webnovel

A Beautiful Disaster (A not-so-lovestory)

She loved him too early. He loved her too, but it was too late. She fell first and he fell the hardest. Fate took its toll and he wasn't there for her. Still, she waited. He played it safe until she cannot take it no more. A not-so-lovestory.

Disastrousmind · Urban
Not enough ratings
7 Chs

[7]

"Nakainom ka na ba ng gamot? Paanong tatalab 'yang paracetamol eh wala naman yata sa oras ang pag-inom mo" sermon sa akin ni Mama nang pasokin niya ako sa kwarto kinaumagahan. Nakita niya ang dalawang basyo ng Biogesic na walang laman sa lamesa ko.

Walang kamalay malay ang ina ko na magdamag halos akong wala sa bahay kagabi. Na katulad nya'y inumaga na rin ako ng uwi.

Masamang tingin lang ang ipinukol niya sa akin habang ubo ako ng ubo.

"Yan na nga napapala ng kapupuyat kaka cellphone"

Tss. Lagi nalang, Mama.

Sa tuwing may masama akong nararamdaman laging ang cellphone ko ang nasisisi. Kahit ata puson ko ang manakit, cellphone pa rin ang iisipin niyang dahilan.

"Ayos ka lang ba maiwan mag-isa dito? Kailangan ko nang umalis"

"Opo. I love you,Mama."

Hinalikan niya ako sa noo.

"Ang init mo. May pagkain na jan ah. Magpahinga ka lang muna. Matulog ka ulit para pag gising mo pagpawisan ka, ha? Tigilan ang kakaselpon. Alis na ako, nak!"

Sinundan ko lang ng tingin si Mama nang isara niya ang pinto.

Medyo nahihilo ako.

Pag nakahiga ako, pakiramdam ko nasa mababang parte nakalagay ang ulo ko kahit patong-patong na ang unan na ginagamit ko.

Umilaw ang aking cellphone sa tabi ng kama dahil sa text na dumating. Ngayon ko lang 'to nahawakan magmula nang makauwi ako kaninang madaling araw. Nakasaksak pa rin ito sa charger hanggang ngayon.

Ilang mga gm at texts ang natanggap ko mula sa mga group mates ko sa isang subject.

Nilampasan ko ang mga ito at binuksan ang mensahe ng dalawa kong kaibigan. Naisip kong magreply muna bago ako bumalik sa pag tulog.

Jillian:

Tumawag saken si tita. May lagnat ka na naman daw? Pagaling ka

Musta pakiramdam mo, Liz?

Ako: Oo, Jill. Medyo nahihilo ako e

Angelika:

Pasok ka?

Aw! May lagnat na naman ang baby namin. Daan kami jan maya pag awasan na

Gusto mo ponkan?

Ako: yes pls. Damihan nyo haha

Hinila ko ang kumot ko hanggang sa leeg. Nanlalamig ang pakiramdam kahit mainit ang singaw ng katawan.

Eto 'ata ang kapalit ng ginawa ko kagabi. Inuna ang landi kaysa magpahinga. Ngayon tuloy ako binabawian ng katawan ko. Dahil sa katigasan ng ulo.

Pasado alas dos na ng hapon ngayon.

Umayos ako ng higa sa kama nang muli na namang umilaw ang cellphone ko dahil sa text na kakapasok lang. Di ko na sana titingnan pa dahil mas lalo lang akong nahihilo kakatitig sa cellphone ko kaya lang hindi naman ako mapakali. Nangangati ang kamay kong tingnan kung sino ba ang nag text.

Kinabahan agad ako ng mabasa ang pangalan ng sender.

Oppa Komedyante:

Sorry, I just woke up

Isang alaala ang nag flashback sa utak ko na para bang ilang minuto lang ang nakalipas matapos itong mangyari.

"Can i kiss you?" nahihiyang bulong ni Jk.

Napapikit ako ng mariin nang maalala ko ang tanong nya.

