webnovel

CHAPTER 5

May mga panauhing dumating sa kaharian ng Thallerion, ang hari ng Tharterus, ng Vhorlandrus, ng Latherus at ng Peronicas. Pinatawag sila ng hari ng mga hari, walang iba kundi si Xerxez. Mahalaga ang kanilang pagpupulungan at mga paguusapan. Seryoso ito dahil ang mga kawani ng pagpupulong ay binubuo ng mga nakatataas na pinuno. Hinamon sila ni Matar, hari ng Ossibuz, dahil gusto niyang pabagsakin ang Thallerion sa kadahilanang nagseselos siya dahil malawak na ang kaharian ni Xerxez at masagana pa, sa pagkain. Kaya't bilang paghahanda nila Xerxez, kailangan nilang pagplanuhan ito ng maige.

"Nasa iyo ang kapasyahan ng nakararami, kagalang-galang na hari, Xerxez." Sabi ni Driother, ang hari ng Thartherus. Habang nakaupo silang lahat sa isang parihabang misa na yari sa isang kahoy, at pinakintab.

"Kung papayag kang pababagsakin natin agad ang kaharian ni Matar, hari ng Ossibuz. Dahil sa kanyang walang hiyang paghamon sa atin. Magiging madali na para sa atin na palakasin ang ating pwersa, kapag matalo na natin ang walang kwentang yon, siguro naman mananahimik na'yon sa kahihiyaan!" Galing iyon sa hari ng Vhorlandros, si Valthimoos. "Gayunpaman, maaari na tayong may laban na sa mga Taga- Moonatoria, ngunit mangyayari lamang iyon kung matatalo natin ang Ossibuz?" Tinitigan ni Xerxez si Valthimoos.

"Tama siya Xerxez." Galing naman iyon sa Reyna ng Peronicas, si reyna Pyramia. "Subalit, ang kapasyahan ay na saiyo." Mala maligamgam ang buses na'yon. Tahimik lang ang hari na nagiisip, kaya't parang nailang ang mga hari sa kanyang katahimikan.

"Ano nga ba ang iyong kapasyahan?" Tanong ni Driother. "Sapagkat kanina kapang tahimik, mukha yatang malalim yang iniisip mo, tiyak ko namang pinag-iisipan mo ito?" Tinitigan niya si Xerxez, na ang ibig lang sabihin ay naghihintay ng kasagutan sa kanyang tanong.

"Napagpasyahan ko na!" Sabi ni Xerxez sa kanyang mga kasama na may kaamuhan sa tuno. "Sa tingin ko nga, kinakailangan natin ng malalimang pagpaplano. Sa ating paglusob!" Napalingon ang lahat at tila may mga ngiti sa kanilang mukha habang pinagmamasdan ni Xerxez ang mga kasama niyang hari.

"Kailangan natin ng malakasang pwersa! Karagdagang kawal at mga manggagawa at higit sa lahat, mga kagamitang pandigma!" Papayong sambit ni Pyramia.

"Kailangan natin ng mabisang taktika!" Pahabol din ni Driother. Agad namang inilatag ni haring Harios ang kabuuhang mapa ng Thallerion. Pagkatapos, minasdan nila at sinuri ng maige. Sa mga Sandaling iyon, doon naman nagsimulang nagsalita si Xerxez.

"Ngayon, may naisip na ako na sa tingin ko'y mabisang paraan." Sabi ni Xerxez at doon naman natigilan ang lahat sa kanilang ginagawa. "Kung nakikita niyo sa mapa, sa dakong hilaga, marami tayong kalaban dito!" Turo niya sa mapa.

