webnovel

A Love Unsung

Ydha and Alli are both passionate about music and it played a big role on their relationship. But unfortunately it also became the reason for them to break up. Could they still sing their love for each other or would they let it to be unsung?

manubaechelle · Teen
Not enough ratings
32 Chs

Chapter 24

"Uploaded  na siya love" masayang sambit ko kay Alli ng maiupload ko na sa youtube ang video niya. Iyon na ang ikalima niyang video kung saan nagcocover pa rin siya ng iba't ibang kanta. Gusto rin sanang sumama noong tatlo niyang kaibigan pero hindi magkatugma ang schedule nila.

Nakakainis lang na hindi pinapanood ni Alli ang sarili niya sa video, nahihiya raw kasi siya. Ang gusto niya lang makita ay kung madami ba ang nakakapanood sa kaniya. And so far marami rami rin naman, kaya pinagpapatuloy namin ang pagkuha ng video.

"Can you please eat first? Mamaya na yan" saway niya sa akin, hindi ko pa kasi ginagalaw ang pagkain ko dahil sa paghihintay na matapos amg pag-uupload. Habang siya naman ay paubos na ang pagakin niya.

"Eto na kakain na nga po" sambit ko pagkasara ko ng aking laptop. Simulan ko na ring kumain pero napapatigil minsan dahil sa pagtitig ni Alli sa akin. "Uhmm love kumusta ng pala yung gig niyo kagabi?" I asked para maiwasan ang titig niya.

"Uhmm, its okay" he said but based on his voice and face it seems like its not.

"May problema ba?" tanong ko kaagad sa kanya. Parang my gusto siyang sabihin sa akin pero nahihiya na naman siya.

"Sasali kasi kami sa contest pero kailangan may babae sa grupo" sagot niya dahilan para mapaisip ako. Bakit kailangan pa nun?

"Si Ayen naka usap niyo ba siya, for sure papayag yun" iyon kaagad ang suggestion na pumasok sa isip ko. Knowing Ayen who's really into music siguradong papayag siya.

"She doesn't want to, nagpa audition na rin si kuya sa 3A pero wala pa rin" he explained. Mali pala ako ng iniisip, bakit naman kaya ayaw ng isang yun? I was waiting for Alli to continue on talking dahil mukhang may sasabihin pa siya binibitin niya lang.

"And?" I have to ask him pa para masabi niya kung anong gusto niyang sabihin.

"And they wanted you" nagulat ako sa sinabi niyang iyon. Ako?

"Bakit ako?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Di hamak na mas marami pa namang ibang magagaling diyan sa tabi tabi.

"Napanood ka nila noon sa music camp diba? " pagpapaalala niya sa akin not knowing how to explain that thing to me.

Honestly before I don't want that kind of offer kasi hindi ako sigurado kung kaya ko. Pero ngayon parang lahat na yata ng lakas ng loob ay nasa sa akin na para pumayag ako.

"If that so, edi okay" nakangiti kong pagpayag sa sinabi niya. Dahilan para magliwanag ang mukha niya siguro ay dahil sa tuwa. Maybe hindi talaga lakas ng loob ng nakapagpapayag sa akin kundi ang kagustuhang kong mapasaya  ang lalaking minamahal ko. Alam kong importante sa kanya ang bagay na ito at ito ang kasiyahan niya so I'll give it to him.

At dahil nga pumayag ako ay napagkasunduan naming magpraktis pagkatapos ng mg klase ko. Nagkatugma tugma naman ang mga schedule namin kaya walang naging problema.

"Okay from the start, Ydha your timing nahuhuli ka ng pasok pagdating sa chorus" seryosong sambit ni kuya Arix. Dahil kasama namin siya sa practice, to get his opinion hindi naman namin ineexpect na kacarireen niya pala iyon. Medyo nakakatakot siyang magmentor dahil napakadetalyado at  napakseryoso niya, kahit konti at maliliit pagkakamali ay napapansin niya.

