webnovel

A Love Unsung

Ydha and Alli are both passionate about music and it played a big role on their relationship. But unfortunately it also became the reason for them to break up. Could they still sing their love for each other or would they let it to be unsung?

manubaechelle · Teen
Not enough ratings
32 Chs

Chapter 25

The whole month went so smoothly on us. Nakahanap na rin sina Alli ng resto bar kung saan sila makakapag gig. And of course I am always present  on that. Nakaka attend na rin kami ni Ayen ng mga music session sa 3A dahil medyo maluwag na ang schedule namin.

And now we are celebrating the day na matagal na naming pinakahihintay. Our graduation day! I am so excited dahil gagraduate ako with honor, Cum laude. Yung makagraduate ako ay napakalaking blessing na sa akin at para grumaduate ng may honor, hindi ko maipaliwanag yung saya na nararamdaman ko ngayon.

"Nakss baka Cum laude yan" pagbibiro sa akin ni Ayen pagkalabas ko ng kwarto. We are both wearing white dress, ipapatong na lang namin mamaya ang toga pagdating sa school.

We took a selfie first bago kami umalis papuntang school. Pinasundo kami ni Ayen ng Daddy niya sa kanilang driver para makarating kami kaagad sa venue. At dahil nga malapit lang naman iyon ay nakarating din kami agad.

Nadatnan namin doon na naghihintay ang mga magulang ni Ayen sa may labas ng venue. Kaagad na lumapit sa kanila si Ayen para yumakap at humalik. Habang ako'y nanatiling nakatayo habang pinapanood sila.

Mas masaya siguro ang araw na ito kung nandito si mama.

"Ydha, honey come here" naudlot ang nagbabadya kong luha sa pagpatak ng tawagin ako ni Tita Danica, Ayen's mom. So I walked towards them. Aaminin ko na naiingit ako sa kanila, because they were complete samantalang ako ay mag isa. "I'm sure your Mom was so proud of you" she said after giving me a hug.

"Sana nga po nandito siya,para makita niya ako at lahat ng pinaghirapan ko" I said getting emotional, ganito na talaga  ako pagdating sa usapang pamilya. Natigil lang iyon ng iyong Daddy na ni Ayen ang magsalita.

"May ipapakilala ka daw sa amin Ydha" he said na kaagad ko namang ipinagtaka. Wala naman akong sinabi ah.  Tatanungin ko na sana si tito ngapansin kong nakatingin silang tatlo sa aking likuran, nakngiti.

Dahilan para mapatingin din ako roon, I turned around only to see Alli in front of me. Kaya pala!

Kinuha ko ang kamay ni Alli at saka siya hinila papalapit sa akin. I looked at him with a smile before I turned my gaze to Ayen's parent. Naipakilala na ako ni Alli sa family niya so it's my turn now.

"Tita, Tito si Alli po..." napatigil ako ng mapansing nakatingin sina tita at tito sa kamay namin ni Alli na magkahawak. Hindi naman sila mukhang galit pero hindi rin sila mukhang masaya. What the hell! Itutuloy ko ba? Bahala na. "my boyfriend"

"Oh my God! Totoo ba?" si Ayen ang unang nagreact, nagtakip pa siya ng kamay sa kanyang bibig na parang hindi makapaniwala sa sinabi. Na animo'y ngayon niya lang nalaman ang tungkol doon. What the hell!

Good thing dahil hindi naman nagalit sina tito at tita, suportado nila ang realsyon namin ni Alli, kaya naman nawala ang kaba ko sa dibdib. Matapos niyon ay pumasok na rin kami sa loob ng venue. Medyo na late pa ng dating si Daddy malamang ay dahil na naman sa business. Napangiti rin ako ng makitang kasama niya si tita Amy.

The ceremony ended succesfully, nagpicture taking muna kaming magkakaklase saka kami lumapit sa mga pamilya namin. Hindi na ako nagkaroon ng chance na makalapit kayna tito at tita Danica, because they are not in good terms with my Dad.

"Let's have a celebration tonight" sambit ni Daddy pagkatapos kaming kuhanan ng litrato noong photographer. While Tita Amy remained silent, hindi nila kasama si Yesha ngayon, pero okay lang. Next year pa kasi ang graduaton niya, nagshift nga kasi siya ng course from business course to fine arts kaya nahuli siyang makagraduate.

Ng naging busy sina Daddy habang kausap ang ilang parents na businessman din.I took the chance para hanapin si Alli, he texted me na hihintayin niya raw ako sa labas ng venue kaya kaagad akong pumunta roon.

