webnovel

BFFs

The day after the disastrous shoot. Kinailangan ko ng pahinga. Stress Drilon! Buti na lang matumal ang gigs ngayon kaya madami akong free time. Nag-e-echo pa rin yung mga sinabi sa kin ni Direk Kat. Leading me to question my life choices, kung kaya ko ba maging isang aktres. Nagmumuni muni ako at nakahiga sa sahig at nakataas ang paa sa pader ng kuwarto ko, nang biglang pasok ang mahadera kong kaibigan na si Eli.

"Musta ka naman sister?" pagbungad nito.

"Medyo hindi pa 'ko okay baks," sagot ko na nang hindi tumitingin sa kanya. Lumalagpas ng kisame ang tanaw ko.

"Di mo kinaya yung demonyitang direktor no? Actually di namin kinaya maski kaming nasa sidelines. Lahat ng fans nga na andun natameme. Pero sis bongga ka sa savior, talagang si Josh Vergara pa talaga. Inagawan mo na naman ako ng awra"

"As if naman may chance ka bakla."

Humiga si Eli sa tabi ko at pumuwesto nang tulad sa kin. "Kinilig ka?" tanong ng usisera.

"Loka, tingin mo may time pa ko kiligin? Yung buong kalamnan ko nawalan ng lakas. Yung legs ko that time gustong gusto na bumigay," matamlay kong sagot.

"Para ka lang pokp*k na walang benta," humagikgik ang walanghiya. Sinuntok ang kanang balikat nito. "Bibig mo! Kaya ka napapa-away sa mga pa-woke sa Twitter eh wala kang filter."

"Tayo tayo lang naman! Babaeng to! Magkakapasa pa yata tong porcelain skin ko."

Bigla naman pumasok ang mama ko sa kwarto, halong shock at pagkalito ang mababakas sa kanya. "Lin, check mo Twitter mo."

"Huh? Bakit ma?" takang pagtatanong ko.

"Trending ka!"

Dali dali kinuha namin nila Eli ang mga smartphones namin para tingnan kung ano ang ganap.

There they are, nagkalat sa top ten trending topics ang mga pangyayari sa shoot. Number 1 ang #JoshTheHero, number 2 ang #JoshTheMan, number 3 ang name ni Direk Kat, Number 4 si #CassieTheSweetheart, number 5 ang salitang invectives, number 6 ang salitang Extra, and there it was number 7 ang name ko, Linea.

"San naman nila nahalungkat yung name ko?" tanong ko sa kaibigan kong shocked din. I scrolled down the feed at kalat na kalat yung eksena ng pam-bubulyaw sa kin ni direk. Iba't ibang anggulo ng buong pangyayari. Para akong tuod sa gitna ng set. It was like seeing yourself from outside of a nightmare. I hate to say this pero kinaawaan ko ang sarili ko.

"Kinumusta kita kagabi sabi mo maayos naman ang naging takbo ng shoot," nakayuko at nakatitig pa rin si mama sa kanyang phone. Di ko na kailangang makita pa ang mukha niya para malaman na umiiyak ito.

"Sorry ma," lamang ang nasabi ko. Another round ng pagpipigil ko umiyak.

"Wag ka mag-sorry anak," sagot niya, "napakawalang puso lang talaga ng direktor na yan." Niyakap ako ni mama, ginantihan ko ito. She's really my number one fan. Mula sa pagkaka-yakap sa kin, naramdaman kong nagpupunas siya ng luha. Di ko pa rin siya matingnan. Sana through my hug, nasabi ko na everything's gonna be alright. Lumabas na ito nang kwarto pero bago pa makalayo ay nilingon niya pa ako para sabihing maghahanda siya ng meryenda.

Pabalik na kami ni Eli sa puwesto para ipagpatuloy ang pagmu-muni-muni nang bigla namin narinig na may tumatakbo papunta sa kuwarto ko.

"Sister! You okay?" pagbungad ni Ada, another bestfriend of mine.

"I will be," maikling kong sagot na may tipid na ngiti. Ada hugged me tight.