Sa hilagang-silangan ng Thallerion, matatapuan ang lupain ng Ossibuz na dumurugtong sa malawak na kagubatan ng Wendlock. Ang Wendlock naman ay nasa bahaging kanluran ng Thallerion, sa likod naman ng Wendlock, ay matatagpuan ang lugar na Evergreen forest, at sa hilagang bahagi ng Wendlock nandoon naman ang Deathcave land, kung saan, inabandonang lugar at walang naninirahan doon, kundi ang mga mababangis na hayop. May mataas itong bundok na ang tawag din ay Deathcay mountain. Sa timog-silangan ng Thallerion ay matatagpuan ang lupain ng Thartherus, at nasa kanluran naman ng Thartherus ang Vhorlandrus, at sa bahaging ibaba ng Vhorlandrus ay ang Latheruz naman, at sa bahaging itaas ng Latherux ay ang Peronicas na nasa kanluran din ng Vhorlandrus. Ang pagitan lang nila sa Thallerion ay ang pinakamalaking-ilog at napakahaba ay ang Cirtax river. Minsan dinadaungan ito ng mga malalaking galyon, at mga bapor na pangkalakal. Matatagpuan naman ang lupain ng Sparton de lox, sa bahaging hilaga ng Evergreen forest. Marami itong lambak at matitirik ang anyo ng lupa. Sa bahaging-itaas ng Sparton De Lox ay matatagpuan naman ang kapatagang Brollasca, walang damo na tumutubo sa lupaing ito at puro buhangin lang ang nakapalibot, at wala din kahit isang puno doon na nakatayo. Ang Moonatoria lang pinakamalayo dahil may lima pang lupain ang lalakbayin, para marating lang ang kaharian ng Moonatoria. May mga desyerto pa kasing dadaanan na ang tawag sa desyertong iyon ay Dearthlust. Mamatay ka doon sa gutom dahil sa haba ng iyong lalakbayin, aabot sa isang buwan kung may kamel o kabayo kang sasakyan pero kung wala dudoble ang tagal ng iyong paglalakbay. Medyo malapit lang ang lupain ng Ossibuz sa lupain ng Thallerion, maaaring lakbayin lang ito ng isang linggo, nasa likod lang ng Oortz Forest ang lupain ng Ossibuz, sa Oortz Forest na ito may roon ditong kabundukan na matataas. Matagal ng may hidwaan ang Thallerion sa mga Ossibian o mga taong naninirahan sa Ossibuz, dahil nag-aagawan sila sa lupain ng Wendlock, ngunit ng matalo sila sa una nilang pakikituos sa mga Thallerion ay lubha silang nadismaya at ngayon hinahamon nila ulit ang Thallerion para maangkin nila ang Wendlock. Ang kaharian ng Ossibuz ay maraming mandirigma, puro lalaki ang mga kawal at walang babae na nakikipaglaban sapagkat kaunti lang ang bilang ng babae nila. Para sa kanila pang dekorasyon lang kababaihan at kaluguran nila.

"Ngayon kailan natin sila lulusubin?" Sabi ni Harios hari ng Latheruz. Nanahimik ang lahat at halatang may inaasahan silang karugtong sa tanong na'yon. Namimilog ang mga mata nila sa pag-aasam na marinig ang sagot ni Xerxez, lalo na mahalaga ang katanungang iyon para sa kanila.

"Pagkatapos ng isang buwan!" Desididong sagot ni Xerxez. Nagulat ang lahat sa naging desisyon ng hari. "Ano! B-bakit patatagalin pa natin ng ganun kahaba?" Nagwawalang sagot ni Driother. Sumagot din si Valthimoos. "Masyado ng mahaba ang isang linggo, lalo pa kung isang buwan pa talaga ang hihintayin?" Pagpanig niyang sambit.

"Alam nyo kung bakit, masyado kayong reklamador!" Inis na sagot ni Xerxez. "Kung nais nyong manalo ang ating lupain sa digmaan, dapat lang may ilalaan tayong panahon. Papayag ba ang mga kawal kapag sabihin Kong bukas agad makikipaglaban sila sa mga kalaban ng wala silang kahandahanda, o kung sabihin Kong ngayon na pumunta na sila at lumusong ng wala man lang paghuhunos-dili? Ganun ba ang gusto nyo?" Galit niyang sumbat sa mga hari. "Ano ba kayo? Hindi nyo ba iniisip na kapakanan natin ang buhay ng mga kawal natin, kailangan mas maingat tayo, hindi yung padalos-dalos ng atake! Buhay nila ang nakasalalay sa katagumpayan natin." Natahimik at natamimi ang lahat. "Sahalip tulungan nating hasain at paunlarin ang pwersa ng mga kawal natin. Mag-eensayo sila sa loob ng buwang ito, at maghahanda sa pagtitipon ng mga kagamitang pandigma." Sabi ni Xerxez ngunit naging maamu naulit ang boses nito.

"Kung iyan ang iyong nais, sasang-ayon ako." Sabi ni Harios, siya ang unang sumang-ayon. "Ako din" sabi ni Pyramia. Medyo nalagyan ng puwang ang mga Sandaling iyon dahil parang nag-aalinlangan pa ang dalawa. Sa huli, tumunog din ang bibig ni Valthimoos. "Sige, sang-ayon ako na din ako." Napatingin sila Kay Driother dahil siya nalang ang hindi pa nagsalita sa pagsang-ayon. Wala din magawa si Driother dahil kapasyahan na ng nakararami ang pasya ni Xerxez. "Payag na ako. Para sa ating katagumpayan!" Ngumiti si Driother kaya't tumawa na rin ang lahat.

"Para sa ating tagumpay!" Sabay-sabay silang naghiyawan.