Lalo tuloy akong kinakabahan!

"Stop!" bigla ay sigaw ni kuya Arix kasabay ng pagsensiyas ng kanyang kanang kamay, kailangan niyang lakasan ang kanyang boses o sumensiyas dahil kung hindi ay hindi namin siya maririnig at maiintindihan dahil sa malakas na tugtog. "Mas maganda siguro kong medyo mabilis ang beat sa part na yan" he suggested. Nakit ko kung paano nag asim ang pagmumukha nina Rio at Andrew, malamang ay dahil napapagod na sila, hindi lang sila makapagreklamo. Habang si Alli at Ken lang ang talagang focus na focus sa ginagawa namin.

Ang hirap pala nito!

"Ydha, you need to practice your timing pa" pagpapaalala sa akin ni kuya Arix bago kami umalis ng 3A. Kakatapos lang ng practice namin na ipinagpapasalamat ko ng husto. Nakakapagod kasi, ilang beses kaming nagpaulit ulit  mabuti na lang at hindi ako napaos ng dahil doon.

"I hate kuya Arix as a mentor" nakangusong reklamo ko kay Alli, habang nakaupo kami  sa isang bench sa plasa. Dito kasi kami dumeretso pagkagaling namin ng 3A para makapag relax relax ng kaunti.

"Why?" natatawang tanong naman sa akin ni Alli, after niyang iabot sa akin ang isang bottled water na binuksan na niya. Ininuman ko muna iyon hanggang sa makalaghati. At saka nagsimulang  magsalita.

"Sobrang strikto niya alam mo yun, konting mali lang ititigil niya tapos paulit ulit pa, ang dami niya pang suggestions ang hihirap namang gawin, buti sana kung nakaupo tayo kaso hindi eh nangangawit na yung binti ko kanina sa pagtayo" sunod sunod na reklamo ko sa kanya. Para lang akong batang nagsusumbong sa magulang ko.

"Your tired?" tanong niya sa akin habang inaakbay ang kanyang braso sa aking balikat, kaagad naman akong tumango sa kanya bilang sagot. So he slowly rubbed his hand on my side  and planted a kiss on the side of my head. "Should we stop practicing na?" he asked.

Dahilan para mag angat ako ng tingin sa kanya , hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. What the hell! Stop practicing kaagad  pwede namang palitan na lang si kuya Arix bilang mentor diba? Haha.

"No ,Of course sinasabi ko lang na nakakapagod okay, at tsaka hindi rin ako papayag na titigil tayo no" kaagad ay paliwanag ko sa kanya bahagya ko pa siyang hinampas sa kanyang dibdib.

"Sige nga bakit?" tanong niya sa akin nagbaba pa siya ng tingin sa akin na animo'y maghihintay ng sagot ko.

"Kasi doon ka masaya, ganun kita kamahal" nakangiting sambit ko sa kanya, proud na proud sa aking sarili dahil sa sinabi ko. "Kahit nakakapagod hindi ako  titigil na iparamdam iyon sa'yo hanggat kaya ko" I said sincerely  while looking directly into his eyes. To the eyes of the man I love.

And that's my promise to him. Alam ko na darating din kami sa point na mapapagod kami sa isa't isa , kung saan maraming darating na problema at susubukin ng tadhana ang aming relasyon, at sa mga oras na iyon hindi ko siya susukuan at hangga't kaya ko ay mananatili ako sa tabi niya, mamahalin ko siya ng buong buo.

"Ako hindi" he said at saka siya tumingin sa kawalan.

"Hindi mo na ako mamahalin kapag napagod na?" malungkot na tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o ano dahil sa sinabi niya. Masakit lang na ako kaya kong mahalin siya kahit anong mangyari tapos siya hindi!

