Chapter 4. Hulog
SA KABILA ng lahat ay nagpatuloy si Maru sa pagpa-part time. Tinatakpan na lamang niya ng panyo o choker ang leeg niya para hindi mahalata ang bakas ng pananakal sa kanya. Kahit apat na araw na ang nakalipas ay halata pa rin iyon.
She quitted her job as a nanny during Mondays to Wednesdays. Kinailangan niyang asikasuhin ang kapatid niyang na-trauma sa pangyayari. They're seeking help from different non-government organizations for her sister's treatment. Hindi man naging ganoon kaganda ang pagsasama nila noon ay tinuturing naman talaga nilang pamilya ang isa't isa. Her mom left the eatery business. Ang kamag-anak ng dati niyang amain ang namamalakad niyon ngayon.
Si Luisa ay ayaw nang lumabas ng bahay dahil sa kahihiyang dinulot ng ama nito. Nakakulong na si Facundo sa patung-patong na kasong kinahaharap. Bukod sa pananakit sa kanila, ay nag-positibo nga ito sa droga.
"Patawarin mo ako, anak. Patawarin ninyo ako." Umiiyak ang huli nang pumunta silang mag-iina sa hearing ng kaso bago ito hinatulan sa hukuman.
"Hinding-hindi kita mapapatawad!" si Luisa. Grabe ang tinamo nito sa pananakal ng ama. Kung hindi agad naisugod sa ospital ay baka binawian na ito ng buhay.
"Luisa, huwag ka munang magsasalita o sumigaw. Baka makasama sa pakiramdam mo," paalala niya.
Puno ng galit nitong tiningnan si Facundo at umalis na sa korte. Agad na sinundan ng kanyang ina.
"Maru, anak..."
"Huwag mo akong matawag-tawag na anak." Puno ng pagkamuhi ang boses niya. "Hindi kita mapapatawad na binalak mong patayin ang pamilya natin. Tinuring kitang pangalawang ama, pero hindi pala pamilya ang tingin mo sa akin."
Galit, panlulumo, at kalungkutan ang naghahalo sa kanyang sistema nang iwanan niya ang lalaki na nakayuko at tumatangis. Mapapatawad niya ito pero hindi pa ngayon. At kung mapatawad man niya ito ay hinding-hindi niya kalilimutan ang kasamaang ginawa nito.
"'Nay, rito ka na lang sa bahay. May naipon naman tayo. Magtinda ka na lang ng almusal at meryenda sa harap ng bahay. Marami tayong kamag-anak at kapitbahay na bibili," suhestisyon niya nang ilang linggo na ang nakalilipas.
"Pero, anak, para ito sa pagpapagaling ni Luisa."
"Okay lang ako, 'Nay," si Luisa na galing sa kusina. Hindi niya namalayang nakikinig pala ito sa usapan. "Libre naman po ang consultations ko. At ang sabi ng counselor, I'll be fine soon. Basta tulungan ko rin ang sarili ko. Kaya ko ho ito," she added.
Wala sa sariling napayakap siya rito. Matanda siya ng dalawang taon kay Luisa pero hindi kailanman siya nagpaka-ate rito. Mas ito ang naging ate sa kanilang dalawa sa buong durasyon na magkasama sila.
"Salamat, kasi hindi ninyo ako pinalayas sa kabila ng ginawa ni daddy..." humihikbing untag nito.
"Sshh... subukan na nating kalimutan iyon kahit mahirap. Magsimula tayo ng bago. Kami ang pamilya mo, Lui, kaya sama-sama tayong babangon, huh?"
Paulit-ulit na tumango ito at nagpatuloy sa paghikbi habang siya'y masuyong hinahaplos ang buhok nito. Hindi sila magkapatid sa dugo pero nasisiguro niyang ituturing niya itong pamilya higit kaninoman.
Their mom came closer to them and embraced them both, too.
"Mahal ko kayo." Pumiyok ito nang sambitin ang mga katagang iyon.
Natuloy nga ang balak nilang magtinda ng meryenda ang kanyang inay. Sa susunod na raw nito idadagdag ang almusal, kapag lumaki-laki na ang kita at puhunan. Kung papalarin ay magtatayo sila ng maliit na kainan.
Lagi niyang tinutulungan sa pagtitinda ang inay niya kung wala siyang trabaho.