Nakakahiya! Lalo na pag naaalala ko kung anong sinagot at ginawa ko sa kanya kagabi.

Wala akong maireply sa kanya kaya napagpasyahan kong mamaya nalang ako magrereply pag gising ko ulit.

4:30 pm, dumating ang maiingay na sina Angelika dala ang pasalubong nilang maliliit na prutas. Ponkan ang inalok niya pero kiat kiat naman ang binili.

Hindi na lang ako nagreklamo pa. Halos pareho lang naman eh.

"Bat binalikan ka ng lagnat? Dapat pala di ka na muna pumasok kahapon" ani Jillian na tinutulungan akong magtanggal ng puting nakabalot sa prutas.

"Sinong kasama mo mamaya dito? Anong oras uwi ni tita galing trabaho?"

Magsasalita na sana ako ng pare-pareho kaming napatingin sa cellphone kong umiilaw dahil sa isang tawag.

Nakaka lokong ngiti agad ang binigay sa akin ni Angelika nang iabot ang cellphone ko. Siya kasi ang malapit dito.

"Oppa Komedyante mo! 'sus landi"

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Hello!" namamalat ang boses na bati ko kay Jasper.

"Hey, did I wake you up?"

"No! Kanina pa ako gising"

"You didn't reply to my text. I thought I made you angry because of what I did last night"

Nahihiya akong pinapanood ako ng dalawa kong kaibigan habang kausap si Jk kahit hindi naman ito ang unang beses na nakikita nila kaming magka usap. Minsan pa nga sumasali silang dalawa pag nagvivideo call kami kaya lang iba ang pakiramdam ko ngayon. Hindi pa nila alam na nagkita na kami kagabi.

"Jk naman!" Nag-init ang pisngi ko.

"What?" natatawang tanong niya.

Minsan talaga nakakalimutan kong hindi siya halos nakaka intindi ng tagalog. Lalo na iyong hindi niya madalas marinig. Masyado na agad akong komportable na kausap siya.

"Uh... I have a sore throat" sabi ko.

Inabot sa akin ni Jillian ang binalatan niyang kiat kiat at agad ko itong isinubo.

Medyo mapait pa ang panlasa ko.

"Are you busy right now? I want to see you again tonight" narinig ko ang tuwa sa boses nya. Niloloko ata ako nito.

"Stop making fun of me. Ang awkward kaya!"

Narinig ko na naman ang kanyang tawa. Oh! Someone's in a good mood.

"Why? Last night was fun. Time passed by so fast. I didn't even notice it.

If it weren't for my cousin... I still don't want to go back to our hotel. I don't mind spending all day or night with you even though we just keep on talking and talking"

"Talaga?" napangiti ako sa sinabi nya.

Pareho lang kami na hindi namalayan ang oras. Sobrang aliw ko na kung nahuli ako ng kaonti, malamang nabuking na ako ni Mama na nasa galaan pa rin ng madaling araw.

Muntik na niya akong maunahan sa pag-uwi. Kinailangan ko pang arkilahin nalang ang tricycle na nakapila kagabi dahil natatakot na akong lakarin ang papasok sa amin.

Ayaw namang umalis ng driver na hindi puno ang sakay. Pa'no pala kung nagkasabay kami ni Mama ng sakay sa tricycle. Baka nagkagulatan pa kami. Lagot talaga ako!

"I want to, Jk but i can't go out tonight. Uh... kasi" Hindi ko masabi sa kanyang hindi maganda ang pakiramdam ko dahil ayoko namang maisip niyang dahil iyon sa panahon kahapon noong nagkita kami.

Baka ma-guilty pa sya. Kahit pa noong nakaraan pa naman talaga ako nilalagnat.

"Oh! Your mom got mad at you last night?"

"No...uh, how about you? Your lola got mad?" Pagbabalik ko ng tanong.

