webnovel

ADORE HIM

Maru excused herself to the stranger. "Wait," pigil nito. "You don't look okay. Your lips are pale," pansin nito sa labi niya. Wala sa sariling napahawak siya sa kanyang labi. "Must be my nude lipstick," kaila niya. "Excuse me, Sir, pero kailangan ko na pong bumalik sa trababo." Magalang na aniya at inalis ang pagkakahawak nito sa kanyang kaliwang braso. Maging ito ay nagulat na nakahawak pala ito sa kanya. Ngunit bago pa siya makalayo ay tuluyan siyang bumuwal at bumangga sa dibdib nito. Umiikot na ang paningin niya at sigurado siyang hindi na niya kayang lumakad o kumilos mag-isa. Marahas na napamura ang lalaki at naramdaman na lamang niyang umangat ang kanyang mga paa sa sahig. Binuhat na siya nito at hindi na siya nakatanggi pa lalo na nang lumapat ang mukha niya sa matipunong dibdib nito. Hindi rin sinasadyang nasamyo niya ang panlalaking amoy nito na humahalo sa amoy ng alak. "Ang bango mo," wala sa sariling pansin niya rito. Mas lalo niyang binaon ang mukha sa dibdib nito Marahas itong suminghap at bahagyang dumiin ang pagkakahawak sa kanya. "Don't move too much. Baka mahulog ka," matigas ang tinig na sambit nito.

jadeatienza · Urban
Not enough ratings
18 Chs

Adore

Chapter 5. Adore

"WHAT HAPPENED?"

JD was asked by Dice, their manager, when he saw him carrying the lady who passed out on the dance floor. Imbes na sa opisina sa bar niya ito idiretso ay sa van niya ito dinala. Dice was there, waiting for him.

"Who's she? I told you to get Damien, not just a woman."

"She's not just a woman, Dice."

Naningkit ang mga matang tiningnan siya nito. Mukhang may gustong idagdag sa sasabihin pero pinili na lang huwag ipagpatuloy. "So where's Damien?"

"I didn't see him," he replied. Signaling the driver to drive the van.

Sinamaan siya ng tingin ni Dice at binuksan ang pintuan. "I'll get him. We will talk later."

Bumaba ito at hinayaan na siya sa gagawin.

"Saan po tayo?" tanong ni Brad, their driver.

"At my cousin's pad. She's staying at Nievieras' Condominiums in Makati. You know where is it?"

Tumango ang driver at nagsimula nang magmaneho.

He couldn't stop staring at the lady who's peacefully sleeping on his lap. Kanina'y nakasandal lang ito sa kanyang balikat pero nang biglang pumreno ay halos maumpog at matumba kaya inayos niya ang pwesto nito at hiniga sa kanyang kandungan.

Napakaamo nitong tingnan habang nahihimbing sa pagtulog. Wala sa sariling hinaplos niya ang pisngi nito 'tsaka hinaplus-haplos ang ulunan. Ilang sandali, siya mismo ay nagulat sa ginawa kaya tinigilan niya iyon.

Napasinghap siya nang umungol ito bilang pag-angil. Mukhang nais nitong ipagpatuloy niya ang paghaplos sa ulunan nito.

He sighed and stared at her. Her hair was tied in a bun and he wondered how would she look if she untie her hair. She must be very lovely. His eyes were glued on her lips and thought that they were very luscious despite of being pale. Ang ilong nito'y may katangusan at napakaamo ng mukha nito. He couldn't help but adore her.

"Nandito na tayo, JD," Brad interrupted his thoughts.

Gaya nga ng sinabi nito ay nasa basement parking na nga sila at nakapatay na pala ang makina ng sasakyan. Hindi man lang niya namalayan iyon.

He dialed his cousin's number to tell her they're at the basement.

"Lexin," he started.

"JD? Napatawag ka?"

"We're at the Nievieras' basement parking. Are you home?"

"What?! Bakit biglaan naman?"

"I'll tell you later. Can you go down here? Bring me a cap and a mask.

"Oh, okay. I'll be there at ten minutes."

Within ten minutes, Lexin came with the things he asked her to bring. May overcoat din itong dala.

"Oh my god, JD! Magtatanan kayo?!" pansin nito sa babae.

He glared at his cousin. "Tara na."

Kumaway ito kay Brad na kasalukuyang kumukuha ng isang stick ng sigarilyo sa kaha at nagpaalam.

"Hihintayin ko ba kayo rito?" Brad asked.

Umiling siya. "You go to Dice and Damien. Baka kailangan ka nila roon."

