webnovel

A LIFETIME PAYMENT

After the death both of her parents 2 years ago she's living just by herself now. Even if she raised as the only child she knew she is independent. They left her financial assistance and some assets to survive, but also leaving her a debt she can't escape for her life.

Zaqueriev · Teen
Not enough ratings
21 Chs

CHAPTER 7

2 weeks have already passed and I am currently working in a company that I applied for.

E-StonnX is a leading company brand of gadgets and softwares. I work in the accounting office but then the manager of the team made me his assistant. The working environment there is somehow great but a never-ending stress.

I went to a grocery store to buy supplies and other necessities for my apartment after work near at the company. I don't have my bike with me so I just took the taxi.

Habang nasa byahe pauwi ay natuwa ako sa isiping hindi na 'ko ginugulo ng mga Winsztonn. Ngunit may pagdududa rin sa'kin dahil kinabukasan matapos ng araw ng diskusyon namin ni Rexor ay bigla silang di na nagparamdam.

Pakiramdam ko may hindi tama. At kapag pakiramdam kong may hindi magandang mangyayari ay gayon nga ang nangyayari. Ang dating kasi sa'kin ay pinag-eenjoy muna nila 'ko sa buhay ko ngayon at pagkatapos ay bigla na naman silang susulpot. I'm slowly getting happy about what I do in my life for these past weeks while enjoying my own personal company at sana mali lang ang iniisip ko.

"Thanks manong!" sabi ko pagkatapos isara ang pinto at tinapik pa ang likuran ng sasakyan. "Ingat ka Hija" nakangiting paalam ng driver saka siya nagdrive paalis.

Before I opened the gate, I noticed a dark gray car that looked so expensive, parked in front of the apartment next to where I was staying.

'Mukhang bigtime ang nakatira don ah'

Kaso napahinto rin ako saglit dahil wala pa namang umuupa sa bahay na 'yon. Or baka may nakakuha na. Nagkibit balikat na lang ako saka pinihit ang doorknob para icheck ngunit nakakapagtakang bukas na ito.

Sigurado akong nilock ko ang bahay at hindi ko 'yon nalimutan pero binalewala ko na lang dahil gusto ko ng hubarin ang heels na suot ko. Even if I don't want to wear this kind of shoes, I have no choice because it is required by the company I work for.

Nang tuluyan kong mabuksan ang pinto ay bumungad sa'kin ang madilim na loob ng bahay. Hinubad ko ang sapatos ko at nang pindutin ko ang switch ng ilaw ay nagitla ako ng makitang may taong nakaupo sa sofa.

"Anak ng—" naiusal ko sa gulat.

At dahil patalikod ang puwesto ng taong 'yon ay 'di ko makita ang hitsura niya. Kinabahan ako lalo dahil wala akong dalang kahit na ano para maipagtanggol ang sarili ko.

"You're late" he said in his natural husky voice, but in a scary way. Bigla siyang tumayo saka humarap sa akin at doon ko siya nakilala. This tall man is wearing a suit and tie and that familiar tattoo. Nanatili naman ako sa kinatatayuan ko at inis na tiningnan siya.

'Pati ba naman dito susundan niya ko?!'

"You're off to work at exactly 6 pm. I've waited here for hours do you know how bored I was?!"

Napamaang ako sa kayabangan ng hinamutakang 'to. For sure he already knows where I work. At kahit may takot sa loob ko ay sinabayan ko ang trip niya.

"Ha! Engot ka ba?! Sinong may sabing pumasok ka rito ng walang permiso?! Layas!" banta ko ngunit wala lang 'yon sa kaniya.

"Who says I should have the permission? I bought this house so I have rights for it" he arrogantly said as he walk towards me.

'Why am I even surprised, when he can afford to buy this entire subdivision?'

"You own this too? Well, then enjoy your stay and suit yourself. Mabulok ka na rin sana!"

I turned my back on him and was about to open the door to go out of the house but I froze where I stood. Narinig ko ang pagkakakasa ng baril at malamang ay nasa likuran ko na siya. Nabitawan ko na rin ang mga pinamili ko sa sahig ng maramdaman ang dulo ng baril sa likod ng ulo ko.

"Dont..." he coldly said as I stayed still in my position. Napalunok ako ng matindi sa isiping ito na ata ang katapusan ko. Ramdam ko na rin ang pagsabog ng kaba sa dibdib ko.

"...and never turn your back on me" dugtong niya at sinigurado niyang ikakatakot ko 'yon.

'Bakit ba 'ko nagpapasindak sa buwiset na 'to?! Sadd mag-isip ka!'

'Ngunit ano bang magagawa ko sa sitwasyon kong 'to?'