"Marahil nakapaghanda na sila kaysa sa atin." Seryosong sagot ni Xerxez. "Pero para sa atin, para lamang silang latak na walang silbe. Kawawa lang ang sasapitin nila!" Nag-aalborotong sabi ni Xerxez. Nagsipaghagik-hikan ang mga hari sa sinabi ni Xerxez. "Pero huwag muna tayo magsalita ng patapos, Hindi natin sukat ang panahon." Pagsusuway ni Harios sa mga hari. "Palagay ko tama talaga si Xerxez, kailangan tagala may ilalaang oras at panahong igugugol sa pag-eensayo. Kailangan natin patibayin at palakasin ang hukbo ng mga kawan. Dahil kung Hindi, maraming buhay ang masasawi. Tuso si Matar, kaya't maging maingat tayo bawat oras." Hikayat niya sa mga hari.

"Kung ganun, ang hukbo ng kabayuhan ko ay akin ng ihahanda sa pagsasanay." Sagot ni Valthimoos.

"Ikinagagalak Kong marinig iyon, Valthimoos." Saludong bati ni Xerxez. Kaya't bilang pagtanggap ay sinagot niya agad ito. "Walang anuman, gagawin ko iyon alang-alang sa atin." Mapungay niyang sagot.

"Kaunting tigil lamang, Xerxez. Ilang kawal ba ang dapat nating ihanda sa darating na digmaan?" Tanong ni Driother, napalingon din ang mga mukha ng mga hari.

"Hindi natin alam kung anong bilang meron sila? Ngunit mabuti ng damihan ang bilang ng hukbo natin. Dahil kung mas marami, mas magiging malamang tayo!" Palunas na sagot ni Xerxez sa katanungan na gumimbal sa isipan ng mga hari.

"Wag na nating patagalin pa ang usapang ito, marahil, kailangan mo nang mag-utos ka ngayon ng isang mapagkakatiwalaang tagahatid-liham para sa hamong ito, at para malaman nila kung kailangan gaganapin ang digmaan. Hindi na din kailangan sabihin kung saan, dahil baka taniman pa nila pandaraya at mga patibong." Mungkahe ni Pyramia.

"Tama ka nga reyna Pyramia, dapat ganun tayo mag-isip, dahil Hindi ito isang laro kundi isang buhis-buhay na paligsahan. Isang kompetisyon!" Mabugsong hamon niya sa mga kasama. "Wag na kayong mag-alala sa parteng ito, dahil nandiyan si Cathark, siya ang napagkakatiwalaan ko pagdating sa usapang pahatid-liham. Mahusay siyang magtalastas sa harap ng mga kaaway natin, kaya't hindi siya napapahamak dahil matalino at tuso siya kung magsalita."

"Kung ganun, pwede na tayong magsialisan." Sabi ni Xerxez. "Magkita-kita na lang tayo pagsapit ng ikaapat na linggo." Pagwawakas ni Xerxez sa pagpupulong.

"Au revior!" Sabi ni Driother sa mga kasama. At nagsialisan na ang mga hari, ngunit nagpaiwan muna si Pyramia. Nagtataka kasi siyang pagdating niya ay Hindi siya sinalubong ng apo niyang si Pyramus. Kaya't kinumusta niya si Pyramus, sapamamagitan ng pagtanong sa ama.

"Kumusta na si Pyramus? Bakit Hindi ko siya nakita? O salubungin man lang ako? Baka naman nilalason mo ang utak ng apo ko kaya't Hindi na niya ako pinapansin?" Masungit na tanong ni Pyramia.

"Reyna Pyramia, aaminin Kong naging pabaya ako pero ang lasonin ang utak ay isang malaking kahibangan! Kung ganunman, bakit ko naman gagawin yon?" Pasanggalang sagot ni Xerxez. Natahimik ang reyna. "Kung ganun nasaan siya ngayon?" Paibang ihip ng tanong ni Pyramia.

"Natutulog." Diretsong sagot niya. Nabigla ang reyna. "Ano!" Nanlilisik ang mga mata ng reyna sa pagtataka at napatayo. "Natutulog pa ang prinsipe sa ganitong oras? Ano ba ang nangyari sa apo ko? May sakit ba siya?" Pag-aalala ng reyna.

"Wala na mang sakit. Sa katunayan niyan, dalawa silang nagkakaganun. Natutulog na parang mga pagod." Paliwanag niya sa reyna.

"Kung ganun bakit sila nagkaganun, saan ba sila pumunta?" Tanong ni Pyramia. Nung tanungin siya ng reyna sa katanungang iyon ay nagtapat na siya. "Nagtampo kasi si Pyramus sa akin, tapos umalis siya, sinabi niya sa akin na sasamahan niya si Maximus at mag-uusap daw, pero nung hinanap namin sila kagabe dahil hindi sila nakauwi ng maaga, na ang akala ko nga e naglayas. Ngunit mabuti na lang natagpuan namin sila sa likod ng palasyo doon sa harap ng puno, nakahiga sila sa damuhan at natutulog." Salaysay niya sa reyna.

