webnovel

40 days

They all says that after death you have 40 days to travel and enjoy the earth as a spirit. But for Yuan, she can't leave her love ones in an instance, so she tried figuring the things she must do to stay and live.

jedaii_calventas · Fantasy
Not enough ratings
15 Chs

Chapter 6

Chapter 6

WONDER YUAN

Bumilis ang tibok ng puso ko, gusto ko siya masilayan. Ngunit nauuna a ng kaba at hiya, ano sanang rason bakit ko siya lalapitan.

Ang pangit naman kung hihintay ko siya rito bumaba para masilayan ko siya habang papasok sa kanyang sasakyan, ang weird naman non. Bakit kasi ang gwapo mo sir, bakit kasi ako na love at first sight sa iyo. Ang anghel ng iyong mukha, ang tikas niya tignan pag siya'y nakatayo. Dagdag pa ang kulay ng kanyang mata na mas nakakabilib, kitang kita ang pakabrown kalo na pag nasisinagan ng araw.

"Mam sa labasan pa ang sakayan" nagulat ako pagkasambit ni manong sakin

"manong mamamatay naman ako sa gulat pwede naman mangalabit eh!" ani ko

Paalis na sana ako non maisipan ko magtanong kay manong guard kapalan na lang ito ng mukha total pareho naman kami ng boss na nagpapasahod samin

"Kuya bat nanjan pa sir? Ganitong oras ba opisina niya?" tanong ko habang kunware may kinukuha ako sa bag para di naman halata na interesado

"ay ngayon lang yan mam, kanina pa yan jan pero hindi naman pumasok sa loob, may parking naman siya sa taas, nagtataka nga rin ho kami bakit" sagot sakin ni manong guard

Hindi naman sa nalahian na din ako ng tsismosa syempre di mo maiiwasan macurious, which is yun ang unang hakban paano maging tsismosa, ang gulo ko noh?! Syempre nagpasalamat na ako kay manong guard at nagsimula na ko maglakad papuntang sakayan ng bigla kong may narinig sa may iskinita na pinag yoyosihan nina keneth, madilim na sa kalsada at wala na masyadong tao

"hoyyyy tekaaa lang" sigaw ng boses kaya naman agad agad na muna ako tumawag sa pulis para magbigay ng impormasyon at makapunta sa lugar na ito.

Papalayo ng papalayo ang boses habang palapit ako sa eskinita ng biglang nasinigan ng munting poste sa ilaw ang lalaki,

Nagtama ang aming mga mata ng wala pang ilang Segundo dahil may lalaking tinututukan siya ng baril, habang siya ay nakahiga na sa may kalsada at pasakto naman ako liningon ng taong nakamaskara ng itim.

Halos manghina ang kalamnan ko at buong pagkatao ko sa nasasaksihan ko ngayon, ang aking hinahangan nakahiga sa may kalye, walang malay at duguan ang mukha, hindi naman ganito ang mga napapanood at nababasa ko sa mga mayaman na kagaya niya dahil imposible na magkaroon siya ng malaking pera.

Akma naman ako lalapitan ng lalaki pero may isang lalaki na sumigaw, baka kasamahan din niya na ikinagulat ko dahil nasa likuran ko nanggaling ang lalaki. Paglingon ko ay hinablot niya ang aking bag na rason kaya natumba ako malapit kay Sir Tj.

"Patayin mo na silang dalawa, ano pa ang hinihintay mo" sigaw ng isang lalaki

Tumulo na ang aking mga luha, nakuha pa ng lalaki na hablutin ang buhok ko dahil sa ayaw ko biyawan ang aking bag.

Nanginginig ang lalaki na itutok kay sir Tj ang baril, nanginginig ang buong kalamnan ko sa takot at napapapikit sa sakit ng ulo at katawan dahil sa pagkakabagsak.

"BAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAANGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG" isang malakas na tunog galing sa baril na ikinasa at ipinutok.

Bilang na bilang ang aking hininga ng itutok muli kay Sir Tj ang baril, hindi pa ba sapat ang pagdagan ko ng aking katawan kay sir? Tinitigan ko ang kanyang duguan na mukha hanggang sa

"wiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiwwwwwwwwwwwwwwwwiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiwwwwwwwwwwwwwwiiiiiiiiiiiiiiiwwwwww" may pulis na, naibulong ko pa kay sir Tj.

Kumaripas ng takbo ang dalawa tangay tangay ang bag ko at may malaking sobre, hanggang sa napipikit na ako at hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari.