webnovel

Albularyo: The Filipino Shamans

KingNato · Fantasy
Not enough ratings
16 Chs

Chapter 3: Dark Blood(Dugong Itim)

Malawak ang Manila at hindi alam ni Victor kung san s'ya magsisimulang maghanap kaya naman tinawagan n'ya si Janelle, ang dati n'yang kaklase na lumipat ng school sa Manila upang humingi ng tulong.

Victor: Hello, Janelle ako to si Victor.

Janelle: O, Victor kamusta na.

Victor: Nandito ako ngayon sa Manila.

Janelle: Ha!? Bakit?

Victor: May hinananap kac ako.

Janelle: Ahh ganun ba.

Victor: Hihingi sana ako ng tulong sayo.

Janelle: sige ano yon?

Victor: May hinahanap akong babae Gloria pangalan n'ya. Kaso di ko alam kung san ako magsisimulang maghanap. Di ko kac alam kung taga san s'yang dito sa Manila.

Janelle: Nako malawak ang Manila Victor. Mabuti pa pumunta ka muna dito sa amin para dito nating yan pag-usapan. Ichachat ko yung address namin sa'yo.

Pumunta nga si Victor kina Janelle ang hindi n'ya alam sinusundan na pala s'ya ng miyembro ng Dugong Itim. Sa kanto papunta sa bahay nila Janelle may mga nakitang nag-iinuman si Victor at pinagtripan s'ya ng mga ito ngunit hindi sila umubra kay Victor. Dahil sinanay s'ya ng kan'yang lolo sa loob ng mahabang panahon gumaling si Victor sa pakikipaglaban. Pinatumba n'ya ang tatlong lalaking pinagtripan s'ya at tiningnan n'ya ang mga ito ng nakakakilabot na tingin kaya naman nagtakbuhan ang mga ito. Pagdating n'ya sa bahay nila Janelle sinalubong s'ya ni Janelle ng matatamis na ngiti at yakap. Namula silang dalawa nang niyakap ni Janelle si Victor.

Victor: Ahmmm Janelle masyado atang mahigpit ang yakap mo sakin.

Janelle: Ayy! sorry, tara pasok ka.

Kwinento ni Victor ang nangyari sa kan'yang lolo, na namatay ito dahil sa sunog ngunit hindi n'ya sinabi kay Janelle na inatake sila ng isang halimaw.

Janelle: Nakikiramay ako sayo Victor.

Victor: Ngayon bilin sakin ng lolo ko na hanapin ko dito sa Manila si Gloria.

Janelle: Pero malawak ang manila at marami ring may pangalang Gloria.

Sa gitna ng kanilang pag-uusap dumating ang nanay ni Janelle at may kasama itong matandang babae. Tinitigan si Victor ng matandang babae.

Janelle: Oh nay nandito na po pala kayo.

Miranda: Teka ikaw na ba yan Victor?

Victor: Opo ako na nga po 'to tita Miranda.

Gloria:(Nakatitig kay Victor) Kamusta na Victor.

Victor: Kilala n'yo po ako? Pero di ko po kayo kilala.

Miranda: Alam mo kasi Victor magaling na manghuhula itong si nanay Gloria. Ang totoo nga n'yan nandito s'ya para hulaan ako.

Victor: Teka Gloria po ang pangalan n'yo?

Gloria: Oo Victor at alam ko ring hinahanap mo ako pero mamaya na tayo mag-usap pagkatapos kong hulaan si Miranda.

Matapos mahulaan si Miranda isinama na ni Gloria si Victor sa kanila.

Janelle: Mabuti na lang nagkataon na kakilala pala ni nanay si Lola Gloria.

Gloria: Hindi ito nagkataon lang iha, nakatadhana ito.

Victor: Ahhmm sige Janelle at tita Miranda aalis na po kami. Salamat po sa pagtanggap sakin sa bahay n'yo.

Namangha si Victor sa mga nakita n'ya sa bahay ni Gloria. Maraming iba't ibang kagamitan sa mahika sa bahay ni Gloria. Ipinaliwanag ni Victor ang nangyari sa kan'yang lolo kay Gloria. Pagkatapos ay ikwenento rin naman ni Gloria kay Victor kung gaano ka giting si Jose. Masayang nagkwento si Gloria ngunit nag-iba ang timpla n'ya nang tanungin ni Victor ang tungkol sa Dugon itim.

Gloria: Naikwento na ba sa'yo ng lolo mo ang tungkol sa digamaan dati naming mga albularyo at mga aswang?

Victor: Opo.

Gloria: Mabuti. Kung ganun kilala mo si Iskwag?

Victor: Opo.

Gloria: Ang Dugong Itim ay ang grupo ng mga makabagong aswang na nais palayain si Iskwag mula sa pagkakakulong nito sa ginawang kulungan ng lolo mo. Tinging ko kaya nila pinuntahan si Jose upang malaman ang paraan upang makalaya si Iskwag. Ngunit dahil nagmatigas ang lolo mo pinatay s'ya.

Victor: Magbabayad ang Dugong itim na yan. Pero panong may natirang mga aswang diba kinulong ng lolo ko ang lahat ng mga aswang kasama ni Iskwag?

Gloria: Dahil bago pa maikulong ng lolo mo si Iskwag nagpakawala si Iskwag ng mga itim na uwak hindi na namin napatay ang mga uwak na ito dahil wala na kaming lakas ng nga panahong iyon. Naniniwala kami na ang mga uwak na ito ay mga panibagong kampon ni Iskwag na sumapi sa mga miyembro ng Dugong Itim.

Victor: Sumapi? kung ganon mga ordinaryong tao lang rin sila?

Gloria: Oo ngunit nagkaroon sila ng kapangyarihan ng mga aswang dahil sa mga uwak na sumapi sa kanila.

Victor: Parang yung nakalaban ko.

Gloria: Ngayon kaylangan nating magtulungan upang hanapin ang iba pang mga albularyo sa Pilipinas upang makabuo ng grupo na pipigil sa plano ng Dugong Itim.

Biglang may narinig na pagsabog si Victor at Gloria sa likuran ng bahay ni Gloria.

Victor: Ano yon?

Gloria: Hindi ko rin alam.

Victor: Diba manghuhila ka.

Gloria: Hindi ko kayang hulaan ang lahat ng mga bagay.

Lumabas sila upang tingnan ito at nakita nila ang tatlong lalaki na itim ang balat at namumula ang mata na naghahagis na sumasabog na apoy sa bahay ni Gloria.

Victor: Teka sila yung....