webnovel

30 days to get married! sub series: THE BLACK PRINCESS!

30 days to ge married! Sub series: THE BLACK PRINCESS! This volume tells the story of Sophia and Rain's adventures in their young age. Sophia becomes a respectable leader when she solidifies the control in the organization, and was later known as a “Black princess” The two of them deals with love, friendship and betrayal when someone close to her is bound to betray her. "I've known you for a long time!" Sophie said calmly. "But why?" "We are just in opposite side with the same goal, they used you in a wrong way!" The war between friendship and responsibility! This is an original novel @ll right reserved.

XiaoXinYue · General
Not enough ratings
170 Chs

Escape Route [2]

Meyoooow. .meyooow!"

Muntik ng bumulanghit ng tawa si Zach pero binatukan siya ng dalaga.

"Pusa lang pala!" anito sa mga kasamahan.

Hinila ng dalaga si Zach papalayo, nang bumalik sa normal ang paligid. 

Nang makalayo layo na sila she stop at sinipat ang sarili, she was wearing a white blouse, while Zach was wearing a dark polo shirt. 

Walang pag alinlangan hinubad niya ang damit sa harap ng lalaki.

"What are you doing?" 

Ani Zach na biglang napalunok ng laway.

"Remove your shirt—!"

"Why?" 

naguguluhang tanong ni Zach, there's no way Sophie would have such thought in the middle of this jungle?

Sophie read what was running in his mind.

"Save your stupid idea, Mr. Accuesta!" 

anyang inangilan ito. 

"Makikita nila tayo sa malayo with this blouse, you get it?"

Madilim dilim pa pala just incase matunugan ng mga yon ang pagtakas nila, madali silang matunton. 

White colored dress will light in the dark lalo na pag nasinagan ng flashlight.

"What—are you just going to stand?mamaya kana magmuni muni, I'm dying in cold here!"

aniya sabay bahing tila natauhan naman si Zach, hinubad niya ang pang itaas na damit, naalala niyang kulay itim din pala ang suot niyang sando.

Napakunot noo siya, how did Sophia knew—?

"You hate everything that has white on it!" 

aniya ng mabasa ang nilalaman ng utak ng lalaki. 

Again he was shocked, how on earth did she knew about it?

"Stop dawdling—we have to move our ass before they realized we're gone!"

Anyang hinila ang kamay ng lalaki. They were running like an eternity when Zach could no longer move, he was so tired.

"Stop—we have to stop, atleast five minutes!"

Hinihingal nitong sabi, Sophia look around and found out na malayo layo na sila.

"Ok fine, but still we have to stay alert!"

"Yes, boss!"

They both sat on the grass. It was already a break of the dawn as the sun starts to rise from the east.

Sophia noted that they were in the northern side of the country base on the sun.

Meanwhile. .

"Anong kabobohan itong pinaggagawa ninyo?"

Nagulantang ang lahat mula sa mahimbing na pagkatulog ng makarinig sila ng malakas na sigaw.

"Boss napaaga ata kayo?"

Anang isa sa mga kidnapper na antok na antok pa.

"Tanga!" 

anitong binatukan ang lalaki.

"Buti nalang pala napaaga ako rito, mga gonggong kayo!"

Inis na inis na bulyaw ng kanilang leader ng madatnan nitong nakahilata pa ang mga damuhong niyang tauhan.

"Eh boss—"

"Saan na yong babae? Anong ginawa ninyo sa kanya?"

"Wala ho boss!" 

napakamot sa ulong depensa ng isa sa mga tauhan niya.

"kidnappers lang tayo hindi tayo rapist,umiwas kayo sa mga babae kung ayaw niyong magkadaletse letse yang mga buhay ninyo!"

"Yan na nga po boss eh, gabi na kasi kami nakarating dito, tapos wala palang pantali, kaya—"

"Kaya ano?" nakakunot noong tanong ng kanilang amo.

"Nirolyo namin sila sa—"

"Ang laki ninyong tanga paano kung nakatakas yong mga yon?" 

"Malabo ho, boss!" nakangising sambit ng lalaki. "Mahigpit po ang pagkarolyo namin sa kanilang dalawa!" 

"Dalawa?—Anong dalawa?" 

napamulagat na tanong ng kanilang amo. 

"Diba't babae lang ang target natin?"

"Nakita kasi kami nitong lalaki, sinama nalang namin!"

"Anak ng putang ina!" 

he gritted his teeth at akmang susuntukin ang lalaki.

"Itali niyo mga yon, mga wala kayong kwenta. Pag nakatakas yong mga yon malilintikan kayo sa akin"

anitong nasabunutan ang sariling buhok sa sobrang inis.

"Boss. . Boss bad news ho!" 

Anang namutlang lalaki. 

"Ano?" anito at patakbong sinugod ang kinaroroonan ng mga bihag.

"Anak ng! Wala talaga kayong kwenta mga inutil!" anitong pinag tatadyakan ang kanyang mga alipuris.

"Ano pang ginagawa niyo mga gago kayo? Bilisan ninyo ang pagkilos ng di pa nakakalayo mga iyon, mga inutil"

Inis na inis na naghuhurumintadong leader.

"Ma'am bad new ho, nakatakas po yong dalawa!"

Bungad ng lalaki ng tawagan niya ang master mind sa pagkidnap kina Sophia.

"Ang la'laki ninyong tanga! Anong dalawa pinagsasabi mo?"

"Maam may kasama hong lalaki yong babae?"

"What?" 

napabulalas na tanong ni Moira. Bigla niyang nahilot ang sentido. 

Kung may kasama ang bruha isa lang ang ibig sabihin non, si Zach! 

She intended to keep them apart, but what the hell is this? Anyang di makapaniwala. 

Are they really destined with each other kayat pati panahon nakikisama sa kanila? 

Is there really a thing like that? No way! It's impossible, Zach would never be smitten by that witch so easily. He just probably wants something new!

Pakunswelo niya sa sarili, she had known Zach long ago to know what kind of man he is.

"By any means don't hurt the man, wala akong pakialam ano man gawin niyo sa babae, kill her, shoot her, I don't care but never lay a hands sa lalaking kasama niya naiintindihan mo ba?"

"O. .opo maam!" 

natatarantang sagot ng lalaki.