webnovel

A House With Heartthrobs (Tagalog Version)

Si Kaoree Rogen ay simple lamang babae hangad niyang makatapos nang pag-aaral ngunit sa kasamang-palad ay may nangyari hindi inaasahan. Dahil rito tinulungan siya nang kanyang matalik na kaibigan, si Jez. Si Jez na naninirahan kasama ang apat pang mga lalaki. Doon ay tinanggap si Kaoree upang manilbihan at tumira sa iisang bubong kasama ang limang lalaki. Si Thaddeus, kilala bilang isa sa pinakagwapo at tahimik na lalaki sa kanilang lima. Sporty type siya at isa siyang introvert. Kabaligtaran niya ay si Latrelle, siya ay kilala hindi lang dahil sa ka-gwapuhan niyang taglay ngunit karamihan sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya ay dine-date niya. Ang pinakaclose niya naman ay si Marcus , parehas silang makulit ni Latrelle kaya sila ang pinaka magkasundo sa lima. Hilig niya? Babae? Hindi. Mahilig siya sa paru-paro at adventurous siyang tao. Ang Heather nilang lima - Si Wyndery na sinalo ang lahat ng bagay na pinaka sa isang lalaki. Nasa kanya na ang talino, kabaitan at ka-gwapuhan. Ngunit ang kagandahan ay walang ibang sumalo kung hindi si Jez. Si Jezrielle, ang bestfriend ni Kaoree na hinding-hindi siya pababayaan. Nang makilala ni Kaoree ang apat na lalaki ay nagbago ang lahat. Lalo ng nahulog ang loob ng tatlo sa limang lalaki sa kanya. Ano nga ba ang mas mananaig? Ang pagkakaibigan, o ang puso? Ngunit paano na lang kung hindi lang pala iyon ang susubok sa kanila lalo na kay Kaoree? Pilit man na hindi alalahanin ang nakaraan ay sadyang binabalik ito ng tadhana. Ang nakaraan bang ito ang magiging sanhi upang magkawatak-watak sila o mas papatagin ang kanilang pagkakaibigan? -Writer: 4the_blg3, chasing_dreams a.k.a chace_gonzales

Chace_Gonzales · Teen
Not enough ratings
17 Chs
avataravatar

16

Kwarto

Dumaan kami ng Robinson's Town Mall bago pumunta sa bahay nila Melissa. Bumili siya ng isang set ng ballpen dahil nito ay nawala raw 'yung ballpen niya.

"H'wag kang pabaya sa gamit", bilin ko sa kanya.

"Madami akong pambili. Gusto mo ibili rin kita?" Alok niya habang nagmamasid sa mga gwapong kalalakihan na nakapila sa cashier.

"Oy, tama na yan. Alam mo naman gagabihin ako pag-uwi."

Bumaling ang mga mata niya sa akin. "Alam mo ba minsan lang mangyari sa buhay ko na makakita ng gwapo kaya sasamantalahin ko na"

Ngumiwi ako sa sinabi niya. Nagsayang kami ng kinse minutos bago umalis don.

Parang nakaglue ang ngiti niya sa mukha nito hindi kasi napawi 'yung ngiti niya mula kanina. Hindi yata siya nangangalay.

Pagbukas niya ng gate. Halata ngang may kaya sila. Mula sa magandang gupit ng mga damo hanggang sa terrace nila ay malinis. Parang kaming lumakad sa carpet 'yun nga lang ay kulay berde.

May aso na sumulabong sa kanya. Kulay-puting poodle at may tali na.

"Nakaalpas ka na naman, Cookie"

Kinarga niya ang aso na parang kasing kapal ng dayami ang balahibo nito. Hinalikan niya ang asong giliw sa kanya. Mas lalong kumawag ang buntot nito dahil sa ginawa ng amo.

"Ang sweet! Sa susunod magkakaroon ka na nang Tatay!"

Hinubad ko ang aking sapatos. Nakakahiya kasing dumihan ang sahig nila. Sa sobrang linis nito ay kita ko ang magandang repleksyon ng aking mukha.

Mas maganda ang pagkaglass ng salamin nila kaysa sa salamin ko sa aking kwarto. Dito mas naappreciate ko 'yung pagiging maganda ko.

"Magsuot ka ng tsinelas. Mamili ka dyan kung anong gusto mo"

Tinuro niya sa akin 'yung shoe rack nilang yari sa kahoy. Pinagmasdan ko iyon ng ilang segundo bago mamili. Ang ganda ng pagkakahoy nito parang molave at pinacostumize ang design nito. May nakaukit dito na Welcome To Our Humble Home.

Mula rito ngayon ko lang napansin ang magandang landscape ng mga halaman. May hugis na kupido ang isa sa mga naroon at malapit sa mumunti nilang fountain.

Nahiya akong kaibigan ko siya. Ihi ko lang 'yung nagiging fountain.

Binuksan niya ang sliding door. Muntik pa kong mauntog dahil hindi pala malaki ang pagkakabukas niya.

Binaba niya ang aso saka tumakbo iyon paitaas ng hagdanan.

Puno ng Reinassance painting ang living room nila. Malaki ang flat screen na TV na nakadikit sa pader.

Ang upuan nilang itim ay malaki.

"Umupo ka muna, Kaoree. Ipaggagawa kita ng meryenda"

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya dahil nakatingin ako sa isa sa mga paintings doon.

"Mona Lisa" sabi ko habang tinititigan iyon.

"Oo, ang ganda hindi ba?" , magiliw ang pagkasabi nito.

Maputi ang magandang babae nasa harap ko. Naka uniporme itong pang negosyo. Malantik ang pilik-mata nito, matangos ang ilong at manipis ang labi. Photocopy siya ni Melissa.

"Opo", wala sa sarili kong sagot. Bighani pa kasi ako sa ganda nito.

"Replica lang 'yan. Bili ng asawa ko. Mahilig kasi siya sa paintings"

Nang makita niya si Melissa ay agad nitong kinuha ang tray na dala nito.

"Siya ba 'yung Kaoree na kinukwento mo sa akin?"

"Oo, Ma. Siya nga. Mahilig 'yan kumain kaya pinaghanda ko na", natatawa nitong sinabi.

Sinabi niya pa iyon eh hindi naman ako mahilig kumain.

"Nanay ako nito ni Melissa. Nice meeting you, Kaoree. Tita Mel na lang ang itawag mo sa akin", sabi nito saka lumakad paitaas ng hagdanan.

"Ayaw ni Mama na Melchora ang tawag sa kanya", hagikhik ni Melissa.

Maganda naman 'yung Melchora. Kapangalan niya 'yung Pambansang Bayani pero kung sabagay modernong panahon na ngayon.

Binuksan ni Melissa ang TV at nanood kami habang nag-kwekwentuhan tungkol sa kung anong magandang panoorin ngayon. Gustong-gusto niya 'yung Harry Potter kaya naman galak akong nakipaghuntahan tungkol dun.

Sa haba ng aming pag-uusap ay hindi ko namalayan ang oras. Napansin kong mag-aalas otso na ng gabi dahil sa wristwatch ni Melissa.

"Dito ka na maghapunan!", sabi ni Tita Mel. Nakaapron siyang bulaklakan at may hawak ng sandok.

"Hindi na po", kahit na gutom ay minabuti kong tumanggi.

"Ihatid mo siya sa labas habang naghihintay ng masasakyan", habilin nito sa anak na kakatapos lang maghanda ng plato sa kusina.

"Oo naman, Ma. Hindi ko siya papabayaan", sabi ni Melissa.

Kinuha ko ang wallet sa aking bag katabi ng phone ko. Umilaw ang cellphone kaya kinuha ko na rin iyon.

Ang ilan ay galing kay Jez. Ang iba ay galing sa hindi kilalang number.

Nang pumara si Melissa ng tricycle ay agad naman akong sumakay. Hindi ko manlang nagawang magpasalamat dahil sa pagmamadali.

"Manong, keep the change!" sabi ko at nagmadaling tumakbo papasok ng gate.

"Keep the change! Eh piso na lang ang sukli!", rinig kong pahabol na sigaw nito.

Mga tao nga naman hindi pa nagpasalamat dahil binigyan ko sila ng sobrang sukli.

Pagpasok ko ay tahimik ang lahat. Si Jez ay dahan-dahang sumalubong sa akin habang naghuhubad ako ng sapatos.

"Ingat ka", warning nito. 'Yung boses niya nakakakilabot.

Nakatingin sa akin ang dalawang nanonood ng TV. Si Latrelle ay sumenyas ng lagot ako.

Ano namang ginawa ko? Umuwi lang akong late lagot agad?

"Bakit? Bawal bang umuwi ng late? Pasensya na. Hindi ako nakaluto ng hapunan niyo", bulong ko kay Jez matapos ng ginawa ko.

"Hindi 'yun, girl. Basta malalaman mo mamaya",sabi nito.

Umakyat ako ng hagdanan at nagtagpo ang mga mata namin ni T.H. Nag-aalab ang mga nito.

Hinila niya ko ng hindi manlang sinabi ang rason kung bakit.

"Ano ba?"

Hinila niya ko paloob ng kwarto.

Omo! Anong gagawin niya sa akin?!

I'm not ready. Hindi pa ko ready sa ganito! Masyado pa kong bata. I mean hindi pa ko open sa ganitong bagay.

Nanuyot ang malamig kong pawis ng nasa loob na kami.

Pwede naman siyang magsabi sa akin pero bakit sa ganitong paraan?!

Kumalma ka, Kaoree.

"Bakit ka nakapikit?" tanong nito.

Umayos ako ng tao at minulat ang mga ko. Hindi ko naman napansin na nakapikit pala ako.

"Sige. Tama 'yan pumikit ka"

Wild pala siya!

Pumikit ako at ilang segundo ay naamoy ko ang damit na amoy bagong laba.

"Labhan mo ulit 'yang damit ko", minulat ko ang aking mga mata ng marinig ang galit na boses nito.

Pinulot ko ang damit sa sahig. Nag-aagaw ang kulay asul at puti nito.

"Hindi ka ba maalam maglaba? Pakiayos ha", sabi nito.

Tss. Sungit! Pwede niya naman sabihin ng maayos at ginanito pa ko.

Pero teka? Alam ko hiniwalay ko ang de-color sa puti.

Lumabas akong dismayado saka sinara ang kwarto niya.

"Kung hindi ka lang talaga gwapo!"

---#HIOR---