"Kasalanan mo ito!" Galit na sumbat ni Pyramia. "Siguro pinagalitan mo siya?" Supladong tanong ng reyna.

"Hindi mo ako naiintindihan, kinausap ko siya kahapon dahil ayaw ko siyang mabahala lalo na sa darating na digmaan natin." Sabi ni Xerxez.

"Alam niya ang digmaan?" Taka ng reyna. "Oo, pero sinabi ko kahapon na wag mo na siyang makialam sa usapang pandigma. Subalit, nagalit ito at nagtampo. At iyon, natagpuan na lang naming natutulog sa kadamuhan."

"Marahil Hindi mo kilala ang anak mo, mabilis siyang magtampo. Malapit na siyang maging binata, Xerxez. Kaya't dapat lang pakinggan mo na ang mga sasabihin ng anak mo." Habilin ng reyna. Napabugtong-hininga na lamang si Xerxez, dahil iniisip tuloy ng iba na hindi siya naging mabuting ama. Umalis na ang reyna at dumiretso sa silid ng prinsipe. Pagdating doon natagpuan niyang natutulog parin ang apo niya ngunit may napansin siyang kakaiba, isang piklat sa braso. Sinubukan niyang gisingin si Pyramus upang kausapin kung bakit nagkaroon ito ng peklat ngunit hindi siya nagtagumpay. Iniisip niya tuloy na baka sinasaktan ito ni Xerxez kaya't binalikan niya si Xerxez.

"Ano ang ginawa mo sa bata? Bakit may peklat siya sa kaliwang braso?" Pabugsong salubong niya Kay Xerxez. "Sinasaktan mo ba ang apo ko?" Galit niyang tanong. Nabigla si Xerxez sa mga katanungan ni Pyramia lalo na sa pambibintang nito.

"Ano ang pinagsasabi mo? Hindi ko aakoin ang pagbibintang mo yan! Kahit kailan Hindi ako nakagamit ng dahas sa kamay para saktan ang mga anak ko." Pagpapaliwanag ng hari.

"Bakit nagkaroon ng peklat sa braso niya?" Pag-uulit niya sa tanong. Nakataas na ang kanyang kilay nito.

"Paanong magkakaroon siya ng peklat, wala naman akong nabalitaan na nasugatan siya? Pagtataka ni Xerxez, dahil kung meron man, sana alam niya ito. At Hindi sana siya magtatangkang magtangge kung alam naman niya ang tunkol dito.

"Sinasabi mo ba na ako ang nagsisinungaling?" Iritang sagot ni Pyramia. "Kitang-kita sa dalawa Kong mga mata na talagang mayroon siyang peklat!" Pagdidiin niya.

"Imposible naman!" Lubos na hinahanap ni Xerxez sa kanyang utak kung may nangyari ba talaga na nakalimutan lang niya, pero wala talaga, ni kahit isa na lumitaw sa kanyang isipan. "Wala talaga akong maalala o ni isang beses na sugatan siya!" Sagot ni Xerxez na patuloy paring naguguluhan at nag-iisip.

"Inaamin mo nga na naging pabaya kang ama!" Masungit at nag-aalborotong sambit ng reyna. "Dahil paano mo naman talaga malalaman kung naging pabaya ka. Hindi ka naman naging obligado sa anak mo noon paman! Ang mabuti pa kukunin ko na lang si Pyramus dito sa pamamahay mo. Kung sa bagay, dalawa naman ang anak mo sa magkaibang babae nga lang, kaya kukunin ko siya!" Supladong sabi ni Pyramia.

"Yon ang Hindi mo pwedeng gawin sa pamilya ko! Kahit alimurahin mo ako ng harap-harapan pero ang kunin at ipalayo ang anak ko, iyon ang mahigpit kong ipinagbabawal at kamumuhian ko iyon!" Marubdob niyang sagot sa reyna.

"Paano kung ang anak mo ang gustong umalis, may magagawa ka ba?" Paghahamon niya Kay Xerxez. Natahimik si Xerxez. "Tingnan mo, natahimik ka dahil alam mong si Pyramus ay pinabayaan mo noon." Pagpapadismaya niya sa isip ni Xerxez."Hindi! Nagkataon lang iyon, pero alam Kong Hindi ganun mag-isip si Pyramus. Hindi niya kami iiwan." Pananalig niya sa kanyang sarili.