As for her, she's thinking of accepting her old friend's offer about being her assistant on organizing some events. At alam niyang malaki ang events na hinahawakan ni Sarah.
She set a meeting with her, so they can talk about the job offer.
"Sa Friendship Clubhouse Café na tayo magkita," basa niya sa chat nito.
On the afternoon of Monday, she met Sarah Jade. Tuwang-tuwa ito nang makita siya.
"Akala ko talaga hindi mo na papansinin ang offer ko," si Sarah.
"Umupo ka muna," natatawang pansin niya. Nakatayo pa kasi ito sa harap ng kinapupwestuhan niya.
Hinayaan niya munang pumili ito ng pagkain at maiinom bago sila nagsimulang mag-usap tungkol sa trabaho.
"So, you're not amenable to work on weekends? Kadalasan pa naman, weekends ang events."
Nahihiyang tumango siya.
"But it's fine! I can have you on Sundays to Tuesdays, right?"
"Nakakahiya naman. Tatlong araw lang akong magtatrabaho. Baka may mahanap ka pang iba na pwede kahit anong araw."
"Ano ka ba? Kaya nga part time job, hindi ba?" untag nito at uminom ng malamig na kape.
"Oo, pero ano ba kasing trabaho ko?"
"You aced in all of our English subjects, right?"
Tumango siya.
"You will be an interpreter whenever artists or idol groups will have a tour here. Marami kasing international fans ang pumupunta rito sa atin, at hindi uubra ang Tagalog na pagsasalita ng mga idols. Kahit sa ibang bansa, karamiha'y may English interpreter sila," paliwanag nito.
Naguguluhan siya pero nakuha naman na niya ang punto. She will be an interpreter, or a translator. Siya ang magsasalin ng mga sinasabi ng mga artista sa wikang Ingles kapag may concert tours.
"Kapag hindi ka available, ako ang magiging interpreter." Sarah winked at her.
"Bakit hindi kayo kumuha ng iba? Kaya n'yo naman, hindi ba?"
"Yes. Pero kasi, minsan, hindi nila nata-translate ang ibang sentences ng maayos. Kaya ayaw na naming ipagkatiwala ni Chito ang trabaho sa iba.
"Chito?"
"Iyong organizer. Siya ang may-ari ng Golden Live Tours."
Napa-"Oh!" na lang siya. Hindi pa siya sanay sa mga ganito.
"Eh, bakit hindi ka kumuha sa kumpanya ninyo? You, Lopezes are known for your superb Interpreter services for the elite businessmen."
Napabusangot ito. "Mom won't allow me to get their services. Gusto nila kong magtrabaho sa kumpanya."
"Why don't you?"
"They want me to manage all of them. Hindi ko yata kaya."
Natahimik siya dahil hindi na niya alam ang sasabihin.
"Basta, ha! Ikaw na ang kukunin ko."
"Yeap. Nasta hindi ako available sa mga araw na napag-usapan natin, ha?"
Tumango ito, "One more thing..."
"Huh?"
"Personal din nating aasikasuhin ang mga artista o kung sinong mga idols. We have to make sure that they feel comfortable during their stay here. Para bumalik sa atin kapag may susunod silang tour."
She smiled. Makakatulong ito para ma-expose ulit siya sa maraming tao at makipag-interact.
Tinanggap niya ang trabaho at hindi biro ang sahod. Pakiramdam tuloy niya ay ini-scam niya ang kaibigan niya.
"Sarah Jade, bakit ang laki ng sahod ko? Did I scam you?"
"Sira! Anong scam?" Binatukan siya ni Sarah Jade nang minsang ihayag niya rito ang saloobin.
"Kasi naman, bakit ang taas ng sahod ko?"
"Hindi mo binasa ang kontrata?"
Ngumuso siya.
"Kaya naman pala," umiiling na komento nito nang makuha nito ang ibig sabihin niyang hindi niya binasa.
"Syempre, pinirmahan ko agad. May tiwala ako sa iyo. At tamad akong magbasa noong araw na iyon."
"Gaga!"
Sa loob ng dalawang buwan ay marami-rami na rin silang concert tours and events na nahawakan. Medyo nasasanay na siya.
"So, bakit nga mataas?" she asked again. "Baka mamaya, singilin ako sa sobrang pasahod, wala na kong ibabayad, a."