And there I saw him standing, hindi niya ako nakitang lumapit dahil nakatalikod siya sa gawi ko kaya naman medyo nagulat pa siya ng makalapit ako sa kaniya.

Kaagad siyang humarap sa akin at niyakap ako ng pagkahigpit higpit. He also planted a soft kiss on top of my head before saying congratulations. At matagal pa bago niya ako pakawalan sa mga yakap niya. 

"Dad prepared a celebration for me tonight, do you want to come?" I have to  ask him dahil balak kong ipakilala na rin siya kina Daddy. Pero naiisip ko palang iyon ay para na akong mamamatay sa kaba.

"O-okay" sagot niya sa akin, mukhang kinakabahan din. What the hell.

Nauna na sina Daddy umalis dahil may kailangan pa raw silamg gawin aa office. Ipinaalala naman nila sa akin ang celebration mamaya bago sila umalis. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako o ano, dahil para lang silang umattend ng PTA meeeting, ni hindi man lang ako binati ng congratulation. Kung hindi pa kami magcecelebrtae mamaya ay baka isipin kong wala na talaga silang pake alam sa akin.

"May problema ba love?" tanong sa akin ni Alli habang nasa biyahe kami. Kanina pa kasi akong tahimik, which is normal lang naman sa akin, ganun na lang siguro ako kakilala ni Alli na kahit hindi ko ipinapakitang malungkot ako ay nahahalata pa rin niya.

"Naiisip ko lang si Mama" sambit ko. Dahilan para mapatingin siya sa akin saglit at saka muling nagpokus sa daan. "Sana nandito siya, gusto kong makita niya ang araw na ito" emosyonal kong sambit. At ng mapansin niya iyon ay kaagad niyang hinawakan ang kamay ko habang nanatili ang isa niyang kamay doon sa manubela.

"I'm sure she's very proud of you" he said to comfort me, gumana naman. That's why I am very grateful to have him, kahit papaano ay nababawasan iyong lungkot ko dahil alam kong may kasama ako, at may kakampi dahil nandiyan siya. "Do you want to visit her?"

Agad akong nag angat ng tingin sa kanya dahil sa tanong niyang iyon. Hindi ko alam pero ibang saya yung naramdaman ko ng dahil doon, matagal tagal na rin kasi akong hindi nakakadalaw sa puntod ni Mommy, and I think this is the best time to visit her.

"Pwede ba?" I asked him getting so excited.

"Yeah, but can we go to the mall first?"

I just nodded on him, and he continued driving hanggang sa makarating na kami sa mall. I am still wearing my white dress now. Hindi na ako nagtanong pa ng dumeretso siya sa kids wear area while holding my hand. I thought may bibilhin siya roon, pero wala naman, dumeretso lang siya hanggang sa dulong parte at tumigil lamg ng makita namin doon si Amber na my kasamang isang maid.

"Kuwa!!" agad na tawag ni Amber kay Alli ng makita niya ito. Patakbo siyang lumapit sa kuya niya at saka mangiyak ngiyak na nagsalita.

"I want that dress kuwa but kuya Arix don't want to" pagsusumbong nito habang bahagyang kinukusot ang kanyang mga mata gamit ang kanyang kamay. Kumawala si Alli sa pagkakakapit sa akin at saka lumuhod sa harap ng kapatid para alisin ang kamay nito sa kanyang mga mata at saka niya pinunasan iyon gamit ang kanyang panyo.

So sweet!

"Stop crying, papangit ka if you won't stop"  pagpapatahan ni Alli sa kanyang kapatid. Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil sa sinabi niya o hindi. "Kuwa will going to buy that dress but don't tell it to kuya Arix huh, lagot tayo dun" at hindi ko na napigilan pa ang sarili kong matawa ng bahagya. Kawawang kuya Arix pinagkaisahan ng kanyang mga kapatid.

At gaya nga ng sinabi ni Alli ay  binili niya ang gustong dress ni Amber. Nauna na kaming lumabas at naiwan pa doon sina Amber kasama ang yaya niya dahil hihintayin pa nila sina kuya Arix na siya pala nilang kasama, may binili pang saglit sa ibang store kaya hindi namin naaabutan.

Ngunit hindi pa man kami tuluyang nakakalabas ay napatigil ako sa paglalakad ng makasalubong namin si Yesha kasama niya ulit si Joshua na napatigil rin ng makita kami.

"Hey bro kumusta" nagulat ako ng batiin ni Joshua si Alli, magkakilala pala sila.

"I'm good, by the way this is  Ydha my girlfriend" pagpapakilala ni Alli sa akin, dahilan para mapatingin sa akin si  Joshua at Yesha, nagulat.