"Makikita't makikita din yan, kung ano ang ginagawa mo, ganun din ang epekto, sa mga anak mo!" Pahuling habilin ni Pyramia, tumalikod na ito at naiwang tahimik si Xerxez sa dulo ng mesang inuupoan niya. Ngunit ng malapit na si Pyramia makalampas sa guhit ng pinto, ay hinabol niya ito sagot.

"Hindi ko hahayaang mangyari iyon sa pamilya ko, tandaan mo yan!" Ngunit Hindi na siya liningon nito bagkus nagpatuloy itong lumakad paalis. Mula doon sa kanyang kinauupuan ay bumalik sa kanyang gunita ang tungkol sa peklat, Hindi niya lubos maisip kung kailan nagkaroon ng peklat ang anak niya. Dahil sa kanyang pag-uusyoso ay napaakma siyang tumayo at lumakad upang matukoy kung totoo bang nagkaroon ng peklat si Pyramus. Dali-dali siyang umalis mula doon sa kanyang kinaroroonan.

Pagdating niya sa silid agad niyang inusisa kung saan nga ba ito o kung tunay ba talaga ang nakita ni Pyramia. Ngunit ng makita niya ito ay napalunok siya at hinipo ito ng dahan-dahan. At sabay napatanong. "Saan ito galing?" Taka niya sa sarili. Hindi pangkaraniwang ang pagkabuo ng peklat dahil parang may imahe ng dragon ngunit malabo lang masyado. "Ano ito?" Napalunok ulit siya na tila Hindi makapaniwala. Sinubukan niyang gisingin si Pyramus subalit gaya din ni Pyramia ay Hindi din siya nagtagumpay. Bigla ng sumagap sa isipan niya si Maximus, dahil baka gising na ito at maaari niya itong tanungin kung ano ang nangyari. Nagkaroon siya ng liwanag sa mukha ng maiisip niya iyon, kaya't bilang tugon non ay mabilis na tumakbo siya sa kabilang silid, ang silid ni Maximus. Ngunit ng madatnan niya ito ay mahimbing ding natutulog. Umupo siya at sabay isang bugtong-hininga ang pinakawalan.

"Ano ba ang nangyayari sa mga anak ko? Malungkot na tinig ang umaalpas sa tahimik na silid. Sa katahimikang iyon, ang mga mata niya ay lumalakbay sa buong katawan ng anak niya na parang may hinahanap na bagay. Ginalaw niya ang kumot at dahan-dahan niyang inalis iyon mula sa dibdib hanggang baywang lang. Inaasahan niyang wala itong kakaiba, subalit lumaki ang mga mata niya ng makita niya ang isaring peklat, na parang bolang-kristal na may espada. Hindi rin ito kapuna-puna dahil malabo din kagaya ng Kay Pyramus.

Biglang gumalaw ang peklat ni Maximus at nabuo na parang larawan ng bolang Kristal. Kaya't nakaramdam siya ng hilakbot ng makita niya ito. Naiisip naman niya ang Kay Pyramus, dahil marahil may kababalaghan din na nagaganap sa peklat ni Pyramus. Kinuha ni Xerxez si Maximus at dinala sa kwarto ni Pyramus. Bawat minutong lumilihis, ay panibagong kaba ang kanyang nadarama, lalo na sa kakaibang nangyayari. Nung pagdaka nila'y nakita talaga ni Xerxez ang paggalaw sa peklat, iyon ay parang may anong nilalang na gumagalaw sa balat ni Pyramus. Sinulyapan din niya ang peklat ni Maximus, ngunit parang naglalaho ang Kay Maximus. Inilapit niya si Maximus sa tabi ni Pyramus at inihiga ito, minasdan niya ito ng maige ng walang kakurap-kurap ng mata. "Anong kababalaghang ito?" Kinakabahan si Xerxez.

Maya-maya, bumibilis ang kilos ng peklat ni Pyramus na parang may anong bagay na kumikilos. Tinitigan niya ito ng walang tigil habang ang mga daliri niya'y nanginginig, habang dahan-dahan itong papalapit sa gumagalaw na peklat. Ngunit napatigil siya at nagulat ng biglang umusok ng maitim at mainit. Nataranta na siya ng biglang may lumabas na maitim na bagay na maliit at may pakpak at mahaba ang buntot. Parang ahas ngunit may mga paa't kamay ito. Ang mga mata nito'y parang apoy na lumiliwanag. Umuusok ito subalit ang usok naman nito ay gumagapang papunta sa ilong at bunganga ni Pyramus. Nakatutok sa kanya ang mga mata nito, ngunit ilang saglit, lumingon ito sa kabilang tabi kung saan nandoon si Maximus nakahiga. Humakbang ito ng maliliit na distansya. At parang galit sinusubukan nitong bumuga ng apoy ngunit walang lumalabas kundi usok lang. Nangalog ang buong katawan ng nilalang at biglang tumutubo ng pataas ng pataas, kaya't nagulat si Xerxez sa nakitang halimaw. Sinubukan nitong magbuga ng apoy ngunit Hindi rin ito nagtagumpay dahil parang may anong pumipigil sa kapangyarihan ng halimaw. At Hindi rin iyon makita ni Xerxez kung ano iyon. Biglang lumiwanag ang peklat ni Maximus na iyon naman ang ikinatakot ng halimaw. Naghanap ito ng lagusan ngunit wala siyang makita kaya't nagwala ito, winasak niya ang pader at doon tumakas. Doon pa nakahinga si Xerxez ng maluwag. Tiningnan niya ang mga peklat ng mga anak niya, ngunit wala na ang mga ito.

