webnovel

Chapter 2: The Hidden Power

Isang araw habang pauwe si Victor sa bahay nila galing sa paaralan nakita n'yang may malaking usok mula sa bahay nila kaya naman tumakbo s'ya papunta sa kanila. Dinatnan n'yang nasusunog na ang kanilang tirahan at sa labas ng tirahan nila nakita n'ya ang isang lalaking may mahabang kuko at namumula ang mata.

Victor: Sino ka!?

Magno: Ako si Magno, sugo ng Dugong Itim.

Victor: Anong Dugong Itim? teka nasan ang lolo ko!?

Magno: Nasusunog na s'ya ngayon sa loob ng bahay n'yo kasama ang mga alam n'ya samin.

Tumakbo papasok si Victor sa nasusunog nilang bahay para iligtas ang kan'yang lolo ngunit humarang si Magno inatake nito si Victor ng kan'yang mahahabang kuko. Mabuti nalang nakailag si Victor.

Victor: Wag mo akong harangan!

Magno: Hindi mo pwedeng tulungan ang lolo mo dapat na s'yang mamatay!

Ilang beses sinubukang pumasok ni Victor sa kanilang bahay ngunit paulit-ulit s'yang pinigilan ni Magno. Hanggang sa sumabog ang kapangyarihang nasa loob ni Victor.

Magno: Hindi mo na maiiligtas ang lolo mo. maaabo na s'ya kasama ng bahay n'yo.

Victor: Ang lolo ko(Naalala ni Victor ang mga araw na magkasama sila ng lolo n'ya). Tatapusin kita halimaw ka!!!!

Magno: Ano tong kapangyarihan na 'to? nanggagaling 'to sa batang yan.

Victor: Tatapusin kita!!!

Napalibutan si Victor ng apoy na kinagulat ni Magno. Sa galit ni Victor sinugod n'ya si Magno at ganun din naman si Magno. Nadaplisan ng kuko ni Magno si Victor sa muka ngunit si Magno naman ay tinamaan ni Victor na nagliliyab n'yang kamao sa sikmura kaya naman tumalsik ito at tumama sa malaking bato. Sa lakas ng atake ni Victor hindi na nagawa pa ni Magno na tumayo. Agad na tumakbo si Victor sa loob ng kanilang bahay at nadatnan n'ya ang kan'yang lolo na nag-aagaw buhay na at may sinabi ito sa kanya.

Mang Jose: Victor makinig ka hindi na ako magtatagal pa kaya naman dapat kang makinig sakin.

Victor: Wag po kayong magsalita ng ganyan! ililigtas ko po kayo.

Mang Jose: Victor makinig ka. Pumunta ka sa Manila at hanapin mo si Gloria at s'ya na ang magpapaliwanag sayo ng lahat.(sabay sara ng kanyang mga mata).

Victor: Lo!!! hindi!!!! lo!!! lo gumising ka lo, gumising ka! paano na ako lo? pano na ko? Pangako lo ipaghihiganti kita lo pangako yan.

Inilabas parin ni Victor ang bangkay ng kan'yang lolo mula sa nasusunog nilang bahay upang bigyan ito ng disenteng libing at nangako ito na magbabayad ang mga gumawa nito sa lolo n'ya. Samantala unti-unti namang naging abo ang katawan ni Magno hanggang sa madurog ito at tangayin ng hangin.

Samantala dumating naman sa kaalaman ng mga opisyal ng Dugong Itim ang nangyari kay magno. Kaya naman pinasundan nila si Victor sa ilan sa kanilang mga magagaling na kampon.

Sinunod nga ni Victor ang sinabi ng kan'yang lolo na magpunta sa Manila at hanapin ang babaeng nagngangalang Gloria lingid sa kan'yang kaalaman may nagbabantang panganib sa kan'ya sa pagpunta n'yang Manila.

Next chapter