ako. Huminga ako ng malalim at sinimulang tanggalin ang ang pagkakatali ng damit ko habang minumura ang gago sa isipan.
Nang matanggal ko na ay sakto namang pagpasok niya. Medyo nagulat siya ng makita akong nakatayo. Mabilis kong dinampot ang unan at hinampas sa kanya.
"Leche ka talaga! Bwesit ka kaya pala ngumingisi ka kanina tanginang gagong kuneho ka!" inis kong sigaw habang patuloy siyang hinahampas.
Panay naman ang pagsalag niyaat tawa sa ginawa ko.
Nang mapagod ay pabagsak akong umupo sa kama at sinamaan siya ng tingin.
He wink and smile at me and mouthed 'I love you to the sabunot and sapak' that made my irritation melted.
Damn this man. Kahit abnormal mahal ko pa rin.