Pagkatapos ay maingat na binuhat niya ang babae at dumiretso sila sa lift. Lexin's condo is in sixteenth floor. Ilang minuto lamang ay nakarating na sila roon.

"Bring her in your room."

"Why? How about the guest room?" he asked.

"The guest room is your room, JD. I only have one guest room in here," masungit na ani ng kanyang pinsan.

Ah, yes. Dalawa lamang ang kwarto roon at ang isa ay okupado niya sa tuwing bumibisita siya gaya na lamang ngayon.

"Pasalamat ka, wala si Kieffer dito ngayon."

Nangunot ang noo niya, at natigil sa paglalakad. "Who's that guy?"

Biglang napalitan ng pagkataranta ang ekspresyon sa mukha nito. "Ah, wala. Sige na magpahinga na kayo ng jowa mo."

"What..." napahinto siya saglit. "...jowa?" lalong lumalim ang pagkakaunot ng kanyang noo.

"Her." Tinutukoy nito ang babaeng buhat niya.

"You come with us. Check her. I think she's sick. She's burning."

Mabilis itong lumapit sa kanila at sinalat ang noo ng babae. "Ang taas ng lagnat niya! Bakit hindi mo kaagad sinabi?"

Gusto niyang magsisi na hindi niya agad iyon binanggit sa pinsan dahil nakita niya ang higit na pagkataranta rito.

"Lie her down on the bed. And change her clothes immediately! I'll just get the medicine kit."

Lexin is a pharmacist so he can entrust this woman's health to her.

He only lied her down but didn't change her clothes. Kaya pagkabalik ni Lexin ay nagalit ito.

"You don't really expect me to remove her clothes, do you?"

Minura siya ng pinsan. "Kamanyakan pa ba paiiralin mo, ang taas-taas na nga ng lagnat niya!"

"Ano'ng pinagsasabi mo?"

"Basa ang damit niya't kailangang palitan! And her neck is red." Lexin removed the button of the top and they saw she also has rashes on her collarbone down towards her cleavage. Marahas siyang napamura nang makita iyon.

"I should've brought her to the hospital!" sisi niya sa sarili. Hindi na dapat siya nag-alala kung makikilala siya bilang miyembro ng sikat na idol group na Eclipse at kukuyugin sila. He didn't realize the situation is heavy.

"It's too late to regret. Now, go get clothes in my closet and I will change her clothes. Ako na rin ang bahala sa anti-histamine na iinumin niya. I know what to give her. Naku, JD! Pasalamat ka talaga at maalam ako sa ganito, kung hindi, mamamatay itong babaeng mo." Ang anti-histamine na tinutukoy nito ay gamot pangontra sa allergy.

"Hindi lang siya basta babae!"

Marami pa itong gustong sabihin subalit mas hinarap nito ang babae.

He went in to the walk-in closet and looked for thick pajama clothes. Mabuti na lamang at agad niyang nahanap iyon. Nang makabalik siya ay nakita niyang sinasaksakan na ng karayom mula sa swero ang babae. Ito ang gusto niya sa tirahan ng kanyang pinsan. Palibhasa'y nasa medical field kaya tila may emergency room ito, na siya ring guest room, at may mga importanteng gamot na nakaimbak.

Dumagundong ang dibdib niya nang malapitan ang mga ito't matitigan ang maamong mukha ng nahihimbing pa ring estranghera.

"Bihisan mo na siya. I'll just cook soup for her."

"W-Wait—"

Hindi na niya napigilan ang pinsan nang lumabas na ito sa silid.

Now, he's left with no choice but to dress her up. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Bakit kailangang kabahan siya ng ganito kung bibihisan niya lang naman ito?

Nahirapan siya sa pagbibihis dito dahil nakakabit na ang swero. Gayunpama'y naging maingat siya sa pagbibihis rito lalo na nang binubutones na niya ang pajama top.

Nagulat siya nang tumunog ang cellphone niya na nasa bulsa at agad ding tumigil sa pagtunog, subalit mas nagulat siya nang mapansin nakadikit na ang kanyang magkabilang palad sa mga mayayamang dibdib nito.

Tila napapasong binawi niya ang mga kamay at mabilis na lumingon sa paligid. Ang nakangising si Lexin ang nakita niya na nakatayo at prenteng nakasandal sa may pinto.

"Ako na ang mag-aasikaso sa kanya."

He felt the heat on his face and he rushed outside the room. Sa isip ay minumura niya ang kung sino mang tumawag sa kanya. He went to the kitchen and drank straight into the water bottle.

He then checked out his phone and saw who called him.

"Lexin!" inis na tawag niya sa ngalan ng kanyang pinsan na siyang tumawag sa kanyang cellphone habang binibihisan niya ang babae.