I love you
"Matteo.."
"Please, don't say anything!" Pagalit na utos nito na para bang natatakot siya marinig lahat.
You deserve to know, matteo. Hindi parin siya humiwalay mula sa yakap at halos hindi na ako mabitawan dahil sa higpit nang pagkayakap niya saakin.
"I don't deserve you, matteo.."
Umiling-iling siya sa leeg ko.
"No..I don't want you to talk, aera.."
"Marumi akong babae. At matatanggap ko kung iiwan mo ako. Matatanggap ko k—"
"God damn it! I told you to stop!"
Nagulat ako nang tumaas ulit ang boses niya. Nagkahiwalay narin ang katawan namin. Pabalik-balik ang lakad niya at halos sabunutan na ang sarili.
We just made love at ito ang nangyari ngayon. I ruined the moment. Hindi ko sinasadya ang nangyari kanina. Hindi ko namalayang masasabi ko iyon lahat sa harapan niya. Nag-ipon at bumalik ang ala-ala ko kaya ko iyon nagawa, kaya ako sumabog sa harapan niya.
Unti-unti ay lumapit siya saakin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. I can see the pain and sadness in his eyes. Hindi rin kumawala ang paghikbi ko.
"Hindi ko alam anong sasabihin ko, aera..please tell me, you're lying.."
Kinagat ko ang mga labi ko at umaasang mapipigilan ko ang mga luha ko. Umiling-iling ako sa tanong niya.
"Hindi ako magbibiro. I will never lie to you, matteo.."
"No..no!" He screamed.
Nagulat nalang ako nang tumaas ang kanang kamay nito at sinuntok nang paulit-ulit ang dingding. Humagulhol narin ako sa iyak. I tried to stopped him pero hindi na siya mapipigilan pa.
"Matteo! Stop!"
Hindi ko na napigilan ang sarili na yakapin siya mula sa likod.
"Please, stop.." humagulhol ako
"Just fuck! Tangina!"
"Matteo, please.."
Maingat na umikot siya at hinarap ako. Hindi ko alam para saan ang pag-iyak niya. Nagsisi ba siya? Nagsisi ba siya na pinatulan niya ang isang katulad ko.
"Maintindihan ko kung iiwan mo ako ngayo—"
"I will never fucking do that! I will n..never!" Nabasag ang boses niya at niyakap ako ulit. "Galit na galit ako sa sarili ko, aera..And don't you ever say that, please..I love you, I love you more than anything. I don't care your past. Wala akong pakialam sa nakaraan mo. Please tell me, kung nasaan ang hayop na iyon, papatatayin ko siya! papatayin ko ang hayop na i..iyon!" pumiyok ang boses niya at hindi ko maiwasang masaktan at madurog dahil sa nakita ko.
I shooked my head.
"He's gone.."
Nagmura ito at niyakap ako ulit. Rinig na rinig ko ang pagiyak niya malapit sa tenga ko.
"I promise, I won't let anyone hurts you again. I promise you that. I'm sorry, sweetheart..I'm sorry at wala ako sa tabi mo noong kinakailangan mo ng karamay at kasama. Ang gago-gago ko..Tangina!" He paused and looked at me intently. "Why you didn't tell me? Marami kang pagkakataon na sabihin saakin lahat."
"I was scared. I was scared you'll leave me.. natatakot ako. Natatakot akong pandirian mo ako.."
Nagmura siya at hinawakan ang baba ko para matignan siya.
"Look at me..hindi ko magagawa iyon. Hinding-hindi kita iiwan, hinding-hindi magbabago ang pagtingin ko sa'yo. No matter what happens, I will always love you until the end. No one can stop me to love you. At mas mamahalin pa kita dahil sa tapang mo. You were so brave to face all of these. You endure the pain alone, aera.."
His words melted my heart. I hugged him again and this time it's more tighter like I'am afraid of losing him again.
"I love you, matteo..I really do."
"I love you.." he answered back.
Ilang minuto kaming magkayap at ganoon lang ang naging posisyon namin. Tibok ng puso at ang paghinga lang ang tanging nararamdaman sa isa't-isa.
Pero napabaling lang ang atensyon namin nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko mula sa ilalim ng kama.
I excused myself and took my phone.
Si mommy..
Inayos ko muna ang sarili bago iyon sinagot.
"Mommy?"
Biglang nandilat ang mata ko nang marinig ang pagiyak niya sa kabilang linya.
"Mommy, what's wrong?!" Nagalala kong tanong.
"Si anna.."
Agad kinabahan ako sa paraan ng pagbanggit niya sa pangalan ng anak ko.
"Mommy, Tell me, ano po ang nangyari?"
Sumulyap ako kay matteo at nakita ang pag-alala rin sa buong mukha niya.
"Nasa hospital kami ngayon ng daddy mo..Na bangga ng kotse si anna!" I could feel her heavy breath na para bang pinipigilan niya ang sariling damdamin.
