Chapter 5
Ang tagal na talaga magmula noon hindi ko na nakita yung si Sir Tj. Ni isa sa amin ay walanag nakaka alam kung nasan ang kanyang opisina, maging ang kanyang secretary ay hindi alam kung nasan nagpupunta ang kanyang boss, basta tumatawag na lamang raw ito kapag may tanong o di kaya ay iuutos na gagawin niya.
Nagsimula na rin pumasok si Gubat, at maging ako matatapos ko na ang isa sa mga ambisyon nina mama at papa. Huling pasa ko na lang ng aking huling portpolyo ay pwede na ako hindi magpakita sa skwela. Problema ko lang papaano ko masosolusyonan yung mga sets na gagawin ko dahil kailangan, makalikha ako ng sarili kong magazine. Nasa Hepa lane kami ni Ken, dahil super tipid nga naman dito, nakakabusog pa.
"Hoy, ang lalim nanaman ng iniisip mo, miss mo nanaman ba crushie mon a parang di nag eexist, parang nasa loob lang ng magazine??" tanong ni Keneth sabay subo sa kwekwek
"hoy ka rin, tulungan mo na lang ako magphotoshoot" wika ko habang tinitignan siya usubo yung kwekwek
"Ano ka ba ang dali dali naman yang pinapagawa mo eh! Alam mo ba ang rami sa opisina kina iinggitan ka, dahil kahit wala kang kolorete sa mukha, itsura mo pa din mukhang manika. Yang puti mo parang walang bahid ng kahirapan sis! Sana all!" wika ni Ken na tinitignan pa ako mula ulo pababa
"Hindi mo pa kasi nakikita si Forest, mas maganda yun, bagay na bagay niya talaga magmodelo" wika ko
"gaga ikaw ang usapan hindi ang kapatid mo, nakikita ko na siya sa Instagram. Bakit hindi niyo pagkakitaan ang ganda niyo, ganda naman lahi niyo beshy, wag sayangin." Sabat nanaman ni Ken akala mo naman nakakatuwa eh!
Pabalik na kami ng opisina ng biglang may mabilis na motor na muntik na akong matagis, paglingon namin ni Ken kasunod nito ang mobile ng pulis.
"Gago non ah! Meron nanaman siguro nasnatchan, muntikan ka na din don" wika ni Ken kasi natapon yung kinakain niya dahil na din sa pagkahawak ko sakanya.
Mabilis lang nayayare ang bwan at malapit nanaman magtapos ang taon. Hindi ko na namalayan ang oras at ako na lamang ang natira sa opisina. Hindi ko naman akalain na matatapos ko ngayon araw yung pinapatapos nila sa akin, atleast bukas pwede ko na masimulan yung project ko sa school.
Habang nag aayos ng mga gamit ko, naisip ko din yung buhay ko ng nakaraan. Pagpasok sa eskwela dederetso na ako rito at gagawin ang mga piapagawa nila sa akin. Madalas naman kapag nasal abas kami, Mabuti na lang at naintindihan ako ng mga instructor naming, dahil kahit na late ako nakakapasok o di kaya ay wala ako sa klase, binibigyan pa din nila ako ng special exams at projects. Lalo na sa ojt ko hindi na ako nahirapan dahil mismo dumito na lang ako, inayos na lang ni Sir Jay yung grade ko.
"Mam? Palabas na po ba kayo?" Sigaw ng gwardya sa kabilang pasilyo na ikinagukat ko,
Minsan lang ako abutin ng ganitong oras at hindi pa si Sir Nanding ang nakaduty, kaya siguro pinaghihinalaan na ako ng gwardya.
"Opo sir, patapos na po inayos ko lang ang aking lamesa" sigaw ko para madinig maigi ni manong
Habang naglalakad papalapit sa pintuan, iba ang dampi ng hangin, may lamig na nagsasanhi na tumaas ang aking balahibo, ang weird pa, nararamdaman ko lang to kapag taeng tae na ako. Pero ngayon hindi naman masama ang tiyan ko, kaya binilisan ko maglakad palabas ng building kasi mamamatay ako sa takot don, baka magpakita sa akin ang itay at nagagalit. Nakakatakot pa naman iyon magalit baka isama si Sadako sa kanyang pagbisita.
Saktong paglabas ko nakita ko ang sasakyan ni Sir Tj.