Nagtatakang pinapanood naman ako ng dalawa.

"She got mad. Like really really mad!

But we're okay now. She was just worried" narinig ko na naman ang pagtawa niya.

"You're not free? Bakit?"Slang na tanong nya.

Ang cute nya talaga pag nagta-taglish!

"I have to do something tonight"

"Oh! Can't you do that tomorrow?"

Dinig ko ang panghihinayang sa tanong niya.

Gusto ko nang sabihin sa kanyang nilalagnat pa rin ako hanggang ngayon kaya ayaw kong lumabas. Pabalik-balik ang lagnat ko dahil panay rin ang alis ko ng bahay kahit maulan.

"There's this mind museum near our hotel. I wanna go there with you. Then we'll have dinner after. We won't stay long. I promise!"

Kaonti nalang papayag na ako sa gusto niya.

Sayang kasi eh. Gusto ko rin naman talaga siya uling makita.

"Uh, have you tried eating Lomi? There's a really nice lomihan here near my place. Gusto mo dito nalang? Can we just go to that museum next time?" Nahihiyang sabi ko. Lilibre ko nalang siya. Panigurado kasi siya na naman ang magbabayad ng entrance fee doon sa museum na iyon. Mukhang mararangya pa naman ang mga lugar na gusto niyang puntahan.

Hindi naman ako komportableng siya nalang ng siya ang naglalabas ng pera. Kahit pa sabihing lalaki siya at siya naman ang nag-ayang lumabas.

"Where's that?"

Sinabi ko sa kanya ang lugar kung saan ako nakatira at tinanong nya ako kung malayo ba iyon sa BGC.

"Oo, malayo-layo"

"Sorry, Liza but I can't go there. My Lola will get mad at me again. She doesn't want me going to places I'm not familiar with without her and my Lolo" bigong sabi nya.

"And because of last night... she forbid me in going to places far from this hotel" narinig ko ang frustration sa boses nya.

Kaya napagdesisyonan naming magkita nalang uli pagka balik nila galing Romblon. Pero iyon ay kung may oras pa. Malapit na rin kasi silang bumalik ng California dahil magsisimula na rin ang klase niya.

"Jk? Akala ko ba Casper?"nalilitong tanong ni Jillian.

"John Kristoffer totoong pangalan nya Jill. Jk for short"

"Luh! J na naman" natatawang sabi ni Angelika.

Alam na alam nilang dalawa ang mga kamalasan ko pagdating sa mga lalaking nagsisimula sa letter "j" ang pangalan kaya naiintindihan ko ang mga reaction nila.

"Oo. Tas mas bata pa sya sakin ng dalawang taon." hindi ko maiwasang mag himutok.

Nang-aasar na ngumiti naman sa akin si Angelika.

"Kakahangad mo ng lalaking mas matanda sayo... lagi kang nakaka encounter ng mas bata. 5 to 7 years gap pa nga!" tumatawang dagdag niya.

"Kasalanan ko bang mas mukha silang matanda sa edad nila? Naloloko ako ng itsura e. Kung hindi ako mas matanda ng isang taon, dalawang taon naman. May kaedad ko nga... panganay naman pala ako sa buwan" sabi ko nang maalala si Lemuel.

"Aba! Nakalimutan mo si Jerome, Shie. Matanda sayo ng 3 years ang gagong yun ah. Pero wala din naman!"

"At least inamin niya na sa'yo bago pa kayo magkita. Sayang naman may lagnat ka ngayon. Pwede sana kayong magkita mamaya" ani Jillian .

"Oo nga. Pero pwede rin naman kitain mo ngayon. Hingi kang yacapsule at kissperin. Panigurado tanggal 'yang lagnat mo" hindi matanggal-tanggal ang nang-aasar na ngiti sa labi ni Angelika.

***

Pagka Lunes ay pumasok na ako sa school.

Maayos na rin naman na ang pakiramdam ko. Naiinip na rin kasi ako sa bahay. Pakiramdam ko, ang dami ko nang namimissed na lesson.

Nandito ako ngayon sa karinderya hindi kalayuan sa school. Kasama ko ang dalawa. Dito namin naisipan mag lunch dahil nauumay na kami sa pagkaing nasa canteen.

"Baliw! Totoo nga 'te? Nagkita na kayo?"

"Shhh!" saway ko kay Angelika. Kahit kailan, napaka lakas talaga ng boses ng babae'ng ito. Parang naka microphone palagi.

Napapatingin tuloy sa gawi namin ang ilang mga estudyante na dito rin napiling kumain ng tanghalian.

"Oo nga!"

"Hala! Shems!" Hindi makapaniwalang bulalas niya.

Inalog-alog pa ako dahilan para matapon ang kanin sa kutsara ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Spill dali, Liza!

Kwento mo anong nangyari sa date nyo!"

Ganoon nga ang nangyari. Ikwenento ko sa kanila na masyadong bukas ang dalawang tainga, ang mga nangyari noong nagkita kami sa Market Market. Bawat detalye na natatandaan ko, sinabi ko sa kanila na parang nandoon parin ako sa araw na iyon.

Iyong kaba at excitement na naramdaman ko... 'yong kilig habang nakikinig siya sa mga kwento ko. Iyong pagsasalo namin ng headset habang pinapakinggan ang paborito niyang kanta ng Seals and Crofts. Sa totoo lang, hindi ko halos naintindihan 'yong kanta dahil ang nasa isip ko nang mga oras na iyon ay ang lapit namin sa isa't isa.

"Grabe ka, Liza. Kinaya mo umuwi ng ganoong oras? Buti di nalaman ni Mama mo?" Nag-aalalang tanong ni Jillian.

"Sasabihin ko naman kay Mama pero tyaka na"

"Dapat lang talagang sabihin mo. Delikado 'yon ah. Umuwi ka ng ganoong oras. Buti may tricycle pa? Mamaya nakasumpong ka ng adik jan!"

Tumango ako sa sermon ni Jillian. Masama nga iyong ginawa ko. Dapat ay hindi ko na ulitin.

"May picture kayo? Patingin naman. Madaya 'to di man lang nagsabi. Sana nag post ka man lang sa fb para may idea naman kami" nakangiwing sabi ni Angelika.

Kunyare nagtatampo.

"Bat di mo sinabi samin nung pumunta kami sa inyo?"

"Baka masama panlasa ko noon 'te para magkwento!"

"Sige na, Liz. Kwento ka pa. Anong mga ginawa nyo bukod sa nanood ng movie?" tanong pa ni Jillian.

Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng bag ko at ipinakita sa kanila ang ilang stolen picture ni Jk na nakuha ko.

"Ay oh! Gwapo talaga!" kinikilig na sabi ni Angelika. Ngayon, braso naman ng katabi niyang si Jillian ang pinanggigilan.

" Gel!" saway ng napipikon 'kong pinsan.Natawa naman ako sa kanilang dalawa.

"Wala kayong picture together?"

"Wala eh. Hindi ko na naisip magpa picture kasama siya" dismayadong sabi ko. Nanghihinayang.

Kumuha ako ng ginisang toge na ulam ni Jillian.

"Sayang nga. Masyado kasi akong nawili sa mga nangyayari... ayan tuloy nawala sa isip ko. Pero buti nalang nung nasa Timezone kami, naisipan ko siyang kuhanan ng picture"

Muli kong iswinipe ang mga pictures ni Jk sa gallery ko. Hindi naman lahat dito stolen shots. Meron din namang nakaharap sya at nakatawa dahil nahuli nya akong palihim siyang kinukuhanan ng litrato.

Nakakahiya nga! Nahuli pa ako sa akto.

Kaya puro sa Timezone lang ang mga nakuha kong pictures niya. Nahiya na kasi ako.

