webnovel

Chapter 7 - Just Pretending

Ayens POV

Unang araw ko sa trabaho. At hindi ko alam kung paano ako magrereact sa mga nangyari. Sa sobrang dami ng nalaman ko, hindi na kayang icontain ng utak ko. Ansakit ng ulo ko.

Ang liit nga naman ng mundo, hindi ko lubos maisip na makikita ko siya at sa ganitong sitwasyon pa. Alam ko na kung bakit pamilyar siya at ang boses niya.

" Magbackout nalang kaya ako ? Tapos magresign nalang para mabawasan ang kahihiyan ko. " - Kinakausap ko na naman ang sarili ko. Kso dahil sa desperada akong takbuhan ang nanay kong mapamilit, hindi nako nagdalawang isip. Sinandal ko ang ulo ko sa mesa ko saka ipinikit.

" Ayeng naman!! Konting kahihiyan naman sa Boss mo. okay lang pagpantasyahan siya ee kaso, sobra sobra naman ata yung magpanggap siyang BoyFriend mo. Pano naman yung dignidad mo bilang babae? pano nalang yung sasabihin ng ibang tao? Lalo pa na siya pala yung childhood crush mo, Jusko ano pang mukha ang maihaharap mo sa kanya bukas at sa mga susunod pang mga araw? " -Sermon ng utak ko sa sarili ko. Hayy mapapabuntong hininga ka nalang talaga.

" Ayen are you ok? " - Muntik nang umurung yung upuan ko sa bigla kong pagtayo.

" Hey watch out "

** dug-dug --- dug-dug **

Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Hindi ako makagalaw dahil isang maling galaw ko lang pwedeng instant first kiss to. Yung puso koo, baka marinig niya. Anlakas ng tibok, ayaw niyang tumigil. Gusto ko nalang pumikit, hindi sa gusto kong mahalikan kundi sa sobrang kahihiyan.

Hindi ko maiwasang hindi tumitig, kahit na gusto kong umiwas ng tingin hindi ko talaga kaya. Naramdaman ko ang paggalaw ng kamay niya sa likod ko sa may beywang, and it gives me goosebumps.

" huwag kang gagalaw!!plsss..."

" Uhm S-Sir, kase m-may nakatingin po ata " - ohmygad! nakakahiya talaga. dahan dahan siyang bumitaw saka tumingin sa may bintana.

" I told you to be carefull .. " -yun lang yun? hindi man lang siya nagreact dun sa nakakita? " ....And also, you should be prepared for this kind of actions, I'll be courting you starting today. "

Naiwan na naman akong tulala, simula ngayon ? liligawan niya ako ? Bittersweet. Masaya kase kahit papano mararanasan kong maligawan, and malungkot kase lahat ng mangyayari ay pawang puro kasingungalingan lang. walang totoo, magpapanggap lang kami, papaasahin ko lang yung sarili ko. On the other hand, sana hindi nako kulitin ni mama na ireto sa iba.

Uwi na kaya ako? - sa isip isip ko. tutal hangang 6 lang naman ako, ee halos mag alas syete na ng gabi.

" Arent you going to leave? "

" Uuwi nako Sir -- " dali dali kong kinalap yung gamit ko, kinuha yung blazer ko saka. dadaldin ko nalang tong mga folder na to sa bahay, dun ko nalang aayusin.

Putek!! Ambigat ..

" Then wait for me, I'll drop you off "

" w-wag na Sir, " - plss plss wag na. pinahihirapan mo damdamin ko ee.

" I insist! " - tigas talaga ng ulo. Mapapailing ka nalang talaga. tatakbo na ba ako? kaso andami kong dala. Pumasok ulit siya sa office niya saka lumabas agad dala yung bag at blazer niya.

" Lets go? " - tumango nalang ako. Habang naglalakad kami sa lobby hindi ako magkandaugaga sa kung pano ko bubuhatin ang mga folder na dala ko. sana pala nilagay ko sa iisang lagayan lang para binitbit ko nalang siya.

Mukang uwian nadin ng iba dahil mejo madaming tao dito sa lobby, halos lahat bumabati sa kanya. Ako? pangiti ngiti lang ako dito pero hirap na hirap nako. haha

" Do you really have to bring those folders ? You can finish it tomorrow. "

" Tatapusin ko ngayon sir. "

" Ok. " - tapos nagulat nalang ako ng bigla niyang kuhanin ang mga folder na dala-dala ko.

" Sir wag na mabigat tong mga to. " - xempre kailangan kong magpumiglas ng konti, pero pabebe lang.

" Give them to me. "

" Sir, wag na sabe. " - mejo may kumusyon na nagaganap, at pinagtitinginan na kami ng iba.