"You're everywhere on Twitter, pero don't worry na 'sayo ang sympathy ng tao and kay Josh. God really protects you," hawak pa ni Ada ang dalawa kong kamay. "Na-surprise ako kay Josh, he's such a gentleman pala."

"Oo naman, bukod sa yummy, may values education ang future asawa ko," singit ni Eli.

"Fat chance," sarkastikong sagot ni Ada kay Eli.

"Ay taray, ano na naman nakain mo at i-inaso ka na naman?" sabi ni Eli na habang may pilyong ngiti na naman. Naging libangan na nito ang asarin si Ada.

Di ito pinansin ni Ada at nakatuon pa rin sa kin ang dalaga. "You want me to pray for you?" sinserong tanong ng kaibigan ko sa akin.

"Ay simbahan ang peg?" napahawak pa sa dibdib niya ang bakla.

"God is everywhere! Hindi lang sa simbahan!" mataray na sagot nito kay Eli ibibalik muli ang tingin nito sa kin. "I will pray for you."

"I'm okay Ada, wag na..." too late. Itinaas na ni Ada ang kanang palad at nakatapat ito sa ulo ko. I gave Eli a side glance at nakitang pigil na pigil ang pagtawa, mahigpit na takit ang kamay ang kanyang bibig. Pinandilatan ko si Eli at umiling bago ko ipinikit ang aking mga mata.

"Lord, Sister Lins is weary. Nauupos na po ang lakas niya and nawawalan na ng motivation sa buhay," medyo naloka ako kay Ada, ang advance mag-isip, emo pa lang ako uy, but I just kept my mouth shut, "She needs your guidance. She needs your strength, carry her to guide her towards her dreams. Your word says the joy of the Lord is my strength. Then please show your joy to my sister to replace all the exhausted parts of her mind, body, and soul. Amen."

"Amen" sabay na bigkas namin ni Eli. Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Kahit medyo awkward minsan ang pagdarasal sa kin ni Ada out of nowhere, I feel comfort after she does that. Kaya gusto kong kasama 'tong kaibigan ko, feeling ko ang lapit ko kay Lord.

Opposite naman ng balahurang si Eli, "Okay now that we're alive alive! Lins pag-planuhan natin pano mo lalandiin si Josh Vergara."

"Goodness gracious Eli, talagang yan pa nasa isip mo," halatang offended ang manang sa grupo, "You desperately need Christ in your life!"

"Ay ikaw ba ang hinihikayat ko? Makasabat ha. Si Lins naman magkakasala di ikaw, chusera."

"What Lins needs right now is to refocus her energy on something positive."

"Ay positive energy kaya si Josh, ilang bese ko na inimagine yun na walang saplot, naglilikot ang protons sa katawan ko. Gusto sumabog!" umarte pa itong nagkikisay at nakatirik ang mata.

"Ew, Eli ayoko marinig yan," nasusuyang natatawa kong sabi sa beki.

"Kelangan ka last na nagsimba Eli?" parang madre na tanong ni Ada kay Eli, "It's bad enough that you're..."

"I'm what?" challenge ni Eli.

Medyo na-realize ni Ada na she's out of line, "that you're making hikayat Lins to do such sinful things," clearly she backed down. At muli naging seryoso ang hulma ng itsura nito.

"Seriously, magsimba ka, pray ka para malinis ang kaluluwa mo," this time I can hear Ada's sincerity. She does that to me to pag nagiging gaga ako.

"Bakit pa? ...God is everywhere!" pilosopong sagot ng baklita. Habang nagpipigil na naman ng tawa. I couldn't help it, ako ang unang bumigay at tumawa. The mood got lighter and Ada's trying to suppress her own laugh. Feeling sitcom araw ko pag nag-sama talaga tong dalawa.

And with that nawala bigat sa dibdib ko.

Wait for the Chapter 3! May muling magpaparamdam na gwapo!

Anyway guys! Would love to hear how you find my story so far. Connect with me through Facebook, IG, and Twitter. I use @AStrangerNamed handle in all of them.

God Bless you and good night!

astrangernamedcreators' thoughts
Next chapter