"Pambihira ka, Maru. Ang iba, nagrereklamo dahil mababa ang sahod. Pero ikaw... nagrereklamo sa mas mataas na sahod."
"Hey, hindi ako nagrereklamo. I'm just curious, you know."
"Basahin mo ang kontrata mo."
"Tinatamad ako. Ipaliwanag mo na lang. Isa pa, wala ang kontrata ko rito, 'no?" katwiran niya.
"You're being paid as the interpreter and my assistant."
"Pakilinaw?"
"Gaga ka! Pumurol na ba ang utak mo? Dalawa ang trabaho mo kaya doble ang bayad sa iyo," paglilinaw nito.
"Ah, ganoon naman pala. Ganito rin ba ang sahod mo?"
Ngumisi ito.
"Mas malaki?"
Mas lumapad ang pagkakangisi nito.
"Sarah Jade, feeling ko, nababaliw ka na."
Tumawa ito ng malakas. "Sige na nga, sasabihin ko na..."
At inamin nito ang isang bagay na talaga namang nagpagulat sa kanya.
KALAHATING taon na ang nakalipas mula ng magtrabaho siya sa Golden. Lumipas din ang twenty fourth birthday niya na mga malalapit lamang sa kanya ang nakasama niya. Nagkaroon din ng kaunting salu-salo sa opisina ng GLT. Na-e-enjoy niya ang trabaho pero ganoon pa rin ang pakiramdam niya. Parang nagsasawa siya na ewan kahit gusto naman niyang talaga ang trabaho.
"Maru, be prepared sa pangmalakasang English mo. Darating ang Eclipse dito at maraming fans iyon. Make sure you won't have any schedule on that day. Next month na agad ito at i-a-announce na ang mamaya. Next week ang announcement para sa ticket selling," si Sarah nang kapapasok pa lamang niya sa opisina. Abala siya bilang assistant nito dahil wala silang event ngayong weekdays. Sa Sunday pa.
"Ang bilis naman?"
"The fans demanded! This will be their first ever concert tour with us, as the organizer! It's so rush pero nakaka-excite!"
"Kailan ba ang date?"
"Thirtieth, next month," sagot nito. She checked the calendar.
"But that's Saturday!"
"I know. Kaya nga ngayon pa lamang, sinasabihan na kita. Para makapagpaalam ka sa bar."
Yes, she's still working at The Dreams. Magdamag na ang shift niya. Ace already quitted her job and decided to go overseas. Doon naman daw ito maghahasik ng "lagim".
"Bakit hindi na lang ikaw? Sabi mo noon, kapag may pasok ako sa bar, ikaw ang interpreter?"
"Because I want you to meet my cousin, Damien. He's one of the main vocals of the group. Ire-reto kita." Pero hindi siya naniniwala. Bakit siya nito mina-matchmake sa pinsan nitong sikat? E, 'di, nawindang ang buhay niya?
"Ayoko nga. Sayang ang bonus kapag walang absent at late sa bar," katwiran na lamanv niya.
"I'll pay your bonus triple!"
Ngumisi siya. Sino ba naman siya para tumanggi, hindi ba?
"Now, I think you really scammed me, my dearest friend." Alam niyang nagbibiro lamang ito.
"I told you so. Alam mo namang ako si Maru, ang dakilang marupok... sa pera," biro niya na ikinatawa naman nito. "at pagkain," she added.
"I am serious though. I want you to meet Kuya Damien. Feeling ko, swak kayo sa isa't isa."
"Duh? Can you hear yourself? Sikat iyon, at kung pinsan mo nga, kukuyugin ako ng mga tao!"
"Wow. Ikaw ang kukuyugin. Hindi ang pinsan ko." Mababa ang tinig nito na halatang puno ng sarkasmo.
"Syempre, ang ganda ko, 'te!"
"Mayaman iyon."
"So? Namimigay ba ng pera? Kung oo, hihingi na lang ako. Hindi na kailangan ng matchmake-matchmake na iyan. Daig mo pa si kupido. Kasal na iyong pinsan mo."
"Hindi na ako magtataka kung pakakasalan mo ang pera, Maria Rosario," sumusukong ani nito. "Loosen up, girl! But how did you know kuya Damien is married? Stalker Fan ka nila, 'no?"