Tumayo agad siya, at pumunta sa butas at hinahanap ang halimaw sa papawirin, iniisip niya kasing baka balikan ang mga anak niya. Ngunit wala na ito, mabilis lang kasi naglaho. Bumalik siya agad at iksakto ring nagsidatingan ang mga kawal para usisahin kung anong kalabog at ingay ang nangyari, dahil malakas na parang sumabog na bagay.

"Mahal na hari, ano ang nangyari?" Gitla ng isang kawal. Dumating sina Matheros, Catana at Phalleon. "Mahal na hari, sino ang nagwasak at nagpasabog?" Pag-aalala ni Matheros. "Nasaktan po ba ang mga prinsipe, mahal na hari?" Pag-aalala naman ni Catana. "Sinalakay ba tayo ng mga kalaban?" Sabi naman ni Phalleon. Natulala ang hari at Hindi parin makapaniwala.

"Sinalakay tayo ng Dragon! Isang halimaw!" Hilakbot niya, ngayon lamang niya natanto na ang nakita niyang halimaw ay isang dragon.

"D-dragon?" Pagtataka ng lahat. "Wala naman kaming nakitang dragon na pumasok at naghasik ng lagim sa palasyo?" Sabi ni Phalleon na halos Hindi makapaniwala sa sinabi ng hari. "Tama po mahal na hari. Baka isang guni-guni nyo lamang iyon, baka nga mga kaaway lang natin, iba lang ang pagkakakita mo?" Sabi naman ni Matheros.

"H-hindi, galing siya sa katawan ng anak ko, Kay Pyramus! At balak nitong p-papatayin anak Kong si M-maximus!" Sabi ni Xerxez na halos magkautal-utal sa pagsasalita. "At si Maximus ay may kakaiba ding nilalang na nakatago sa katawan niya!" Nanginginig na sagot ni Xerxez.

"Mahal na hari? Wala po iyon sa totoong buhay, mga kathang-isip lang iyon!" Sabi ni Catana. Nagsipagtawa ang mga tao doon. "Mabuti na pong magpahinga na kayo!" Habilin ni Catana.

"Hindi, kitang-kita ko ang halimaw na'yon, dito siya lumabas sa braso ni Pyramus at nang lumaki ito dito naman siya lumabas! Sa pader na ito!" Lumapit siya doon. Nagkatinginan na lang ang lahat, pero hindi parin sila makapaniwala.

"Mga Nurse, alalayan nyo ang hari, ibalik nyo siya sa kwarto niya upang makapahinga! Pakainin nyo siya ng maige." Utos ni Matheros. "Tawagin nyo ang mga Manggagawa para kumpunihin ang nasirang ito. At kayo mga kawal! Ipaalam sa lahat ng taga-Thallerion na magmatyag sa paligid upang Hindi tayo masalisihan ng mga kaaway. I-anunsyo narin sa lahat ng mga kawal na magbantay sa buong palasyo." Mataginting niyang mando sa lahat ng nandoon.

"Wag nyo ako ilayo sa mga anak ko!" Pagmamakaawa ni Xerxez.

"Kami na ang bahala, mahal na hari." Sabi ni Catana. "Hindi namin sila pababayaan. Tungkulin namin na proteksiyonan ang mga prinsipe." Biglang nawalan ng malay ang hari, dahil noong tinitigan siya ng dragon ay parang hinihigop ang kanyang lakas at sigla. Para din siyang hinihipnotismo kanina, Ngunit natigil iyon ng makita si Maximus. Kaya't gayun nalang ang pagkagulat ng lahat sa pagkakakita sa hari.

"Ano ba ang nangyayari sa ating hari?" Tanong ni Catana. "May sakit ba siya?" Pag-aalala nito. Biglang sumagot si Phalleon. "Hindi kaya nababaliw na siya?" Tinitigan siya ng masama ni Matheros. "Tigilan mo yang pinagsasabi mo!" Sabi ni Matheros.