Para namang nag iisip si Joshua kung ipapakilala niya rin ba si Yesha. Alli only know Yesha by name, dahil na rin sa mga kwento ko pero hindi niya kilala sa mukha dahil hindi pa naman niya nakikita ng personal o kahit sa picture itong si Yesha . Kaya wala siyang kaide ideya na kapatid ko iyong kasama ni Joshua.

"This is Yesha" pagpapakilala ni Joshua, kay Alli lang nakatuon ang paninigin niya dahil mukhang naiilang siya sa presensiya ko. Dooon ko lang naiisip na baka ay alam niya ang tyngkol sa engagement ni Yesha kaya nagdadalawang isip siya kung anong relasyon nilang dalawa. Wala rin namang sense kung sabihin niya iyon dahil matagal ko ng alam ang tungkol dun at sinabi ko na rin sa kanila na hindi ko iyon sasabihin kay Daddy. "My girlfriend"

"Wow" Alli reacted to that. "So let's just hangout soon we'll go ahead" pagpapaalam ni Alli doon sa dalawa. At saka ako iginaya palabas ng mall. Tahimik lang kaming sumakay sa kotse niya hanggang sa makarating kami sa sememteryo. Bumuli pa muna kami ng bulaklak at kandila para kay Mommy.

At pagkarating namin sa harap ng puntod ni Mommy ay hindi ko na napigilan pa amg sarili kong maluha. Habang si Alli ay tahimik rin lang na nakatayo sa may gilid ko habang ang kanyang isang kamay ay nasa aking likuran, to calm me.

"Hello My, I'm here na  sorry kasi ngayon lang ulit kita napuntahan" I tried to smile and stop my tears but I can't, I really can't. "Look, Mommy graduate na ako, with honor pa" I showed my diploma and medal na para bang nasa harapan ko talaga siya at nakikita niya ang mga iyon. I wipe my tears before I continue."Sayang nga lang kasi wala ka, wala ka para iabot sa'kin itong diploma wala ka para isuot itong medals sa akin, pero okay lang"

kahit hindi naman talaga okay.

"Shhhsshh love" pagpapatahan sa akin ni Alli, because I was getting so emotional already.

"Natupad ko na yung pangarap nating dalawa, natupad ko yung promise ko sa inyo na gagraduate ako, ang daya lang, kasi hindi mo tinupad yung sa'yo, yung pangako mo na ikaw yung sasama sa'kin pag-akyat sa stage at magsasabit sa'kin ng medal kasi diba sabi mo palaging busy si Daddy kaya ikaw na lang, sabi mo pa nga ikaw ang mag aayos sa'kin kasi masyadong makapal mag make up yung mga nasa parlor, tapos sabi mo ikaw yung unang papalakapak kapag natawag yung pangalan ko sa stage, nagrequest ka pa diba na dapat sa speech ko kailangan kasama ka, na iimbitahin mo lahat ng kapitbahay natin para magcelebrate" I stop , cherishing those moment with my Mom. "Kaya lang sa sobrang dami nung pangako na yun, ni isa walang natupad,  kasi nawala ka kaagad, hindi mo na hinintay ang araw na'to, I want you here My, I want us to celebrate this together, pero pano? Wala ka na"

We stayed there for about 30 minutes, hanggang sa huminto na  ako sa kaiiyak. Habang si Alli ay nanatili lang na tahimik sa tabi ko. Medyo nakaramdam tuloy ako ng hiya sa kanya, Am I too emoitional?

"Thank you love" I sincerely said to Alli dahilan para magbaba soya ng yingin sa akin, nagtataka. "Sa pagsama sa akin dito"

"You shouldn't thank me for being with you, dahil kahit hindi mo sabihin gagawin ko yun" he answered in low voice. So I hugged him tightly before giving him a soft kiss on his lips. "Your Mom's watching" pagbibiro ni Alli dahilan para maputola ng halik na iyon. What the hell Ydha sa harap pa ng puntod ng nanay mo ikaw lumalandi!

Aalis na sana kami roon ng medyo magdidilim na ng bigla akong may maalala. I immediately hold Alli's hand.

"My, this is Allein Lind Rivera" sinadya kong banggitin ang buong pangalan ni Alli, wala lang. "My boyfriend"

Naramdaman ko ng mapatingin si Alli sa akin, but my eyes were still on my Mom's grave. But what I didn't expect is Alli  saying something before we left.

"I promise to give her the love she deserve tita"

———————————————————-———

Thank you 🤗