Pabalik kami sa school ay panay pa rin ang usisa sa akin ng dalawa. At kahit nang makapasok na kami sa unang subject namin ngayong hapon ay kinukulit pa rin ako ni Angelika. Wala pa ang Prof namin at iilan pa lang kaming nasa room.

Ayoko sanang ikwento pa ang tungkol sa kiss na muntik nang mangyari kaya lang ay hindi ko mapigilang hindi sabihin sa kanila. Mahirap maglihim sa mga best friends mo. Lalo pa't halos iisa na ang likaw ng mga bituka nyo.

Nararamdaman nila kapag may tinatago ka.

Humagalpak ng tawa si Angelika at kahit ang mahinhin kong pinsan ay di maiwasang panggigilan ang braso ko dahil sa sinabi ko.

"Tae ka, Liza. Sayang yun!" Muli siyang tumawa ng malakas dahilan para mapatingin samin ang ilang kaklase namin.

"Sayang ka jan! Nabigla ako eh. Ano ba dapat reaction sa ganon?" napapangiwing sabi ko.

"Dapat Oo na agad! Mahina ka, Liz!" nang -aasar na sabi niya.

"Err...namental block ako eh. Nung sinabi niyang can I kiss you... ilang segundo ata akong naging lutang noon eh" napangiwi ako sa naalala.

"Tas nung naka react na ako...ang unang pumasok sa isip ko...hampasin sya sa braso tapos tinakbuhan ko na sya. Pumasok ako agad sa jeep!"

Pag naaalala ko ang pangyayaring 'yon... parang gusto kong maging bula nalang at pumutok para hindi na ako makita ng lahat. Para makaiwas sa awkwardness na nararamdaman. Lalo pa pag naaalala ko ang reaction ni Jk sa sinabi ko.

"Wala kang sinabi, Liz? Doon sa tanong niya? Tumakbo ka lang agad pagka hampas mo sa kanya?" Natatawa pa ring tanong ni Jillian.

"Uh, meron naman! Sabi ko baliw to' tas ayun... hinampas ko sya sa braso tapos tumakbo na ako sa jeep. Naduwag ako eh!"

Ilang minuto pa akong ininteroga ng dalawa. Kung hindi lang siguro pumasok si Ma'am Adalia para sa Afternoon period namin ay hindi pa nila ako tatantanan.

Kinagabihan ay nagrereview ako para sa long quiz namin sa Comm Arts nang biglang tumawag sa akin si Jk.

Bumalik sa akin ang hiyang naramdaman ko noong oras na iyon sa Market.

Ito palang kasi uli ang unang pag-uusap namin sa cellphone mula nang pangyayaring 'yon.

Madalas kasi ay sa text nalang uli kami mag-usap. Bukod pa doon ay halos ang tungkol doon ang naging topic naming magkakaibigan ngayong araw.

"Hey!" masiglang bati ni Jk. Mukhang kagagaling lang sa pagtawa.

"What's up? Musta?"

"I'm good, good! How's your day? Tired from school?"

"Slight!" Natawa ako.

"Bakit pala? What are you doing?" Nakarinig ako ng ilang ingay sa background. Parang may naghahampasan o naghahabulan. Hindi ako sigurado. Halos sabay sabay ang mga nagsasalita at nagtatawanan.

"Maingay!" natatawa kong sabi.

"Are you outside?"

"Come 'ere you fucker!" Nagulat ako sa sumigaw.

"Lolaaa!" slang na sigaw naman ng isang boses babae.

"Hey Jk help me tie her up!—

Hoy ano yan? May katawagan ka na naman!"

"Loser! Whatever!" narinig kong saway ni Jk sa kung sino mang sinabihan niya. Ilang segundo ang lumipas bago tumahimik ang paligid. Mukhang lumayo siya sa mga kasama niya.

"Sorry 'bout that" namamalat ang boses na sabi niya.