Pagsapit ng umaga, maaagang naglibot si Matheros sa buong bayan ng Thallerion, naghanap siya ng mga tao na maaasahan ng hari. Ngunit may isang batang nagtanong sa kanya. "Kamahalan, ako si Caspard. Nais ko po sanang itanong kung nasaan po ang prinsipe?" Tinitigan niya ang bata at sinagot ito.

"Bakit mo hinahanap ang prinsipe? May kailangan ka ba?" Seryoso ang mukha ni Matheros sa mga Sandaling ito.

"Nais ko po sanang isauli ito sa kanya." Ipinakita niya ang plauta.

"Bakit nasasaiyo yan? Ninakaw mo ba yan sa prinsipe?" Pagbibintang ni Matheros.

"H-hindi po! Pinahilam niya po sa akin noong nakaraang araw." Kinakabahan niyang sagot. "Kung ganun, nasaan ang ama mo at papupuntahin ko siya sa palasyo."

"Hindi ko po talaga yan ninakaw! Wag nyo po pababayarin ang ama ko, mahirap lang po na nanagsisilbihan ang ama ko sa mga pinapagawa ng hari. Pakiusap po wag nyo siya ikulong, ako na lang po!" Sabi ni Caspard. Mabuti na lang dumating si Vethor.

"Pinunong Matheros, ano ang kasalanan ng anak ko? Tungkol ba sa plauta? S-sinabihan ko nga ang anak ko na isauli na ito sa prinsipe, pero Hindi daw niya iyon ninakaw sa prinsipe. Pakiusap wag nyo siya hulihin, ako nalang ang mananagot." Pagmamakaawa ni Vethor.

"Tayo na sa palasyo." Simpling sagot ni Matheros.

"Anak, umuwi ka na sa bahay." Utos niya sa anak. Sumakay na siya sa Chariot na minamaniho ng isang kabayo. Umalis na nga sila at naiwang luhaan ang anak. Pagdating sa kaharian ng Thallerion. Sinalubong agad sila ng mga kawal. At pagpasok, nandoon ang hari na nakaupo. Medyo malungkot ang mukha ng hari, ni hindi nga ito nasopresa kung sino ang panauhin. Lumakas tuloy ang kaba ni Vethor, dahil walang imik ang hari at Hindi rin ngumiti. Iniisip tuloy ni Vethor, na masama ang pakiramdam ng hari sa kanya.

"Mahal na hari, heto na ang ipinapatawag mo, si Vethor." Salubong ni Matheros.

"M-mahal na hari, p-paumanhin." Natatarantang bati ni Vethor Sa hari. Nagtaka tuloy ang hari sa kanya. "Bakit ka humuhingi ng kapatawaran?" Sabi ni Xerxez.

"H-hindi po ninakaw ng anak ko ang plauta." Paliwanag ni Vethor. "Katunayan po niyan, ay ipinahilam po ng prinsipe ang plauta, dahil kaibigan daw niya ang anak ko. Sa makatuwid, pinagsabihan ko ang anak ko na isauli ito bukas na bukas subalit Hindi daw niya ito nakita simula pa kahapon." Paliwanag pa ni Vethor. "Kung naryan po ang prinsipe ay sana kausapin nyo po ito at ng kayo po ay maniwala sa akin." Nababahalang sabi nito.

"Hindi naman kailangan ng paliwanag, ang anak mo ang nagbigay ng plautang iyon. Siya rin ang nagturo sa anak ko." Medyo ngumiti ang hari.

"Kung ganun po bakit nyo ako pinatawag?" Pagtataka ni Vethor.

"Kahapon lang ay sinalakay ang palasyo ng isang dragon. Isang Hindi mapapanigang kwento." Sabi ni Phalleon.

"Kailangan ka ng kaharian, Vethor." Sabi naman ni Matheros.

"May kakayahan ka Vethor na maaari mong ituro sa mga kasama mong kawal." Sabi ni Xerxez. "Mahusay ka sa pakikipaglaban, nararapat lang na mamuno ka sa mga kawal ko." Pag-uudyok ni Xerxez Kay Vethor.

"May digmaan na magaganap, kaya't kailangan ka sapangkat namin bilang sugong pinuno." Sabi naman ni Catana.

"Talaga po ba mahal na hari? Bibigyan nyo po ako tungkulin?" Masayang tanong ni Vethor, na halos Hindi makapaniwala.