I took a deep breath and slowly faced him with my eyes closed. I could also feel the coldness of the tip of the gun he was holding which was pressed against my forehead. Nang makaipon ng tapang ay dahan dahan ko ring binuksan ang mga mata ko at pinantayan ang tingin niya.

"Good" puri niya habang nakangisi sa pagmumukha ko at hindi inalis ang baril niyang nasa noo ko.

'Isang putok lang niya ay paniguradong sasabog ang bungo ko'

Gusto kong makaalis sa posisyon ko pero dahil nakapalda ako di ako makakakilos para atakihin siya.

'Great!'

"Sit" utos niya saka tinanggal ang baril sa noo ko.

"I'm not gonna—"

"Sit!" gitil niya saka muling itinutok ang baril sa'kin. I gritted my teeth as I walked and sit on the sofa. Sinundan niya ko at sumandal sa dingding kaharap ko ng nakapamulsa saka siya nag-angat ng tingin sa'kin.

"Rexor told me you already know what you have to know. And you are f*cking mad about it. How mad are you really that day? Tell me" aniya at binigyan ako ng nakakaasar na ngiti.

"Sakto lang" pilosopong sagot ko.

"I told you, you can't get away from me"

"And I am telling you, I'm not gonna give a d*mn sh*t about what you said!"

*BANG!*

Napapikit ako sa pagputok ng baril niya at pinakiramdaman ko ang sarili ko ngunit sa pader niya yon pinatama. Kitang kita ko ang tuwa sa ekspresyon niya dahil sa naging reaksyon ko.

'Pinaglalaruan ako ng hayop na 'to ah'

Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti lang siya sa'kin. "You have no idea what I can do to you, have you?"

"Tsh, kahit patayin mo pa ko ngayon, magpapasalamat pa 'ko sa'yo"

"Really? I can do that. Mabilis akong kausap." aniya saka muling ipinutok ang baril ngunit pinatama niya yon sa sandalan ng sofa kung saan ay malapit lang ang katawan ko. Kitang kita ko kung paanong nag-usok ang ginawang butas ng bala niya. Kahit kinakabahan ay ngumiti ako sa kaniya.

"I thought you could?"

"I decided, it's not your time yet" aniya saka isinuksok ang baril sa loob ng suit niya at inipit sa belt niya. "I am thinking about what should I do to you while it's not your time yet. I'm open for a good suggestion. Excite me"

"You are not in the position to make decisions in my life. Make me free!"

"That's not exciting!" biglang galit na sigaw niya. Napakabilis magbago ng ekspresyon niya kaya kinilabutan ako.

"Lahat na sa'yo na. Ano pa bang kailangan ng tulad mo?! Bilhin mo na ang lahat pero di mo ko makukuha!"

"That's true. And that's false. Akin ka na at hawak kita"

Natahimik ako sa sinabi niyang yon at para bang nagpaulit ulit sa tainga ko. Ibinaba ko ang tingin ko sa mga kamay ko at di na nagsalita. Biglang may ibinato siya sa gilid ko at kinuha ko naman 'yong phone ng makita ko ang mukha ng mga magulang ko na may kausap na kung sino.

Sinulyapan ko pa muna ang lalaking nasa harap ko at nakitang blangko ang mukha niya. I looked back at the phone quickly and play the video.

Nag-uusap sila para sa isang agreement at malamang ay tungkol 'yon sa utang nila. I saw how they wrote their signatures over their printed names on the papers in front of them habang nangangako sa taong wari ko ay si Trevor Winsztonn.

Nang marinig ko ng malinaw ang pagbanggit sa pangalan ko ay sumikip bigla ang dibdib ko sa isiping ipanambayad nga pala nila 'ko. Alam kong wala akong halaga sa kanila pero yung ideya na ganoon lang nila 'ko kadaling ibigay ay parang sinusuntok ang puso ko. I didn't finish watching the video because I already knew where their conversation was going. I looked away while quickly wiping the tears streaming down on my cheeks. Hindi ko nakita sa eskpresyon nila kahit ang katiting na pag-aalinlangan o kahit awa man lang sa'kin ay wala.

'Walang kuwenta na ang buhay ko pero may iwawalang kuwenta pa pala ngayon na pag-aari na 'ko ng ibang tao. Hahahah'

"You're good-for-nothing parents owe me billions. But because they can't pay their debt back and they're gone. You're life will be the payment. A lifetime payment"

"Alam ko na 'yan kaya di mo na kailangang ulit ulitin!"

"I'm just reminding you in case you forget. Plus, I love how miserable you are right now. I enjoy watching you cry. Cry more"

"F*ck you"

"HAHAHAH. Accept your fate. Your stuck with me until you die" at nakita ko kung paanong nginisihan niya 'ko ng malaki.

"Well, then I am eager to wait for that time!"