She rolled her eyeballs. "Nabanggit mo noon na may pinsan ka sa Eclipse at kasal na."
"Ah, oo nga pala," sambit lang nito.
"So, may bonus ba ako?"
"Hoy, mukha ka na bang pera?" biro ng kaibigan.
They needed money for Luisa. Her sister's planning to pursue medicine. At gusto niyang makatulong sa pag-aaral nito. Idagdag pa ang binabalak na negosyo ng kanyang inay. She's planning to put up a small restaurant, alam niyang kakayanin nila iyon dahil nalaman nilang may iniwang pamana ang mommy ni Luisa para rito. Subalit ayaw niyang pakampante roon kaya't heto, puspusan ang pag-iipong kanyang ginagawa.
"Kung posible ba, bakit hindi? Baka sakaling hindi na kami maubusan ng pera." Malapad na ngumisi siya nang sabihin iyon.
"Malala ka na nga."
"Magtrabaho na nga tayo!"
Nagsimula na sila sa pag-aasikaso ng ilang mga detalye sa ibang live tours na hahawakan nila.
Kinagabihan ay may trabaho siya sa bar, bangag man ay pinili niya ang pumasok ng maaga para makapag-ayos pa. Ayaw namang niyang mag-serve sa mga customer nila nang mukhang losyang. Baka mamaya, kaunti lang ang matabggap niya na tip. Kailangan niyang makapag-ipon para sa kanyabg pamilya.
Tumambay muna siya saglit malapit sa bartender matapos ihatid ang hard liquor na in-order ng nasa table number seven.
"Geoff, pahinging tubig," aniya sa bartender.
"Here." Inabot nito ang isang baso ng malamig na tubig. Matapos ng limang minutong pakikipagkwentuhan niya kay Geoff ay umalis na siya. Aasikasuhin niya ang ilang order. Nang maglakad ay parang nag-iba ang paningin niya.
Susuray-suray niyang tinutungo ang staff room para sana mag-ayos muna bago magpatuloy sa pagtatrabaho. Pagdaan niya sa dance floor ay bumangga siya sa isang matigas at malapad na bagay.
"Miss, are you okay?" The guy looked worried.
"Maru!" si Geoff, tumatakbo palapit sa kanya. "Ano'ng nangyari sa iyo?"
"Wala, Powder Room lang ako," paalam niya subakit nakakailang hakbang pa lamang siya ay bumuwal siya. Mabuti na lamang at naagapan ng lalaki ang pagtumba niya. Mabilis siya nitong naalalayan.
"Maru, ihahatid na kita. Mukhang masama ang pakiramdam mo."
"Ayos lang ako," kaila niya. Kahit ang totoo ay biglang umalinsangan ang pakiramdam niya.
"Maru?" si Geoff uli.
"Geoff, may umo-order!" sabad ng isa sa mga bouncer.
Lukot ang mukha nitong bumalik sa pwesto.
Inayos niya ang pagkakatayo at nagpasalamat sa estranghero.
Maru excused herself to the stranger.
"Wait," pigil nito. "You don't look okay. Your lips are pale," pansin nito sa labi niya. Wala sa sariling napahawak siya sa kanyang labi.
"Must be my nude lipstick," kaila niya. "Excuse me, Sir, pero kailangan ko na pong bumalik sa trababo." Magalang na aniya at inalis ang pagkakahawak nito sa kanyang kaliwang braso. Maging ito ay nagulat na nakahawak pala ito sa kanya.
Ngunit bago pa siya makalayo ay tuluyan siyang bumuwal at bumangga sa dibdib nito. Umiikot na ang paningin niya at sigurado siyang hindi na niya kayang lumakad o kumilos mag-isa.
Marahas na napamura ang lalaki at naramdaman na lamang niyang umangat ang kanyang mga paa sa sahig. Binuhat na siya nito at hindi na siya nakatanggi pa lalo na nang lumapat ang mukha niya sa matipunong dibdib nito. Hindi rin sinasadyang nasamyo niya ang panlalaking amoy nito na humahalo sa amoy ng alak.
"Ang bango mo," wala sa sariling pansin niya rito. Mas lalo niyang binaon ang mukha sa dibdib nito
Marahas itong suminghap at bahagyang dumiin ang pagkakahawak sa kanya.
"Don't move too much. Baka mahulog ka," matigas ang tinig na sambit nito.