"Mamahalin pa rin kita kahit hindi ko na kaya"

he said with full of emotions. I can see it through his eyes when he looked at me. Samantalang hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng mga luha sa aking mga mata. So I have to hug him tightly to show how much his words gave me unreal feelings. Yung pakiramdam na hindi ko aakalaing nag eexist pala at pwedeng maramdaman ng taong tulad ko. So much inlove.

Buong linggo akong kinakabahan dahil sa sasalihan naming contest. Habang papalapit ng papalapit ang araw na iyon ay parang pinagsisisihan ko ng pumayag pa ako. Parang gusto ko ng umayaw. Habang tumatagal kasi ay  lalong nagiging seryoso at strikto si kuya Arix.

"Ilang beses na nating napractice yan ah, ba't mali mali parin?" pinapagalitan na naman niya kami ngayon. Naka ilang ulit na naman kami maghapon, sabi niya okay naman na daw pero pinagpapractice pa rin niya kami.

Hanggang sa dumating na nga araw na pinakahihintay namin. At sa totoo lang ay para na akong yelo sa sobrang lamig ko dahil sa kaba. Medyo malaki kasi ang venue kaya kung mapupuno iyon ay tiyak na napakaraming tao ang manonood sa amin mamaya.

"Nervous?" Alli asked me. Hinawakan niya pa ang kamay ko kaya hindi na ako makatanggi na kinakabahan ako. Malamang ay ramdam niya iyon sa nanglalamig at naginginig kong kamay. He's rubbing it slowly using his thumb, obviously to ease my nervousness at gumana naman iyon. Not until maka apak na kami sa stage para magperform.

From there I saw a lot of people watching us. Tumingin pa muna kami sa isa't isa  bago nila sinimulang tumugtog at saka naman ako umawit.

"Kung tayo ay matanda na

Sana'y di tayo magbago

Kailanman nasaan ma'y

Ito ang pangarap ko

Makuha mo pa kayang ako'y hagkan at yakapin ohh

Hanggang sa pagtanda natin

Nagtatanong lang sa'yo ako pa kaya'y ibigin mo

Kahit maputi na ang buhok ko"

That was so slow, and I sang it with my eyes closed. Because of two reasons. First is for me not to get distracted by the presence of the audiences in front of me. Second is for me to feel the message of the song and to deliver it's message to the people who's watching me.

Sa lahat ng sinabing paalala ni kuya Arix sa amin ay iyon ang pinaka natatandaan ko. Na sa tuwing kakanta importanteng maiparamdam ang mensahe nito sa mga manonood. It shouldn't be your mouth who's singing but rather you heart.

I suddenly opened my eyes when the beat of the song became a little bit faster. It was Alli's turn to sing.

"Pagdating ng araw ang iyong buhok ay puputi na rin

Sabay tayong mangangarap ng nakaraan sa'tin

Ang nakalipas ay ibabalik natin ohoohoo...."

I was just smiling while watching Alli singing his part. Nakangiti niya iyong kinakanta at bahagyang tumitingin sa gawi ko , dahilan para  kiligin ako, pati na ang mga manonood.

Lalo na ng magsabay na kami sa pagkanta.

"Kahit maputi na ang buhok ko

Kahit maputi....

na ang...

buhok...ko"

That was so fun! Unti unting napalitan ng tuwa ang kaninang kabang nararamdaman ko ng marinig ang palakpakan ng mga manonood at judges pagkatapos ng aming performance. Lalo pa iyong nadagdagan ng iannounce na ang mga winners at syempre kami ang nagchampion.

"Whoahh we won" sigaw ni Rio pagkababa na pagkababa namin ng stage, tapos na ang contest at mag aalisan na rin ang ibang tao.

"Well, all credits to me" pagyayabang naman ni kuya Arix. Syempre malaki naman talaga ang naitulong niya sa amin pero hindi naman lahat ng credits ay sa kanya. Duh, pinaghirapan din kaya namin iyon.

"Credits to Ydha, siya yata ang lucky charm  natin" ani Andrew dahilan para mapunta sa akin ang atensiyon nilang lahat, maliban kay Ayen na sa kung saan nakatingin.

