[This novel is under editing.] Si Dorothy ay isang prinsesa ng Immortal Realm na ubod ng yabang at isip bata. At dahil sa kanyang ugali ay isinumpa siya ng isang puting mangkukulam dahil sinira niya ang tirahan nitong gawa sa puno. At ng dahil sa sumpa ay hindi tumibok ang puso niya at siya'y ipinatapon sa Mortal World. Gaano man kalakas ang kapangyarihan ni Dorothy ay hindi niya kinaya ang sumpa ng puting mangkukulam. Sa Mortal World ay kinilala siya bilang si Mandee, isang hot model at sikat na sikat. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nakilala niya si Lawrenz, isang heartrob at sikat sa kanilang paaralan. Ano ang mangyayari sa kanilang dalawa? Paano matatanggal ang sumpa? At paano siya makakabalik sa Immortal Realm? Disclamer: This story is a work of fiction. The names, characters, places, incidents and other scenes are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or person, living or dead is entirely coincidental. No part of this story may be reproduced in any form or by any means without the permission of the authors.
"Princess Dorothy, halina at magsanay." Sabi ng isang magister (tawag sa isang tao sa Immortal Realm)
"Ayoko nga! *pout*" sabi ng prinsesa na nagngangalang Dorothy.
"Sige na po mahal na prinsesa. Hanggang ngayon na lang ang inyong pagsasanay." Sabi pa ng isang magister.
"Ayoko nga!"
Palibhasa'y anak ng hari at reyna ng Immortal Realm si Dorothy, binabalewala niya lang ang mga ito. Hindi pinapansin.
Mayabag at may pagka-childish ang dalagang prinsesa. At gusting-gusto niyang pinipilit siya,
"Princess Dorothy, saan po kayo pupunta?" tanong ng isang magister.
"Edi sa labas ng palasyo! Saan pa ba?" taas-kilay na sagot nito at umalis.
Habang naglalakad siya sa labas ng palasyo, may nakita siyang isang waiss hexe (tawag sa mga puting mangkukulam sa Immortal Realm) kaagad niya itong nilapitan.
"Oi tanda, anong ginagawa mo?" natatawang tanong prinsesa. Tiningnan siya nito.
"Edi pinapalago ang puno. Tirahan ko 'to." Sagot ng waiss hexe.
"Gusto mo tulungan kita?" sabi ng prinsesa na ikinatuwa ng waiss hexe.
"T-TALAGA? Maraming salamat hija!" itinigil ng waiss hexe ang paggamit ng vlada (tawag sa kapangyarihan sa Immortal Realm) niya para ang prinsesa na ang tumuloy.
Ngumiti ng nakakaloko ang prinsesa. At imbis na palaguin ang puno ay sinira niya ito.
"HAHAHAHA!!! Oi tanda! Tingnan mo ang bahay mo! Giba-giba na! HAHAHA!!! Wawa naman!!" pang-aasar pa ng prinsesa.
"ANONG GINAWA MO SA NAG-IISA KONG BAHAY?!!" tumingin ito sa kanya ng masama. "Wala kang karaptan na gawin 'yon!"
"Ows? Talaga tanda? May karapatan ako kasi prinsesa ako! Ako si Dorothy! I can do whatever I want! And I can get what I want! While you? You're just a white witch." Pagmamayabang nito.
Lalo pa siyang tinitigan ng masama ng waiss hexe. Unti-unting naglakad ang waiss hexe papalapit sa kanya. Nakakatakot ang bawat titig nito na animo'y kaya siyang kainin ng buhay.
"Masyado mong ninamnam ang pagiging prinsesa mo! At dumating ka na sa punto na wala ka ng pakialam sa lahat. Masyado ka kang mayabang. Na akala mo na dahil prinsesa ka, kaya mong gawin ang lahat dahil makapangyarihan ka at iba ka!" natigilan ang prinsesa at gulat na gulat sa sinabi ng waiss hexe. At mas lalo siyang nagulat at natakot ng may inilabas itong vlada sa kamay niya.
"At dahil sa ginawa mo, marapat ka lang bigyan ng kaparusahan!" itinutok ng waiss hexe ang kanyang vlada sa puso ng prinsesa na naging dahilan ng matinding pagsigaw nito.
"AAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!" matinding sigaw ng prinsesa.
"Bilang kaparusahan, mawawalan ka ng kapangyarihan! Maganda ka pero mababawasan ang kagandahan mo! Magiging mortal ka at makakaranas ka ng iba't-ibang sakit! At higt sa lahat, mabubuhay ka ng hindi tumitibok ang puso mo! At hindi ka magkakaroon ng ekspresyon! At ikaw ay mabubuhay sa Mortal world! At kapag napatibok mo na ang puso mo, doon mo na makukuha ang iyong vlada, at ang iba pa!"
Pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon ay parang bulang nawala ang prinsesa.