Halos hindi ko maigalaw ang sarili ko at lumipad sa ere ang kamay sa bibig.
Kung kanina ay saktong kaba lang, ngayon mas dumoble pa ang kaba ko mula sa dibdib. Sumikip iyon at pakiramdam ko mahihimatay na ata ako. Ang daming tumatakbo sa isip ko.
Paano pag huli na ang lahat..no! Hindi iyon mangyayari! Hindi ko kakayanin. Kung pwede, ako nalang!
"Magiging okay naman siya, hindi ba?" My voice constricted.
"I'm sorry, aera..hindi namin namalayan ng daddy mo ang pagtakas niya. She was about to look and find you pero iyon ang sumalubong sakanya." Humagulhol ito sa kabilang linya.
Parang ayaw ata maproseso saakin ang lahat. She was looking for me? Kung hindi dahil saakin, hindi siya malalagay sa sitwasyong ito..It was my fault..
"Damn it! I'll be there, ma.."
Dahil sa halo-halong emosyon at negatibong pag-iisip ay hindi ko na mapigilang umiyak nang maibaba ko na ang tawag. Kailan ba titigil itong mga luha ko? Wala naba akong ibang magawa kung hindi ang umiyak?
Ang hinahina mo, aera!
"Aera, what happened?!" Agad na lumapit saakin si matteo at inalalayan ako.
"K-kailangan natin pumunta ng hospital!"
My daughter needs me, matteo..
"Bakit anong nangyari? Sino ang dinala?"
I don't care anymore. Kailangan niya rin malaman ito.
"Si anna.." Sagot ko.
Kumunot ang noo niya at nagtatanong ang sariling mata kung sino ang tinutukoy ko.
"Anak ko, matteo. Siya ang nagbunga sa panghalalay saakin."
Shocked was evident all over his face. Hindi siya nakagalaw o nakapagsalita. Ang tanging ginawa niya lang ay hilain ako para yakapin ulit. This time, it is more gentle and comforting.
"Fuck! That wicked is full of hell!"
Inilayo niya ang mukha ko at tinignan ako ng mabuti. His eyes were full of anger, sadness and love.
"We should go. She needs you, aera. Your daughter needs you."
Iyon nga ang ginawa namin. Hindi na kami nag-abalang maligo o kumain dahil narin sa pagmamadali. Gusto ko narin makita ang kalagayan ng anak ko.
Pagkarating ko sa hospital ay agad naaninag ko si mommy at daddy.
"Mommy, daddy!" Tawag ko. They both turned their heads on me. "Ang anak ko po?" Nagluluha kong tanong.
"A-anak..hindi parin siya nagising."
Nang marinig ko iyon mula kay mommy ay hindi ko na napigilan sumobsob sa balikat niya at humahagulhul ng iyak.
"She will be fine, aera.."
I can't imagined my daughter's pain right now. Sana ako nalang. Sana ako nalang ang nandiyan at hindi siya.
Ito naba ang kabayaran ko sa lahat?
Kahit ano pang sabihin nila, napakabaya kong ina. Wala akong kwenta at silbi. Puro sakit, takot lang ang binigay ko sakanya.
"Kung hindi namin narinig ang kaguluhan sa labas ay hindi namin malalamang si anna iyon." Si mommy.
"Sana saakin nalang iyon nangyari, ma.."
My tears continued to flow na parang gripo dahil sa walang tigil.
Agad na hinawakan ni mommy ang magkabilang pisngi ko at pilit siyang tignan.
"Don't you ever say that, aera. No ones at fault. Hindi natin ginusto ang lahat."
I shooked my head with disagreed.
"Hindi, mommy. Kasalan ko po ito. Kung hindi lang ako nagpabaya sakanya hindi ito mangyaya--"
"Aera, Stop it! Wala kang kasalanan. Kung alam lang ng anak mo ang nangyari sayo, maintindihan ka niya. So please stop accusing yourself, iha!"
"Tama si tita, aera. Huwag mong sisihin ang sarili mo." Matteo intervere.
Binaling ko ang atensyon sakanya. Malungkot na tumingin ako.
"You're a good mother to her, I know.." he continued.
"Alam niya na ba ang lahat, aera?" Si daddy.
"A while ago before I got the news from you, daddy." Sagot ko.
Shock was evident in their eyes.
"Tita, it doesn't matter to me about her past. I love her. I want her to be my wife, I want to be the father of her child."
Nagulat at hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Oh, matteo.."
Gusto kong maiyak sa sinabi niya. Gusto ko siyang yakapin at halikan. Gusto kong humadusay sa tuwa. Gusto kong tumalon sa saya. Pero wala akong gana para gawin pa iyon. Walang ibang tumatakbo sa isip ko, kung sana'y magising na siya ngayon.