" Ako nalang po magbubuhat, Sir xander. " - Sumingit ang isang lalaki na mejo bata bata pa ang itsura. " Ihahatid ko nalang po kayo sa labas. "

" No. Its ok. I can handle it. " - tigas ng ulo netong lalaki na to!! jusko. sakit sa bangs.!!

" Ayen! binatawan mo na, ako na magbubuhat. " - Hahahahaha ^___^ unti unti akong napangiti. Ito ang pangalawang beses kong marinig ang tagalog version niya. And infairness mejo nag improve na siya kaysa nung una. Ito na yung sitwasyon na gustong ko nang magtakip ng bibig para tumawa kaso baka ma offend siya. kaya pigil na pigil ako at mukang nahalata niya.

" Thats the reason why i dont speak tagalog. You're just going to laugh at how i pronounce every single word " - at nagsimula na siyang maglakad ulit. sumunod naman ako na mejo natatawa tawa pa.

" Sir Xander ? "

" Yes ? "

" Sir, andaming nakatingin sayo ... " - bulong ko sa kanya.

" Let them think that im courting you. "

" Sir ang ingay mo " - Hampasin ko kaya to ng matauhan, nahiya tuloy ako. anlakas ng boses, boss ka ? boss ka?! haha

Feeling ko namumula padin ako ngayon. Ang init ng pisngi ko. Kinikilig ako kase ihahatid ako ni Sir, pero pakitang tao lang pala siya. Ouch!! ansakit isipin.

" Ayen ... - "

" Pooo ?? " - ang hilig neto sa pabigla bigla.

" I told you not to call me po. "

" E kase sir, ginugulat mo naman ako. pabigla bigla ka lagi magsalita, xempre ako magugulat nalang --- Ay sorry Sir. " - Andaldal mo Ayen, sabe nang wag masyadong magsalita ee.!!

Hindi na siya nagsalita. Mejo malapit nadin naman kami, may pagkatrapik lang kase. Anyway, dapat sa likod ako sasakay, tapos biglang sabe niya, Im not your driver! So in short, sa harapan ako. Edi xempre nahiya pa ako, siguro maswerter talaga ako kung totoong maging boyfriend ko siya no?

" Ayen ... "

" Yes Sir? "

" Pls be comfortable with me. This contract will be useless if were this distant with each other. "

" Nag aadjust pa ako Sir ... Hindi naman siya madali kahit nagpapanggap lang tayo .. "

" Then just consider me as a friend, im not forcing you to act as if were really in a relationship, just let me do things for you. I just want my parents to stop asking about my relationship with girls. " - Magpapanggap siyang Borfriend ko para sa parents ko, at the same time magpapanggap akong Girlfriend niya para sa parents niya. well .. --- ok! atlis, patas lang kami, ginagamit namin ang isat isa.

** kring -kring **

" hello ma ... " - si mama na naman tumatawag! Ano na naman bang ikukulit sakin nito.

" malapit nako -- bat anjan pa siya? --- Ayoko nga kase mama, may Boyfriend nga ako. --- Kasama ko siya, hahatid niya ako.. --- Ma, wag ka kaseng magdesisyon ng hindi ako tinatanong---- Hello ma, Mama !! " - Haynakoo !! nakakainis talaga.. Ambigat na naman ng pakiramdam ko, naiiyak na naman ako. Ayokong ipahalata kay sir kaya tumingin ako sa labas, Ang hirap ng ganitong sitwasyon. Ayoko ng ganito, araw araw nalang akong nabubuhay sa pag aalala na baka magalit si mama at sigawan ako. Araw araw nalang akong natatakot na baka wala na akong magawa kundi ang sumunod nalang sa gusto nila.

" Here --- " Paglingon ko, inabutan ako ni Sir ng panyo. At bigla kong naalala si Sir as maliit na Ken Ken :( At naiyak na talaga ako .....

" A-ayoko ng g-ganito sir (crying) " - Hindi nako makapagsalita ng maayos sa sobrang iyak ko.

" Tutal n-nakita mo na din naman ang pag iyak ko d-dati, hindi nako ma-mahihiya.. " - ayaw talagang tumigil ng luha ko. He isnt saying anything, i saw him staring, naaaninag ko siya dahil nakatingin ako sa labas.

" Sir--paniwalain mo sila mama na boyfriend kita, t-tulungan mo kong makawala .. Ayokong dumating y-yung araw na hi-hindi ko sila matanggihan dahil m-magulang ko padin sila. "

" You know my willingness to help Ayen -- but im asking you, this will not work out if you will not help yourself. Lets just be natural hmmm ?? "

Tumango lang ako -- itatry ko.. susubukan ko yung sinasabi niya.