Pagkatapos noon, pinabalik si Vethor sa pamilya nito para ilipat ang pamilya niya doon sa inilaang silid ng hari para sa kanila na napili bilang pinuno ng Thallerion. Naabutan ni Vethor si Caspard na umiiyak pa sa tabi ng asawa nito, si Menca. Napawi ang lumbay sa mga mata ni Caspard, at napatakbo ito para salubungin ang ama. "Ama ano ang nangyari, ipakukulong ka ba nila? Pababayarin ba nila tayo?" Pag-aalala ng anak. "Ano ang balita, Vethor? Nagalit ba ang hari sayo?" Sabi din ng asawa nito.

"Hindi, tayo na. Umalis na tayo dito, balotin nyo na ang mga damit at mga kagamitan natin, at ang mga alagang hayop ay iiwan natin sa mga kapatid mo." Mabilis na utos ni Vethor. "Dalian nyo!"

"Pinapalayas na ba tayo ng hari?" Nanlulumong tanong ni Menca. Ngunit walang imik si Vethor sa asawa. Pero kinulit siya ng asawa. "Mamaya ko na ipapaliwanag."

"Ama, Ina? Kasalanan ko ba kung bakit aalis na tayo?" Inosenting tanong ni Caspard habang lumuluha ang mga mata nito. Naaawa tuloy si Vethor sa dalawa. "Wag na kayong mag-alala, may bago na tayong tirahan." Ngumiti si Vethor.

"T-tirahan? Saan?" Tanong ni Menca. "May trabaho na ako." Magalak na sagot ni Vethor. "Hindi na ako isang ordenaryong kawal, ako ay isa ng pinuno ng mga kawal sa Thallerion!" Nag-uumapaw ang kanyang kagalakan.

"T-talaga?" Gulat ang dalawa. "P-paano nangyari iyon?" Nanginginig ang boses ni Menca dahil sa Hindi makapaniwala. Nginitian lamang siya ni Vethor ng maganda. "P-pinuno ka na! Sa Thallerion?" Para siyang kinuryenteng nabuhay. "Oo, nga sabi e." Kinikilig na sagot ni Vethor.

Umalis na nga sila ngunit nagpaalam sila sa mga pamilya nila doon at sa mga kakilala nila doon sa tinitirhan. Masaya at naging maginhawa ang pakiramdam ng pamilya ni Vethor at nakita din niyang komportable ang lahat.

Pangatlong araw na pero nananatiling tulog ang mga anak ni Xerxez. Inilipat narin ni Xerxez ang mga anak niya doon sa silid niya para mabantayan niya ito buong gabi. Kapag umaga naman, ang Nurs naman ang nangangalaga sa dalawa. Hindi parin makapaniwala si Xerxez sa nangyari lalo na sa dragon. Unti-unti niyang inaalala ang bawat parte ng dragon at ang hitsura nito. Pumunta siya sa silid pintahan niya, at inisip niya ng buong makakaya niya. Pininta niya ang dragon sa buong parte nito. Inaalala niya ng buong detalye ang buong katangian ng halimaw. Naging matagumpay siya, at naipinta niya ito ayon sa tiyak na kulay, mukha at anyo ng halimaw. Pagkatapos naman, nagpinta ulit siya ng panibago at iyon naman ay ang bagay na nakita niya kay Maximus. Napagtagumpayan niya ito, at natapos ito ng may pagpupursige. Ngunit nakatulog siya dahil napagod siya sa kapipinta lalo na sa dragon na matagal niya nabuo dahil nawawala ito sa kanyang alaala. Gabi na siya na gising, dahil ginising siya ng isang kawal kung kailan gabi na. Napansin kasi ng kawal na Hindi pa lumalabas sa silid pintahan ang hari. Kanina pa siya naghihintay sa labas ng pinto, ayaw niya kasing guluhin ang ginagawa ng hari pero dahil masyado ng matagal ay pinuntahan niya kaya't doon niya nakita at ginising ang hari.

Pag-uwi ni Xerxez nakita niya ang mga anak niya na tulog parin. Nag-aalala tuloy ang hari na baka Hindi na magigising ang mga anak niya. Bukas ay wala pa siyang kasiguraduhan kung magigising na ang dalawa. Natutulog ang mga anak niya ng walang malay. Wala siyang magawa kundi ang pagmasdan ang mga anak, habang nag-aalala.

Kahapon lang ay ipinagbibilin ni Xerxez sa buong kawal na wag muna magbalita sa ibang hari, lalo na sa taga-Peronicas. Dahil ayaw niyang maapektuhan ang pagiisip ng ilang hari, baka panghinaan siya ng loob dahil sa problema niya. At ayaw din niyang isipin ni Pyramia na talagang naging pabaya siyang ama sa mga anak niya. Pero kahit anong gawin niya marahil malalaman at malalaman ito ng lahat. Nagbabaka sakali kasi si Xerxez na magigising ang mga anak niya ng Hindi tatagal o lalampas sa apat na araw.