"My cousins are kinda loud. I had to leave the house so we can hear each other clearly" tumikhim siya.

"Anong meron pala? Looks like you're having fun there. Musta Romblon?"

"Yeah" mabagal niyang sabi.

"Romblon is wonderful. As always. Remember what I told you? One day, I'll bring you here with me and I will introduce you to my relatives"

Sinabi niya na ito sa akin noong nasa coffee shop kami. Ito ang pangalawang beses na inulit niya ito.

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Hindi ko rin alam kung seryoso ba siya o nagbibiro lang. Pero mas gusto kong isipin ang huli. Para safe.

Ilang segundo kaming binalot ng katahimikan. Naririnig ko lang ang paghinga niya. Dinampot ko ang ballpen ko at kinatok-katok ito sa study table ko habang walang nagsasalita. Ito iyong klase ng katahimikan na hindi naman nakaka ilang. Ayos lang kahit paghinga nya lang ang naririnig ko sa kabilang linya.

"I think we'll stay here until the end of the month. Sayang I get you see you only once and I don't think i will be able to see you again before we leave the country"

Nanlumo ako sa sinabi niya. Malapit na talaga silang umalis. Wala pa man, namimiss ko na kaagad siya.

"Haaay! I miss you already!" natatawang sabi niya.

Nakita ko ang reflection ko sa salamin na nakasandal sa lampshade ko. Unat na unat ang labi ko sa pagkakangiti. Ang hirap magpigil ng kilig.

"That night... I really really wanted to kiss you!" Natahimik ako sa inopen niyang topic.

"I was shocked though. I wasn't expecting that kind of reaction from you" natawa siya na para bang may inaalala.

"Jk!"

Mas lalong lumakas ang pagtawa niya ng sawayin ko sya .

"What? Why? Are you shy?"

"Oo kaya!" mabilis kong sagot sa kanya.

"I was supposed to be the one who's shy. It took me a lot of courage to asked you that then...what? You just laughed at me. And after that what did you do? You ran away!" tumatawang kwento niya.

"Eh siyempre! I wasn't expecting that question from you, too. Bigla bigla ka eh"

"Do you think it's better if i just kissed you that night without asking your approval?"

Hindi ako nakasagot. Wala akong maisagot!

"I just thought you'll like it if i asked permission from you first!"

"Ah! Tama na nga! Why is this our topic?"

"Why? Come on! Don't be shy!" natatawa pa ring sabi niya.

"So, what do you think is better, huh?"

"Dapat di ka na nagtanong. Makakapag reklamo pa ba naman ako kung tapos na." Mabilis na sagot ko.

Wala akong planong i-translate ang sinabi ko sa kanya. Bahala siya!

"English please!" Natatawang paalala niya.

"Also, I got scared that night. I thought you're going to slap or punch me!"

Napangiti ako.

"So, natakot ka sakin?"

"Of course! Who wouldn't? You're a small bean but I'm definitely sure that you are strong. As strong as Incredible Hulk."

Narinig ko na naman ang halakhak niya.

"Ha-ha!" Kunyare ay sarcastic akong tumawa para asarin din siya kahit pa ang totoo ay natatawa talaga ako sa kakulitan niya.

Ilang saglit ay tumahimik siya.

"You looked at me that night like..." sinadya niyang bitinin ang pagsasalita.

"Pano ba? Sige nga... how do i look at you that night?" hamon ko sa kanya. Naiilang at natatawa sa pinag-uusapan namin.

"You look at me like you want me to kiss you" mahinang sabi niya.

"Huy! Hindi ganon! Baliw talaga ito! Pinagtitripan mo ba ako?"

"What? Didn't understand you." natutuwang tanong niya.

"Kung anu-anong sinasabi mo jan!" angal ko.

"What?" Natatawa pa ring tanong niya.

"Wala!"

Napairap nalang ako sa hangin. Hay naku, John Kristoffer!