" Kaliwa Kanan ??? " - haha slang talaga magtagalog oh !! Soo cutee ^__^

" Ay sorry Kaliwa Sir, sa may puting gate " - Bumaba ako dala dala yung mga folder na inuwi ko. Actually palusot ko lang dapat tong mga to ee para maka alis agad sa office kaso mapamilit tong boss ko gusto ihatid ako, oh diba ? ang haba ng buhok ko. Pakitang tao lang tong ginagawa namin pero parang totoo :D

" Salamat sa paghatid Sir ^__^ " - pinilit kong ngumiti.

" When were outside, call me Kenneth :) " - ohmygad!! Ngumiti siya ..As in ngumiti siya, at feeling ko namumula ako. Nawala tuloy yung lungkot ko.

" Ok ^_^ "

" Anyway, That guy he's waiting for you right? " - Putek bat niya alam??? Hindi ako makasagot ng deretso, ayoko ding ituon sa kanya yung mata ko baka matunaw ako..

" Ihahatid kita sa bahay niyo " - At kinuha niya ulit yung mga folder na dala dala ko. OHMYGAD!!! gulo tong pinasok mo ayen.

" Sir plss.. baka magkagulo --- "

" They will not stop Ayen unless they'll see something between us, "

" Kenneth Pls... let me deal with them first, kahit ngayon lang, hmm? Plss " - at tumigil siya sa paglalakad, mukang galit siya. Pero ikinagulat ko ang sumunod niyang ginawa.

/

/

//

/

//

//

/

//

//

//

//

Niyakap niya ako. Ng mahigpit. Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa ginawa niya, kung yayakapin ko ba siya o itutulak palayo. Iba yung pakiramdam ko. yung puso ko na parang gustong tumalon sa tuwa, anlakas ng tibok.. Parang ang saya ng pakiramdam ko,, Pero ---

" Im sorry but i need to do this, Your mother, she's watching " -- __ -- im a bit disappoited. Im just dreaming, but the reality is im living in a world full of pretending. At kailangan kong masanay. Bigla akong nauntog sa katotohanan, so i hug him back. bahala na --- Everytime na gagawin niya yung mga bagay na ganito iisipin ko nalang na walang totoo sa mga to.

Kumalas ako sa pagkakayakap ..

" Im leaving .. " tumango lang ako. Hinintay ko siyang makaalis bago pumasok sa bahay, mejo namumula pa tong mata ko dahil sa pag iyak.

" Bakit ngayun ka lang ? "

" Ma, unang araw ko sa trabaho, may pinatapos pa sakin. "

" Sinu yung kasama mo ? "

" Ma, pls wag ngayon pagod ako ma. "

" Sabe ko sayo umuwi ka ng maaga kase andito yung kumare ko at yung anak niya. Hindi ka ba talaga nakikinig sakin? " - Mejo may diin na naman ang boses ni mama. Although alam niya yung sitwasyon ko na ayoko nakakarinig ng sigaw pero pag nagagalit siya natatakot padin ako.

" Akyat nako ma, magpapahinga na po ako. "

" SUSUWAYIN MO BA TALAGA ANG GUSTO KO ? KUNG HINDI DAHIL SAYO BUHAY PA ANG PAPA MO !! " - biglang nanikip ang dibdib ko. Ok naman kami ni mama pero simula nung namatay si papa, naging malamig na ang pakikitungo ni mama sakin. Biglang nag iba at hindi naman ako manhid para hindi yun maramdaman. alam kong sinisisi niya ako sa pagkawala ni papa. Pag tinatanong ko kung bakit, hindi niya ako sinasagot. Napahawak ako sa dibdib ko, pinilit kong pakalmahin ang sarili ko, nahihirapan akong huminga.

Asan si kenneth ... Sa mga oras na to, bakit siya ang hinahanap ko? Bakit siya ang bigla kong naalala.

" Eunice -- Anak ?? P-pasensya kana, nabigla lang si mama .. " - Nilapitan ako ni mama, hinahagod ang likod ko.. At hindi ko na mapigilang hindi umiyak -- bat ganun?? bat kailangang kay mama ko pa maramdaman to. Gusto kong magtampo, gusto kong magalit, gusto kong magwala. Pero bakit hindi ko kaya ?

" Akyat nako ma .. " - kinuha ko ang inhaler ko saka umakyat sa taas. Nagkulong ako sa kwarto. Gusto ko lang umiyak, gusto kong sumigaw pero pano? Gusto kong suwayin si mama kahit isang beses man lang. Gusto kong maging masaya, gusto kong maging masaya si mama para sakin.

Itutuloy ko pa ba ang pagpapanggap ko ??

O susunod nalang ako sa gusto nila mama ?

Haaaaayyyyy!!! ayoko ng ganito .....