"Dahil diyan group hug" akma na sanang aakbay sa akin si Rio dahil ako ang nasa tabi niya ng hampasin ni Alli ang kanyang braso para pigilan siya. Nagtawanan tuloy kami ng singhalan ni Rio si Alli dahil sa ginawa nito.

At dahil late na ay napagdesisiyonan namin na umuwi na muna para makapagpahinga na at next time na lang magcelebrate.

"Oyy Ken sabay ako sayo ha, ayaw ko kay Rio biyaheng langit lagi yang gagong yan" maya maya pa ay sambit ni Andre kay Ken habang nag aayos kami ng aming mga gamit, naghahanda ng umuwi.

"Hindi pwede may sakay ako" masungit namang sagot sa kanya ni Ken. Dahilan para batukan siya ni Andrew. "Problema mo?"

"Sinong isasakay mo multo? Wala kang jowa ulol" singhal ni Andrew kay Ken. At saka kinuha ang bag niya at lumapit naman kay Rio na mayabang na piniikot ang susi ng kanyang sasakyan sa kamay niya.

"Kay Rio ka na lang sumakay Andrew tutal bagay naman kayo" pang-aasar  naman ni kuya Arix doon sa dalawa pero sa halip na maasar ay umakto pa ang dalawa na parang babae at niyakap ang isa't isa. What the hell!

"The fuck with you?" asik naman ni Alli at saka binato ng  hawak niyang bottled water iyong dalawa dahilan para maghiwalay sila sa pagkakayakap.

"Sows, inggit lang 'yang si Alli at hindi makayakap sa aking pinsan" nang aasar na pagpaparinig ni Ayen kay Alli. Akala ko ay buong gabi na siyang tatahimik, hindi talaga niya mapipigilan ang kanyang bibig na hindi magsalita.

"Eh ikaw Ayen hindi ka naiinggit sa pinsan mo? May boyfriend na siya" pagsingit naman ni ate Leah sa usapan.

"Bakit naman ako maiinggit diyan, baka sakit sa ulo lang yang lovelife duh" Ayen's voice sounds so defensive dahilan para matawa si ate Leah sa kanya.

"Kaya pala mainit lagi ang ulo ng gago" hindi ko nagets ang sinabing iyon ni Rio, nakita ko na lang na may tumama na sa kanyang bottled water , galing iyon kay Ken.

"Let's go na" aya sa amin ni kuya Arix kaya naman kanya kanya na kaming naglakad patungo sa parking, malapit lang naman iyon at magkakatabi na ang kanilang mga sasakyan.

I was expecting Ayen na sumakay sa kotse ni Alli, pero lajat kami ay nagulat ng ang buksan niya ay ang kay Ken at saka padabog na pumasok doon. Napakinggan ko pa ang bahagyang pagsipol nina Andrew at Rio, nang aasar. At saka sila pumasok sa kotse ganun din sina ate Leah at kuya Arix na mukhang hindi rin inaasahan ang ginawang iyon ni Ayen.

Halos mapatalon naman ako sa gulat ng yakapin ako mula sa likuran ni Alli. I know na siya iyon dahil sa pabango niya. Buti n alamg at naka alis na ang mga kasama namin.

"Are you happy?" tanong niya sa akin habang nararamdaman ko ang paghigpit ng kanyang yakap. But I have to face him, dahilan para lumuwag iyon , and I am now facing him with his hands around me.

"Sobra" nakangiting sagot ko sa kanya. Sobrang saya ko hindi lang dahil sa nanalo kami kundi dahil magkasama namin iyong nakamit. I was with him, at kahit matalo kami ay okay lang, because the fact that I am singing with him is like we're singing our love for each other.

"Can't wait to sing with you again, love" I said giving him the realest smile I can. He returned it with a deep kiss and he  leaned on me ,giving me a tight hug.

"For more music with you love"

——————————————————————

Thank you 🤗